HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 20, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 7:10 pm

1. PHR 2794 May Bayad Ba Ang Pag-ibig?



May deal sina Lola Miranda at Moira. Kung magagawa ni Moira na mapalapit ang loob ng apo ng matanda sa kanya ay babayaran siya nito ng malaking halaga. Sa tingin niya ay kaya niyang gawin iyon kaya pumayag siya. Sino ba ang tatanggi sa isandaang libong piso?
Pero nang makilala niya nang husto si Aric ay gusto niyang magsisi. Sobrang intimidating ito, nuknukan pa ng sungit at mukhang na-hate at first sight sa kanya. Pero para sa matanda ay nagpursige pa rin siya. Hanggang sa unti-unti ay kakitaan niya ng resulta ang ginagawa niya.
Ang hindi niya napaghandaan ay ang posibilidad na siya man ay mahulog ang loob sa lalaki. Paano kapag natuklasan nito ang kasunduan nila ng lola nito? Makukumbinsi ba niya ito na totoong mahal na niya ito?


2. PHR 2795 Waway's Romance by Vanessa



Dala ng matinding pangamba para sa kanyang buhay ay pumayag si Waway na magpanggap bilang nobya ng isang mayamang lalaki. Naisip niyang wala namang magandang ibinunga sa pagsunod niya sa puno ng moralidad na pamumuhay. Ang isinukli pa ng tadhana sa kanya ay banta ng kamatayan.
Pinakasalan niya ang milyonaryong computer software developer na si Estevez. Paniwalang-paniwala ito na siya ang nobya nito sa Internet. Akala niya ay mauuto niya ito at magiging madali na sa kanya ang lahat. Ngunit nawala sa isip niyang napakatalino nga pala nito. Kaya nang mabisto siya nito, naglaho ang pagiging maamo nito.
Ngayon, wala itong ibang gustong gawin kundi ang pagbayarin siya sa limpak-limpak na salaping nakuha niya rito, pati na sa panloloko niya.
At natuklasan niyang mahirap palang mapagtuunan ng galit nito, lalo na at sa puso niya ay mayroon nang damdaming romantikong sumibol para lamang dito...

3. PHR 2796 Si Engr. Evan Azcueta by Camilla



Ang unang impresyon ni Rhonda kay Evan ay suplado, antipatiko at ubod ng yabang. Hindi ito apektado sa ganda niya. That was a major turn-off. Pero kinailangan niyang yayain ito sa bayan nila para patunayang nagkakamali ito sa pambibintang na isang corrupt na alkalde ang kanyang papa.
She fell in love with him swiftly. Maligaya na sana siya, hanggang sabihin ng kanyang ex-boyfriend ang motibo ni Evan sa pakikipaglapit nito sa kanya, breaking her heart into little pieces...

4. PHR 2797 The Ring Bearer by Rose Tan



Dahil napasubo sa isang pustahan, kilabot na kilabot man ay sinagot ni Temperance ang kanyang masugid na manliligaw, si Aguinaldo, ang yagit ng East Tamban High.
Fast Forward: Beinte-otso anyos na siya. Atat na siyang lumagay sa tahimik pero nag-iipon pa raw ng pampakasal ang boyfriend niya. Pera lamang ang kulang kung ganoon. May solusyon na--ang singsing na napulot niya noon. Bilyonaryo pala ang may-ari niyon at handa itong magbigay ng isang milyong pisong pabuya sa makapagsasauli niyon.
Mayroon lamang maliit na problema: Naibigay niya kay Aguinaldo ang singsing bunsod ng matinding awa sa lalaki. Hinanap niya ito sa World Wide Web at natagpuan naman niya ito. Pero iba na ang ngiti nito, iba na ang tingin nito, nagbago na ang lahat sa binatang patay na patay sa kanya noon.
Bigla-bigla, nag-iba ang ihip ng hangin sa damdamin niya.

5. Lukaret Series 1: When The Sun Sets On Bali 1 by Camilla




Kasalukuyang naglalaro ng piko si Bali nang umakyat ng ligaw sa kanya si Betong. She was only twelve! Kumaripas siya ng takbo sa gubatan. Ipinakagat naman si Betong ng little brother niya sa kanilang aso.
Years later, they met again. Nagpapakita na naman ito ng interes sa kanya. Pero duda siya sa tunay na intensiyon nito. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanila in the past, he couldn’t be sincerely in love with her, could he?

6. Lukaret Series 2: When The Sun Sets On Bali 2 by Camilla



“Nasaan ang robe ko, ang nighties, ang slippers?” singhal ni Bali kay Betong.
“Ang bikini, hindi mo ba hahanapin?” Ngumisi ito.
Hindi niya pinansin ito. “Ano ba talaga’ng gusto mo? Magkano ang hinihingi mong ‘settlement?’ Isoli mo na sa akin ang mga iyon at iisyuhan kita ng tseke.”
“May papipirmahan ako sa iyo pero hindi tseke... at saka mo pa lang makukuha ang mga gamit mo.”
“And what’s that?”
“Marriage contract. Marry me... at quits na tayo. How about that?”

7. The Day After Forever Series 7: Nakaukit Sa Puso by Elizabeth McBride



“Isang malaking pagkakamali ang pinayagan ka naming pumasok sa buhay namin ni Pam,” sabi ni Will sa garalgal na boses. “Hindi sana nangyari ito kung hindi ka namin nakilala. Umalis ka na! Mula ngayon, wala na akong kaibigang Rosemarie! Hindi na ako tatapak sa lugar kung saan nawala ang babaeng mahal ko! Isinusumpa ko na ang Domingo Farm, Rosemarie. I hate you!”
Iyon na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Rosemarie—ang ipagtabuyan siya ng lalaking tanging inibig niya mula pagkabata. Sa pagkamatay ng matalik na kaibigan niya na si Pamela ay dalawang puso ang kasama nitong pumanaw—ang puso ni Will na labis na nagluksa sa pagkamatay nito at ang puso niya na labis na nasaktan ni Will.

8. Fruitcakes Series 9: Octavio Takes A Wife by Rose Tan



Nanganganib na masira ang reputasyon ng kapatid at hindi matiis na makitang lumuluha ang iniibig pa ring hipag kaya pikit-matang tinanggap ni Octavio Ongpin ang isang misyon: Ligawan niya hanggang sa makaulayaw ang isang matronang uhaw sa pag-ibig.
Pero may iba palang balak ang matrona. Mas gusto raw nitong maging manugang siya.
Susmaryosep!
Sa presinto niya nakilala ang unica hija nitong si Romelda. Naka-detain ang dalaga dahil nagnakaw ng taxi! Pero hindi iyon ang dahilan ng “susmaryosep.”
Nuknukan ng ganda ang dilag na kawatan.

9. Fruitcakes Series 10: Witch Ko `Yan by Rose Tan



Sa kagustuhan ni Roberta na makaganti sa talipandas na boyfriend, nagpasya siyang mag-aral ng witchcraft. Tatlong buwan ang tagal ng crash course pero anim na buwan na siyang nagsusunog ng kilay—at insenso, buntot ng butiki, at apdo ng tadpole—ay hindi pa rin siya maka-graduate.
At malapit na naman ang finals.
Ang test niya, iligtas sa isang mabagsik na mangkukulam ang isang kawawang binata—si Drake. Sa tindi ng kulam, malapit nang mabuwang at mamulubi ito dahil enterprising ang kumukulam dito.
Armado ng mga orasyon at determinasyon, lumusob siya sa giyera. Para lamang makalimutan ang lahat ng isinaulong magic spells nang makaharap niya ang “pasyente.”
Nakakapanginig ng walis-tingting ang kaguwapuhan nito!

10. Pepper Series 21: Gaye Elizalde by Vanessa



Bagaman isang cosmetics expert si Gaye ay hindi siya mahusay sa pagpapanggap. She studied Cosmetics and trained under one of Hollywood’s best makeup artists. Nang kinailangan niyang magpanggap upang iwasang pakasalan ang lalaking napili ng lolo niya para sa kanya ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Mula sa pagiging isang magandang dalaga ay nag-transform siya sa isang matabang babaeng masama ang ugali at animo binukbok ang mukha.
Because she was no expert in wearing disguises, she accidentally created two personas: a fat, ugly woman and a pretty mute.
Mukhang nagugustuhan na nito ang pretty mute na walang iba kundi siya rin.
Pero dumating ang puntong gusto na niyang magustuhan siya nito bilang totoong si Gaye...

11. MLH 357 Strike de Villa by Cora Clemente



Buong buhay ni Frances ay naging isa siyang masunuring anak. Lahat na lamang ng ginawa niya ay pawang kagustuhan ng kanyang ama at kapatid. Pero may hangganan din pala ang lahat. Nakaramdam siya ng pagrerebelde.
Nagdesisyon siyang umalis ng Rio Verde at pumunta sa Maynila kung saan bukas ang lahat ng oportunidad sa isang katulad niya. Gusto niyang i-explore at subukan ang mga bagay na iniaalok ng makinang na lungsod.
Lingid sa kaalaman niya, may isang taong isinugo ang kanyang kuya upang bantayan siya—si Strike de Villa. Noong una ay naiinis siya rito dahil panay ang buntot nito sa kanya at pakikialam nito sa kanyang buhay. Pero napatunayan niyang hindi lamang striking ang looks nito kundi maging ang kakayahan nito bilang isang lalaking masasandigan niya, lalo na sa panahon ng panganib...


Last edited by Jen on Wed Feb 20, 2008 9:24 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 7:16 pm

buena mano ako..

thankies jen! Smile
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 7:19 pm

a million thanks sunny
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 9:07 pm

salamat jen.

hay.. wala akong napiling bilhin.
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 9:51 pm

thanks jen
Very Happy
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Tue Feb 26, 2008 7:20 pm

nabas ako na yung 5.. maganda sya, nakakatuwa.. sulit!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Wed Feb 27, 2008 6:03 pm

wala po bang bagong release ngayon
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Fri Feb 29, 2008 11:38 am

KALUNGKOT PAG WALANG BAGO. Crying or Very sad

sana bawi kau next week. Smile
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:53 am

Si engr. evan escueta din binili ko din ang parusa ni krystal kc related sila hehehe fruitcakes mayron n din ako....

may bayad ba ang pag-ibig? super ganda ang story.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: February 20, 2008 Book Release   Today at 6:23 am

Back to top Go down
 
February 20, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: