HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 18, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 18, 2009 Book Release   Tue Mar 17, 2009 11:50 pm

1. PHR 507 Bakit Ikaw Lang Ang Ipinipintig Ng Puso? by Lorraine Manalo



Na-in love agad sa isa’t isa sina Shaina at Joshua sa unang pagkikita pa lamang. Walang kasintamis ang bawat sandaling kapiling nila ang isa’t isa.
But things went wrong. Shaina felt betrayed and she came to hate Joshua!
At ngayong muling nagkrus ang mga landas nila, ito pa ang galit at may ganang umusig sa kanya. “Napakalaki ng atraso mo sa akin, Shaina. Kinasusuklaman kita!”
Ngunit isa ang natiyak niya pagkatapos na matikman uli niya ang mga yakap at halik ni Joshua—she found out her love for him stood still…

2. PHR 567 Which Way Is Home? by Rose Tan



Dahil sa tigkalahating mapa, nagtagpo ang mga landas nina Joey at Andy. Parang mga aso’t pusa sila na napilitang magsama para hanapin ang kayamanang itinuturo ng mapa. Pero nang mapasuot sila sa kagubatan at sa sandamakmak na panganib, mukhang mas mauuna pa nilang matatagpuan ang pag-ibig.
Iyon ang akala ni Joey. Sapagkat naibigay na niya ang Bataan nang maalala niyang wala nga pala sa plano ni Andy ang mag-asawa...

3. PHR 1002 Julia by Amanda



Gusto ni Julia na matulungan ang kanyang pamilya kaya tinanggap niya ang alok ni Drake na trabaho. Sa bahay nito siya pansamantalang nanuluyan.
Nalaman niya sa pananatili niya sa poder nito na marami itong katangiang hinahanap ng sinumang babaeng sa lalaking mamahalin. At kabilang siya sa mga babaeng iyon.
Dapat ay matuwa siya nang magsabi si Drake na mahal siya nito. Inalok siya nito ng kasal. Tinanggihan niya iyon. Marami pa siyang plano para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Umalis siya sa bahay nito. Nagtrabaho siya nang mabuti hanggang sa matupad niya ang kanyang mga pangarap.
Ngunit nasa tugatog man siya ng tagumpay ay hungkag naman ang pakiramdam niya. May hinahanap ang puso niya—si Drake. Kailanman ay hindi niya ito nakalimutan.
Umuwi siya sa Pilipinas. Umaasa siyang sa pagbabalik niya sa bansa ay madurugtungan ang nakaraan nila ni Drake.
Sana...

4. PHR 1659 Bogus Bride by Rose Tan



Akala ni Philippa ay natagpuan na niya si Mr. Right sa katauhan ng isang guwapo at mayamang executive. Feeling in love, tinanggap niya ang alok nitong magpanggap na asawa nito.
But Mr. Right got himself kidnapped. Naiwan si Philippa na napausbo na sa pagpapanggap.
And alas! Mr. Right had a brother—si Richard. Nagtataglay ito ng mapanuksong tingin at ngiti.
Hayun, sa halip na mag-alala sa kalagayan ng kanyang “asawa,” si “bayaw” ang laman ng isip niya gabi’t araw.
Hindi ako taksil!
Pero bakit napunta sa silid niya si Richard at walang tapalodo?

5. PHR 2999 A Night To Remember by Camilla



Naisip ni Wilda, ikakasal na rin lang sa iba ang lalaking mahal niya, bakit hindi pa siya magpakasal sa lalaking hindi nga niya mahal pero magsasalba naman sa kompanya nila sa napipintong pagka-bankrupt niyon? Ngunit bago iyon, nagkaroon siya ng pagkakataong maangkin si Ricky Madriaga, ang pinakamamahal niyang lalaki... kahit isang gabi lang.
Binayaran niya ang stripper na “regalo” rito ng mga kaibigan nito para siya ang magsuot ng maskara at makipagniig dito sa gabing hinding-hindi niya malilimutan sa buong buhay niya...

6. PHR 3000 My Ex-Boyfriend's Wedding by Heart Yngrid



When Arianne found out about her ex-boyfriend’s wedding, she freaked out. That jerk dumped her big-time. Hindi niya mapapayagang lumigaya ito, samantalang siya ay pinagdudusahan pa rin ang ginawa nitong pananakit sa damdamin niya.
She had to do something. The master plan: to stop the wedding. Kailangan niyang sirain ang pagsasama nito at ng fiancée nito bago sumapit ang araw ng kasal ng mga ito.
Habang isinasagawa niya ang plano ay nakilala niya si Brick, ang ex-boyfriend ng fiancée ni Dean. Natuklasan niya na halos pareho pala sila ng layunin—ang paghiwalayin ang dalawa.
She wanted her ex-boyfriend to be miserable. He wanted his ex-girlfriend back.
Kaya naman nagtulong silang paglayuin ang dalawa. Habang isinasagawa nila ang plano, naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya sa kanyang partner in crime.
Paano na kapag nagtagumpay sila sa plano at bumalik na ang ex-girlfriend nito? Saan na siya lulugar sa puso nito?

7. PHR 3001 To Love A Man Like You by Sofia



Georgia was too focused on her career. She had to fight off chauvinistic and egocentric men most of the time. Para sa mga lalaking nakikilala niya, para maging ideal ang isang babae ay kailangang ubod ng ganda, sexy, at walang utak ito. She was neither of the three. Simple lang ang ganda niya, matalino siya at ubod ng opinionated. Sapat na ang mga iyon para layuan siya ng mga lalaki.
Except Sergei de Lara, an ultra handsome car racer. At sa halip na iwasan siya ay gusto pa nitong sundan siya nang sundan. And that irritated her the most. Pati kasi ang pamilya at mga kaibigan niya ay gusto ito... para sa kanya.
She did everything she could to shove him away.
“I’m not pretty, Sergei.”
Hinaplos nito ang tungki ng ilong niya. “Isang beses mo pang sabihin na pangit ka, hahalikan na talaga kita.”

8. Territorio De Los Hombres Series 45: Rudy Buena 1 by Vanessa



Itinuring ni Santa na isang biyaya ang pagdating ni Miss Ava sa kanyang buhay. Bukod sa ubod ng ganda ang mukha nito ay ubod pa ng ganda ang hangarin nito sa mga kabarangay niya. Nilapitan siya nito at sinabi sa kanyang tutulungan siya nito.
Kung kailan nawalan na siya ng pag-asang tutuparin nito ang usapan nila ay saka dumating si Rudy Buena sa kanyang bahay. Ito ang sugo ni Miss Ava. Ito ang tutulong sa kanya upang maging isang mahusay na singer—ang pangarap niya.
Ngunit kung ano ang ikinabuti ng kalooban ni Miss Ava ay siya namang ikinasama ng budhi ni Rudy. Pagkatapos ng “audition” niya rito, ang sinabi nito sa kanya ay, “Kung itinatanong mo kung pasado ka sa akin, ang sagot... hindi. Kumbaga sa eskuwelahan, ni hindi ka umabot sa pasang-awa.”
Guwapo pa naman sana ito pero ang sama talaga ng ugali!

9. Territorio De Los Hombres Series 46: Rudy Buena 2 by Vanessa



Ikinuha ni Rudy si Santa ng mahuhusay na guro. Unti-unti ay natuto siya. Unti-unti rin ay nagsimulang mahulog ang loob niya rito. Mayaman, matalino, at guwapo ito. Sa lahat ng bagay ay mahusay ito. Isa lamang yata ang hindi kayang gawin ni Rudy, isang bagay na tanging hiling niya: ang mahalin din siya nito. Ang gusto kasi nitong babae ay ang babaeng pinagkakautangan niya ng malaking utang-na-loob…

10. Señorito Series 16: Don Luciano by Rose Tan



Nakaligtas mula sa kamay ng mga kidnappers si Don Luciano, pero nangamba ang mga malalapit sa kanya na makidnap uli siya kaya ikinuha siya ng bodyguard. Babae. Si Elpidia Bagsic, anak ng kilabot na hitman. Tiyak na maasahan daw ito kapag may kalaban.
So what? Maganda at sexy ang ni-request niyang undercover bodyguard, hindi isang babaeng may nakasuksok na suklay sa back pocket.
Pero may choice ba siya? Wala. Dahil pati ang kanyang mama ay pinaboran din ito.
“Bakit parang ikinahihiya n’yo akong kasama, Sir?” tanong ni Elpidia. Hindi raw ito mao-offend, ang mahalaga lamang ay katotohanan.
Eh, di tapatin.
“Ang baduy mo, eh.”
Dahil doon ay muling nanganib ang kanyang buhay. Nag-amok ang bodyguard!


Last edited by Jen on Wed Mar 18, 2009 1:30 pm; edited 4 times in total
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 1:22 am

thanks sana dumami bago parang psnsy reprints pero wish ko ireprint yun fairy tles and love bet ni heaart yngridsalamt
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 4:00 am

Smile

Wow, Bogus Bride! nawala ang copy ko nyan, buti naman nireprint nyo na!!

thank you! thank you!

at isa pang wow, si Heart Yngrid pang PHR3000!

at wow na wow na wow, may territorio pa!! bounce bounce

pahabol na wow, may senorito pa! cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
lujille
Senior
Senior


Number of posts : 310
Age : 26
Location : buLacan
Registration date : 2008-11-09

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 6:13 am

waaaaaah!!!..

meron si Ms. Sofia!!!... cheers



lol! lol! lol!
Back to top Go down
gothgirlheaven
Newbie
Newbie


Number of posts : 6
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2009-01-31

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 10:03 am

[i]THANX ms. jen.. Razz wow merun kay ms. vanessa & heart yngrid punta na qu first day morning 2morow sa SM pala pala. hehe baka maubusan aqu nung teritorio.. humm jeez ganda nung story ni rudy
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 10:32 am

oi may bago na naman uli...

kay vanessa at heart yngrid...

magaling...

nalalapit na ang pagdating ni malvar ko bounce bounce

ate rave, wag ka na react ha?? lol! lol! lol!
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 10:34 am

wala po bang bago c Ms. Camilla? anyway galing may bago na nmn c ms. heart...

This Books are available now in our site...u can grab ur copy now just log on to http://www.freewebs.com/jareen008
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 1:13 pm

wow my reprint na buk ni ms. Lorraine

isa yan sa kulang ko na book nya...

may Heart yez!!!!

at syempre may TDLH na....

Tnx ms Jen
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 1:38 pm

at may pahabol

ke Ms. C

mukhang maganda..sama ko sa listahan

pate na din ung kay RT
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 1:39 pm

meron akong Lorainne M. naalala ko nung makita ko yung cover. Smile
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Mar 18, 2009 10:31 pm

nice nice...
kung papapiliin ako ng tatlo...
it wud be
Ms. Camilla's
Ms. Heart's
and Ms. Rose Tan's...
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
laiza
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2136
Age : 22
Location : tondo, manila
Registration date : 2009-03-03

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Thu Mar 19, 2009 11:06 am

Karlene wrote:
nice nice...
kung papapiliin ako ng tatlo...
it wud be
Ms. Camilla's
Ms. Heart's
and Ms. Rose Tan's...


lahat poh yata pinili nyo

hinay hinay lng

hehehehe

pakilamera
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: ay ang ganda naman may Julia n ako ulit.   Sun Mar 22, 2009 10:19 am

hehee
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Mon Mar 23, 2009 8:44 pm

ah... bakit kea wala pa sa urdaneta ang mga to??? Question Question Question Question scratch scratch scratch scratch scratch
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
kristina16
Junior
Junior


Number of posts : 52
Age : 29
Location : Makati City
Registration date : 2009-01-29

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Tue Mar 24, 2009 7:28 pm

wow daming bago...
cheers
Back to top Go down
laiza
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2136
Age : 22
Location : tondo, manila
Registration date : 2009-03-03

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Tue Apr 07, 2009 4:10 pm

talagang maraming bago

walang luma d2
Back to top Go down
echile
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1217
Age : 28
Location : Tagum, Davao del Norte
Registration date : 2008-04-08

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Tue Apr 07, 2009 8:01 pm

laiza wrote:
talagang maraming bago

walang luma d2



ahehheeh...uu nga... lol!
Back to top Go down
athena
Newbie
Newbie


Number of posts : 3
Age : 27
Location : makati city...
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Wed Apr 08, 2009 11:23 pm

Very Happy sana mabasa q ung bogus bride ni rose tan!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: March 18, 2009 Book Release   Today at 2:46 pm

Back to top Go down
 
March 18, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Copenhagen March 21. 2009 (Enevold - Bokor - Kofod)
» Copenhagen March 21. 2009 (Jorde - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: