HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 11, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 12:43 am

1. PHR 2995 Forever And For Always 4 (Vicky and Vince) by Joan Jean



Vince was Vicky’s first love. Pero nakababatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Best friend kasi niya ang bunsong kapatid nito.
Nasasaktan siya tuwing ipinaparada nito sa harap niya ang girlfriend nito. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Nagpadala siya sa damdamin niya. Naging mapusok sila at isa sa mga pagkakataong iyon ay nahuli sila ng kanyang mga magulang.
Natupad ang pangarap niyang maging Mrs. Vicente Nolasco Jr. Ngunit ang pangarap niyang “happy ever after” ay isa lamang palang ilusyon. So she left before her love for Vince could turn into hate.
But Vince went after her. He told her he wanted her back and that he loved her.
Would she dare take another chance with him?

2. PHR 2996 Love, Secrets, And Alibis by Dawn Igloria



Dalawang dekada nang best friend ni Maribert si Eric. Ngunit isang araw, bigla-bigla, may isang bagay na gumulo sa kanya tungkol ditto. Nakasakay sila ni Eric sa eroplano nang may maramdaman siyang kakaibang sensasyon sa kamay niyang hawak nito. Bakit siya nakaramdam ng ganoon?
She decided to explore the sensation. At sa isang magandang beach sa Pagudpud, nalaman niya ang dahilan. Doon din niya natuklasan ang matagal nang lihim ni Eric.
She was tempted to pry more. At hindi siya handa na malamang ang temptation palang nakaumang sa kanya ay si Eric mismo.

3. PHR 2997 Hope: The Traitor's Kiss 1 by Cora Clemente



Isang napakalaking misyon ang iniatang kay Lieutenant Aldrin Monroy—iyon ay ang mag-espiya sa bigating heneral. Kailangang makakuha siya ng ebidensiya na magdiriin dito sa katiwaliang ginagawa nito.
Upang magawa iyon ay siya ang ipinasok ng gobyerno upang maging isa sa mga close-in security nito. Atas ng tungkuling sinumpaan niya ay nais niyang magtagumpay sa misyong ibinigay sa kanya kesehodang napakahirap gawin iyon nang hindi siya mauunahan ng heneral.
Pero hindi niya inakalang nang dahil lang sa isang napakagandang dalaga ay mukhang mabubulilyaso ang kanyang misyon. Nagkataong ang bunsong anak pa iyon ng heneral na si Hope.
Ano ang dapat niyang panaigin sa pagkakataong iyon? Ang kanyang tungkulin na katumbas ng buhay niya o ang puso niyang noon lamang umibig nang tunay?

4. PHR 2998 Hope: The Traitor's Kiss 2 by Cora Clemente



Labis na dinamdam ni Hope ang pagtanggi ni Aldrin na pakasalan siya nito. Akala pa naman niya ay ito ang magsisilbing gamot upang unti-unti siyang maka-recover sa isang eskandalong kinasangkutan niya. Pakiramdam niya, wala siyang kadating-dating dito para gustuhin nitong maging asawa siya.
Upang makalimutan ang sakit na dulot ng pagtanggi ni Aldrin ay minabuti niyang lumayo. Pumunta siya sa kanilang farm. Pero nasundan din siya ng binata.
Hindi ito umalis ng farm hangga’t hindi siya kasama. At sa panahon ng pamamalagi nila sa farm ay nagkaroon sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa. At doon na nila hindi napigilan ang pagpupumiglas ng pag-ibig sa kanilang mga puso para sa isa’t isa.
Pero mukhang hindi pa matatapos ang unos sa buhay at pag-ibig niya. Kung kailan natagpuan na niya ang wagas na pag-ibig sa binatang sundalo ay saka naman niya matutuklasan na planado pala ang pagdating nito sa buhay niya dahil sa misyon nito.

5. PHR 1203 Miss Barangay Toritori by Raquel Panganiban



Nasa high school na si Cattleya nang tanungin niyang muli si Santi kung puwede na niya itong maging boyfriend.
“Bakit, unat na ba ang buhok mo?” sagot nito sa kanya.
Bata pa siya ay ito na ang gusto niyang maging nobyo. Na kung papalarin ay maging asawa na rin niya. Magkasing-edad sila.
Puro pagbabale-wala ang natamo niya sa pagpapapansin dito. Ngunit kahit ganoon ay ito pa rin ang mahal niya. Nasasaktan man ang puso niya ay okay lang sa kanya.
Hanggang sa napili siya bilang kandidata ng kanilang barangay. At pinalad siyang mapanalunan ang titulo. Unti-unti na siyang napansin nito.
Hinamon siya nito ng “one-on-one”. Sumang-ayon siya na hindi alam kung ano ang kahihinatnan niyon.
Mahulog din kaya ang loob nito sa kanya? Boto ang mga magulang nito sa kanya. Eh, ang puso kaya nito, boto sa kanya? Hanggang kailan siya maghihintay at aasang mamahalin din ni Santi?

6. PHR 1237 Double Trouble by Andrea Coronel



Magkakadikit ang mga bituka nina Cecilia, Therese at Joan. Bukod sa sila ay may mga kapangalang santa, iisa rin ang kanilang misyon sa buhay—to remain single forever.
Kaya nga laking inis ni Cecilia nang tumiwalag sa asosasyon nila si Therese. Itinaon pa nitong nasa ibang bansa si Joan. Tanging sa kanya tuloy nakasalalay ang paghugot dito sa nakamamatay na kumunoy ng pag-ibig.
To the rescue naman ang maladiyos sa kaguwapuhang si Anthony, pinsan ni Ariel, ang bagong boyfriend ng taksil na si Therese.
Nagkasundo ang dalawa na paghiwalayin sina Ariel at Therese. Hanggang sa namalayan na lamang ni Cecilia na siya naman ang unti-unting nahuhulog sa kumunoy… sa kumunoy ng pag-ibig ni Anthony.

7. PHR 1942 Home Of Forevermore by May Ramos



Matinding pagsubok sa pasensiya ni Becki si Goran Esteves, ang antipatikong anak ng kaibigan ng kanyang ama. “Nuisance” ang pinakaakmang salitang makakapaglarawan dito. Subalit kailangan niyang “pagtiyagaan” ang presensiya nito dahil sa malaking pabor na ibinigay ng papa nito sa kanya.
“It takes to know me to appreciate me, Becki,” minsan ay sabi nito. “Remember, kailangan nating magkasundo dahil nakatira tayo sa iisang bubong.”
Eventually ay napatunayan niyang hindi nga imposibleng maging mabuting magkaibigan sila. Natutuhan niyang tawanan na lang ang mga kapilyuhan nito, aminin sa sarili na guwapo ito, at tanggapin ang lahat dito. Kaya pala ay napasok na nito ang kanyang puso. Pero kailangan pa rin nilang balikan ang kanya-kanyang buhay na pansamantalang iniwan nila noon.
Why do I get hurt often? himutok niya. Why don’t I end up with the man I love?

8. Territorio De Los Hombres Series 43: Olivarez Espinosa 1 by Vanessa



Galit na galit si Dolly sa unang pagtatagpo ng mga landas nila ni Olivarez. Sino ba ang walang modong lalaking ito na pinagsasabihan siya? Marahil ay hindi siya kilala nito. Why, she was an heiress, a princess of the hacienda. At lalo siyang nagalit nang malaman niyang alam nito kung sino siya. Bakit hindi ito marunong kumilala ng awtoridad?
But there’s a thin line between love and hate. And she crossed that line.

9. Territorio De Los Hombres Series 44: Olivarez Espinosa 2 by Vanessa



Natuklasan ni Dolly na hindi pala malinis ang intensiyon sa kanya ni Olivarez. She made him think he was but her pastime. Nagkahiwalay na sila ng mga landas ngunit hindi niya nagawang kalimutan ito kahit kailan sapagkat nanatiling ito lamang ang lalaking bumihag sa kanyang puso.
Hindi niya inakalang magkikita pa uli sila pagkalipas ng sampung taon sapagkat alam niyang malayo na ang narating nito. As for her, she was always struggling to make ends meet.
At kung bakit sa ganoong pagkakataon pa sila nagkakilala—kung kailan siya ang nakahandang “regalo” para dito sa isang bachelor’s patry. He was no other than the soon-to-be married celebrant of the night.
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 12:52 am

sa wakas meron na rn i've been waiting for this kanina pa.. Thanks!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 4:57 am

wow Territorio!!




cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 6:25 am

ay wala kay ms heart uy teritorio si olivarez ba yun ayaw nila yun papakasalan
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 7:00 am

Wala bang reprints si Rose Tan at Vanessa?


tagal ng walang bago si RT. Crying or Very sad
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 9:52 am

yehey lumabas na sya...

teh ang ganda ng teaser...


malapit na si malvar ko.... bounce bounce bounce
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 9:59 am

Caleb wrote:
yehey lumabas na sya...

teh ang ganda ng teaser...


malapit na si malvar ko.... bounce bounce bounce

oy grabe ka inangkin mo na agad! sino may sabi sau? hehehe



sana next week na agad! cheers lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
gothgirlheaven
Newbie
Newbie


Number of posts : 6
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2009-01-31

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Wed Mar 11, 2009 6:00 pm

cheers weeeehhh meon ng teritorio. . after 4 wiks meon na ul8. . jeez 4 wiks narin aqung d mapakali. .

kea lang y ala reprint c miss. vann?

ala rin new release ngeun c ms. camilla..
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Thu Mar 12, 2009 9:21 pm

whoooooooooooo!!!
hehe, napagod cguro c lola c sa pag susulat at nag pahinga muna...
isang himala na sa mga book releases na nakikita ko eh lagi xang may bagong librong nai rerelease....
nagulat lang ako walang bagong libro c lola c...


hehe
kaya mo yan lola c!!!
you can do it!!!! cheers lol!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: March 11, 2009 Book Release   Today at 5:14 am

Back to top Go down
 
March 11, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Copenhagen March 21. 2009 (Enevold - Bokor - Kofod)
» Copenhagen March 21. 2009 (Jorde - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: