HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 4, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 5:14 am

1. PHR 443 Undercover Lover by Rose Tan



Isang private investigator si Marie. At nang mawala ang anak ng biyudong si Jaime De Larna at hingin nito ang serbisyo niya ay nangako siyang hahanapin ang bata.
Ang kaso, sa pagsama-sama ni Jaime sa kanya sa paghahanap ay nauna pa niyang matagpuan ang sarili niya--sa piling nito. Ngayon ang hangad niya ay mapantayan sa puso ni Jaime ang namayapang maybahay nito...

2. PHR 553 Good-bye, Girl by Rose Tan



Sunud-sunod ang kamalasang inabot ni Ritchie. Ang huli ay pinagbintangan siyang pumatay sa asawa ng kanyang dating boyfriend. Sa kadesperaduhan, naisipan niyang ipadukot si Dr. Alfonso de Grano, ang tanging saksi na makapagsasabing wala siya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nang maganap iyon.
Pagkatapos ng hirap na ipinadanas niya rito, pumayag din itong tumestigo. Nakaiwas siya sa pagkakakulong.
Ngunit nabihag naman ang kanyang puso. At si Dr. de Grano lamang ang may kakayahang palayain iyon…

3. PHR 839 Once There Was A Love by Amanda



Pikit-matang tinanggap ni Miranda ang alok na kasal ng mayaman at guwapong negosyante na si Ricardo Van Burren dahil iyon lamang ang nakikita niyang paraan para malutas ang problemang kinakaharap ng kanyang kapatid.
Nang pumayag siya sa naturang kasunduan ay sigurado siya sa sariling strictly business lamang ang namamagitan sa kanila ni Ricardo. Nang isama siya nito sa Camiguin para doon manirahan ay nakita niya ang ibang ugali nito. Taglay pala nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.
Pero kung kailan nakahanda na siyang amining napapamahal na siya rito ay saka dumating ang isang babaeng magpapabago sa maganda na sanang pagtitinginan nila ni Ricardo...

4. PHR 1337 My Boss Penelope by Vanessa



Halos himatayin si Penelope nang makilala niya si Engineer Francis “Kiko” Palmario. Ibang-iba na ang hitsura nito at lalo itong gumuwapo sa kanyang paningin. Ito ang in-assign ng kanyang papa na gagawa ng building niya sa Mindoro.
How could I forget his face? Anim na taon ang lumipas nang kuhanan niya ito ng body hair “doon,” bilang initiation niya sa sorority.
Marahil ay hindi rin siya nito makalimutan dahil napagkamalan siya nitong si “Gertrude,” ang pangalang ipinakilala niya rito noon.
Sa paghahangad niyang mailigaw ito, damdamin naman niya ang nagulo. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay matindi pa rin ang epekto ng mga halik nito sa kanya.
Ngunit paano niya maipaglalaban ang damdamin niya rito kung may Mayla na sa buhay nito?

5. PHR 1348 Strawberries And Chocolates by Vanessa



Kahit hirap ay nagawa ni Tata na makapagtapos ng pag-aaral subalit wala naman siyang mapasukang trabaho. Kaya nagtitiyaga muna siyang mamasukan bilang magician at minsan ay mascot sa RRJ Party Needs.
Subalit sa isang children’s party ay nasapak niya ang isang guest matapos siyang mapagkatuwaang itulak sa swimming pool habang suot ang costume ni Barney. Dahilan upang matanggal siya sa trabaho.
Desperada na siyang magkatrabahong muli kaya lakas-loob niyang pinuntahan ang ninang niyang dalawampu’t apat na taon na niyang hindi nakikita. Suwerte namang nangangailangan ng sekretarya ang anak nito.
Ngunit nang makita niya ang anak nito ay hindi niya malaman kung sinuwerte o minalas siya. Dahil ang anak nito ay siya ring guest sa party na nagtulak sa kanya!

6. PHR 1576 Boarder Ng Puso Ko by Noelle Arroyo



Payapa at komportable ang buhay ng binatang arkitektong si Dionisio Pereira. Mataba ang bank account niya, nagagawa niya ang anumang gusto niya, at maayos ang social life niya. Ang tangi lang niyang problema ay ang mommy niya na panay ang parinig na gusto na nitong magkaapo.
Pero hindi pa siya handang magpamilya. Hindi pa niya nakikita ang babaeng magiging ina ng kanyang mga supling.
Hanggang sa mangupahan sa bahay nila si Lucencia Macaspac. Ginulo nito ang plantsado niyang buhay.
Pero nakapagtatakang sa una lang siya nagalit dito. Nang magtagal, gusto na niya ang mga disruptions na ginawa nito sa buhay niya.
Hmm… mukhang siya ang ginawang target ng lokong si Kupido. At aminado siya, hindi lang ito naka-bull’s-eye, naka-cherry pa ito.

7. Heartstrings Barkada Series 6: Wyatt, The Gentleman by Sheena Rose



Nahindik si Bench nang malaman niyang mapuputol na ang allowance niya. Ngunit ang mas masamang balita ay hindi pa rin niya matatanggap ang kanyang mana mula sa kanyang namayapang lola na matagal na niyang hinintay.
Ang sabi sa kanya ng abogado ng kanyang lola, ang tanging paraan para mag-survive siya until the time na maaari na niyang makuha ang kanyang mana ay ang magbanat siya ng buto.
Pero may iba siyang naiisip na solusyon: gawing boyfriend si Wyatt, ang guwapong CEO ng Venable Group of Companies. It was a brilliant idea. Pero mahirap din iyon dahil ubod ng seryoso ng lalaki.
Ngunit pasasaan ba’t aamo rin ito sa mga palad niya?

8. Territorio De Los Hombres Series 42: Escudero Tolindoy by Vanessa



Gumawa ng paraan si Imelda upang pakasalan siya ni Escudero Tolindoy, ang lalaking dumungis sa kanyang pangalan. Nagtagumpay naman siya. Wala itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Ang totoo ay masama ang ugali nito at aminado ito roon. Pero sa pagtataka niya ay bigla na lang gumanda ang pakitungo nito sa kanya. Tuloy, hindi niya naiwasang mahulog nang husto ang loob niya rito... Pero totoo ba ang ipinakita nitong pagbabago o gusto lang nitong gumanti sa kanya?

9. MLH 369 Ro by Laurice del Rio



Buo ang paniniwala ni Donita na nagkaroon ng sabotahe sa pabrika ni Inang Kalikasan. Isa siyang buhay na patunay niyon. Lalaki ang kanyang puso pero ano’t isinilid siya sa katawan ng isang babae? Tanggap naman ng mga mahal niya sa buhay ang kanyang pagkatao. Maliban lang kay Lolo Berns. Ito ang namumukod-tanging naniniwala na nalilito lamang siya sa kanyang tunay na kasarian.
Dahil doon ay nakaisip ito ng drastic na paraan para harangan ang kanyang maling paniniwala sa kanyang kasarian. Ang masaklap, kinutsaba nito si Ro.
Naka-diapers pa lamang yata sila ay magkaibigan na sila ni Ro. “Utol,” “tsong,” “pare,” at “brod” ang ilan sa mga tawag niya rito. Kaya nagulumihanan siya to the max nang bigla na lamang ay “sweetie pie” at “honey bunch” na ang gusto niyang itawag dito.
Umiibig na yata siya rito…

10. MLH 370 Gabriel Arellano by Cora Clemente



Several years ago, kumakanta lamang sa isang pipitsuging bar si Almira. Ngayong unti-unti na siyang gumagawa ng pangalan sa larangan ng pag-awit, hindi pa rin siya makapaniwalang maaabot niya ang kasikatang iyon.
Ang hindi alam ng lahat, minsan na siyang nabigo at iyon ay dulot ng isang guwapo at mayamang lalaki. Dahil doon ay ganoon na lamang ang pag-iwas niya sa mayayamang lalaki na alam niyang paglalaruan lamang ang mga babaeng katulad niya.
But she met Gabriel Arellano, ang lalaking sa simula pa lang ay ayaw na niyang mapaugnay sa buhay niya. Hindi lamang kasi ito guwapo at mayaman, kung umasta ito at manduhan ang buhay niya, tila narito ang lahat ng karapatan.
Kaya hindi siya makapaniwala nang tratuhin siya nito na parang siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito.
Now how could she stay away from someone like him?


Last edited by Jen on Wed Feb 11, 2009 1:09 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 6:58 am

thannks mynew na
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 8:09 am

Ang saya ko grabe.. ganda ng mga reprints ng Rose Tan at Vanessa!!!




wala pa akong undrcovr lover!!!



magkakaron na ko!!




saya talaga. bounce bounce bounce
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 8:21 am

PHR sana next ninyong i-rprint ang "MARY AND HER BEST FRIEND RON" at "MLMH WILCE"!!!



parang awa nyo na, yun na lang kulang ko kay Vanessa!!!!






cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 10:26 am

ang galing ang dami..

ipon muna ako..

te rave na receive mo ba pm ko?
Back to top Go down
gothgirlheaven
Newbie
Newbie


Number of posts : 6
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2009-01-31

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 4:43 pm

[i] yehey. another TDLH by vanessa. gee super saya mababasa qu na rin un story ni tolindoy. maxado na qung na cu curious sa kanya.hehe. tomorow punta na qu SM agad. bounce

sa Phr editor sana po tuloy2x na evry nxtwik ung labas ng TDLH batch 5. nd na po qu mk paghintay na ma complete xia. kawaaii sa lahat ng vanadiks. hehe Razz
Back to top Go down
chanz
Master
Master


Number of posts : 503
Age : 29
Location : lilo-an, cebu
Registration date : 2008-09-30

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 5:37 pm

wow!

my new release na

halos lahat

reader's choice ahh

mmmm scratch scratch

salamat sa post ms. jen

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy



____________
"When you love someone, let them know...
You never know what will happen the next minute....
Learn to build a life together..
Learn to love each other...
For who they are...
not what they are..."


[b]
Back to top Go down
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Wed Feb 04, 2009 11:50 pm

thanks sa info ate jen....

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
amelley
Senior
Senior


Number of posts : 256
Age : 26
Location : DEADSPOT
Registration date : 2008-11-26

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Fri Feb 06, 2009 3:02 pm

hayz..

kelan naman kaya mari-release ang story ni gran leon?
Back to top Go down
http://www.josepaolo.proboards.com
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Fri Feb 06, 2009 4:41 pm

thanks ms. jen...

ngayon ko lang nabuksan acct ko,call na ko ng SM mnl...

tolindoy and undercover...
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Sun Feb 08, 2009 7:06 pm

sana....may stallion island nah!!!!!!!

lol! lol! lol! lol! lol! lol!

reprint ng stallion!!!!!!!!!!!!!!!!!!

i need i want reprint!!!!!!!!!!!!


lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Sun Feb 08, 2009 7:18 pm

kailan lalabas ang bagong series ni ate arielle????

excited na ako....

lol! lol! lol! lol!

ang kristine series kailan????

lol! lol! lol!
Back to top Go down
magne_17
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 27
Location : imus, cavite
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Tue Feb 10, 2009 8:28 am

Nabasa ko na story ni Wyatt sa barkada series ni te sheena. Nice Name!!! I love you Ang iintayin ko ngaun ang story ni Wyngard (tama ba spelling??) Wink
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: February 4, 2009 Book Release   Today at 2:41 pm

Back to top Go down
 
February 4, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: