HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 December 3, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:47 am

1. PHR 2945 Sa Larangan Ng Pag-ibig by Noelle Arroyo



Nabigo sa pag-ibig noon ang best friend ni Alondra na si Micah dahil kay Jasper. Dahil doon, hanggang ngayon ay namumuhi siya sa binata. Iyon ang dahilan kung bakit lalo siyang naasar nang Makita niyang magkaibigan na uli ang mga ito, maging ang kuya niya na dati ay best friend ni Jasper at asawa na ngayon ni Micah, na parang walang nangyari.
Pero dahil sa pakiusap ng kaibigan niya, sinubukan niyang kahit paano ay maging polite sa binata, na nagkataon namang gumawa ng effort na paamuin siya para matapos na ang gusot na nagawa nito, at makapagsimula na uli ito ng panibagong buhay.
Ang hindi nila inaasahan ay nang kapwa mahulog ang kanilang mga damdamin sa isa’t isa. Ngunit nagkaroon siya ng pag-aalinlangan—na naging dahilan kung bakit gumawa siya ng mga bagay na lalong nagpagulo sa lahat...

2. PHR 2946 Forever And For Always 1 (Andrea&Marcus) by Joan Jean



Andrea fell deeply in love at sixteen. Sa edad ding iyon siya nabigo. Ang dahilan ng lahat—Marcus—ay naglahong parang bula sa buhay niya.
Pagkalipas ng maraming taon ay nakaharap uli niya ito. Gusto nitong bumalik sa buhay niya na para bang walang nangyari. Masyado naman yatang sinusuwerte ito.
She was determined to give him a hard time but he was more determined to win her back. At mukhang mananalo ito dahil kailanman ay hindi nawala ito sa kanyang puso. In love pa rin siya rito.

3. PHR 2947 Foolish Beat by Sheena Rose



Nakahanap ang kapatid ni Lori Anne ng lalaki na ipakakasal sa kanya. At the age of twenty-three ay wala pa sa plano niya ang pag-aasawa ngunit ayon sa kanyang kapatid, dapat niyang i-grab ang opportunity na iyon. Hindi na raw kasi siya makahahanap pa ng lalaking mag-aalok sa kanya ng kasal dahil may pagka-isip-bata siya.
So she agreed.
Ang lalaking pakakasalan niya ay si Blake, isang easy-go-lucky half Australian-half Filipino. Nalaman niya na pinipilit lang ito ng ina nito na magpakasal. Naawa siya rito kaya nalipat ditto ang loyalty niya. Pumayag siya nang iluhog nito na magpanggap silang nagkakamabutihan, pagkatapos ay iiwan niya ito at magpapakalayu-layo siya.
But halfway through their agreement, something happened. Masyado na siyang nag-e-enjoy sa company nito at parang hindi na niya gustong lumayo rito...

4. Craville Series 1: Blue Ice by Arielle



Ilag si Amber sa mga guwapong lalaki. Na-trauma kasi siya nang minsan ay magmahal siya ng isang guwapong lalaki. Ngunit hindi niya nagawang talikuran ang ubod ng guwapong lalaki na natagpuan niya sa gitna ng kanilang taniman ng mais na inaapoy ng lagnat.
Binago ng lalaki na nagngangalang “Arc Jordan” ang kanyang mga paniniwala. Ipinakita nito na hindi lahat ng guwapong lalaki ay masama at manloloko. Tinulungan at pinrotektahan siya nito. Nang makaya na niyang tumayo sa sarili ay nawala ito sa buhay niya.
Sa pagkawala nito ay saka niya na-realize na higit pa sa isang kaibigan ang damdamin niya para dito. Umiibig na pala siya rito.
Sa pagpunta niya sa Maynila ay sumalubong sa kanya ang isang malaking billboard kung saan naroroon ang larawan ni Arc Jordan! Noon niya natuklasan na ang lalaking nakasama niya nang ilang buwan sa probinsiya ay ang pinakasikat at hottest actor-model sa buong mundo!

5. Craville Series 2: Soft Passion by Arielle



Nakatakda nang ikasal si Lesley sa real life prince na si Edward, ang susunod na magiging hari ng bansang Traveria.
Edward was every girl’s fantasy. Ngunit hindi maipaliwanag ni Lesley kung bakit kayang buhayin ng simpleng sundalo sa palasyo na si Christopher ang pagsiklab ng init sa kanyang katawan.
Dahil sa hindi niya maipaliwanag na damdamin na ginigising sa kanya ni Christopher ay nagpasya siyang umurong sa kasal nila ni Edward at magbalik sa pagiging modelo.
Ngunit sa pagbabalik niya sa isang ordinaryong buhay ay saka niya natuklasan na ang lalaking nagpakilala sa kanya bilang si Christopher ay may ibang pangalan at pagkatao.

6. PHR 971 I Wish You'll Be Mine by Elizabeth McBride



Problemado si Sarah. Paano’y basta na lang iniwan ng best friend niyang si Carole sa kandili niya ang limang-taong gulang na anak nito.
She asked the help of Albert, her neighbor at kaibigan din ng lalaking nakabuntis kay Carole. The handsome executive feared responsibility pero umiral pa rin ang pagkamaginoo nito. Sa kabila ng kanilang hectic schedules ay magkatuwang nilang pinagsikapang aalagaan si Alfonso.
At di-sinasadya, na-in love sila sa isa’t isa. But it will remain unspoken habang may isang David na nagmamay-ari sa kanya, at isang Cynthia na umaakit kay Albert.
Ano’ng kahihinatnan ng kanilang lihim na pag-ibig, if one day, Alfonso’s parents return upang kunin ang batang tanging nag-uugnay sa kanilang mga puso?

7. PHR 1232 The Love That Will Prevail by Noelle Arroyo



Ilang oras pa lamang ang nakaraan mula nang matanggap ni Katherine ang antigong singsing ng kanyang Lola Meding nang Makita niya ang lalaking iyon na pababa ng taxi. He was gorgeously handsome sa suot na slacks at puting panloob na pinatungan ng denim jacket.
“Ang unang lalaking makita mo pagkatapos mong isuot ang singsing ang siyang makakasama mo habang-buhay. Let the ring take care of you the way it took care of me,” naalala pa niyang bilin ng lola niya sa sulat.
“Will you really lead me to the man who’ll be my one true love?” dismayadong tanong niya sa singsing. Lumukso ang puso niya nang makitang kumislap iyon.
Pero paanong mangyayari iyon kung ang lalaking tinutukoy ng singsing ay ang anak ng may-ari ng kompanyang pinaglilingkuran niya?
Si Byron Spencer.

8. PHR 1253 Pangako Ng Pag-ibig by Vanessa



Bilang cheerleader, campus figure si Sam noong high school—maganda, sosyal ang mga barkada. Schoolmate niya si Marcus, na mas kilala niya bilang si Macoy—payat, makapal ang salamin sa mata, baduy. Lagi itong pinagti-trip-an ng kanyang mga kaibigan. Naaawa man siya rito ay wala siyang magawa. Na-guilty pa siya nang husto nang mapilitan siyang ipahiya ito sa prom. Iyon ang huling pagkakataong nakita niya ito.
Pagkaraan ng maraming taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Napanganga siya sa hitsura nito—matangkad, makisig, guwapung-guwapo, at matagumpay na sa buhay. In short, he was now a super hunk!
Doon nagsimula ang pagkakalapit nila at madalas na pagkikita. Naligalig pa nang husto ang mundo niya nang matikman niya ang tamis ng halik nito.
Ngunit paano kung nais lamang siyang gantihan ng binata kaya nakikipaglapit ito sa kanya?
Paano pa niya isasalba ang kanyang puso, gayong nahumaling na iyon nang husto rito?

9. PHR 1258 Home In Your Arms by Noelle Arroyo



Si Faith Madrigal ay anak ng pinakamayamang tao sa bayan ng San Mateo. Disisais anyos siya nang matuklasan at maranasan niya ang magmahal nang lubusan.
Si Jericho Venereal ang mapalad na lalaking napusuan niya. Guwapo, matalino, maprinsipyo, lahat na yata ng magagandang katangian ay taglay nito.
Ngunit may malaking balakid sa pagmamahalan nila. Anak ito ng mortal na kaaway ng kanyang pamilya. Dahil doon ay sapilitan silang pinaghiwalay ng kanyang pamilya.
Subalit hindi sapat ang pagkakahiwalay na iyon para tuluyan niya itong kalimutan. Hinintay niya ang pagbabalik nito, gaya ng pangako nito.
Ngunit nadurog ang kanyang puso nang malaman niyang hindi siya ang binalikan nito. At hindi niya inaasahang sa pagbabalik nito ay baon pa rin nito ang matinding pagkamuhi sa kanya at sa mga kaanak niya…

10. Bachelor Series 46: Lincoln Flores, M.D. by Elizabeth McBride



Hindi perfect pero smooth naman ang takbo ng buhay ni Maxene sa ospital na pinapasukan niya bilang intern. Then Dr. Lincoln Flores came. Laging nakasuot ito ng T-shirt at maong pants. Mahilig itong ngumuya ng chewing gum at makinig ng music sa iPod nito habang naggagamot ng pasyente nito.
Maxene's friends found that very cool. Pero para sa kanya, nakakairita iyon. Tuwina ay kinokontra nito ang mga sinasabi niya. Pero pagkatapos niyon ay kinikindatan siya nito.
Sinabi niya sa sariling hindi ang kagaya nito ang magpapatiklop sa kanya. Kaya hindi siya makapaniwalang matatagpuan niya ang sariling parang rebulto habang nakatayo sa isang hospital room at hinahayaang halikan siya nito.

11. Heartstrings Barkada Series 3: Clyde, The Charmer by Sheena Rose



Matagal nang pinapangarap ni Charmagne na magkaroon ng sariling business kaya dinala niya sa Pilipinas ang international clothing brand na Ces. Hindi magiging possible iyon kung hindi siya tinulungan ni Claudio, ang matandang tycoon na nagpahiram sa kanya ng capital.
Ang akala niya ay hulog na sa kanya ng langit ang tycoon. Pero nagulat na lang siya nang imungkahi nito na makipag-date siya sa apo nitong si Clyde. Ang sabi pa nito, hindi raw bayad iyon sa utang-na-loob niya rito kundi pabor lang daw. But Claudio also made it clear that she had no other choice and so, off she went to meet Clyde.
Natigilan siya nang makita niya ang binata. He was absolutely gorgeous. Mukhang hindi na siya mapipilitang makipag-date dito...

12. Heartstrings Barkada Series 4: Richter, The Stud by Sheena Rose



Nakilala ni Jhaz si Richter minsang magpunta ito sa Puerto Galera. Attractive ito, matikas, at maganda ang mga mata. Sino ang hindi magkaka-crush dito?
Napansin niya na hindi makatingin ito nang diretso sa kanya, and at the same time ay panay ang sulyap nito sa kanya. Dahil doon ay nagkaroon siya ng konklusyon na may crush din ito sa kanya.
Pero bakit nang makapasok siya sa kompanya ng pamilya nito ay itinanggi nito na magkakilala sila? Iniiwasan din siya nito. Dahil napahiya ang ilusyunadang puso niya, ipinangako niya na kakalimutan na lang ito. Ang kaso, may sinabi sa kanya ang isang kaibigan nito: malakas daw ang tama ni Richter sa kanya.
Paano kaya niya mapapaamin ito?

13. Cinderella 73: Lovelee, The Queen Of Hearts by Camilla



Isang maid si Lovelee na nangangarap maging romance writer, kaya major blessing ang pagkakaroon niya ng among gaya ni Daphne Diaz, editor ng True Hearts Romances. Dahil dito, mas na-inspire siyang magsulat ng nobelang romansa. Ito ang ginawa niyang heroine sa kuwento niya. Nang makilala niya ang publisher ng THR na si OJ Uchiyama, ito naman ang ginawa niyang hero.
Nasimulan niya nang maayos ang kanyang manuskreto. Pero bakit ganoon? Sa kalagitnaan ng kuwento, hindi na si Daphne ang gusto niyang maging bida. Umiibig na siya sa hero ng kanyang kuwento!
Batid niyang pantasya lamang ang ibigin siya ng isang milyonaryong playboy na gaya ni OJ Uchiyama. Ngunit gaya ng heroine ng nobela niya, magkaroon din kaya ng happy ending ang love story niya?
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:52 am

Sa wakas, na-post ko din. Dapat kaninang umaga pa ito kaya lang nung ise-send ko na, biglang nagloko ang internet. Na-bad trip ako dahil medyo marami sila kaya sabi ko, mamaya ko na ise-send. Ayan, ngayon ang mamaya na. Sorry sa mga nag-abang. Anyway, eto na sila. Yes, 13 lahat pero may mga reprints.
Back to top Go down
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 4:42 am

thanks ms. jen.....

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy
[i][center]
Back to top Go down
christy19
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 30
Location : valenzuela city
Registration date : 2008-11-01

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 7:12 am

thanks po!
Back to top Go down
http://books4sales.multiply.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 7:35 am

buti naman at may reprints c vanessa.

kya ang pano kami, wala kme mabasa bago.

thanks.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
snowitty
Junior
Junior


Number of posts : 61
Location : sta rosa, laguna
Registration date : 2008-08-30

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 8:45 am

tnx ms jen,.............

kya lang wla pa ring martha at lukaret,....... Embarassed Embarassed
Back to top Go down
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 10:21 am

HOOORAYYY cheers cheers cheers


PERO TAGAL PA DATING NYAN DINEH S GENSAN Sad Sad Sad
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 10:24 am

d2 din...
matagal pa yan ddting......

wala po bang plan na i re-print ang love and magic??????

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 10:40 am

SIGE LANG, KAHIT TOTOONG MATAGAL
ANG DATING NYAN , AABANGAN KO PA DIN.
PERO MUKHANG MAUUNA ANG BOOKSALE
SA PAGLABAS NG MGA YAN. HAHAHA
MAPAPAMAHAL NA NAMAN AKO. lol! lol! lol!
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
j_j
Junior
Junior


Number of posts : 43
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 11:19 am

hello po...wow tatlo ang heartstrings ni ms. sheena rose...wla ytang realease si

ms. camilla ah at si ms. vanessa...sana gawan ng story ni ms. camilla yung kay

Red at Lux...yung bestfriend ni Adrenalina sa Adrenalina's Rush...
Back to top Go down
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 11:32 am

j_j wrote:
hello po...wow tatlo ang heartstrings ni ms. sheena rose...wla ytang realease si

ms. camilla ah at si ms. vanessa...sana gawan ng story ni ms. camilla yung kay

Red at Lux...yung bestfriend ni Adrenalina sa Adrenalina's Rush...



waaaahhhh affraid affraid dico nakuha ang Adrelnalina's Rush Sad Sad
wala acoooooohhh Sad
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:12 pm

samielxiii wrote:
SIGE LANG, KAHIT TOTOONG MATAGAL
ANG DATING NYAN , AABANGAN KO PA DIN.
PERO MUKHANG MAUUNA ANG BOOKSALE
SA PAGLABAS NG MGA YAN. HAHAHA
MAPAPAMAHAL NA NAMAN AKO. lol! lol! lol!

updated ang booksale????

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:26 pm

bevssky wrote:
samielxiii wrote:
SIGE LANG, KAHIT TOTOONG MATAGAL
ANG DATING NYAN , AABANGAN KO PA DIN.
PERO MUKHANG MAUUNA ANG BOOKSALE
SA PAGLABAS NG MGA YAN. HAHAHA
MAPAPAMAHAL NA NAMAN AKO. lol! lol! lol!

updated ang booksale????

oo siz, updated dito xamen. may section sila
para sa mga bago talaga.
senyo ba?
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts : 1962
Age : 22
Location : the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date : 2008-09-12

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:51 pm

samielxiii wrote:
bevssky wrote:
samielxiii wrote:
SIGE LANG, KAHIT TOTOONG MATAGAL
ANG DATING NYAN , AABANGAN KO PA DIN.
PERO MUKHANG MAUUNA ANG BOOKSALE
SA PAGLABAS NG MGA YAN. HAHAHA
MAPAPAMAHAL NA NAMAN AKO. lol! lol! lol!

updated ang booksale????

oo siz, updated dito xamen. may section sila
para sa mga bago talaga.
senyo ba?


nice nanam jan sa inyo...
d ko alm d2...
d ko maxado type dun sa booksale coz...
ang mahal....
sa metro gaisano lng poh ako nag b-buy....
oo sa expression

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
river
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Age : 29
Location : Nueva Ecija
Registration date : 2008-05-10

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:52 pm

shucks tgal ng kmbal...
wg n sna umabot ng january
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/prettygal0506
mary_ann
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Age : 34
Location : lipa city, makaticity and manila
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 12:57 pm

j_j wrote:
hello po...wow tatlo ang heartstrings ni ms. sheena rose...wla ytang realease si

ms. camilla ah at si ms. vanessa...sana gawan ng story ni ms. camilla yung kay

Red at Lux...yung bestfriend ni Adrenalina sa Adrenalina's Rush...

Meron ng story si Red at Lux. Sa GEMS sya lumabas, ang TITLE...LUX...hehehe...hindi nmn halatang adik sa mga gawa ni LOLA C...Very Happy

At yung story ng Cinderella nya... yun pla yun..hehehe... aabangan ko din yung kay Daphe....
Back to top Go down
chanz
Master
Master


Number of posts : 503
Age : 29
Location : lilo-an, cebu
Registration date : 2008-09-30

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 4:00 pm

ang daming readers choice ha

hndi ko alam kung cno ang una kong bbhilhin


________________________________
Stupid Woman Don't Go To Heaven!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 8:01 pm

aba! may dalawang gawa ni ms.A hahahahah
Back to top Go down
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 10:48 pm

bevssky wrote:
samielxiii wrote:
bevssky wrote:
samielxiii wrote:
SIGE LANG, KAHIT TOTOONG MATAGAL
ANG DATING NYAN , AABANGAN KO PA DIN.
PERO MUKHANG MAUUNA ANG BOOKSALE
SA PAGLABAS NG MGA YAN. HAHAHA
MAPAPAMAHAL NA NAMAN AKO. lol! lol! lol!

updated ang booksale????

oo siz, updated dito xamen. may section sila
para sa mga bago talaga.
senyo ba?


nice nanam jan sa inyo...
d ko alm d2...
d ko maxado type dun sa booksale coz...
ang mahal....
sa metro gaisano lng poh ako nag b-buy....
oo sa expression




NAGKAKAUBUSAN KASI SA G.MALL
AT SA EXPRESSIONS EH.
IBANG RAKET ANG MERON
DITO SA BOOKSALES SAMEN. LOL
SA NATL. BOOKSTORE DIN.
KAYA HIRAP ACONG MAKUMPLETO
ANG SERIES NG GUSTO CO.
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Thu Dec 04, 2008 10:51 pm

reprint na naman...

ang ganda ng teaser sa book ni vanessa ngayon..


thanks ate jen!!!
Back to top Go down
-ghe_cRaE11-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1409
Age : 24
Location : nEgros occidental,kabankalan city
Registration date : 2008-07-22

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Fri Dec 05, 2008 2:49 pm

wwoohhooo!

ang daming magaganda!

bibilhin ko talga yung "foolish beat" ni sheena!

at yung kay lovelee ni lola!

at yung craville series ni ms. a!

yahhoo!

excited na ko!
Back to top Go down
samielxiii
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1183
Age : 26
Location : General Santos City
Registration date : 2008-12-02

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Sat Dec 06, 2008 8:13 am

OO, DAMING MAGAGANDA. cheers cheers
Back to top Go down
http://samielxiii.multiply.com
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Sat Dec 06, 2008 7:52 pm

wala po rin bah ang kamballllllll


na sina jigger at trigger???????????
bounce bounce bounce bounce bounce bounce


kailan pah sila????


sana di sa january!!!!!!!


gusto ko christmas gift ko sila!!!!!!!!!!!

lol! lol! lol! lol! lol!


o di kaya b-day gift...

b-day ko kasi sa dec, 31...........
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Sat Dec 06, 2008 8:01 pm

yeaheyyyyyyyyyy



may craville na!!!!!!!!!!!!!!!!!!


i've been waitng for this pagkatapos kong mabasa ang trilogy ng ARIE'S WILL

ang ganda niyaaaaaaaaaaa


talaga!!!!!!!!!!!!!!
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Sun Dec 07, 2008 11:13 pm

wow my arielle na... wish ko lang dumating na dito.. hai... Wink Wink
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
Sponsored content




PostSubject: Re: December 3, 2008 Book Release   Today at 7:51 am

Back to top Go down
 
December 3, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Coriolanus accepted for TIFF. Release date is Dec 2nd.
» Art and Object Catalogue for Thurs 11th December 2008

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: