HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 13, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 12, 2008 6:25 pm

1. PHR 2789 Sa Pagdating Ng Bukas by Laurice del Rio



The past really has a way of catching up with the present. Napatunayan iyon ni Wendy nang ang tahimik na sanang buhay niya ay bulabugin ng isang bagay na ipinalagay niyang iniwan na niya sa nakaraan. Maraming taon na ang nakalipas nang gawin niya ang isang bagay na labag sa kanyang loob, pero nang mga panahong iyon ay kumbinsido siyang iyon ang mas makabubuti.
Pati pag-ibig niya sa tanging lalaking muling nagbigay-kulay sa kanyang mundo ay muntik na niyang maibaon sa limot.
Ngayon, nang muling masilayan niya ang mga mata nito, saka lang niya lubusang naunawaan kung gaano katindi ang pangungulila niya rito.
Ngunit bakit kahit gaano kapait ang nakaraan ay pilit pa ring pinatatamis iyon ng mga alaala ng kanilang pag-ibig?

2. PHR 2790 Your Love Is Better Than Marshmallow by Claudia Santiago




“Go home, Marcie. I have so many things to do.”
Iyon ang sinabi sa kanya ng dating nobyong si Lohan nang magpakita siya rito buhat nang umalis siya at tanging sulat ang iniwan niya rito.
“That’s exactly where I’m going. And my home is you. Ang problema ay naka-lock pa `yong pinto kaya heto ako, trying to unlock my home so I can get in.”
“Oh, really? And how do you intend to do that? Gano’n lang ba kadali ang lahat, Marcie? Well, life is not a piece of cake. You taught me about that very well.”
Aminado siyang nasaktan niya ito. Ngunit umalis siya dahil iyon ang alam niyang pinakatamang gawin noon. Kapag nalaman kaya ni Lohan ang tunay na dahilan ng pag-alis niya ay mapapatawad siya nito at muling mabubuo nila ang kanilang nakaraang pag-ibig?
Iisa lang ang alam niya—she was willing to fight for their love.

3. PHR 2791 Nag-Iisang Mukha Ng Pag-ibig by Noelle Arroyo



May lumapit na guwapo at simpatikong lalaki kay Raiza. Nagpakilala ito bilang si Theo Ozawa. Kailangan daw niyang sumama rito dahil sa isang napakaimportanteng bagay na magpapabago sa kanyang buhay.
Puno man ng pagdududa ay sumama siya rito sa Maynila. Mula noon ay nadama niya ang walang-katulad na pag-aalaga nito sa kanya. Hindi tuloy naging mahirap sa kanya na ibigin ito.
Ngunit nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit hinanap siya nito.
Ngayon, tugunin man nito ang pag-ibig niya ay hindi siya nakasisigurong siya nga at hindi ang kakambal niya na dating kasintahan nito ang nakikita nito.

4. PHR 2792 Gonna Catch You Anyway by Claudia Santiago



Isang masakit na pangyayari sa pamilya ni Charlotte ang nag-iwan ng malaking galit sa kanyang puso. She found herself hating men... except Tomas, her best friend.
Ito ang tanging lalaki na nakakapagpangiti sa kanya sa gitna ng mga problema. Nahahawa siya ng pagiging carefree nito. Wala itong mga rules na sinusunod. Umaayon lamang ito kung saan ito dalhin ng agos.
Pero nang magkanobyo siya ay kusa siyang lumayo kay Tomas. Wala siyang sinabing anuman dito. Kung alam lamang nito na may isa pa siyang mabigat na dahilan sa biglaang pagtanggap niya sa pag-ibig ni Gilbert... At may kinalaman ito roon.

5. PHR 2793 More Than You And Me by Sofia



Kinailangang pumunta ni Kesca sa Cancun, Mexico upang kaladkarin—kung kinakailangan—pabalik sa Pilipinas ang pinsan niyang si Edessa dahil umurong ito sa kasal. Layon din niyang palayuin ito sa pintor na si Light—ang lalaking diumano ay kinalolokohan nito.
Sa kanyang biyahe sa eroplano, nakilala niya si Lorenzo. Sa sasandaling panahong pagkikilala nila ay nahulog agad ang loob niya rito. Bakit naman hindi? Masarap kausap ito... at higit sa lahat, interesado ito sa kanyang pagkakawang-gawa.
Huli na nang malaman niyang si Lorenzo at ang lalaking kinahuhumalingan ng pinsan niya ay iisa!

6. Pagudpud Series 6: Sa Kabilang Panig Ng Paraiso 1 by Vanessa



Nakilala ni Aurora si Jorge dahil sa kanyang trabaho. Alam niyang mababa ang pagtingin ng marami sa tulad niya na isang babaeng kapit sa patalim. Pero iba si Jorge. Tinulungan siya nito, nangako itong magbabago ang buhay niya, ipinahiwatig na may malalim itong pagtingin sa kanya. Pero ang mga pangakong iyon ay plano lamang pala nitong bawiin, pagkatapos niyang umasang dumating na sa wakas ang kanyang prinsipe sa katauhan nito...

7. Pagudpud Series 7: Sa Kabilang Panig Ng Paraiso 2 by Vanessa



Pakiramdam ni Aurora, ang buhay niya ay puno ng alon na walang gustong gawin kundi ang ilubog siyang pilit anumang pagtatangka niyang umahon. Nasa gitna siya ng laot, lubos nang nahihirapan... Sa lahat ng iyon, ang mga alaala ni Jorge ang nakapagbibigay sa kanya ng pag-asa, kahit wala na ito, sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Kung kailan tila naging panatag na ang tubig ay saka ito nagbalik, tila hinahamon uli ang mga alon sa buhay niya...

8. Grande Passion Series 7: Forbidden by Sheena Rose



Hindi nasisiyahan si Dhane sa diskriminasyon sa mga babaeng manggagawa ng Grande Passion Resort kaya nagdesisyon siyang personal na kausapin si Seymour Concepcion, ang COO ng GPC. Nagkainitan lamang sila pero hindi nito dininig ang mga sinabi niya.
Dala ng pangangailangan, pinili niyang pagtiisan ang trabaho niya sa resort. Hanggang sa mapansin niya na ilang gabing sunud-sunod nang dumarating sa casino si Seymour at madalas na nahuhuli niyang tinitingnan siya nito.
Ano ang gusto nito sa kanya? Would she dare believe he liked her?

9. Pepper Series 20: Lutchie Lee by Vanessa



Lutchie lost everything she worked hard for because she fell in love with the wrong man. Wala siyang tanging gustong gawin kundi ang magantihan ang babaeng nang-agaw sa kanyang mahal at mabawi ito.
Doon pumasok si Ruante Castillo na ang tanging gusto ay ang mabawi ang babaeng inagaw rito ng lalaking minahal niya. They did not like each other but they had to work together for one mission.
Ang kaso, bakit naiiba ang misyon niya sa pagtakbo ng panahon? Bakit parang ayaw na niyang mabawi ang ex niya at bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing makikita niya si Ruante?

10. Braveheart Series 23: Winona Alviar (Torn Dove) by Dawn Igloria



Unang kita pa lang ni Winona kay Kestrel ay crush na niya ito. Bukod sa nagpaka-hero ito sa pagtulong sa kanya ay inakala pa niya na ito ang hinahangaan niyang bida sa mga community projects sa kanilang lugar.
Ngunit bago pa lumala ang feelings niya rito ay nakilala naman niya si Tim, ang tunay na hero na matagal na niyang gustong makita. Niligawan siya nito. Madaling naagaw nito ang naudlot niyang feelings kay Kestrel.
By twist of fate ay muli silang nagkita ni Kestrel. Hindi na ito astang hero. Masungit na ito at suplado. Kaya lang, crush pa rin niya ito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ito makatkat sa isip niya. Parang fly trap ito na kumapit nang husto sa sistema niya.
Naguguluhan siya dahil kahit mahal pa rin niya si Tim ay may pagtingin na rin siya kay Kestrel. At kailangang isa lang ang piliin niya sa dalawa.

11. MLH 356 Julio by Laurice del Rio



Katatapos pa lang ng isang trahedya sa buhay ni Mauve ay isang problema na naman ang kanyang kinaharap. Nanganganib ang buhay ng isang mahal niya sa buhay—si AJ. At wala siyang mahingan ng tulong kundi si Julio, isang secret agent.
Ang panganib sa buhay ni AJ ang naglapit sa loob nila ni Julio na unti-unti ay natutuhan niyang ibigin. Ngunit batid niyang kaya lang nakikipaglapit ito sa kanya ay dahil sa trabaho nito at hindi dahil mahal din siya nito.
She couldn’t accept him on those terms. Kaya nang matapos na ang panganib sa buhay ni AJ ay inihanda na rin niya ang kanyang sarili sa paglisan nito sa buhay nila. Kayanin kaya niya na mawala ito?
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 12, 2008 6:44 pm

Wow.. si Jourge! hehe cheers
yes lumabas na rin ang Pagudpud!
thanks, Jen!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 12, 2008 8:15 pm

OMG!!!!!!

another readers choice kay kagandahan!!!!!!

i am so liking this....

ngee...

after 2 months ko pala to mababasa lol!
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 12, 2008 10:02 pm

waahhhhhhhh.
me bago ulit si sofia.
salamat jen.
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 12, 2008 11:19 pm

thanks jen!

give me five , men!

(as in 5 books ang bibilhin ko, hehehe) Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Tue Feb 19, 2008 7:14 am

thanks jen hwag ka sana magsawa sa pagpost ng books
Back to top Go down
MiKaN
Junior
Junior


Number of posts : 103
Age : 27
Location : llc cebu
Registration date : 2008-02-29

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Mon Mar 03, 2008 9:25 pm

BAkitwala pang YOUR LOVE IS BETTER THAN MARSHMALLOW dito sa CEBU?! BAkeeeeeeeettttttt?!
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Mon Mar 03, 2008 9:28 pm

kasi late yong release sa ibang lugar lol!

ako nga rito sa amin, naghihintay ako ng 2 months bago mabili yong new release.. lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Mon Mar 03, 2008 9:55 pm

caleb wrote:
kasi late yong release sa ibang lugar lol!

ako nga rito sa amin, naghihintay ako ng 2 months bago mabili yong new release.. lol!

2 months?? affraid ang tindi!! Rolling Eyes Mad
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:58 am

wow ang gaganda ng mga labas na ito mayron akong copy yeheyy
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: February 13, 2008 Book Release   Today at 7:51 pm

Back to top Go down
 
February 13, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: