HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 8, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 2:12 am

1. PHR 3017 In My Heart And In My Soul by Kayla Caliente



Dahil sa tampo sa daddy niya ay nag-alsa-balutan si Nikki at nagpunta sa probinsiya ng dating yaya niya. Doon ay nakilala niya si Landon. Makisig at guwapo sana ito pero nuknukan ng sama ang ugali.
Ipinalagay niya na magtutuluy-tuloy na ang MU nila ng pagkayamot sa isa’t isa pero bigla ay nag-iba ang lyrics ng kantang inaawit ng puso niya. At milagrong malaki na tila si Landon man ay tinablan ng sex appeal niyang ni hindi niya alam na mayroon pala siya.
Pero ano na lang ang magiging reaksiyon ng daddy niya kapag isang magbubukid ang iniharap niya rito bilang future son-in-law nito? Hindi niya ma-take na pati pagpili niya ng lalaking mamahalin ay laitin nito. Labag man sa loob niya ay napilitan siyang iwan si Landon at kalimutan na lang niya ito.
But he had a big surprise in store for her. Pero nang malaman niya iyon, imbes na matuwa siya ay nanlumo siya. Dahil pinatunayan lang niyon kung gaano siya kababaw na tao…

2. PHR 3018 Nissi's Destiny by Dawn Igloria



Isang buwang tumira kina Nissi si Walter. Sa loob ng panahong iyon ay napalapit nang husto ang loob niya rito. She was almost sure that he felt something for her, too.
Almost. Dahil oo nga at may mga pagkakataon na sa mga tingin nito at pag-aalala ay parang may gusto ito sa kanya, ngunit wala naman itong inaamin.
Nang umalis na ito sa kanila ay ilang araw itong hindi nagparamdam man lang. Nang magkita naman sila ay ganoon pa rin ang drama nito—pinaghuhula pa rin siya.
Sinita niya ito kung bakit ilang araw itong hindi nagpakita. Tinanong siya nito kung gusto raw ba niyang makita pa ito.
Heto na naman sila, nagpapakiramdaman. Hanggang sa nagpasya siya na ibaba na lang ang kanyang pride at alamin dito, once and for all, kung ano ba talaga ang estado niya sa puso nito. Magkaalaman na, ang matapang na pasya niya. Ngunit pinagsisihan kaagad niya ang kapangahasan pagkatapos niyang may matuklasan tungkol dito.

3. PHR 1030 Una Sa Puso Ko by Dawn Igloria



“Ibig bang sabihin nito, wala na ang tampo mo sa akin?” nakangiting sabi ni Jasmin nang tanggapin ang mga bulaklak at hayaan ang guwapong binatang hagkan siya sa pisngi.
“Wala naman talaga akong tampo sa `yo,” ani Sigmund. “Naisip kong ang naibibigay ko pa lang palang bulaklak sa `yo ay `yong nag-iisang camia na pinitas ko pa sa mga tanim n’yo.” Tinabihan siya nito sa malambot na sofa. “Na-miss mo ba `ko?”
Definitely ay na-miss niya ito—sa kabila ng natuklasan niya tungkol dito at kay Frieda.
Nagdadalawang-isip tuloy siyang sabihin dito ang binuo niyang pasya. Hindi yata niya kayang saktan ang lalaking itinangi na ng puso niya noong sampung taong gulang pa lang siya…

4. PHR 1330 Butterscotch by Andrea Coronel



Mula nang mamatay ang papa ng equestrienne na si Sarah ay hindi na siya muli pang sumakay sa kabayo. Naging sunud-sunuran na lamang siya sa mga kagustuhan ng mama niyang si Charito. Pakiramdam tuloy niya ay wala na siyang kalayaan.
Ngunit makalipas ang anim na taon ay nakatakda nang magbago ang lahat sa kanya nang makita niyang muli si Butterscotch, ang kabayong iniregalo ng papa niya sa kanya. Nanumbalik na ang kumpiyansa niya sa sarili at naramdaman niya ang presensiya ng papa niya tuwing nakasakay siya kay Butterscotch.
Subalit iba na ang nagmamay-ari sa kabayo, ang simpatiko at guwapong si Marco. Para mapasakanya ang kabayo ay may ibinigay itong mga kondisyon na dapat muna niyang tuparin.
Sa huling competition na sasalihan niya ay hindi lamang gintong medalya ang nakataya. Her heart was also at stake, dahil magmula nang makilala at makasama niya si Marco ay may kakaiba na siyang nadarama para dito.
Subalit paano ang kasal nila ng fiancé niya?

5. PHR 1142 Bigla-bigla, Isang Pag-ibig by Francia Alejandrino



Hindi naranasan ni Pam ang magmahal at mahalin. Dahil para sa kanya, pare-pareho lamang ang ugali ng mga lalaki. Mambobola at manloloko. Nanghihinawa na siya sa paghihintay sa lalaking tutugma sa mga kuwalipikasyong hinahanap niya nang umeksena si Greg.
Pasado na sana ang lalaki sa panlasa niya kung hindi lamang sila na-involve sa isang insidenteng pareho nilang hindi naiwasan. Dahil doo’y kinailangan niyang turuan ang kanyang puso na ituring itong kaaway sa halip na isang kaibigan.
Kahit pilit niyang itinago ang kilig sa bawat paglalambing nito. Kahit na kinokontra niya ang bawat sabihin nito. Kahit na umiibig na siya rito…

6. PHR 1387 Endless Love by Raquel Panganiban



Sarah thought it was foolish to fall in love with her best friend, Aldrin. Inilihim niya iyon dito dahil matayog ang ambisyon nito. Napakarami nitong pangarap sa buhay.
“Balang-araw ay aalis ako rito. Hahanapin ko ang kapalaran ko sa Maynila. Pagbalik ko ay mayaman na ako,” minsan ay nasabi nito sa kanya.
“Go on with your dreams,” sabi niya rito kahit labis siyang nasasaktan. “Hanapin mo ang sarili mo. Buuin mo ang pagkatao mo. Gawin mo kung ano ang makakapagpasaya sa iyo.” At kapag nagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin, kapag narating mo na ang gusto mong marating, nandito lang ako at naghihintay.
Sa pagbabalik nito, magkaroon naman kaya ng katuparan ang hiling ng kanyang puso?

7. Territorio Delos Hombres Series 47 Benitto Sierna 1 by Vanessa



Nang makilala ni Aurora si Ito ay simple lang ang buhay niya sa isang baryo sa probinsiya. Daig pa nito ang isang artista sa kanyang mga mata at labis siyang humanga rito. Hindi niya inakalang magkakagusto rin ito sa kanya sa saglit na panahong nagkasama sila.
Pinakasalan siya nito. Ngunit pagkatapos ng kasal ay hindi na ito muli pang nagpakita...

8. Territorio Delos Hombres Series 48 Benitto Sierna 2 by Vanessa



Aurora waited for ten years to see Benitto again. Ito ang dumurog sa puso niya at nang-iwan sa kanya noong mga panahong kailangan niya ito. Wala siyang hindi gagawin upang makabayad ito sa lahat ng ginawa nito sa kanya.
Her main goal now was to mess up his life the way he did with hers. Pero bago iyon ay dapat niyang patatagin ang sarili upang hindi muling mahulog sa karisma nito...
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 3:30 am

thanks for postig..


ang macho naman ni Benitto Sierna! lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 6:20 am

nyeee.... walang camilla at rose tan....

wala parin si lolo lion. Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 7:25 am

apat ang reprint!
tnx ms. Jen
lol!
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 8:54 am

hmmmm galing....
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
kimi
Senior
Senior


Number of posts : 422
Age : 26
Location : somewhere down ilocos..
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 12:21 pm

i really love thse Raquel Panganiban reprints. cheers
Back to top Go down
http://www.pinatbaterkaaap.blogspot.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 2:32 pm

raveneyes wrote:
thanks for postig..


ang macho naman ni Benitto Sierna! lol!

yahhhhhhhh,,,


at malapit na si malvar...

2 hombres na lang..

si malvar na..... vwahahahahhaha
Back to top Go down
rock_candy
Junior
Junior


Number of posts : 36
Age : 30
Location : philippines
Registration date : 2008-06-22

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 4:21 pm

wlang ms sofia and ms. sonia

hayy..

anyway, s mga daniel henney fans watch nyu ung x-men origins:wolverin andun xa..

hehe..
Back to top Go down
-MaLoU-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1298
Age : 21
Location : bataan
Registration date : 2009-01-25

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 4:30 pm

alng gwa c lola c ngaun...

syang nman...
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 9:46 pm

may abgong post na naman... hehe bkit po alang camilla? sayang nmn hehe....


pero okay lang... kc may dawn igloria naman eh... hehe...



thanks for posting....
Back to top Go down
athena
Newbie
Newbie


Number of posts : 3
Age : 27
Location : makati city...
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 10:50 pm

Cool walang bago si arielle? galing nyang writer! my favorite..
the best! try nyo mga books nya... Laughing
Back to top Go down
blue_demon
Newbie
Newbie


Number of posts : 26
Age : 26
Location : Baguio
Registration date : 2009-03-26

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 11:17 pm

ba't walang sonia francesca?
kailan kaya magkakaroon ng reprint ang mga gawa ni Arielle?
hintay na lang tayo...
Back to top Go down
http://justaclickaway.multiply.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 15, 2009 1:06 pm

Wala bang release ngayun? Crying or Very sad
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Wed Apr 15, 2009 10:33 pm

jilo wrote:
Wala bang release ngayun? Crying or Very sad
anung nangyari? Surprised
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: April 8, 2009 Book Release   Today at 10:20 pm

Back to top Go down
 
April 8, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Copenhagen April 25. 2009 (Kristensen - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» 23RD APRIL WORLD BOOK DAY
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: