HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 18, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 12:08 am

1. PHR 2981 Luke, The Bodyguard by Camilla



Sa desperasyon na mapigilan ang kasal ng kanyang ama, Krista staged her own kidnapping. But her plan backfired. Sa takot para sa safety niya, ipinatapon siya ng kanyang ama sa private island nila, kasama ang guwapo at muy delicioso na bodyguard na si Lucas.
Hindi nakakagulat na umibig siya rito. Pero ang tanong: Mahal din ba siya nito—o nadala lang ito sa romantic atmosphere sa isla kaya may nangyari sa kanila?

2. PHR 2982 No More Tears by Kayla Caliente



Sa pangangalaga ni Rona naiwan ang kanyang pamangking si Marga. Ang kaso, sobrang pasaway ito. Sa katunayan, sinapak nito ang kaklase nitong si Francis! Nagalit tuloy si Lloyd, ang ama ng batang lalaki. Nagbanta pa ito sa pamunuan ng eskuwelahan na aalisin na lang nito roon ang anak.
Nakaisip naman ng paraan ang principal upang magkasundu-sundo sila. Maglalaan sila ni Lloyd ng oras para masamahan ang mga bata sa paglalaro at iba pang aktibidades.
Maganda naman ang naging resulta niyon. Ngunit dahil palagi silang nagkakasama, natagpuan na lang niya ang sariling gusto palaging nakikita si Lloyd. In love na yata siya rito. Ngunit may puwang ba siya sa puso ng lalaking ito na ang pagkakaalam niya ay may asawa na?

3. PHR 2983 Nakaw Na Pag-ibig by Kayla Caliente



Mahirap magmahal ng syota ng iba, ayon iyon sa Apo Hiking Society. One hundred percent na inaayunan iyon ni Carol. Ang kaso ay nanghihinayang siya kay Derek, ang macho, mabait, guwapo, edukado at katakam-takam na boyfriend ng kaibigan niyang si Jessa.
Pinasok yata ng surot ang kukote ng kaibigan niya dahil bigla ay ipinamimigay nito ang nobyo nito. Siya ang pinili nitong ambunan ng grasya. At dumating sa punto na naisip niyang bakit hindi. Nagpapatumpik-tumpik man ay nagpasya siyang pagbigyan ang weird na pakiusap ng kaibigan niya.
Pero kung kailan naman para na siyang tumama sa lotto ay saka niya natuklasan ang kay saklap na katotohanan. Lalabas siyang mas masahol pa sa ahas kapag itinuloy niya ang pagtanggap kay Derek sa puso niya…

4. PHR 2984 Ang Pangarap Ni Ging-ging by Camilla



Ang akala ni Ging-ging ay hanggang sa pangarap na lang ang lahat ng mga gusto niyang makamtan sa buhay. Then Nero came along—guwapo, edukado, at attracted sa kanya. Nagkaroon sila ng espesyal na relasyon.
Pero nang makita niya ito sa mall kasama ang anak ng may-ari ng pabrikang pinapasukan niya bilang operator, biglang gumuho ang mga pangarap niya. Ilusyon lang pala ang lahat sa pagitan nila ni Nero...

5. PHR 562 What Now, My Heart? by Rose Tan



Nagtangkang magpakamatay ang best friend ni Kit dahil niloko ito ng isang nagngangalang “Gabin Quirejero” na nakilala nito sa isang dating club.
Sumumpa siyang maghihiganti!
Ginamit niya ang dating club upang maka-date ang lalaki. Paiibigin niya ito at lolokohin katulad ng ginawa nito sa kanyang kaibigan. But when she finally got to meet him, she found out that he was the man she was searching for all her life.
They fell in love with each other!
Paano niya ngayon ipaliliwanag sa kanyang kaibigan na umibig siya sa lumoko rito? Ano ang magiging matimbang--ang pagkakaibigan o ang pag-ibig?

6. PHR 1356 Toby Loves Candy by Vanessa



Hindi maunawaan ni Candy ang sitwasyon nila ng kababata niyang si Toby. Mahigit sampung taon niyang hindi nakita ang lalaki at ngayo’y umaakto itong daig pa ang isang ulirang nobyo.
Why? Palagi itong nakaalalay sa bawat gawin niya, lagging nakabuntot saan man siya magpunta at, higit sa lahat, nagging hobby na yata nito ang paghalik sa kanya.
At siya naman, hinahayaan lamang niya ito.
Litung-lito na siya kung kaya’t ipinasya niyang tanungin ito. Ngunit isa palang malaking pagkakamali ang ginawa niyang iyon.

7. The Bachelors Series 49: Travis Ricaforte (Will You Be My Husband?) by Elizabeth McBride



Hindi tumigil si Lynette sa paghahanap sa kanyang Mr. Right. Natagpuan naman niya ito. All along, nasa tabi na pala niya ito at nagmamahal sa kanya. Ang best friend niyang si Travis pala ang sagot sa mga pangarap niya.
Sa pagnanais na hindi ito mawala sa kanya ay ginawa niya ang lahat para ma-please ito. Ang akala niya ay maayos na ang lahat. Until Travis broke up with her. Nasasakal daw ito sa pagmamahal niya.
Lynette could go looking for Mr. Right again. Pero paano kung wala nang ibang Mr. Right para sa kanya kundi si Travis?
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 12:15 am

i love it! guys bili na .... u can start purchasing ur order now... hay sana my heart dn at sonia at sofia... hehehe
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 4:36 am

cheers


Last edited by raveneyes on Wed Feb 18, 2009 4:47 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 6:10 am

wow! may camilla, vanessa, rose tan & elizabeth mcbride Laughing Laughing Laughing
Back to top Go down
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 7:03 am

Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad lolo lion bat wala ka parin Sad Sad Sad
Back to top Go down
zelle
Junior
Junior


Number of posts : 37
Age : 28
Location : north
Registration date : 2008-12-22

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 11:27 am

wow ang gaganda ng camilla...

sna meron ding ate heart at sonia...

wahh..
Back to top Go down
dark_Angel
Newbie
Newbie


Number of posts : 28
Age : 28
Location : sa tabi tabi lang
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Wed Feb 18, 2009 6:03 pm

wala pa po bang bago sina ms.sonia at ms. sofia???
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/maezyandchakers
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Thu Feb 19, 2009 7:33 pm

ABAH. MGA BIGATIN! lol!
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
eden_flor
Junior
Junior


Number of posts : 113
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2008-10-06

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Sat Feb 21, 2009 9:48 am

dark_Angel wrote:
wala pa po bang bago sina ms.sonia at ms. sofia???


yup, nasaan na po si ms. sonia at ms. sofia?
hmmmm, may pinagkakaabalahan ba silang bago ngayon? baka busy sa pagawa ng Stallion Island........gud luck po!!!!!!!!!!!
Back to top Go down
yonik
Newbie
Newbie


Number of posts : 6
Age : 31
Location : Imus, Cavite
Registration date : 2009-02-23

PostSubject: noooooooo   Mon Feb 23, 2009 11:29 pm

OMG!..49 na ang bachelors??...naman naman!....1st batch pa lang aq!..haaaay..
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Thu Mar 12, 2009 9:42 pm

yonik wrote:
OMG!..49 na ang bachelors??...naman naman!....1st batch pa lang aq!..haaaay..




hello po... fan din po ba kau ng bachelors?
in fairness po...
ganda po ng third edition... wala kang masasabi... hehe....
46-49 plang po meron... hehe....
ganda po ng mga stories.... hihi!!!!
lalo na po ung kay bryce at sa love nia dun... hehe
un lang po...
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: February 18, 2009 Book Release   Today at 2:46 pm

Back to top Go down
 
February 18, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: