HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 4, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 12:33 am

1. PHR 2991 Venice's Lucky Saturday by Vanessa



Tumakas si Venice sa kanyang lola na pilit siyang ipinakakasal sa isang lalaking hindi niya gusto at halos hindi niya kilala. Upang hindi siya mahanap nito ay nagpanggap siyang kawaksi. Guwapo at maginoo ang amo niyang si Facundo. Parang gusto niyang ma-in love dito...
Ang kaso, paano nito magugustuhan ang isang kawaksing katulad niya kung may nobya na ito? Isang nobyang “eeww” pero mukhang mahal na mahal nito?

2. PHR 2992 Ang Pagkahumaling Ni Jovannie Lagumbay by Camilla



Inggit na inggit si Jong sa magandang kapalaran ng mga pinsan niya, partikular sa love life. Pero ayaw niyang masyadong umasa na matutulad siya sa mga ito. Pero biglang nagbago ang paniniwala niya nang makilala niya si Sanjay, ang lalaking basta na lang humalik sa kanya sa kasal ng kanyang pinsan.
Kiber niya kung may ex-girlfriend ito na ubod ng ganda. At kiber din na maaaring on the rebound lang ito! Pagbibigyan niya ang kanyang sarili sa pagkahumaling niya rito...

3. PHR 2993 Some Kind Of Wonderful by Amanda



He was simply known as Mr. X. Isang pasyente na noong dalhin sa ospital ay inakala ng lahat na isang taong grasa. Ni hindi nito alam ang pangalan at nakaraan.
Pero matiyagang inalagaan ni Emily si Mr. X at pinagpala ito. Nang matanggal ang mga dumi sa katawan nito ay isang guwapong lalaki ang tumambad sa paningin niya. And he had the most expressive brown eyes. At sa tuwing titingin si Emily sa mukha nito ay nararamdaman niya ang isnag kakatwang damdamin—a wonderful feeling na hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya.
Hahayaan ba ni Emily na mahulog ang loob niya sa isang taong hindi niya maaaring ipagmalaki? Would love prevail over the circumstances?

4. PHR 2994 The Skeleton In Peg's Closet by Camilla



Sa lahat yata ng may mabigat na kasalanan, si Peg pa ang maganda ang kaparusahan. Nang malantad ang itinatago niyang skeleton sa kanyang closet, ipina-dismiss siya ni Bowden Miniati sa trabaho. Pero may solusyon itong inialok para sa financial problems niya.
“Marry me,” sabi nito.
Nakikita niya na solusyon iyon sa mga pangangailangan niya. Pero hindi niya mahulaan ang catch...

5. MLH 371 Konrad McFadden by Cassandra



Bumalik si Juliana sa Hacienda Valderama para sa burol ng kanyang ama at kakambal. Matagal na panahong nawala siya roon kaya wala siyang inaasahang magandang pagtrato sa kanya ng mga tao roon sa kanya. Subalit nagulat na lang siya nang malaman niyang ipinamana sa kanya ng kanyang ama ang lahat ng ari-arian nito. Wala sana siyang balak na tanggapin iyon ngunit napilitan siya dahil kailangan niyang ipagamot ang kanyang ina.
Sa pagtira niya roon ay napalapit siya nang husto sa abogadong si Konrad. Ayon sa mga tagaroon ay dito raw siya naging pinakamalapit noong bata pa siya. Nakilala niya ang pagkatao nito at nahulog ang loob niya rito. At alam niyang ganoon din ito sa kanya nang manganib ang buhay niya at naroon ito para protektahan siya.
Ngunit malaking pagkakamali pala ang ibigin niya ito. Hindi pala para sa kanya ang damdamin nito kundi para sa kakambal niya…
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 12:41 am

wahahah ang daming camilla at my vanessa na namn! Guys visit na kau sa site mgdating stocks by friday! mwahhh!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 4:04 am

weee.

meron na akong Venice Lucky Saturday last week pa!

para ngaun pala yang release.



Shocked
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 4:41 am

bonnga naman meeron ka na nung kay ms vanessa last week ngayn pa lang naman nilabas heheh,,


bakit kaya wala ng teritorio sana my ilabas si ms heart yngrid
Back to top Go down
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 5:03 am

lolo camilla bongang-bonga ka talaga sa pagkuracha lol! lol! lol!

next week ulit lolo C. sana mas marami lol! lol! lol!
Back to top Go down
ShaMmiE PinK
Junior
Junior


Number of posts : 71
Age : 33
Registration date : 2008-02-06

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Wed Mar 04, 2009 12:33 pm

nax! ang galing, andyan na story ni jong! can't wait to read it!.. hataw na hataw talaga c lola!
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Fri Mar 06, 2009 5:26 pm

raveneyes wrote:
weee.

meron na akong Venice Lucky Saturday last week pa!

para ngaun pala yang release.



Shocked

teh ang aga naman ng dating teh...

na-shock ako nong nagpost ka don sa forum sa new release..
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Sat Mar 21, 2009 10:22 pm

yeapeeeeeyyyyyyyy

may new novels ng lumabassssssssssssssss


yepeyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!

lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: im back hehee checkin   Sun Mar 22, 2009 9:57 am

im back checkin...
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: March 4, 2009 Book Release   Today at 10:38 pm

Back to top Go down
 
March 4, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Copenhagen March 21. 2009 (Enevold - Bokor - Kofod)
» Copenhagen March 21. 2009 (Jorde - Karlsson - Kofod)
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: