HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 11, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 1:06 am

1. PHR 2974 Egay's Romance by Vanessa



Tuwing magtatagpo sina Egay at Timothy ay hindi maganda ang nangyayari. Unang pagtatagpo pa lamang nila ay nilait na si Egay ng lalaki gayong wala naman siyang ginagawang masama rito. Higit na mas malaking trahedya ang ikalawang pagtatagpo nila dahil nabundol ng kapatid nito ang kapatid niya.
Mukhang parating pinagtatagpo ng tadhana ang kanilang mga landas upang magkasagupaan.
Ngunit isang araw ay bigla na lamang ipinakilala siya sa ex-girlfriend nito bilang fiancée nito, at saka hinagkan siya sa mga labi.
Dapat ay magalit siya. Pero bakit hindi siya nag-react? Bagkus ay kinilig siya…

2. PHR 2975 Bakit Ngayon Ka Lang? by Kayla Caliente



Nananaghoy ang nasawing puso ni Gia nang unang magtagpo ang mga landas nila ni Keith, habang umaawit ito sa isang videoke bar. Ang pesteng lalaki, theme song pa nila ng kanyang taksil na ex ang napili nitong kantahin nito kaya muntik na niyang batuhin ito ng baso.
Ang sumunod na pagtatagpo nila ay nang mabangga siya ng sasakyan nito. And then she learned that he was moving into the same subdivision she was living in.
Tuloy ay hindi niya maiwasang maisip: may ipinagdudukdukan ba sa kanya ang tadhana?
Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang si Keith na nga yata ang sugo ng kapalaran para ma-resuscitate ang na-murder na puso niya. As she got to know him better, she slowly but surely fell in love with him.
Isang sentimetro na lang ay aaminin na niya na deeply, madly and truly in love with him na siya. Pero bago mangyari iyon ay may natuklasan siyang masaklap na katotohanan tungkol dito kaya dapat na siyang um-exit sa buhay nito.
Araguy!

3. PHR 2976 Shut Up And Kiss Me by Rose Tan



Pamamanahan daw si Rixie ng tita niyang old maid ng sandamakmak na alahas kung makipagbabalikan siya kay Leroy.
Pumayag siya. How hard could that be?
So very hard pala. Dahil…
“Shut up, Rixie! Ayoko nang marinig ang mga paliwanag mo na iisa naman ang ibig sabihin. Niloloko mo ako. Umalis ka na!” ani Leroy. Binato pa siya nito ng sponge.
Tsk. Tsk.

4. PHR 2977 Doc, Gamutin Mo Ang Puso Ko by Camilla



Isa si Zak sa mga indigent patients ng Czech-Japanese heart surgeon na si Dr. Bobek Toyonaga. Guwapo na ay busilak pa ang kalooban ng naturang doktor kaya masisisi ba siya kung mabilis na nahulog ang loob niya rito?
Pero nalaman niyang nakatakda na palang ikasal ito.
Napaka-ironic na si Bobek ang doktor ng kanyang puso, pero ito rin ang nagdulot sa kanya ng sakit na hindi malulunasan ng pinakamagaling na surgeon sa buong mundo.

5. PHR 2978 Accidental Lovers by Dawn Igloria



Muntik nang mapatid ang pasensiya ni Lulie sa kaibigan niyang si Morris nang gamitin siya nito upang itaboy ang isang babaeng hahabul-habol dito. Hindi naman niya matiis ito. Lalo na nang sabihin nitong ayaw nitong mapikot.
Minsan lang niyang tinulungan ito ay nawili naman ang bruho. Siya na ang ginawa nitong companion nito sa lahat na yata ng social functions na pinupuntahan nito. Kung bakit kasi kahit nakukunsumi siya rito, napapapayag pa rin siya nitong tulungan ito.
Nagtaka ang lahat nang maging sila ni Morris. Sadya nga yatang malakas ang persuasive powers nito dahil pati puso niya ay nagawa nitong pasunurin.
Kaya lang ay may iba palang agenda ito kaya pinaibig siya—sa kanya nito ipasasagip ang naluluging kompanya ng pamilya nito.
Doon na siya umalma.

6. PHR 2979 Treasure In Your Heart by Heart Yngrid



Mikki loved adventures. Nasubukan na yata niya ang lahat ng klase niyon. Isa na lang ang hindi pa niya nagagawa—treasure hunting. Kaya nang sabihin sa kanya ni Don Tiburcio Archanghel ang tungkol sa kayamanang ibinaon ng great-grandfather nito sa isang lugar na hindi nito alam ay na-excite siya.
Bago pumanaw ang matanda ay binigyan siya nito ng basbas upang hanapin ang kayamanan. Nang simulan niyang hanapin iyon ay nakilala niya ang nagpakilalang apo nito na si Rafhael. Pilit man niyang itinago dito ang bilin ng lolo nito ay nalaman din nito ang tungkol sa kayamanan.
She would not mind tagging him along in her search for the treasure. Ang problema, napakayabang at napakabastos nito. Pinag-iinit nito ang kanyang ulo. Ngunit habang tumatagal ay parang hindi lang ang kayamanan ang gusto niyang maangkin kundi mukhang pati ang puso ng kanyang babaerong treasure-hunt buddy...

7. PHR 2980 Ichigo Machimaru (Strawberries and Marshmallows) by Sheena Rose

* cover to follow

Ang akala ni Lowee ay hindi niya kailanman mararanasan ang maging brokenhearted dahil natagpuan niya nang maaga ang kanyang “Mr. Right.” Ngunit nang lokohin siya ng first love niya ay parang gumuho ang kanyang mundo.
Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Keeno—ang half-Japanese cutie na best friend niya. Ito ang tumulong sa kanya na ngumiti uli sa pamamagitan ng strawberry and marshmallow cake na bine-bake nito.
Isa na lamang ang nais niyang mangyari, ang maipakita sa ex-boyfriend niya na nakapag-move on na siya. Ngunit pumalpak naman lahat ng date niya kaya napilitan siyang sabihin dito na si Keeno ang ipinalit niya rito. Bahala na si Batman kapag nalaman ni Keeno ang ginawa niya.

8. PHR 828 Para Saan Ang Pag-ibig? by Amanda



Para kay Aya, maituturing na fairy tale ang love story nila ni Gabby. Mula sa pagiging tindera sa palengke hanggang sa tanghalin siyang Bb. Sto. Rosario sa lugar nila ay hindi na siya hiniwalayan nito.
Ito ang prinsipeng nag-ahon sa kanya sa hirap.
Mahal niya ito kaya walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang kasal na inalok nito sa kabila ng pagtutol ng pamilya nito. Ano raw ang mapapala ni Gabby sa isang tinderang katulad niya? Dinamdaman man niya ang mga parunggit na iyon ay doon siya humugot ng lakas upang patunayan ang sarili sa mayamang pamilya nito.
Natatanaw na niya ang tagumpay nang biglang bumagsak ang loob niya dahil sa nalamang totoong dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Gabby. Alin ang susundin niya? Ang isip niya na nagsasabing isuko na niya si Gabby o ang puso niyang sumasalungat sa idinidikta ng kanyang isip?

9. PHR 1343 Sa Pagngiting Muli Ng Puso by Vanessa



Ingrid used to be carefree. Ngunit nang ipamukha sa kanya ng lalaking minahal niya na kailanman ay walang lalaking tototohanin siya, parang bigla siyang natauhan… at natakot. She became so reserved and a real Miss Prim and Proper. Naging sobrang organized ang kanyang buhay.
But Gabe came along. Masyado itong masiyahin. Natakot siyang lalong mapalapit dito dahil nakikita niya ang dating sarili rito. But she could not resist him. At hindi man niya aminin ay nag-e-enjoy siya kapag kasama niya ito. Nararamdaman din niyang unti-unti ay nakukuha nito ang puso niya.
Ngunit paano kung malaman niyang palabas lang pala ang pakikipaglapit nito sa kanya? Now that she was ready to really give her heart to him…

10. The Bachelors Series 48: Ricardo "Rich" Caballero (There's A Place For Us) by Elizabeth McBride



Ang kahirapan sa buhay ang nagtulak kay Nikki para piliin ang ambisyon at isantabi ang pag-ibig niya para kay Rich. She wanted to give her family a better future.
Lingid sa kaalaman niya, hindi huminto si Rich sa pagmamahal sa kanya. Halos mapabayaan nito ang sarili para lang matupad ang mga pangarap niya. Nang malaman niya ang tungkol sa mga ginawa nito ay noon niya natiyak sa sarili na nakahanda na siyang ipaglaban si Rich. Pero paano pa niya sasabihin dito na dugtungan nila ang kanilang kahapon kung mayroon na palang ibang nagmamay-ari dito?
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 1:47 am

kanina ko pa binabalikan to..
inaantay kopost mo.
salamat ms. jen
txt ko na agad si cousin para ipareserve ako sa dasma. hehehe
hayst..
walang new novel sonia and sofia???
cge pili muna ako ng iba.
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 4:01 am

wow.




Vanessa, Rose Tan & Heart Yngrid!!



cheers cheers


What a Face
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 4:36 am

ang daming maganda...

pa reserve na ko sa SM mnl

thanks ms jen.
Back to top Go down
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 5:15 am

wala parin si grand lion Sad Sad Sad

dbali meron namang camilla, amanda, heary yngrid and vanessa
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 6:49 am

walang TDLH??


pero my Romance ni Kagandahan

at

Heart Yngrid

Tnx ms. jen
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 7:05 am

wow may RC si Camilla at meron din si Elizabeth Mcbride bounce bounce bounce
Back to top Go down
brokenheartedone
Junior
Junior


Number of posts : 91
Location : nueva ecija
Registration date : 2008-09-13

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Wed Feb 11, 2009 2:48 pm

narito pala laht ng fave q miss V, RT, EM, & Lola C!!! thanx jen for the teasers!!! cheers
Back to top Go down
pinaywriter
Newbie
Newbie


Number of posts : 10
Age : 31
Location : MAKATI slash ORTIGAS
Registration date : 2008-12-30

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Thu Feb 12, 2009 7:18 am

Jigger nasan ka na? confused Sad
Back to top Go down
chary0401
Junior
Junior


Number of posts : 100
Age : 35
Location : San Francisco, Surigao del Norte
Registration date : 2009-02-09

PostSubject: book release   Thu Feb 12, 2009 9:33 am

eLLo! Smile drunken sunny

im new here.... Very Happy

anywayz im happy n may bgo ngyn c rose tan..... Razz Very Happy

kelan nman kya magkaroon ng bago sa KRISTINE SERIES by Martha???? Wink bounce bom
Back to top Go down
http://phoebekirsten.multiply.com
chanz
Master
Master


Number of posts : 503
Age : 29
Location : lilo-an, cebu
Registration date : 2008-09-30

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Thu Feb 12, 2009 2:41 pm

pinaywriter wrote:
Jigger nasan ka na? confused Sad


click mo lang yan

http://precioushr.forum-motion.com/book-reviews-f5/january-28-2009-book-release-t773.htm

matagal na syang na erelease
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Thu Feb 12, 2009 6:20 pm

daming magaganda ah!!!
sana mabasa ko sila lahat...hahaha
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
yvi_locca_rethe
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2162
Age : 30
Location : dumaguete city, neg.or.
Registration date : 2008-11-21

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Thu Feb 12, 2009 10:47 pm

pinaywriter wrote:
Jigger nasan ka na? confused Sad

uhh...

last january pa po na release si jigger...
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Fri Feb 13, 2009 4:59 pm

cool...

Vanessa and Heart Yngrid....
Back to top Go down
eden_flor
Junior
Junior


Number of posts : 113
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2008-10-06

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Sat Feb 14, 2009 9:40 am

YO! miss Jen, tnx sa pagpost nito.
Back to top Go down
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Mon Feb 16, 2009 1:39 am

tenk you poh!!!

may aabangan na naman kmi d2..

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
fleurdeliza
Newbie
Newbie


Number of posts : 3
Age : 38
Location : MQC
Registration date : 2009-02-08

PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Mon Feb 16, 2009 12:02 pm

hmmm no new novel of sonia?

maybe elizabeth mcbride would be the
best choice here..
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: thank you   Tue Feb 17, 2009 4:25 am

salamat to all readers in USA please visit my link:
http://www.tagalogpocketbookromance.com/
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: February 11, 2009 Book Release   Today at 7:52 am

Back to top Go down
 
February 11, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: