HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 April 1, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 1:00 am

1. PHR 3011 Nadia's Romance by Vanessa



Isang aroganteng tao ang amo ni Nadia. Pero okay lang iyon sa kanya dahil malaki naman ang pasuweldo nito. Nakakainis man ito ay tinitiis niya, lalo na at nasasabi niya rito ang mga gusto niya. Malakas ang loob niya dahil alam niyang kailangan siya nito sa trabahong hindi nito inaasahang iaalok sa kanya.
Ngunit isang araw ay biglang nagpa-cute ito sa kanya. Umikot ang mundo niya. Matagal na kasi siyang may crush dito... Totoo ba iyon? Paano siya nagustuhan nito gayong ang babaeng madalas nitong kasama ay isang beauty queen?

2. PHR 3012 Si Florentina, Ang Bulaklak Ng Quiapo by Camilla



Hinahanap ni Rosauro ang kapatid niyang si Minola. Nang may makapagsabi sa kanya na tindera daw ito sa isang flower shop sa Quiapo ay hindi siya nag-aksaya ng panahon. Lumuwas siya sa Maynila upang puntahan ito. Pero hindi niya inaasahan na bago niya makuha si Minola ay dadaan pa pala siya sa butas ng karayom. At may pangalan ang karayom na iyon: “Florentina.”

3. PHR 3013 Talipandas Na Puso by Kayla Caliente



Walang pakialam si Alma kung mabilog man siya at kailanman ay hindi papasa ang katawan niya bilang kandidata sa Miss Universe. Ang mahalaga, makain niya ang lahat ng gusto niyang kainin. Pero nang makita niya ang pagkadismaya sa mukha ng naka-blind date niya pagkakita sa mabilog na katawan niya, naengganyo siyang bantayan ang klase ng mga kinakain niya.
Pero nang unti-unti ay tubuan siya ng lihim na pagsinta sa ubod ng guwapo at simpatikong si Cole na ang kinahuhumalingan ay ang sexy at magandang kaibigan niyang si Ria, bigla ay parang gusto na niyang mag-avail ng lifetime membership sa isang sikat na fitness center!
Ano ang nangyayari sa kanya?

4. PHR 3014 The Fourth And Final Chance by Dawn Igloria



Gusto ni Candace na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Milton. Pero maraming factors na naglalayo sa kanila. Nabigyan man sila ng pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin nawawala ang mga “outside forces” na pilit silang pinaglalayo.
Umeksena si Johndy, ang best friend niya na may lihim palang pag-ibig sa kanya. Kamukat-mukat niya ay nasa motel na sila. At hindi niya alam kung paano nito nagawang magkagusto rin siya rito.
Hibang na siya kay Johndy at sa palagay niya ay nauubusan na naman sila ni Milton ng pagkakataon.
Bakit ba ang tadhana, sadyang hindi magaling sa math? Pinagsasabay niyon ang isa-isa lang dapat. Sino nga ba ang pipiliin niya kina Milton at Johndy?

5. PHR 3015 Desperately Seeking Zyra by Camilla



Eversince her best friend died, naging reckless sa buhay niya si Zyra. Iyon ang dahilan kung bakit naging “babysitter” niya si Van Bernales, ang guwapo ngunit morose na business partner ng kanyang kapatid. Kinalaunan, nadiskubre niya ang dahilan ng kalungkutan sa mga mata ng binata. That same night, she gave herself to him.
Ngunit sa pagsulpot ni Diana, ang fiancée ng namayapang kapatid ni Van, lumabo ang pag-asa ng puso niya para sa isang happy ending sa piling ni Van. Inako ni Van ang obligasyon sa babae. Sinisisi kasi nito ang sarili sa pagkamatay ng kapatid nito…

6. PHR 3016 Ursula And The Pure-hearted Romanticist by Cassandra



Guwapo, matalino, mayaman, at habulin ng mga babae si Alexis Francisco. Perpekto kung tutuusin. Kaya naman tinagurian itong “The Great Lord Alexis” ng mga nakakakilala rito. Pero hindi ito gusto ni Ursula kahit bilang matalik na kaibigan ng ate niya dahil bukod sa nag-uumapaw ang tiwala nito sa sarili, hindi naging maganda ang unang impresyong iniwan nito sa kanya noong una silang magkakilala.
Subalit nagbago ang tingin niya rito nang malaman niya kung gaano nito kamahal ang ate niya. Hindi niya akalain na bumababa ito sa trono nito para lamang sa kapatid niya. Nasaktan siya nang labis para dito nang malaman niyang kahit kailan ay hindi magagawang suklian ng ate niya ang pagmamahal nito. Umiyak siya para dito, dinamayan ito sa mga sandaling talunan ito at humiling na sana ay sa siya na lamang ang minahal nito upang hindi ito nasasaktan nang ganoon.
Pero paano nga ba mahalin at ang mahalin ng isang The Great Lord Alexis?

7. PHR 1035 Daan Patungo Sa Puso Ko by Sharmaine Galvez



Kapiling na niya ang buong pamilya pero hungkag pa rin ang pakiramdam ni Alexia. Nami-miss niya ang Pilipinas… at higit sa lahat, si Cris. Napaiyak siya… baka sa mga sandaling ito ay nagpapakaligaya ito sa piling ni Trixie.
“I intend to love you, not to make you cry,” anang pamilyar na boses. Iisa lang ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon.
Ano’ng ginagawa ng lalaking `to rito sa Texas?
Tinakasan niya ito nang ibando ni Trixie sa buong sulok ng showbiz sa Pilipinas na ka-live-in nito ang guwapong binata, na nakilala niya’t inibig bilang si Cris Torres at hindi ang public image nitong si Lance Anderson, ang movie actor.
Kung anumang pagpapaliwanag ang gagwin nito ngayon sa kanya, iisa ang tiyak niya: natagpuan na nito ang daan patungo sa puso niya…

8. PHR 1096 Paano Kita Mamahalin? by Laurice del Rio



Kung tutuusin, siya na halos ang nagpapatakbo ng Hillcrest Corporation mula nang magkasakit ang may-aring si Don Clemencio. Ngunit kahit gaano pa siya kagaling, imposibleng siya ang itanghal na chief executive officer ng kompanya.
Matagal na niyang gustong umalis at magtatag ng sariling negosyo ngunit papayagan siya ng don kung matutupad niya ang kondisyong itinakda nito—ang hanapin ang tunay na heredero nito. Walang iba kundi ang anak nitong si Clay Alferio.
Madali naman niyang natunton ang kinaroroonan ng lalaki ngunit may malaking problema: ayaw nitong maging kabahagi ng Hillcrest. At ang mas malaki pang problema, unti-unting nahuhulog ang loob niya sa arogante’t saksakan nang sungit na lalaki.
Ano kaya ang gagawin ni Clay kapag natuklasan nito ang tunay niyang motibo sa pagpunta sa San Bernabe? Ayaw na iyon isipin ni Mirren!

9. PHR 1555 The Most Eligible Guy For Katya by Raquel Panganiban



Katya was in her most depressing state. Wala pa rin siyang permanenteng trabaho at matinong boyfriend. Kaya naman nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang kompanya para sa kanyang interview ay nabuhayan siya ng pag-asa.
She was all set to go to Ortigas at naghihintay na lamang ng bus nang isang Mercedes-Benz ang dumaan sa kanyang harap at tilamsikan siya ng putik-baha.
Bumaba naman ang estupidong driver at humingi ng dispensa sa kanya. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang makitang kamukha nito ang man of my dreams niya na si Ethan Hawke. Halos mangalog ang mga tuhod niya sa pagtitig nito sa kanya. Ngunit hindi niya hinayaan ang sarili na mabighani sa lalaki. Pinaulanan niya ito ng mga nakakainsultong salita.
Huli na nang malaman niyang napakalaking perhuwisyo ang nilikha ng pangit nilang engkuwentro. Nanganganib na maglaho ang pagkakataon niyang magkaroon ng trabaho at, higit sa lahat, na maging masaya ang kanyang puso.

10. Señorito Series 17: Pedro by Rose Tan



A rich man needed an heir.
Pedro Samaniego knew that. Kailangan niyang mag-asawa dahil ayaw naman niyang tawaging bastardo ang magiging tagapagmana niya. Ang problema, ayaw niyang isuko ang kalayaang tinatamasa niya bilang binata.
Ang solusyon: He purchased a wife. Milyones ang halaga. Carmen ang pangalan. Hindi nagger, hindi demanding, walang pakialam dahil walang gusto sa kanya. Perfet wife.
Too perfect, to his dismay, because she was turning him into something fat, bald and boring called a “husband.” Ah, hindi dapat magtagumpay si Carmen. So he refused to sleep with her.
“Hindi ko kayang gumawa ng anak mag-isa,” reklamo ng ubod ng sexy na maybahay. Paano siya tatanggi?
Tiis, Pedro, tiis. `Pag hindi na kaya, you have two hands...


Last edited by Jen on Thu Apr 02, 2009 5:21 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 1:49 am

yeheyyy... my vanessa, camilla today.. thnks
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 2:11 am

wow ang aga ng post.

tnx ms. Jen

ariba2!
lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 3:43 am

thanks 4 posting.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 5:55 am

wow may camilla, rose tan at vanessa

may reprint pa nina sharmaine galvez, laurice del rio at raquel panganiban.

ang saya nito lol! lol! lol!

sana next week irelease na si lolo lion fortalijo.
Back to top Go down
princesshours
Newbie
Newbie


Number of posts : 21
Registration date : 2008-03-03

PostSubject: A rich man needed an heir   Wed Apr 01, 2009 8:57 am

A rich man needed an heir.
Pedro Samaniego knew that. Kailangan niyang mag-asawa dahil ayaw naman niyang tawaging bastardo ang magiging tagapagmana niya. Ang problema, ayaw niyang isuko ang kalayaang tinatamasa niya bilang binata.
Ang solusyon: He purchased a wife. Milyones ang halaga. Carmen ang pangalan. Hindi nagger, hindi demanding, walang pakialam dahil walang gusto sa kanya. Perfet wife.
Too perfect, to his dismay, because she was turning him into something fat, bald and boring called a “husband.” Ah, hindi dapat magtagumpay si Carmen. So he refused to sleep with her.
“Hindi ko kayang gumawa ng anak mag-isa,” reklamo ng ubod ng sexy na maybahay. Paano siya tatanggi?
Tiis, Pedro, tiis. `Pag hindi na kaya, you have two hands...


Para saan po itong teaser na ito? Para kasing hindi sya para sa Florentina ng Quiapo e! Though this teaser sounds interesting. Looks like its a beautiful story. Thanks.
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 10:18 am

princesshours wrote:
A rich man needed an heir.
Pedro Samaniego knew that. Kailangan niyang mag-asawa dahil ayaw naman niyang tawaging bastardo ang magiging tagapagmana niya. Ang problema, ayaw niyang isuko ang kalayaang tinatamasa niya bilang binata.
Ang solusyon: He purchased a wife. Milyones ang halaga. Carmen ang pangalan. Hindi nagger, hindi demanding, walang pakialam dahil walang gusto sa kanya. Perfet wife.
Too perfect, to his dismay, because she was turning him into something fat, bald and boring called a “husband.” Ah, hindi dapat magtagumpay si Carmen. So he refused to sleep with her.
“Hindi ko kayang gumawa ng anak mag-isa,” reklamo ng ubod ng sexy na maybahay. Paano siya tatanggi?
Tiis, Pedro, tiis. `Pag hindi na kaya, you have two hands...


Para saan po itong teaser na ito? Para kasing hindi sya para sa Florentina ng Quiapo e! Though this teaser sounds interesting. Looks like its a beautiful story. Thanks.



aAhaha.. sa Senorito yan! lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jodi
Master
Master


Number of posts : 514
Age : 30
Location : Quezon City
Registration date : 2008-03-05

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 10:38 am

raveneyes wrote:
princesshours wrote:
A rich man needed an heir.
Pedro Samaniego knew that. Kailangan niyang mag-asawa dahil ayaw naman niyang tawaging bastardo ang magiging tagapagmana niya. Ang problema, ayaw niyang isuko ang kalayaang tinatamasa niya bilang binata.
Ang solusyon: He purchased a wife. Milyones ang halaga. Carmen ang pangalan. Hindi nagger, hindi demanding, walang pakialam dahil walang gusto sa kanya. Perfet wife.
Too perfect, to his dismay, because she was turning him into something fat, bald and boring called a “husband.” Ah, hindi dapat magtagumpay si Carmen. So he refused to sleep with her.
“Hindi ko kayang gumawa ng anak mag-isa,” reklamo ng ubod ng sexy na maybahay. Paano siya tatanggi?
Tiis, Pedro, tiis. `Pag hindi na kaya, you have two hands...


Para saan po itong teaser na ito? Para kasing hindi sya para sa Florentina ng Quiapo e! Though this teaser sounds interesting. Looks like its a beautiful story. Thanks.



aAhaha.. sa Senorito yan! lol!


mukhang maganda ito... hehe gusto ko ito... Smile makasugod na sa phr stores
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 11:41 am

yehey!!!


may bago ng mga post.

hehe, tagal ko nding nag aabang...


every 1 wek pala ang posting ng mga book release..


thanks po sa nag post.


hehe...


pero mukang matatagalan pa ako na makabili...


bakasyon na kc ngaun...

sa manila pa ako bumibili eh..



hehe...



any ways, thanks po sa nag post..
Back to top Go down
jodi
Master
Master


Number of posts : 514
Age : 30
Location : Quezon City
Registration date : 2008-03-05

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 2:15 pm

may aattend ba sa inyo sa grand fans day?
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 2:42 pm

bat walang territorio?!!!!!!!!!!




matatagalan pa si malvar ko!!!!
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 6:36 pm

jodi wrote:
may aattend ba sa inyo sa grand fans day?


ate kelan po ba ang grand fans day, san gaganapin, at anung oras po???


thanks po...

paki sagot po asap...


thanks
Back to top Go down
vintageGall
Junior
Junior


Number of posts : 99
Age : 23
Location : rosario cavite .. :)
Registration date : 2009-03-17

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 7:57 pm

ayii .. aga ng post ni ate .. Razz
wee .. ang stallion wala pa po bang
batch 5 ? sana matuloy na .. hehe


----

ate dhoreen ..
tanung ko lang po ..
graduate ka po ba ng RI ( rosario institute ) ?
hehee .. para po kasing namumukaan kita ..

1st year po kami nun 4th year kau .. hehe Razz
ruby po yung section niyo .. ? hehe
tanung ko lan naman po .. Very Happy
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovelotz28
vintageGall
Junior
Junior


Number of posts : 99
Age : 23
Location : rosario cavite .. :)
Registration date : 2009-03-17

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 7:59 pm

jodi wrote:
may aattend ba sa inyo sa grand fans day?

ako po usto ko po sana .. kaso po
sa SM San Lazaro pa po .. hehe ..
hindi ko po alam kung panu papunta dun
galing cavite .. hehehe .. pati
baka po hindi po ako payagan ..
la pa po makakasama . heheh Smile

sana makapunta ako .. huhuhuh Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovelotz28
jodi
Master
Master


Number of posts : 514
Age : 30
Location : Quezon City
Registration date : 2008-03-05

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 8:58 pm

Quote :
Again, mayroong pagbabago sa date and venue ng grand fans' day. This may cause some confusion but this is really the FINAL schedule. Medyo nagkaroon lang po ng kaunting problem sa availability ng SM MOA and SM Manila kaya ilang beses na nabago ang schedule. Anyway, heto na po ang final and official schedule ng fans' day.

SM SAN LAZARO (Activity Center)
MAY 16, 2009 (Saturday) @ 2PM

Thank you for the understanding.

See you there, guys!

guys, yan nabasa ko lang , check nyo sa news and announcements. Smile
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 10:00 pm

vintageGall wrote:
ayii .. aga ng post ni ate .. Razz
wee .. ang stallion wala pa po bang
batch 5 ? sana matuloy na .. hehe


----

ate dhoreen ..
tanung ko lang po ..
graduate ka po ba ng RI ( rosario institute ) ?
hehee .. para po kasing namumukaan kita ..

1st year po kami nun 4th year kau .. hehe Razz
ruby po yung section niyo .. ? hehe
tanung ko lan naman po .. Very Happy


ahehe,,, yup im a grad form rosario institute. proud to be rosarian... hehe.. may i know your name? uhm, small world right? how did u know me? hehe... i dont think that ive been pop. in the school.. hehe... well thanks for remembering me...and from what sec. r u?




take care..
Back to top Go down
vintageGall
Junior
Junior


Number of posts : 99
Age : 23
Location : rosario cavite .. :)
Registration date : 2009-03-17

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 10:35 pm

dorinne po .. hehe Razz
ayun kaya po kita nakilala kasi nga po
magkapareho po tayo ng name
iba lang po ang spelling .. hehe

rizal po .. hehe .. hindi naman po
ako masyadong popular nun sa skul
ahehehe .. Very Happy
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/lovelotz28
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 10:37 pm

vintageGall wrote:
dorinne po .. hehe Razz
ayun kaya po kita nakilala kasi nga po
magkapareho po tayo ng name
iba lang po ang spelling .. hehe

rizal po .. hehe .. hindi naman po
ako masyadong popular nun sa skul
ahehehe .. Very Happy


ahhhhh... i see.. kaya pala natandaan mo ko, because of my name..


san ka na napasok ngaun???


galing nmn hehe...
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 01, 2009 11:49 pm

vintageGall wrote:
jodi wrote:
may aattend ba sa inyo sa grand fans day?

ako po usto ko po sana .. kaso po
sa SM San Lazaro pa po .. hehe ..
hindi ko po alam kung panu papunta dun
galing cavite .. hehehe .. pati
baka po hindi po ako payagan ..
la pa po makakasama . heheh Smile

sana makapunta ako .. huhuhuh Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
pagbaba mu ng Baclaran mag LRT kana lang baba kng Tayuman station. lol!
Back to top Go down
echile
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1217
Age : 28
Location : Tagum, Davao del Norte
Registration date : 2008-04-08

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Sun Apr 05, 2009 6:22 pm

wow...wei...nakkalungkot nmna at..sna may darating din copies d2 samin sa davao....ang tagal kc ei......wish ko sana the sooner the better...tnx poh
Back to top Go down
athena
Newbie
Newbie


Number of posts : 3
Age : 27
Location : makati city...
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 11:31 pm

Very Happy Very Happy hahaha kakatuwa ung pedro ni rose tan!
Back to top Go down
yyhanis08
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Registration date : 2009-03-21

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Sat Apr 11, 2009 10:47 am

I love you I love you I love you cheers cheers cheers
3 of my favorite writer Rose Tan, Camilla and Vanessa
Hopefully there will be another new release this month....
Love their style......

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

Still waiting for Martha Cecilia's book release
Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Mon Apr 13, 2009 1:26 pm

may new kaya dis week
Back to top Go down
lavishdiv
Newbie
Newbie


Number of posts : 1
Registration date : 2008-09-13

PostSubject: pedro   Tue Apr 14, 2009 10:10 pm

synopsis palang nakakatawa na, c rose tan talaga walang kupas!!! super idol!!

sana me grand fans day din sa davao!!!
Back to top Go down
fherghie
Newbie
Newbie


Number of posts : 14
Age : 26
Location : cavite
Registration date : 2009-03-24

PostSubject: ...   Fri Apr 17, 2009 4:50 pm

[b][i][u]

Pede nyo poh ba qung bigyan ng copy ng mga nanalo sa nakaraang writing contest?
plsplspls poh..
rameng salamat
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: April 1, 2009 Book Release   Today at 10:27 pm

Back to top Go down
 
April 1, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Copenhagen April 25. 2009 (Kristensen - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» 23RD APRIL WORLD BOOK DAY
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: