HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 January 14, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 9:42 am

1. PHR 2960 Allie's Romance by Vanessa



Matagal nang minamahal ni Allie ang kaibigan niyang si Bong-bong. Hindi niya maturol kung bakit minahal niya ito sa kabila ng katotohanang alam niyang seryoso ito sa nobya nito.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong sabihin nitong nakipaghiwalay na ito sa nobya nito. Naisip niyang kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon... Pero kampihan naman kaya siya ng tadhana?

2. PHR 2961 A View To A Chance by Dawn Igloria



Si Armie ay dalawang beses nang iniligtas sa kapahamakan ni Midas. Hindi niya maarok kung paano nalaman ng lalaki ang mga insidenteng iyon bago pa man mangyari. Ngunit imbes na mapalapit, sinikap niyang lumayo rito. Kumbinsido kasi siya na may kaakibat itong kamalasan.
Kaya lang, hindi lang pala inapo ito ni Nostradamus. Best friend din pala ito ni Kupido. Walang kahirap-hirap na na-target nito ang kanyang puso. Bull’s-eye talaga nang mahalin niya ito. Bull’s-eye din sa pagkawasak ang puso niya nang malaman niyang ibang babae ang talagang mahal nito. Puwede sana niyang agawin ito sa babaeng iyon. Kaya lang, mas malaki pa kay Goliath ang taglay niyang pride.

3. PHR 2962 The Kissing Bandit by Camilla



Paaral lang si Ces ng tiyahin niyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kapalit niyon ang kondisyong hindi siya puwedeng mag-boyfriend hangga’t hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral.
Nakatupad naman siya. Isang taon na lang ay ga-graduate na siya—until Mirco, the kissing bandit who kissed her in an open soccer field--in full view of everybody.

4. PHR 2963 Achilles' Wife by Bernadette Licarte



Dahil sa labis na kalasingan ay tila nawala si Sandy sa kanyang sarili. Nagising na lamang siya na may katabi siyang lalaki sa kama. Si Achilles ang lalaking iyon at wala siyang alam tungkol dito maliban sa pangalan nito.
Hiyang-hiyang nilisan niya ang condo unit nito. Hindi niya inakalang magagawa niya ang nagawa niya.
Ginawa niya ang lahat ng paraan para makalimutan niya ang nangyari. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Kailangan niyang makita si Achilles. Ngunit hindi niya alam kung saan hahagilapin ito…

5. PHR 2964 Absence Makes The Heart Grow Fonder... For Another by Kayla Caliente



Absence makes the heart grow fonder.
Pero pakiramdam ni Cheryn, daig pa niya ang may boyfriend na OFW dahil sa sobrang kawalan ng oras ni Martin na makasama siya.
Her friend Calix was having the same problem. Masyadong workaholic din ang girlfriend nito. At dahil magkaibigan sila, natural lang na sila ang maghingahan ng mga himutok at hinaing nila sa mga “significant others” nila.
They decided to just form a support group. Sa halip na magmukmok at magmaktol kapag naka-cancel ang mga dates nila, sila na lang ang lumalabas. Tutal ay enjoy naman silang makasama ang isa’t isa.
Hanggang sa masyado na siyang nag-e-enjoy na makasama ito. Medyo nag-iilusyon na rin siya na puwedeng maging sila. At malaking kahibangan iyon, lalo at napatunayan niyang mahal na mahal nito ang girlfriend nito.

6. PHR 57 Pangakong Hindi Kita Lilimutin by Amanda



Nagmamahalan sina Mariela at Generoso ngunit pilit na hinahadlangan iyon ni Belinda, ang se¤orita ng Hacienda Maravilla kung saan sila nagtatrabaho na magkasintahan. May gusto ito kay Generoso at gagawin nito ang lahat para mapunta rito ang binata.
Kaya nang mahuli sila nito na magkayakap at naghahalikan ay pinarusahan nito si Mariela. Ngunit nagawang makatakas ng magkasintahan at nang malapit na silang masukol ay ipinain ni Generoso ang sarili upang makatakas si Mariela.
Iyon na ba ang huling pagkikita nila ni Mariela o simula lamang ng pagdating ng araw na sila ay magiging lubos na malaya?

7. PHR 436 Accidental Bride by Rose Tan



Labag man sa kalooban ni Penny ay kailangan niyang pakasalan si Lyndon. Laking pasasalamat niya dahil wala pa rin pala itong balak na magpakasal. Gumawa ito ng paraan para hindi matuloy ang pag-iisang-dibdib nila.
Pero pabor lang pala rito ang ginawa nitong hakbang. Dahil sa pagba-back out nito ay ipinakasal naman siya sa playboy na pinsan nito na si Macky.
Dapat ay maglupasay siya ng iyak pero sa halip ay natuwa siya at nagkaroon ng ibayong pag-asa. May palagay kasi siya na makakaya niyang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Macky.
Pero maling-mali pala ang akala niya.

8. PHR 991 I Can't Help Falling In Love With You by Elizabeth McBride



Abigail was a new lawyer, matalino at sa katunayan ay naging topnotcher sa Bar exam. Nagtagpo ang mga landas nila ni Carlitos, isa ring lawyer, but a serious and dedicated one sa propesyon nito. Kailangan nila ang isa't isa.
Iyon na ang simula ng endless battle sa pagitan nilang dalawa.
Para kay Carlitos, kahit pa mataray at suplada siya, natanim na sa puso nito ang pangangalaga at pagprotekta sa kanya.
Paano niya ipagtatapat dito na sa kabila ng ipinapakita niyang pagtataray ay mahal niya ito?
Hanggang dumating ang kanyang kinatatakutan--may ibang babaeng umaangkin sa puso ni Carlitos, si Andrea.
Paano niya ngayon ipaglalaban ang pag-ibig sa pinakamamahal na lalaki?

9. PHR 1045 Love Is Something Beautiful by Elizabeth McBride



“I hate women and I don’t want to fall in love again.” Michael promised that to himself.
Ngunit ano iyong nararamdaman niya sa tuwing makikita niya si Bianca—her beautiful secretary?
Hindi niya ibig seryosuhin ang strange feeling na iyon. Not until his eighteen-year-old sister ran away at ang pinaghinalaan niyang kasama nito ay ang pinsan ni Bianca na si Nicholas.
Wala siyang choice kundi makipag-ugnayan kay Bianca para matunton ang kapatid. At hindi naglaon, may umusbong na pag-ibig sa kanilang dalawa.
Will this love end beautifully gayong nasa puso pa rin ni Michael ang galit sa mga babae?
At si Bianca ay natatakot magpakita ng pag-ibig sa isang lalaking para dito ay mahirap abutin?

10. PHR 1288 One Fateful Summer Romance by Noelle Arroyo



Hindi lang bakasyon ang habol ni Aries Geronimo—or Maximino Geronimo, the famous painter. Gusto niyang sorpresahin ang kanyang daddy na hindi pa niya nakikita for sixteen years sa pagbisita rito nang hindi nito nalalaman.
Sa halip, siya ang nasorpresa. There was no sign of her father in his house, napagbintangan pa siyang trespasser! Okay na sana dahil guwapo ang nag-aakusa sa kanya.
Ngunit nang mapagbintangan siya nitong social climber—dahil sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon lang daw siya nagpakita sa daddy niya kung kailan mayaman na it—ay fight to death sila ni Hans na kasosyo sa negosyo ng daddy niya at self-appointed protector ng daddy niya.
Ang ikatlong sorpresa ay hindi niya mapigil ang kanyang sarili na hangaan ito at pigilin ang abnormal na tibok ng kanyang puso kung kaharao niya ito.
Kung kaya’t ang sumunod niyang naging problema ay kung paano iyon itatago rito. Dahil wala na silang ginawa kundi magsalo sa makalindol-mundong mga halik pagkatapos ng bawat pagsasagupa nila…

11. PHR 1398 Pangako, Ikaw Lang Ang Iibigin Ko by Noelle Arroyo



Nananahimik sa San Carmel si Crystal nang bulabugin ang kanyang mundo ni Zach, isang sikat at guwapong artista na takot umakyat sa puno.
Ngunit para lang mapansin niya ito at umano ay mapatunayan ang pagmamahal nito sa kanya, lakas-loob itong umakyat sa paborito niyang punong-mangga. Only to end up looking like an idiot dahil tila ito tukong nakakapit sa isang malaking sanga.
She was flattered. Subalit nag-aalinlangan ang puso niya. Dahil sino ba namang matinong lalaki, lalo't isang artista, ang mai-in love sa isang promding bulol na kagaya niya?
Pero makulit ito. Ang pag-ibig daw nito ang makakagamot sa kanya. At tila mabisa naman itong gamot sa pagkabulol niya. Tumutuwid ang dila niya kapag ito ang nakakaharap niya.
Hindi niya tuloy napaglabanan ang charms nito. Napa-"oo" rin siya rito.
Ngunit ngayong natapos na ang bakasyon nito, itutuloy ba o wakas na ang relasyon nila?

12. Territorio De Los Hombres Series 40: Ramoncito Reina



Man, what an ugly broad. Iyon ang unang naisip ni Ramoncito nang makita niya si Rasheeda sa unang pagkakataon. Hindi niya akalaing muling magtatagpo ang mga landas nila nang maging business associate niya ang ama nito. And then she started following him around. Mabait siya rito sapagkat anak ito ng negosyanteng ka-deal niya. Ngunit mukhang inakala nitong may ibang kahulugan ang kabaitan niya rito. But for God’s sake, he only dated pretty ladies. Malayo sa pagiging ganoon si Rasheeda.
Until one day he had to tell her the truth—that he did not think they could ever be together. Medyo napasama ang pagsasagutan nila. Hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Sinubukan niyang hanapin ito upang humingi ng tawad ngunit nawawala na ito at walang makapagsabi kung nasaan na ito.
Pero bakit parang hindi siya matahimik? Was it just his guilt talking or had he fallen in love with a woman who was not pretty—to put it mildly?

13. MLH 368 Migo by Laurice del Rio



Aminado si Ida na puwede lang siyang manalong Miss Universe kung siya na lamang siguro ang natitirang babae sa mundo. Marami na rin siyang masasagwang karanasan pagdating sa pakikipag-date kaya dumating ang punto na sumuko na lang siya.
Samantala, hindi naman nakayanan ni Migo na lait-laitin ng mga kaibigan niya ang babaeng binansagan ng mga itong “Ugly Betty.” Balak pang pag-trip-an ng mga ito si Ida. Tila sinaniban yata siya ng espiritu ng mga bayaning nabuhay sa Pilipinas kaya nagpasya siyang isalba ang dalaga mula sa kalokohan ng mga kaibigan niya.
Nakatulong ng malaki kay Ida ang pagdating ni Migo sa buhay niya. Pero paano kapag nalaman niya ang motibo nito sa pagpatol sa kanya?
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 9:52 am

Territorio!!! batch 4 pa rin pala???


hehehe bounce cheers bounce cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
lujille
Senior
Senior


Number of posts : 310
Age : 26
Location : buLacan
Registration date : 2008-11-09

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 10:45 am

haaay...wala pa rin si Jigger!!...

kelan kaya sya dadating??...

pero okey lang..magaganda naman yung mga bagong books!...


lol! lol! lol!
Back to top Go down
Liyannah
Special Team
Special Team


Number of posts : 3163
Age : 29
Location : Mabalacat, Pampanga
Registration date : 2008-08-25

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 11:07 am

.,uhwow........

daming magagandang release ngayun ah.. .

peo .. .

wala paring stallion Jigger..!!!!!!!!

Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad


lol!

_________________
#Newbie? Need Help?Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!#

Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: YESSS TDLH BATCH 5   Wed Jan 14, 2009 12:24 pm



Yahooo Yahooo....

My TDLH Batch 5 na...

galing.....

Dalawa kay kagandahan....

Gandang Pa-New Year ni Mr. Jun hehehheheh

Maniningil ako....may pautang skin na pbs un hehhhehe
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
goodfairy
Newbie
Newbie


Number of posts : 5
Location : Manila
Registration date : 2008-04-08

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 12:36 pm

I love you Yes! May release na ngayon! Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
charm18
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 25
Location : parañaque city
Registration date : 2008-11-15

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 3:33 pm

ala pa rin c jigger hai....galing na q sm manila............hai........ Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 6:16 pm

Batch 5 ba yung Territerio o batch 4??

bakit di DOctor??

Teka bakit ba ako nagrereklamo? hehehe.


Saya ko, sana mabasa ko na sya!!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
christy19
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 30
Location : valenzuela city
Registration date : 2008-11-01

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Wed Jan 14, 2009 9:28 pm

hay... wala pa rin stallion..
tsktsktsk..
sayang naman
Back to top Go down
http://books4sales.multiply.com
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 15, 2009 2:03 am

want to purchase new release pocketbooks? pls visit my site i will be more than willing to help u... c yah guys! Http://www.freewebs.com/jareen008

I know uv been dying to read Jigger's Story well, let's wait for d next release hu knows lalabas na xa... Godspeed!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: tapos n ako   Thu Jan 15, 2009 2:50 am

hehehhehee _ im waitin cheers
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
chanz
Master
Master


Number of posts : 503
Age : 29
Location : lilo-an, cebu
Registration date : 2008-09-30

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 15, 2009 8:38 am

haissstttttt

kelan kaya ererelease c JIGGER Question Question Question Question

Mad Mad Mad Mad Mad Mad Mad
Back to top Go down
Denisse
Junior
Junior


Number of posts : 115
Registration date : 2008-10-21

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 15, 2009 11:46 am

Wala pa si Jigger? Pero okay lang, maghihintay na lang ako.
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 15, 2009 4:42 pm

raveneyes wrote:
Batch 5 ba yung Territerio o batch 4??

bakit di DOctor??

Teka bakit ba ako nagrereklamo? hehehe.


Saya ko, sana mabasa ko na sya!!


in my opinion te, tapos na talaga yong batch 4 ng tdlh..

ginawa lang si ramoncito to connect batch 4 to batch 5...


tama kaya ako?
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 15, 2009 8:56 pm

Caleb wrote:
raveneyes wrote:
Batch 5 ba yung Territerio o batch 4??

bakit di DOctor??

Teka bakit ba ako nagrereklamo? hehehe.


Saya ko, sana mabasa ko na sya!!


in my opinion te, tapos na talaga yong batch 4 ng tdlh..

ginawa lang si ramoncito to connect batch 4 to batch 5...


tama kaya ako?

hmmm yan din nai-isip ko...

baka nga ....

sana
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Fri Jan 16, 2009 5:14 am

VANADIK & MC FANATIC wrote:
Caleb wrote:
raveneyes wrote:
Batch 5 ba yung Territerio o batch 4??

bakit di DOctor??

Teka bakit ba ako nagrereklamo? hehehe.


Saya ko, sana mabasa ko na sya!!


in my opinion te, tapos na talaga yong batch 4 ng tdlh..

ginawa lang si ramoncito to connect batch 4 to batch 5...


tama kaya ako?

hmmm yan din nai-isip ko...

baka nga ....

sana

OO NGA NOH? YUNG territorio 30 di rin naman doctore eh. hehehe
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
bratinella_ng_SRC
Junior
Junior


Number of posts : 48
Age : 27
Location : Guatamela
Registration date : 2008-11-25

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Sun Jan 18, 2009 9:05 pm

haiiii.. ..

walang stallion.. .

peo okz lang.. .. ..

may magaganda nmang release.. ..

hehe

What a Face What a Face What a Face
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Mon Jan 26, 2009 12:55 pm

keep on waiting
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Thu Jan 29, 2009 8:18 pm

mganda ung kay Ms. Rose Tan, hmm, always nmn eh...
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
Sponsored content




PostSubject: Re: January 14, 2009 Book Release   Today at 6:31 pm

Back to top Go down
 
January 14, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: