HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 21, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 3:00 am

1. PHR 2965 Beyond The Reason Why by Sofia



Kung may tao sigurong kinamumuhian nang labis si Simmy, Attorney Thorn Vance. Ito ang nagtulak sa kamatayan sa kaibigan niyang si Dahlia. Ito ang lalaki na hindi marunong magmahal.
Pero nang manganib ang buhay nito dahil sa kanya ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makabawi siya rito.
Kasama bang pambawi ang puso niya?

2. PHR 2966 Yours, Mine, And Ours by Kayla Caliente



Unang tingin pa lang ni Mandy kay Anton ay nakabuo agad siya ng konklusyon. Wala ito ni katiting na K na mamuno ng Carelink Corp. Kung abilidad, sipag, tiyaga at pagkasipsip ang pag-uusapan ay lamang siya rito nang ilang daang paligo. Pero may alas ang lalaki. Apo lang naman ito ng may-ari ng kompanya na si Do¤a Rosario.
Gusto na niyang gumawa ng placard na may nakasaad na It’s unfair! Paano’y, basta na lang siya mai-itsa-puwera ngayong biglang sumulpot sa eksena ang magaling na lalaki. Iyon ay kahit bago pa man ma-stroke ang matanda ay halos siya na ang nagpapatakbo ng kompanya.
Ang masaklap pa roon, pinakiusapan siya ng matanda, na hindi niya alam kung nananadya o ano. Turuan at gabayan daw niya si Anton para matutuhan nito kung paano pamunuan ang Carelink.
She was prepared to hate Anton. Pero mukhang may ibang agenda ang puso niya...

3. PHR 2967 Trinity's Romance by Vanessa



Napilitan si Trinity na pakasalan si Roque bilang pagsunod sa utos ng kanyang lola. She hated the man. Mula nang dumating ito sa kanilang hacienda ay ito na ang naging apple of the eye ng lola niyang dati ay siya lang ang paborito. Still, she had to marry him.
Pakiramdam niya ay hindi na sila magkakasundo sapagkat lahat ng ayaw niyang gawin ay pilit na ipinagawa nito sa kanya. Ang pinakanakakainis sa lahat, inalisan siya nito ng maid! But then she found herself enjoying doing things for him. Mukhang nahuhulog na ang loob niya rito… Pero alam niyang may nobya ito na alam niyang mahal na mahal nito.

4. PHR 2968 Forever And For Always 3 (Dorothy & Victor) by Joan Jean



Hindi maganda ang unang pagkikita nina Dorothy at Victor. Napagkamalan kasi siya nitong bayarang babae kaya inalok siya nitong babayaran ang serbisyo niya pumayag lamang siyang sumama rito. Sa tingin niya ay wala naman sa hitsura niya na ganoon siyang uri ng babae. Crush pa naman sana niya ito dahil guwapo ito kahit may-katabaan.
Ang buong akala niya ay hindi na uli sila magkikita. Ngunit mukhang may ibang plano ang tadhana sa kanila. Hindi nagtagal ang pagkainis ni Dorothy kay Victor. Dagli ring napalitan iyon ng pagmamahal.
Naniwala siya na pareho sila ng nararamdaman para sa isa't isa dahil kahit hindi nito tahasang sinabi na mahal siya nito ay binigyan naman siya nito ng singsing. Kaya nadurog ang kanyang puso nang biglang maglaho ito pagkatapos niyang ipagkaloob ang kanyang sarili rito.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagpakita uli ito sa kanya. Humihingi ito ng pangalawang pagkakataon.
Dapat ba niyang pagkatiwalaan uli ito gayong ang dahilan kung bakit ito biglang umalis ay dahil wala itong tiwala sa kanya?

5. PHR 69 Walang Kapantay Na Pag-ibig by Amanda



Para kay Rosana, napakahirap makamtan ang pag-ibig ni Andro. Bukod sa kaibigan lang ang turing nito sa kanya, may babae na ring nagmamay-ari ng puso nito. Until he met an accident. She took care of him unselfishly. Pinalakas niya ang loob nito.
Nang tanungin siya nito kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon ay tinapat niya ito—sinabi niyang iniibig niya ito.
Ngunit siya man ay tinapat din nito. Sinabi nitong ang kanilang relasyon ay hindi hihigit sa pagiging magkaibigan.
Would she accept defeat and leave him—or fight for his love against all odds?

6. PHR 1315 Ikaw Sa Buhay Ko by Vanessa



Nilisan ni Kate ang bayan ng Kakisigan na baon ang galit sa kanyang dibdib. Napahiya siya nang laitin siya ni Mando--ang nag-iisang kaibigan niya--at sinabing "pangit" siya sa harap ng maraming tao. Mula noon ay nagsumikap siya hanggang sa maging matagumpay sa negosyong pinasok niya.
At ngayon ay nagbalik siyang walang ibang laman ang isip kundi ang gantihan ang lalaki. Gagamitin niya ang kanyang karisma at angking kagandahan upang mahulog ang loob nito sa kanya.
Subalit bakit ganoon? Nang makita niya ito'y parang hindi na yata niya kayang ituloy ang planong paghihiganti rito. At parang siya lamang ang masasaktan kapag sinaktan niya ito...

7. PHR 1466 Ang Kaibig-ibig Kong Boss by Noelle Arroyo



Nang mag-apply si Ems sa Ricafuerte Group of Companies ay hindi niya inasahang matatanggap siya roon. Sa isa tulad niyang bagong graduate, that was more than a surprise. Pero ang higit niyang ikinagulat ay nang malaman niyang hindi lang isang simpleng sekretarya ang magiging trabaho niya roon. Magiging personal assistant mismo siya ng presidente ng kompanya--si Anton Ricafuerte!
Kaya lang ay may rule ito sa trabaho: Don't fall in love with the boss.
Makakaya kaya niyang sundin ang rule na iyon gayong matitigan lang siya ng abuhing mga mata nito ay nawawala na siya sa sarili?

8. The Bachelors Series 47: Bryce Soriano (You're My Only Love) by Elizabeth McBride



Dalawa ang dahilan ni Rapha kung bakit namasukan siya sa kareristang si Bryce Soriano. Bukod sa mahilig siyang kumumpuni ng mga sports car ay nais din niyang mapalapit kay Bryce.
Naging maayos naman ang samahan nila. Naramdaman niya ang pagpapahalaga nito kaya tuwang-tuwa siya at madalas na mapanaginipan niya ito. Pero sa bawat panaginip niya ay kakaibang laban ang sinusuong niya: giyera ng mga babaeng nag-uunahang makasilo kay Bryce.
Kung kailan determinado na siyang gawin ang lahat para mauna sa finish line, sa di-maipaliwanag na kadahilanan ay napansin naman niyang unti-unting dumidistansiya sa kanya si Bryce...

9. Cinderella 74 Venice, The Crying Lady No More 1 by Cora Clemente



Sa gulang na disinuwebe ay pinasan ni Venice ang malaking responsibilidad sa kanyang nakababatang kapatid na si Jolan nang maulila sila sa mga magulang. Napilitan siyang huminto muna sa pag-aaral upang kumayod sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay sa palengke para sa kinabukasan ng kapatid niya.
Pero parang gumuho ang mundo niya nang masadlak sa hindi magandang trabaho si Jolan—iyon ay nang maging showgirl ito sa isang bar. Hindi niya hahayaang tuluyan itong malublob sa putikan kaya gagawin niya ang lahat sukdulang ipain niya ang sarili para lang mailigtas ito.
Nakipagkasundo siya sa manager ni Jolan. Pakakawalan daw nito ang kapatid niya sa kondisyong siya ang papalit dito sa pagiging showgirl sa isang private birthday celebration na dadaluhan ng mayayamang magkakaibigan. Pikit-matang pumayag siya.
Sa kasayahang iyon ay nakilala niya si Aquilles, ang guwapong may-kaarawan. Pero muntik na siyang mapariwara sa mga kamay nito. Paano nga naman kasi siya igagalang nito kung ang pagkakakilala nito sa kanya ay isang mababang uri ng babae?

10. Cinderella 75 Venice, The Crying Lady No More 2 by Cora Clemente



Dalawang taon na ang nakararaan nang muntik nang mapariwara ang puri ni Venice dahil sa pagsaklolo niya sa kanyang kapatid. Pinilit niyang makalimutan ang maiksi ngunit madilim na bahaging iyon ng nakalipas.
Ngayon, mula sa pagiging tindera ng gulay ay isa na siyang sikat na artista. Masasabing household name na ang pangalan niyang “Venice del Rio” dahil sa top-rating teleseries niya—ang Liway. Iyon ang nagsilbing pinto para sa iba pang magagandang offers.
Subalit sadya yatang nais pa siyang paglaruan ng tadhana. Kung bakit sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas, si Aquilles Jovellana pa ang nakatakda niyang maging big boss sa movie outfit na magbibigay sa kanya ng maraming movie projects!
Paano ba niya makakalimutan si Aquilles gayong ito ang lalaking muntik nang makakuha ng pagkabirhen niya? Magsisilbi ba itong threat sa yumayabong na career niya sa oras na ibunyag nito ang pangit na nakaraan niya? O ito ang lalaking nakatakdang pumukaw sa kanyang puso?


Last edited by Jen on Wed Jan 21, 2009 6:36 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
cHeLLy
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 23
Location : Quezon City
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 3:11 am

Lah prin c ji66er ? .. Question Question
nman !! ..
qelan pah qea ire2Lease story nia ?! .. Mad Mad

nyweii,, tnx poh xah pa6-pOst ateh jen ..
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 7:18 am

wala teriorioaladon boys ok lang my vanessa naman
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 7:41 am

wow, thanks for posting.






bounce
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 9:43 am

Haist... so sad wala pa si Jigger...

Mukhang maganda ung ang kaibig ibig kong boss by noelle and cinderella by cora clemente... un nalang muna bibilhin ko.. ciao!!!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 26
Location : tandang sora, quezon city
Registration date : 2008-09-29

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 11:54 am

wow.,! kelan lalabas c jigger.,???!!!



Smile
Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 12:39 pm

walang teritorio

hayz...

pero ok lng may isang bago at isang revision...

walang Heart din??

hayz...
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
Mhelai
Senior
Senior


Number of posts : 275
Age : 31
Location : Planet Indigo
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 1:37 pm

trianexzenricven wrote:
wow.,! kelan lalabas c jigger.,???!!!



Smile


ayun sa source ko, next week raw lalabas si jigger. Ipiniprint pa lang raw kasi siya.
Back to top Go down
http://planet-indigo.heavenforum.com/
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 3:21 pm

Mhelai wrote:
trianexzenricven wrote:
wow.,! kelan lalabas c jigger.,???!!!



Smile


ayun sa source ko, next week raw lalabas si jigger. Ipiniprint pa lang raw kasi siya.


Waahhhh sana magdilang anghel ung source mo mhelai... weee excited na talaga ako...
Para rin matuloy ko na ung order sakin na stallion.. hehehe
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
goodfairy
Newbie
Newbie


Number of posts : 5
Location : Manila
Registration date : 2008-04-08

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 6:17 pm

[b]Thanks po sa pag-post nito!
Smile
Nice release ngayn na gawa ni Kayla Caliente! Mukhang magaganda 'yong mga ni-release ngayon ah! Smile cheers Laughing cheers
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 8:21 pm

MAli po yata ang Date natin January 21, 2009 dapat. Laughing Laughing
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
mariz
Master
Master


Number of posts : 699
Age : 24
Location : Bay, Laguna
Registration date : 2008-08-21

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 10:23 pm

yehey!!!!! cheers cheers cheers
may story n rin c fafa Thorn..ganda ng name nya!!!!!
tagal q din xang inintay..sa avondale xa diba???
waaah..sana mabasa q xa..
wala pa ring jigger...hay..
at dobleng hay..
kac..panu b nman..
Trigger book 2 p lng ung nbibili q!!!!!!

Evil or Very Mad Evil or Very Mad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
http://www.facebook.com/mariz.kabute
andieyoo02
Junior
Junior


Number of posts : 175
Location : Sagada / SRC
Registration date : 2008-04-27

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Wed Jan 21, 2009 11:41 pm

Next week lalabas na si Jigger....kaya isang linggo na alng ang ating ipaghihintay...yehey...nasa printing na nun isang araw si Jigger. kaya ibig sabihin noon lalabas na siya next week
Back to top Go down
kenji jechno
Newbie
Newbie


Number of posts : 9
Age : 33
Location : nueva ecija
Registration date : 2009-01-05

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 12:49 pm

andieyoo02 wrote:
Next week lalabas na si Jigger....kaya isang linggo na alng ang ating ipaghihintay...yehey...nasa printing na nun isang araw si Jigger. kaya ibig sabihin noon lalabas na siya next week




talga po yeheyyyyyyyyyyy.... Laughing

sugod agad ako sa precious store kpg lumabas...

lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 12:53 pm

bagong release ba ito???

bat 2008??

uhmmm???

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 6:06 pm

JIGGER Sad Sad Sad Sad Sad Sad
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
lujille
Senior
Senior


Number of posts : 310
Age : 26
Location : buLacan
Registration date : 2008-11-09

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 7:20 pm

waaah!!!...

meron na si Ms. Sofia!!!...

hahaha!!!

ang saya!!!...


lol! lol! lol!
Back to top Go down
venomouswitch
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 34
Registration date : 2009-01-15

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 7:31 pm

i think it should be Jan 21, 2009 release
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Thu Jan 22, 2009 9:32 pm

venomouswitch wrote:
i think it should be Jan 21, 2009 release
ang WAPU ni EDWARD!!!!!! Smile



wow weekly e may NEW EDITION C ms. AMANDA Smile Smile Smile Smile Smile Smile
Back to top Go down
lurie_1992
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Registration date : 2008-06-15

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 2:14 am

ung jigger b n cnasbi nyu s ung one of the twins? ung isang twin nya c trigger b un? Question
Back to top Go down
lurie_1992
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Registration date : 2008-06-15

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 2:16 am

ang cute ni goo jun pyo of boys over flowers korean version! Exclamation
Back to top Go down
diane
Special Team
Special Team


Number of posts : 3817
Age : 25
Location : zebuh
Registration date : 2008-05-05

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 11:10 am

lurie_1992 wrote:
ung jigger b n cnasbi nyu s ung one of the twins? ung isang twin nya c trigger b un? Question

yup!!

xa nga yun teh..

cla ang kakalokang kambal na fafas ng src

na matagal na naming hinihintay ang pagdating..

_________________

no matter what, we're gonna reach that star
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

pa-promote Very Happy
horaeshou love @ tumblr.com
oh oh oooh..Paradise! @ tumblr.com




Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!

Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/gorg3ousdeity
yvi_locca_rethe
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2162
Age : 30
Location : dumaguete city, neg.or.
Registration date : 2008-11-21

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 12:18 pm

yup yup...

ang super yummy na twins...
Back to top Go down
chanz
Master
Master


Number of posts : 503
Age : 29
Location : lilo-an, cebu
Registration date : 2008-09-30

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 1:16 pm

next week ere2lease na c JIGGER mah labs

kung ganon nxt wk na din matatapos ang stallion

haist nakakamiz cla ha, superb Exclamation Exclamation Exclamation Exclamation



_____________________________
the more you ignore me
the closer i get...
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Fri Jan 23, 2009 5:51 pm

late reaction!!!!


yehey may bago si vanessa...
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: January 21, 2008 Book Release   Today at 5:12 am

Back to top Go down
 
January 21, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: