HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 5, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 5, 2008 Book Release   Tue Mar 04, 2008 7:43 pm

1. PHR 2798 You And No Other by Cora Clemente



Judith’s young heart loved Alfred. He made her dream. He changed her dull life. Pero dumating ang isang pangyayaring kinailangang magparaya ang pagmamahalan nila. Idagdag pang ayaw na ayaw sa kanya ng mayamang lola nito. Hanggang magkahiwalay sila.
Akala niya ay kaya niyang kalimutan si Alfred sa pagdaan ng mga taon. Ngunit bakit naroon pa rin ang sakit na may kasamang kabog ng dibdib sa muling pagkikita nila?

2. PHR 2799 Mindy's Romance by Vanessa



Sa unang pagkikita pa lamang nina Mindy at Benki ay alam na ni Mindy na hindi maganda ang impresyon sa kanya ng binata. Sa katunayan ay sinabi nito mismo iyon sa kanya. Pakialamera at tsismosa daw siya. Siya ay may impresyon din dito. Mayabang, sanggano, at animo kung sino ito.
Dahil mag-asawa ang ex-girlfriend nito at ang best friend niya--ang lalaking lihim na minamahal niya--ay hindi maiwasan na nagkakasama sila. Wala silang pagtatagpong naging maganda para sa kanya...
Hanggang sa kinailangan niya ang tulong nito dahil may masamang balak sa kanya ang obsessed na manliligaw niya. Hindi naman ito nagkait ng tulong. Isinama siya nito sa probinsiya, kung saan kinailangan niyang magpanggap bilang nobya nito sa lola nitong tulad nito ay mainit din ang dugo sa kanya.
Pero bakit apektado siya gayong pekeng nobya lang naman siya?

3. PHR 2800 Maibabalik Ba Ang Kahapon? by Claudia Santiago



Napilitan si Judy na pumasok sa mundo ng showbiz upang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang ina. Inunawa naman siya ng kanyang nobyong si Chino. Ngunit dumating sa puntong nagawa niyang itatwa ito upang pangalagaan ang loveteam nila ni Richard Mendrez. Bunsod niyon, nagkahiwalay sila ni Chino.
Sa paglipas ng panahon ay naging kasintahan niya si Richard. Ngunit nang malapit na silang ikasal ay nahuli niya itong kaulayaw sa kama ang kaibigan niya. Ang masakit, alam pala ng kanyang ina ang tungkol doon. Hindi nito ipinaalam iyon sa kanya dahil hindi nito gustong masira ang career niya kapag nakipaghiwalay siya kay Richard.
Hindi niya nakayanan ang pagtatraidor na iyon. Hanggang sa ang paglalasing niya ay nauwi sa isang malagim na aksidente.
Hindi niya inaasahang si Chino ang unang taong dadamay sa kanya. Noon niya napagtanto kung ano ang pinakawalan niya.
Mabigyan pa kaya siya ng pangalawang pagkakataon para dugtungan ang kanilang kahapon?

4. PHR 2801 Addicted To Love by Sonia Francesca



Saia and Hadji started out as enemies--well, at least on Saia’s part--dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa’t isa.
Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren’t really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang.
Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?

5. PHR 2802 Does Your Heart Still Break? by April Gonzaga




Nang tanggihan ni Fenny ang alok ni Edwin na kasal ay agad itong umalis at nangibang-bansa. But what if she had been wrong to turn him down? Nang mabalitaan niya ang tungkol sa isang painting contest na magdadala sa mananalo sa Slovenia, sa bansang pinuntahan ni Edwin, ay agad siyang sumali. She was determined to look for him again, and win him back.
Doon niya nakilala si Shan Timothy Reyes, isang Filipino businessman na nag-alok na tulungan siyang hanapin ang kanyang nawawalang nobyo. Kung siya ay pumunta sa bansa na iyon para hanapin ang taong mahal niya, nagpunta naman doon si Shan para limutin ang babaeng laman ng puso nito.
But what if true love wasn't where she originally thought it was? What if the one she actually needed, wasn't the person she was searching for?

6. PHR 2803 Meymey's Romance by Vanessa



Pangarap ni Meymey sa buhay ang yumaman kahit sa hindi eksaktong magandang paraan. Pero may plano na ang tadhana sa kanya, at iyon ay ang biglaan siyang gawing multimilyunarya.
Ang kaso ay may pagpipilian siya: ang pakasalan ang lalaking tutulong sa kanya kapalit ng pakikihati nito sa kayamanang namana niya o sarilinin ang pamamahala sa malaking kompanya at bayaran ang lalaking iyon nang milyones.
Pinili niya ang una.
Ang akala niya ay wala na siyang magiging problema, na kasal lamang sa papel iyon at hindi siya lugi sapagkat mahusay sa negosyo, matalino, at edukado si Nick, ang lalaking pinakasalan niya…
Pero babaero pala ito. Bakit siya apektado gayong sa papel lang sila kasal?

7. PHR 2804 Fool Me Once, Fool Me Twice by Camilla



Hindi alam ni Lia kung paano magre-react nang muling makita niya ang lalaking inibig at dumurog sa puso niya--si Chester. Kapatid ito ng babaeng nabuntis ng kapatid niya. Nasa rest house siya ngayon na pag-aari ng pamilya nito. "Kinidnap" siya ng kapatid nito dahil hindi nagpapakita rito ang kapatid niya.
Kung inakala niyang makakaalis na siya roon ay nagkamali siya. Hindi raw siya makakaalis doon hangga't hindi nakikipag-communicate ang kapatid niya.
Sa ilang araw na magkasama sila ni Chester ay may takot na bumangon sa kanya--na baka mahulog siya sa charm nito...

8. PHR 2805 From Now Until Forever by Amanda



Honest mistake ang nangyari nang magkamali si Helena na pumasok sa cabin ni Nick sa pag-aakalang iyon ang cabin na inookupa ng pinsan niya. To make matters worse ay naipagkamali siya nito na isang hospitality girl na ipinadala ng kaibigan nito.
Nagsimula sa isang pagkakamali ang lahat na nauwi sa pagiging magkaibigan ng dalawa. Ang inakala ni Helena na walang modong lalaki ay mabait din naman pala. Ngunit nang magkumpisal na ng pag-ibig sa kanya si Nick ay nag-iba na ang istorya. Ipagpapalit ba niya si Jack na kasintahan niya kay Nick na noon lang niya nakilala? Paano kung pinaglalaruan lang pala ni Nick ang damdamin niya?

9. Black Bureau Elite Series 1: Back In My Arms Again 1 (Agent Wire) by Noelle Arroyo



Hindi alam ni Cassie kung ano ang kanyang pinasok noong makilala niya si Rourke La Guardia at ma-in love siya rito. Sa simula ay wala siyang naranasan kundi pagkapahiya at sama ng loob dahil sa pagiging mailap nito.
Pero natuklasan niyang hindi pala siya nag-iisa sa kanyang nararamdaman—he was experiencing it, too. Siya naman ang nag¬pakipot noong unang magtapat ito—dahil hindi niya gustong nang dahil sa bugso ng damdamin ay mapasubo ito sa isang relasyong hindi naman nito talaga desididong pasukan dahil sa dedikasyon nito sa family business ng mga ito.
Pero sinubukan nilang magsimula, sa kabila ng alam niyang problema.
Pero may lihim pala ang binata na mas matindi ang magiging epekto sa kanilang bagung-bagong relasyon...

10. Black Bureau Elite Series 2: Back In My Arms Again 2 (Agent Wire) by Noelle Arroyo



Naghiwalay ang mga landas nina Cassie at Rourke. Pero hindi naging hadlang ang hidwaan ng kanilang mga damdamin sa nakaraan para ganap na makalimutan nila ang isa’t isa. Muli ay nagtagpo sila, at muli ay naranasan nilang buhay pa iyong kakaibang dam¬daming taglay nila para sa isa’t isa noon.
And then, another tragedy struck. Na-kidnap si Cassie.
At habang hinahabol niya ang oras para mailigtas ang babaeng kanyang pinakamamahal, isinumpa ni Rourke sa kanyang sarili na mabawi lamang niya ito, walang kahit ano ang muli ay aagaw rito sa kanyang buhay...

11. Lukaret Series 3: Conquering Cheska by Camilla



Dahil sa obsessed na ex-boyfriend ay napilitang makitira ni Cheska sa bahay ni Marcus. Maayos naman ang lahat sa pagitan nila. Crush niya ito noon but she had long outgrown it... or so she thought. Until something happened one night. At kinumpirma niyon ang katotohanan na hindi pa nga niya nakakalimutan ang pagsintang-purorot niya para dito.

12. Lukaret Series 4: Gillian, The Huntress by Camilla



Hindi alam ni Gillian kung bakit bigla na lang nawindang ang sistema niya nang makaharap niya si Hermes. Imposible namang love at first sight ang dahilan dahil hindi siya naniniwala roon. Kung nasa tamang pag-iisip lang siya ay titigil na siya sa pangungulit dito. Ngunit lalo lang siyang naengganyong ipagpatuloy iyon dahil noon lang siya nakakatagpo ng lalaking gusto niyang "ligawan." At hinding-hindi niya palalagpasin ang pagkakataong iyon.

13. Cinderella 69: Marcela, The Charming Scoundrel by Cassandra



Hindi nakapiling ni Marcela ang kanyang mayamang ina. Bata pa lang siya nang iwan siya nito sa kanyang amang namayapa na. Ngunit kahit namumuhi siya rito, pumayag siyang makita ito nang malaman niyang may malalang sakit ito.
Hindi niya inasahang mahihirapan na siyang umalis ng bahay ng kanyang ina nang makilala niya ito. Tanggap siya ng pamilya nito. At masaya sana kung tanggap din siya ni Lucio, ang guwapong lalaking nagdala sa kanya sa kanyang ina. Gusto niyang mapalapit dito, pero tuwing gagawin niya iyon, “I don’t have time for this nonsense” ang madalas sabihin nito sa kanya.
Paano kung nalaman nitong umiibig siya rito? Iyon pa rin kaya ang sasabihin nito sa kanya?

14. Cinderella 70: Gilberta, The Lady Jeepney Driver by Claudia Santiago



Walang nagawa si Gilberta kundi tanggapin ang iniaalok na trabaho ni Cody Villafuerte na magpanggap siyang nobya nito pagkatapos mabingit sa kamatayan ang kanyang ina. Kapalit ng gagawin ay babayaran siya nito ng isang milyong piso. Nagbigay kasi ng ultimatum ang lola nito na kapag hindi ito nakapagpakilala ng matino at mabuting babae bilang nobya nito bago sumapit ang ikatatlumpung kaarawan nito nito ay hindi ipamamana rito ang inaasam nitong resort.
Buo ang paniwala nito na kapag nalaman ng pamilya nito na mahirap lamang siya at isa pang jeepney driver ay agad na babawiin ng lola nito ang ultimatum na ibinigay nito huwag lamang mapunta ang apo nito sa isang babaeng katulad niya.
Ganoon na lamang ang pagkagulat nila ni Cody nang magustuhan siya ng pamilya nito!

15. Fruitcakes Series 11: Agapito Romantiko by Rose Tan



Isang milyong piso. Iyon ang makukuha ni Tata kung lalayuan niya ang boyfriend niyang si Agapito. Pero kaya ba niyang i-give up ang super-bait, super-lambing, super thoughtful, super loving, at lahat ng super na binata? Isang mataginting na “oo” ang sagot.
Babaeng talipandas at mukhang pera, iyan ngayon ang tingin sa kanya ni Agapito. “Isang milyon? Iyon lang ang halaga ko sa iyo? Premyo lamang iyon sa mga game shows!”
At hindi raw siya patatawarin nito kahit kailan.

16. Braveheart Series 24: Xavier Escuadro (Gorgeous Reprobate) by Dawn Igloria



Unang kita pa lang ni Alexis kay Xavier ay kinilig na siya. Saksakan naman kasi ng gandang-lalaki ito. Ngunit unti-unting nawala ang kilig niya nang magkasama sila sa isang malayong bayan para i-solve ang isang puzzle.
"Wala kang pakinabang. Kumbaga sa doughnut, ikaw `yong gitna. At kumbaga sa sitsirya, ikaw `yong ang lalagyan, eh, hindi sinusulatan ng nutrition information dahil walang sustansiya," pamumula nito sa kanya.
Ngunit sadyang mahirap i-resist ang charm nito. Dahil sa banding huli, hinahanap-hanap na niya ang mga pambubuska nito. Humahanga siya sa galing at talino nito.
At nang magkatotoo ang pagde-daydream niya na hinahalikan niya ito ay kinupkop ng puso niya ang pagmamahal dito. She was soaked in the bubbles of love when she felt that the feeling was mutual.
But something burst her bubbles. May girlfriend nap ala ito!
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Tue Mar 04, 2008 9:29 pm

salamat po sa pag-uupdate!!

at last! meron na ring lumabas na novel si ate sonia francesca...!!!!
pamatay ang line ha.. "kung pakakawalan kita, sino pang mamahalin ko?.. " hihi.. huhuntingin ko na agad!! baka maubusan.. yey!!!
=]

Smile
Back to top Go down
ayie0821
Junior
Junior


Number of posts : 39
Age : 31
Location : Sta. Lucia Pasig
Registration date : 2008-02-07

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Tue Mar 04, 2008 10:08 pm

MAKAKARATING KAYA SA KINAROROONAN KO ANG KOPYA NG NOVEL NI ATE CHE?

HAYZ!!!
Back to top Go down
gemme
Senior
Senior


Number of posts : 226
Age : 24
Location : Calamba City, Laguna
Registration date : 2008-01-29

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Tue Mar 04, 2008 11:06 pm

ayie0821 wrote:
MAKAKARATING KAYA SA KINAROROONAN KO ANG KOPYA NG NOVEL NI ATE CHE?

HAYZ!!!
oo nga po.. ang layu mo naman..
meron po bang distributor jan? hihi..
abangan mu na po ate.. hehe,
=]
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 2:31 pm

ate jen... thank you po sa walang sawa mong pagpost sa mga new releases...

at thank you rin kasi may 2 release si mis van lol! lol!

kahit matagal ko pa syang mababasa, masaya na rin ako...


wei, sandali, yong cover sa book na braveheart, parang naging cover na yan sa book ni miss van....
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 3:26 pm

naman.. kala ko yung mga bagong series na ang lalabas.

thanks.. Jen, namiss ko ito.. wala kasi last week.
1 week lang pero parang sobrang tagal na. Very Happy

Maganda ba yang Lukaret Series ni Camilla..

ang konti kasi ng nasa list ko ngayun kaya mejo pang add sa list Very Happy


@Caleb.. anong book yun?
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 5:49 pm

raveneyes> Oo. Maganda. Nabasa ko na yong book 1&2. basahin mo din ang Mindy's Romance. Favorite ko yan. Go, Benki!
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 9:26 pm

ay salamat!
sa wakas meron na din si sonia francesca!!
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 10:56 pm

caleb wrote:

wei, sandali, yong cover sa book na braveheart, parang naging cover na yan sa book ni miss van....

ah, oo, napansin ko rin, sabi ko nga familiar eh. Di ba si ano yan.... pinsan ni Lenny, hehehe... I should know kasi fave ko yung story nila eh.

Okey lang yun, mahirap din yatang maghanap ng cover illustration

nga pala, madami nga release pero ilan lang yung sa mga faves ko, pero okey na din kesa wala Smile
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Thu Mar 06, 2008 7:31 pm

Jen wrote:
raveneyes> Oo. Maganda. Nabasa ko na yong book 1&2. basahin mo din ang Mindy's Romance. Favorite ko yan. Go, Benki!

thanks.. nakabili nga ako ng lukaret series.. 1-4 hehe Very Happy sana maganda.. Laughing

Syempre di mawawala sa listahan ko si Vanessa.. mukha ngang maganda.. grabe xcited ako.

@MTF.. oo nga sa pepper nyan.. Pepper 3 – Michael Angelo Torillo-Isidro

hehe.. lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
princesshours
Newbie
Newbie


Number of posts : 21
Registration date : 2008-03-03

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Thu Mar 06, 2008 8:51 pm

at last! may new book na si ms sonia. sa wakas! i really need to go shopping for books.
me mindy's and meymeys romance na pala pero i havent got pa yung waways romance. anyone who have read it? feed back please.
Back to top Go down
blackkitten_14[magne]
Newbie
Newbie


Number of posts : 12
Age : 24
Location : Calamba city
Registration date : 2008-02-01

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Thu Mar 06, 2008 9:40 pm

sna umabot sa min ung kay ms sonia.....

sna tlaga.....

-------------------------------------------------------------------------------
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Fri Mar 07, 2008 3:59 pm

princesshours wrote:
me mindy's and meymeys romance na pala pero i havent got pa yung waways romance. anyone who have read it? feed back please.

Maganda ang Waway's & Mindy's Romance.. superb. sunny
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Fri Mar 07, 2008 8:49 pm

Jen wrote:
raveneyes> Oo. Maganda. Nabasa ko na yong book 1&2. basahin mo din ang Mindy's Romance. Favorite ko yan. Go, Benki!

waahh.. ang ganda ng Mindy's Romance.. bounce bounce


at ng FRUITCAKES 11. Agapito romantiko.. bounce bounce


cheers nakakatuwa..
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Fri Mar 07, 2008 8:58 pm

salamat sa pag update JEN...heheheh sana dumating na dito sa davao...heheh ^_^
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Fri Mar 07, 2008 10:38 pm

raveneyes wrote:

thanks.. nakabili nga ako ng lukaret series.. 1-4 hehe Very Happy sana maganda.. Laughing

Syempre di mawawala sa listahan ko si Vanessa.. mukha ngang maganda.. grabe xcited ako.

@MTF.. oo nga sa pepper nyan.. Pepper 3 – Michael Angelo Torillo-Isidro

hehe.. lol!

hahaha.... at talagang pinangalandakan mo pa. ikaw talaga.... kurutin ko yang ano mo eh........ hehehe Laughing

bigyan mo ko ng feedback bout lukaret series. I like the series title.... bagay sa ating tatlo, (you, me & caleb) lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Sat Mar 08, 2008 9:27 am

mtf wrote:
hahaha.... at talagang pinangalandakan mo pa. ikaw talaga.... kurutin ko yang ano mo eh........ hehehe Laughing

bigyan mo ko ng feedback bout lukaret series. I like the series title.... bagay sa ating tatlo, (you, me & caleb) lol!

haha oo nga.. lol! lol! balak ko pa nga sana pagdikitin ang dalawang image at ipaturo kung alin, alin ang naiba.. hahaha Laughing lol!
sensya na.. may hangover pa ako ng Agapito.. parang na-high ako pagkatapos kong basahin.. I love you

umpisahan ko pa lang basahin ang mga Lukaret.. i must admit ang ganda ng cover.. attractive.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
~brynette~
Junior
Junior


Number of posts : 115
Age : 28
Location : q.c.
Registration date : 2008-03-08

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Sat Mar 08, 2008 11:57 pm

waaahhh!! tapos ko na yung addicted to love na mula sa ating pinakamamahal na sonia f. grabeh ganda. well..as expected from our beloved writer cheers
Back to top Go down
nerdz
Newbie
Newbie


Number of posts : 8
Registration date : 2008-03-02

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Sun Mar 09, 2008 9:08 pm

talaga?

maganda? LOL


hi mtf, count me in, in your group.
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Mon Mar 10, 2008 7:19 pm

Natuwa naman ako..
dahil nagustuhan ko ang Lukaret 3 @ 4.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Mon Mar 10, 2008 9:33 pm

ganun ba? sige, hintayin ko muna matapos mong basahin, then pahiram ako, joke! lol!

di ko pa nababasa yung agapito, asar! Evil or Very Mad

@ nerdz, sure, walang problema. welcome to the lukaret club Laughing
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Mon Mar 10, 2008 10:00 pm

mtf wrote:
ganun ba? sige, hintayin ko muna matapos mong basahin, then pahiram ako, joke! lol!

di ko pa nababasa yung agapito, asar! Evil or Very Mad

@ nerdz, sure, walang problema. welcome to the lukaret club Laughing

oo ba. papahiram ko sau.
waat? di mo pa nababasa si Agapito??
naman! tinamaan ako kay Agapito. grabee na ittich lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
ashley brooke
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 27
Location : Iloilo
Registration date : 2008-03-11

PostSubject: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 26, 2008 2:57 pm

Addict ako sa The Eagle and the Dove Series ni Ms. Noelle. Ngayong na-release na ang stories ng mga kasamahan ni Eagle, magkakandaloka na naman ako sa pagpabalik-balik sa NBS kung may available nang BBE series. I love you alien Basketball cheers afro
Back to top Go down
cool december
Newbie
Newbie


Number of posts : 26
Registration date : 2008-03-19

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Wed Mar 26, 2008 8:39 pm

ashley brooke wrote:
Addict ako sa The Eagle and the Dove Series ni Ms. Noelle. Ngayong na-release na ang stories ng mga kasamahan ni Eagle, magkakandaloka na naman ako sa pagpabalik-balik sa NBS kung may available nang BBE series. I love you alien Basketball cheers afro

I bought BBE din Ashley. di Q pa lng cia nbbasa...
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:13 am

hayzzz may 7 copies ako d2 musta na
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: March 5, 2008 Book Release   Today at 7:51 pm

Back to top Go down
 
March 5, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: