HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 24, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 24, 2009 Book Release   Tue Mar 24, 2009 11:56 pm

1. PHR 3002 A Girl Can Dream by Sheena Rose



Matagal nang pangarap ni Doreen na mapansin siya ng sikat na aktor na si Jonash Escudero. Ngunit ayaw niyang mabansagan bilang isang “fan” lamang nito. Ang nais niya ay siya ang maging pinakaimportanteng babae sa buhay nito.
Parang himala naman na unti-unting natutupad ang pangarap niya nang isang araw ay tanungin siya nito kung maaaring siya ang maging ka-date nito sa premiere night ng latest movie nito. Naging malapit din ito sa kanya pagkatapos ng gabing iyon.
Ngunit kung kailan ang saya-saya na niya ay para siyang inilagapak sa lupa. Natuklasan kasi niya na ginagamit lang siya ni Jonash upang makalimot sa pagkasawi nito sa first love nito.
Ilusyon lang pala niya na mahal na rin siya nito...

2. PHR 3003 Seven Days To Love by Victoria Amor



Kailangang mahanap ni Yrra ang lumang diary ng kanyang lola kung saan nakasulat kung paano magwawakas ang diumano’y sumpa nito. Dahil sa sumpang iyon ay hindi siya maaaring umibig pagtuntong niya sa edad na beinte-singko. Otherwise, mamamatay ang lalaking mamahalin niya.
She made a step to uncover the mystery. Kinailangan niya ang tulong ng best friend niyang si Ralph. May counteroffer naman ito sa kanya para makuha nito ang yate na regalo ng bilyonaryong lolo.
For seven days, Yrra had to play along with her best friend's crazy game while they were working to find the lost diary. It never occurred to her that seven days would be enough to change her life forever...

3. PHR 3004 Cat's Romance by Vanessa



Kailangan ni Cat na biglaang umalis ng Amerika dahil nanganganib ang buhay niya. Nagtungo siya sa Pilipinas, sa bayan ng kanyang ina. Pero may ipinakisuyo sa kanya ang best friend niya: ang sabihin niya sa fiancé nitong si Paolo na ayaw na nitong magpakasal pa sa lalaki. It was an errand she couldn’t refuse as her best friend helped her big-time.
Isang comatose na Paolo ang naabutan niya. Ang akala ng lahat ng miyembro nito ay siya ang fiancée nito. She did not have any money, she did not have anywhere else to go. She decided to keep pretending she was Paolo’s fiancée to have a roof over her head for the meantime.
Nagsimula lang siyang mahirapan nang magsimula siyang makaramdam ng atraksiyon sa nakatatandang kapatid nito na si Nick na nag-aakalang siya ang pakakasalan ng nag-iisang kapatid nito.
At lalong naging mahirap ang sitwasyon sapagkat ramdam niyang attracted din ito sa kanya.

4. PHR 3005 For The Love Of Cinnamon by Camilla



For five years, Sydel kept the existence of their daughter, Cinnamon, a secret to Ely. Nang malaman nito ang tungkol sa bata, nagalit ito sa kanya.
Kung ang paraan ng paghihiganti nito sa kanya ay ang ilayo siya kay Cinnamon, hindi niya ito mapapayagan. Deep inside her ay batid niyang ayaw rin niyang muling malayo kay Ely. At alam niyang kabaliwan na iyon—dahil nakatakda na itong ikasal sa ibang babae…

5. PHR 3006 Ang Masuwerteng Si Mischa Suva by Camilla



Tumama nang milyun-milyon sa lotto si Mischa Suva. Kasabay ng pagbabago ng buhay niya ay nagpaganda siya. Iyon ang naging daan para makilala niya si Dr. Carreon Figueracion.
Ang akala niya ay kasama sa suwerte niya ang binata, pero nabatid niyang akala lang pala iyon nang makilala niya ang sopistikada at super sosyal na ex-girlfriend nito na nagpapakita na naman ng interes dito. Unang tingin pa lang niya kay Olive ay alam niyang wala siyang binatbat dito. Ano ang laban ng isang jologs na nagpapanggap na class sa isang genuine na gaya nito?
Pero nang mukhang ayos na sila ni Carreon ay saka dumating ang isang unos sa buhay niya. At tila ang lalaki pa ang nasa likod niyon.

6. PHR 3007 Just Like Before by Sonia Francesca



It was a typical busy day for Danna. Abala siya sa pagtatrabaho sa kanyang specialty shop nang biglang sumulpot doon si Reuben, ang lalaking hindi niya inaasahang magpapakita pa uli sa kanya.
Malaki ang atraso nito sa kanya dahil ito ang nagbigay sa kanya ng malaking kabiguan sa pag-ibig. Ngayong nagbalik ito ay may baon itong pangako sa kanya.
“I won’t stay away until I make you fall for me again.”
It was a battle of strength and determination.
Alin ang hahayaan niyang manaig? The strength of her will or the determination of his heart?

7. PHR 3008 Inaagiw Na Katotohanan by Kayla Caliente



Dahil malaki ang magiging sahod niya, pumayag si Bianca na maging tagapag-alaga ng nag-uulyaning lola ni Raffy. Mabilis silang nagkapalagayang-loob ng matandang babae dahil ang akala nito ay asawa siya ni Raffy. Sinakyan nila iyon ni Raffy dahil mas mabait ito kapag inaakala nitong asawa siya ng apo nito.
Subalit may problema tuwing inaakala nitong asawa siya ni Raffy, gusto nito ay gawin niya ang mga bagay na ginagawa ng isang maybahay. Gusto nitong halikan niya si Raffy, ipaghanda ito ng almusal, at kung anu-ano pang gawaing-pangmisis. Pero nang tumagal ay parang gusto na rin niya na sana ay hindi lamang sa mundo ng mga ulyanin siya tumatayong si Mrs. Raffy Villafuerte.
Hanggang sa sampalin siya ng masaklap na katotohanan. May kasintahan si Raffy. Hindi lamang iyon, may pananagutan na pala ito sa babaeng iyon. Kailangan na rin ng caregiver ng kanyang puso dahil terminally ill iyon.

8. PHR 3009 Theodora, The Random Wife by Camilla



Dahil sawa na sa kahirapan, nangako si Toto na pakakasalan niya ang unang may-kayang binatang makikilala niya—by hook or by crook. Inayunan siya ng kapalaran sapagkat dumating agad sa buhay niya si Stefan. At hindi niya kailangang i-hook o i-crook ito dahil ito mismo ang nag-alok sa kanya ng kasal--may bonus pang three hundred fifty thousand pesos!
Pero iyon pala ang magiging simula ng panibagong kalbaryo niya. Bruha ang mga in-laws niya. Kung ang misyon ng mga ito ay gawing impiyerno ang buhay niya sa piling ng kanyang asawa upang magkusa siyang makipaghiwalay para masolo ng mga ito ang pinagnanasaang kayamanan ng kanyang asawa, puwes, bibiguin niya ang mga ito!

9. PHR 3010 CK, The Director by Sheena Rose



Isang barrio lass si Lhen na walang kamuwang-muwang sa pag-ibig. Ngunit nang mag-shooting sa nayon nila ang crew ng Dream Brothers Productions ay nakuha ng award-winning movie director na si CK dela Riva ang kanyang atensiyon. Mayroon nga lamang humahadlang sa paghanga niya rito, si Arie Jimenez na bida sa pelikulang sinu-shoot sa lugar nila.
Batid niya na wala siyang panama kay Arie dahil nabalitaan niya na ang mga tipo nito ang gusto ni CK—maganda, sopistikada, laki sa siyudad. Ngunit hindi niya hahayaang maging hadlang iyon sa pangarap niya na mahalin ni CK. Kung ano ang nangyayari sa pelikula ay maaari ding mangyari sa realidad.
Or so she thought...

10. PHR 1542 Love, Lies, And Alibis by Sonia Francesca



Dahil sa isang kahilingan na hindi makayang pahindian ni Belinda ay napilitan siyang magtungo sa Benguet. Ngunit parang gusto niyang mag-back out nang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.
Dax was the last person she wanted to see.
But fate had brought them together.
Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.
Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?
Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 12:25 am

wuuu..
ang saya
kanina ko pa inaantay ang post mo jen.
salamat
may new si sonia..
at may bonus pa na reprint.
guys..
nagbunga na ang paghihirap natin.
sana lng nxtime un kissing ms. Wrong naman.
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 3:14 am

thanks, for posting. Smile
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 4:59 am

wow galing 3 ang kay lola camilla. finally may lukaret na rin at lumabas na ang story ni toto.

wow may sonia f. din at vanessa bonga talaga!
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 6:34 am

ay wala heart yngrid at teritorio sana my reprints ng fairy tales and romance bet ni mis heart yngrid ingat thanks sa post
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 7:36 am

a lot more better... sa wakas my sonia na rin at camilla yeheyy....


be the first one to grab these books... just log on to our site http://www.freewebs.com/jareen008 arrival of books will be tomorrow,, if ever there will be changes... our members will b notified... GodSpeed!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 7:37 am

walang tdlh?

okie lng my Vanessa pa din...

Ms. Heart walang bago hayz...
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
duchess_lady
Junior
Junior


Number of posts : 30
Age : 32
Location : philippines
Registration date : 2009-02-09

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 8:49 am

oi..at last my new release si ate sonia..
yehey!!sugod na sa mga bookstores mamaya
mahirap na baka maubusan eh..jeje..
oi bonus pa,my reprint na ng story nina papa dax and pasaway na pinsan nina cap.calvin antonio constantino at simmone martina constantino na c belinda "blade"..
ang ganda ng story na yan pwamiz..
Back to top Go down
lujille
Senior
Senior


Number of posts : 310
Age : 26
Location : buLacan
Registration date : 2008-11-09

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 10:49 am

wow!!!

ang gaganda naman!!...

lol! lol! lol!


yeboy!!..meron pa si Ms. Sonia!!!


lol! lol! lol!
Back to top Go down
jigger
Junior
Junior


Number of posts : 56
Age : 26
Location : navotas
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 12:34 pm

so may Lukaret batch 2 na! waah!!

magsisimula na naman akong mamulubi ng bongga!! tapos may sonia francesca pa?! wapakz!!!

ayos!!! mabubuhay na naman ang dugo ko! hahaha

ngayon palang...kelangan may anda na! hahaha

....cheng....
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 6:00 pm

yehey may vanessa!!!!

pero alang HY Sad
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 6:51 pm

SANA ATE LEN..mAG CONTINUE NA SILA SA PAG REPRINT SA GAWA NI ATE SONIA.. PARA MA COMPLETE KO RIN!!!! hehehhe
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 10:10 pm

jilo wrote:
wow galing 3 ang kay lola camilla. finally may lukaret na rin at lumabas na ang story ni toto.

wow may sonia f. din at vanessa bonga talaga!



hi jilo... musta na??? hehe may tanong ako sau... un bang lukaret series un ba ang first ni lola c. oh may nauna na??? kung may nauna na, paki send nmn sakin ung title/s,,,, hehe.... thansk friend...


ingat always...

daming book release ni lola c ngaun noh...hehe bumawi c lola c....



Go lola C!!!!!!!!! lol!
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 10:15 pm

bakit ganon... parang ang ganda lahat ng book release na to ah... hehe... natutuwa ako kapangalan ko ung unang pocket book na naka lista... iba lang ang spelling ng "DOREEN" nung bidang babae... hehe ang akin "DHOREEN" oha... pero pareho padin nmn cla ng pronounciation eh....


nakakalito kung anu ang dapat unang bilin... hoooooooooooo...


c lola c pumapalo ah.... hehe



ung love, secret, and alibis... pareho ng title ng kay ms. dawn igloria... hehe...



ala lang napansin ko alngpo...



peace....





huuuuuuuuuuuuuuuuuuu...
sugod na tau sa PHR shops.... lol!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Wed Mar 25, 2009 11:40 pm

wow 2 ung kay Sheena!
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Thu Mar 26, 2009 12:09 am

Dhoreen, di sila pareho. Yung kay Dawn ay Love, Lies, and Alibis.
Back to top Go down
rd_joh
Junior
Junior


Number of posts : 57
Age : 23
Location : pAcg ciTy
Registration date : 2008-07-25

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Thu Mar 26, 2009 2:04 pm

waaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!na-mis coh ang cite nah 2!!!

tagal coh nah d nakadalaw dito!!!

yey!!!nakabili na coh ng bago ni te che!!!

yipeee!!!ang matagal coh ng hinihintay nah re-prnt...

nagccmula nah!!!hehehe!!!

at malapit nah din ang bbc!!!ngeun pah lan nag-pa-reserve nah acoh!!!

hehehe!!!! Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
-MaLoU-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1298
Age : 21
Location : bataan
Registration date : 2009-01-25

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Thu Mar 26, 2009 4:22 pm

batch 2 n poh buh ng lukaret ung kwen2 ni mischa suva???

nkita q n nga poh ung name nya dati...

na-extra nga cya dun s si neha at ang ulan...

ang gling ni lola c!!!

npapagconnect nya ung mga characterz s story nya!!!
Back to top Go down
blue_demon
Newbie
Newbie


Number of posts : 26
Age : 26
Location : Baguio
Registration date : 2009-03-26

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Thu Mar 26, 2009 9:30 pm

wow! may reprint yong mga gawa ni ms. sonia!
tnx PHR!
Smile




looking for a PHR novel? we might have it!
visit us at:blue_demon's pocketbooks collections


Last edited by blue_demon on Thu Mar 26, 2009 9:56 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
http://justaclickaway.multiply.com
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Thu Mar 26, 2009 9:35 pm

Jen wrote:
Dhoreen, di sila pareho. Yung kay Dawn ay Love, Lies, and Alibis.


ahehe... unga po eh... nakita ko nga din po ung difference ng titles... ung kay ms. dawn ung love, secret and alibis, ung kay ms. sonia love, lies, & alibis...



ahehehe... sorry po... peace!!!! lol!
Back to top Go down
mariz
Master
Master


Number of posts : 699
Age : 24
Location : Bay, Laguna
Registration date : 2008-08-21

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Fri Mar 27, 2009 2:18 pm

grabe..sa wakas may Sonia Francesca na ulit!!!
yeheeeyyy!!!!!!

lol! lol! lol!
Back to top Go down
http://www.facebook.com/mariz.kabute
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Sat Mar 28, 2009 12:13 am

-MaLoU- wrote:
batch 2 n poh buh ng lukaret ung kwen2 ni mischa suva???

nkita q n nga poh ung name nya dati...

na-extra nga cya dun s si neha at ang ulan...

ang gling ni lola c!!!

npapagconnect nya ung mga characterz s story nya!!!

Oo. Batch 2 na.
Back to top Go down
yyhanis08
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Registration date : 2009-03-21

PostSubject: Camilla new release   Sat Mar 28, 2009 8:56 am

cheers
sunny
wow that's what I can say to the new book release of my fav Camilla........
Finished all of it can't wait for more...........
will start reading Vanessa...............
oh and Rose Tan too.............
still waiting for Martha Cecilla's new book...............
Smile Very Happy Very Happy cheers cheers
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Sat Mar 28, 2009 11:01 am

woooooooooooooooooohhhhh
hehe,,,
nabasa ko na ung book ni lola c...

ung for the love of cinnamon at and masuwerteng si mischa suva...



maganda ung for the love of cinnamon... masyadong madrama... hehe. pero it worth it... haha....


may mga ganun padin palang lalaki sa mundo na after 5yrs.. mahal padin nia ung babae... hooooooooooooo.... true love...


hahahahahahahahhahahahahahahahahah......





ganda talaga, susunod ko nlng ung theodore... haha...


ganda ng mga kwento ni Ms. Camilla... super!!!!!!!!!!!



keep it up lola c...




hehe lol! lol! lol!
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Sat Mar 28, 2009 5:23 pm

mahal na araw me labasba nun phr di ba me 1 wik vacation
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: March 24, 2009 Book Release   Today at 5:11 am

Back to top Go down
 
March 24, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» Copenhagen March 21. 2009 (Enevold - Bokor - Kofod)
» Copenhagen March 21. 2009 (Jorde - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: