HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 17, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 9:22 am

1. PHR 2952 Forever And For Always 2 (Diane & Mike) by Joan Jean



Para kay Diane ay malas siya sa pag-ibig. Lahat ng lalaking napapaugnay sa kanya ay napapahamak. Kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya iibig uli. Nakatalaga na nga yata siyang tumandang mag-isa.
But meeting Mike again, a classmate from high school, made her reconsider her decision. Pinigilan niya ang kanyang sariling umibig dito ngunit ayaw talagang papigil ng kanyang puso.
Paano niya lalabanan ang takot na naghahari sa kanyang dibdib?

2. PHR 2953 Here With You by Claudia Santiago



Nakilala ni Jamila si Warren sa isang kakatwang sitwasyon. Nakita niya itong binubugbog ng dalawang lalaki. Kung hindi pa dahil sa lakas ng loob niya ay baka kung ano na ang nangyari dito. Iyon ang naging daan upang magkaroon ng malaking kaugnayan si Warren sa buhay niya.
Sa ilang oras na pananatili nito sa bahay niya, nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi na sila muling magkikita. Pero naisip niyang mabuti na rin iyon dahil ayaw niya sa mayayaman. Dahil kasi sa mayayaman kaya sila iniwang mag-ama ng kanyang ina.
Ilang araw ang lumipas, nagulat siya nang magbalik ito. Naalala raw siya nito, pati na ang mga kasama niya sa bahay na sina Lola Carmen at Ruben.
Unti-unti niyang napapansin na nakikibagay ito sa kanila, hanggang sa maramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito.
Handa na ba siyang yakapin ang mundo nito at ipakipagsapalaran ang puso niya?

3. PHR 2954 Tillie Do Us Part by Rose Tan



Dalawang dekada nang in love si Tillie kay Briggs kaya naman nang isang gabing makita niyang may katagpong lalaki ang fiancée nito ay ginamit niya ang pagkakataong iyon para agawin ang puso ni Briggs. Hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pa ang pag-ibig niya. Sumugod siya sa clinic ni Doc Briggs para magsumbong. Pero pagkatapos ng kanyang makapigil-hiningang pagsasalaysay ay walang sinabi ito kundi:
“Get a life, Tillie.”

4. PHR 2955 A Penny For Cade by Dream Grace



May kapansanan si Penny dulot ng isang trahedya noong bata pa siya na kumitil sa buhay ng kanyang pinakamamahal na ina. Iyon din ang dahilan kung bakit naging recluse siya. Kaya naman hindi niya napaghandaan ang pagpasok sa buhay niya ng isang tulad ni Cade Cassidy, ang guwapo at misteryosong multimillionaire na kasosyo ng kanyang ama sa negosyo, at ang dapat ay mapapangasawa ng nakatatandang kapatid niya.
Pero nalaman na lang niyang siya na pala ang pakakasalan nito!
She thought that despite her disability, he was attracted to her—the reason why he wanted her to be his wife. Pero napag-alaman niyang may iba pa palang motibo ito—isang motibo na nag-ugat sa madilim na nakaraan nito...

5. PHR 2956 Carmela\'s Romance by Vanessa



Matalik na kaibigan ni Carmela si Max. Ito ang parating kasama niya at halos sa kanyang bahay na ito nakatira. Ganoon din siya sa bahay nito. Marami man ang nag-iisip na sila na at kahit itinutukso sila sa isa’t isa, alam niya ang totoo: best friends lang sila. Ngunit hindi niya inaasahan na isang araw ay sasabihin nito sa kanya na mahal siya nito. Nagulo ang mundo niya. Hindi siya handa sa ganoon. Kaya naman umiwas ito sa kanya.
Kung kailan wala na ito ay saka niya natanto na matagal na palang ito ang isinisigaw ng puso niya. Paano na kung mayroon na itong nobyang pantasya ng kalalakihan--maganda, matalino, maalindog at kompara sa kanya ay isang diyosa? May pag-asa pa kaya siyang mabawi ito?

6. PHR 2957 Softly As You Leave by Amanda



Namatay sa isang car accident ang kasintahan ni Kristine sa araw ng kasal nila. Pakiramdam ni Kristine ay kasamang namatay ni Adrian ang puso niya.
She was still hurting nang isang araw ay dumating si Cain at inalok siya ng trabaho. She was a landscape artist, at ganoon na lang ang paghanga ng binata sa mga “obra” niya. Nakahanda itong magbayad ng isang milyon.
Tinanggap niya ang alok nito. Nagtungo siya sa mansiyon ni Cain sa Laguna. Pero daig pa niya ang bisita kung tratuhin nito. Hanggang isang araw ay isama siya nito sa Tagaytay. Nakita niya roon ang dream house na ipininta ni Adrian sa canvas.
It came to her as a surprise. Pero higit pa pala roon ang sorpresang naghihintay sa kanya… dahil nang magtapat ng pag-ibig sa kanya si Cain, noon din niya nalamang puso ni Adrian ang bumubulong…

7. PHR 2958 Love Contract by Heart Yngrid



Haley was meant to be with Rhett. Ngunit iyon ay para lamang sa mga magulang nila na mag-best friends, dahil hindi nila masikmura ang isa’t isa simula pagkabata. Kinalakihan nila ang pagbabangayan. Kaya ganoon na lamang ang relief na naramdaman niya nang magkahiwalay sila ng landas.
Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay bigla na lamang lumitaw ito at inaalok siya ng kasal. At lalo siyang nainis dito nang malaman niya ang dahilan ng pag-aalok nito ng kasal sa kanya. Desidido siyang huwag tanggapin ang kalokohang kasal na iniaalok nito. But something happened in his favor. All of a sudden, she was trapped into a marriage that was only bound to last for six months.
Until suddenly, tila ayaw na niyang dumating ang expiration date ng kanilang marriage contract dahil ayaw na niyang malayo rito...

8. 18 Roses Series 33: Sofia Lorraine, The Beloved Slave by Cora Clemente



Malapit nang sumapit ang pinakahihintay ni Sofia Lorraine na debut niya nang matuklasan niya ang napakabigat na problemang kinasusuungan ng mommy niya—lubog na ito sa pagkakautang. Lalong lumaki ang problemang sumalubong agad sa pagpasok niya sa mundo ng pagiging ganap na dalaga nang idemanda ito ng ginang na pinagkakautangan nito.
Ayaw niyang makulong ang mommy niya. Kaya bago pa mangyari iyon ay nakipag-usap na siya kay Mrs. Estevez na huwag nang ituloy ang demanda. Gagawin niya ang lahat, sukdulang magpaalila siya rito.
Pero ibang klaseng pagsisilbi ang gusto ng ginang kapalit ng peace of mind niya—iyon ay ang baguhin niya, o mas tamang sabihing paibigin niya, ang anak nitong si Vincent. Si Vincent na saksakan nga ng guwapo ngunit mukhang galit naman sa mundo.
Kaya ba niyang patinuin at paibigin ang lalaking mukhang labis na magpapasakit ng kanyang ulo… at ng kanyang puso?

9. Craville Series 4: Elegance by Arielle



Isang magaling na abogada si Beatrice. May reputasyon siya bilang isang matapang at malakas na babae.
Ngunit binansagan din siya bilang “black widow.” Lahat kasi ng napapangasawa niya ay namamatay. Sa pagkamatay ng ikalawang asawa niya ay naging napakaemosyonal niya. Kinailangan niya ng isang taong mapaghihingahan niya ng sama ng loob kaya nagtungo siya sa simbahan upang mangumpisal.
Sa loob ng confessional box ay sinabi niya ang lahat ng kanyang itinatagong sekreto. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang matuklasan niyang hindi isang pari ang nasa loob ng confessional box kundi isang guwapong lalaki na nagngangalang Bien Lucero.
Hindi niya akalaing iibig siya rito. Pero ayaw niyang maging asawa ito kahit mahal na niya ito. Paano na lang kung mamatay ito nang maaga?

10. Craville Series 5: Azure by Arielle



Unang kita pa lamang ni Frances sa lalaking may bughaw na mga mata ay na-in love na siya rito nang todo. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya nito na napakabata pa niya at hindi siya nababagay rito. Determinado siyang paibigin ito.
Hindi rin siya pinanghinaan ng loob kahit natuklasan niyang ito ang tagapagmana ng billion dollar business empire at lahat yata ng babae ay kaagaw niya sa pagtingin nito. Sumumpa siya na magiging isa siyang successful career woman at magiging karapat-dapat siya para dito.
Lahat ng pinangarap niya ay natupad maliban sa isang bagay. Hindi niya naging asawa ang lalaking pinakamamahal niya nang mamatay ito.
Wala siyang kamalay-malay na buhay na buhay ito, na lihim na nakabantay ito sa kanya, nag-aalaga, pumoprotekta, at kinikimkim ang labis na pagmamahal sa kanya.


Last edited by Jen on Thu Dec 18, 2008 9:38 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 9:32 am

bakit namn po bitin? wala na po bang kasunod?
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 9:40 am

Baka kasi magloko ang internet kaya sine-send ko na ng paunti-unti kesa mag-ulit ako.
Back to top Go down
Femmia Pink
Master
Master


Number of posts : 543
Age : 33
Location : iloilo/guimaras
Registration date : 2008-02-05

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 10:01 am

meaning, may kasunod pa ito???
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/langgingfemz
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 10:03 am

Jen wrote:
Baka kasi magloko ang internet kaya sine-send ko na ng paunti-unti kesa mag-ulit ako.


wala pa po bang SRC?
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 10:09 am

wla pang SRC No No
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 10:54 am

madami pa bang kasunod ate jen????
Back to top Go down
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 12:00 pm

SRC!!!! SRC!! SRC
wala pa ding SRC... wala bang nilabas
na kahit anong book sina Ms. Sonia
and Ms. Sofia.. miss ko na novels nila..
Grabe nmn ang Stallion baka ilabas
pa un sa Dec 24 ah..
Back to top Go down
Denisse
Junior
Junior


Number of posts : 115
Registration date : 2008-10-21

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 4:22 pm

Ahhh? Walang stallion? Sana meron na para masaya ang christmas koh. I love you I love you I love you
Back to top Go down
carrel0729
Junior
Junior


Number of posts : 152
Location : Makati
Registration date : 2008-09-24

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 7:11 pm

hayyy wala pa rin ang kambal na love ko!!!... bat kasi ang tagal i-release dapat mas inuuna ilabas yung mga novels na hinahanap ng mga readers saka yung mga nirereprint nila yung mga magagandang series....

Opinion lang po....
Back to top Go down
http://www.friendster.com/photos/4998845/1/177803797
christy19
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 30
Location : valenzuela city
Registration date : 2008-11-01

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 7:32 pm

thanks po ms. jen

sayang wala pa rin stallion.. tsktsk..
Back to top Go down
http://books4sales.multiply.com
sashia
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 34
Location : anywhere
Registration date : 2008-02-27

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 8:32 pm

haistttt!!! Evil or Very Mad Evil or Very Mad
wala na nmng SRC...xcited pa nmn akong mbasa na ang kambal... Mad
sana me release pa nextweek para masaya ang life nating lahat....



advance merry christmas xa lahat!! santa rendeer
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Thu Dec 18, 2008 9:39 pm

may ipandadagdag na naman ako sa bibilhin ko....
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Fri Dec 19, 2008 6:09 am

oi, ganda nung kay Vanessa. Very Happy
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
purplephoenix
Junior
Junior


Number of posts : 55
Registration date : 2008-06-05

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Fri Dec 19, 2008 12:31 pm

i know its too early to ask but may release ba ang PHr during holidays? or early release sila next week. like last time, there were novels posted and out na for a tuesday. just asking. Smile
Back to top Go down
http://www.supahnova.wordpress.com
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Fri Dec 19, 2008 4:24 pm

yepeyyyyyyyyyy

craville...........


oh yeah........


pero bakit wala pah ang kambal....na sina trigger at jigger!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

wahhhhhhhhhhhh


nasaan na sila?????????????]



lol! lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
sheya
Junior
Junior


Number of posts : 34
Age : 28
Location : phillippines
Registration date : 2008-11-11

PostSubject: December 17, 2008 Book Release   Sun Dec 21, 2008 7:57 pm

kailan ba lalabas sina jigger at trigger?
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Mon Dec 22, 2008 6:59 am

my print po ba dis week
Back to top Go down
mariz
Master
Master


Number of posts : 699
Age : 24
Location : Bay, Laguna
Registration date : 2008-08-21

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Mon Dec 22, 2008 11:07 am

shucks...!!!!
wala pa ring Stallion!!!
waaah!!!...kaylan ba lalabas ang pinakamamahal kong kambal..
ohh..saranghe Trigger-a!!!!!!!

..ui may bago n nman c ms. Heart Yngrid...
ang ganda ng teaser..hehe makabili nga!!!!!!!!!

lol! lol!
Back to top Go down
http://www.facebook.com/mariz.kabute
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 12:57 pm

thanks for the books ... copy ko para my copy din ako s teaser hehehehe
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
sheya
Junior
Junior


Number of posts : 34
Age : 28
Location : phillippines
Registration date : 2008-11-11

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 6:12 pm

Razz Razz Razz Razz Razz
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Wed Dec 31, 2008 12:44 am

santa santa santa ho ho ho belated merry xmas.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Tue Jan 06, 2009 7:53 pm

nakabili ka n ba ng stallion or wala pa??? allensexywife? isa lang kasi ang nabili ko ung kay ate heart na MAJA foxy princess... ikaw?
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Sun Jan 11, 2009 6:25 pm

wow....excited ako sa craville!!!!!!!!!!!!


yohoooooooo..................

sana may re-print ng stallion at fantastic tv!!!!!!!!


lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Mon Jan 26, 2009 1:16 pm

super waitin n po Sad Sad Sad
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: December 17, 2008 Book Release   Today at 10:33 pm

Back to top Go down
 
December 17, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Art and Object Catalogue for Thurs 11th December 2008

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: