HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 29, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 12:30 am

1. PHR 2927 Kissing Renee by Claudia Santiago



Inaasahan na ng buong angkan ni Renee na isasama niyang pauwi sa San Miguel ang nobyo niyang si Oliver sa araw ng Pasko. Hindi na siya irereto ng mga iyon sa kung sinu-sinong lalaki. Hindi na siya maa-out of place sa mga kapatid niyang pawang may mga pamilya at mga anak na. Hindi na siya magmumukhang kaawa-awa. Ngunit sa kasamaang-palad ay nag-break sila ni Oliver bago pa niya madala ito sa kanila. Kaya naman naging desperado na siya sa kagustuhang huwag mapahiya sa pamilya.
“Wait, sino nga kaya’ng puwedeng magpanggap na boyfriend mo just for this coming Christmas season? Iyong hindi magsasamantala sa sitwasyon at iyong magiging komportable ka naman kahit pa’no. Saan tayo makakahanap ng gano’ng lalaki?” turan ng kaibigan niyang si Mimi.
“Well, I think I could be that guy...”
Ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita niyang nagprisintang iyon ay walang iba kundi ang kaibigan at boss niyang si Liam. Ano kaya ang pumasok sa isip nito at iprinisinta nito ang sarili?

2. PHR 2928 It's Because Of You by Sheena Rose



Nang magsara ang boardinghouse na tinutuluyan ni Rikki ay nakitira siya sa condo unit ng kanyang kababata.
Nakilala niya ang kaibigan nito na si Kurt na ubod ng antipatiko. Palagi na lang siyang pinag-iinitan nito. Gayunman ay kailangan niyang pagtiisan ang ugali nito dahil apo pala ito ng may-ari ng pinapasukan niya.
Ngunit nang malaman niya ang totoong pagkatao nito, bigla na lamang niyang naintindihan ito. Worse, nahulog ang loob niya rito. Ayaw niya sa nararamdaman niya kaya ipinasya niyang ibaling sa ibang lalaki ang pagtingin niya.
Magtagumpay kaya siya?

3. PHR 2929 For The Love Of Vincent by Dawn Igloria



Beulah means “married.” Kumbinsido si Beulah na sa binatang may-ari ng napakagandang mountain resort na pinagbakasyunan niya matutupad ang kahulugan ng pangalan niya. Unang kita pa lang niya kay Vincent, tinamaan kaagad ng palaso ni Kupido ang puso niya.
Pero hindi ito interesado sa kanya. Mas gusto nitong magmukmok at alalahanin ang ex-girlfriend nitong nag-asawa.
Sinubukan niyang paibigin ang binata. Nakapasok naman siya sa pader na iniharang ni Vincent. Akala niya ay effective ang lahat ng gimik niya dahil kung hindi sa kanya, hindi raw nito muling mararanasan na lumigaya. At with matching sweet kisses pa iyon on the side.
Pero ibang tono na ang kinakanta nito nang umuwi siya at balikan ito pagkalipas lang nang ilang araw.
“Beulah, ang nangyari sa atin noon ay isang magandang interlude lang. Pareho tayong nag-enjoy. Pareho tayong sumaya sa company ng isa’t isa. At nang umalis ka, natapos na. Ganoon lang `yon,” nakangiting sabi nito.

4. PHR 2930 Super-Floy by Camilla



Nang may magtangka sa buhay ni Marigold, binigyan siya ng boss niya ng bodyguard--si Floy. Martial arts expert daw ito at qualified sa trabaho kahit galing ng seminaryo. Pero sa halip na safety and protection, highblood yata ang idudulot nito sa kanya. Nang magkagipitan na, ito pa ang iniligtas niya!
But a few years later, muling nagpakita ito sa kanya--upang pigilan ang “evil plan” niya na sirain ang relasyon ng pinsan nitong si OJ kay Lovelee. Hanggang sa mauwi sila sa isang pustahan, kung saan desidido siyang manalo. Ang prize niya: marriage to Floy himself...

5. PHR 2931 Ang Ninakaw Mong Puso by Rose Tan



Para makansela ang utang ng kanyang inang mahal, pumayag si Pablito sa kondisyon ng loanshark: liligawan niya ang anak nitong si Perla para mailayo ito sa diumano ay manlolokong boyfriend nito. Okay na iyon kaysa magbayad siya ng patung-patong na interes, makakatulong pa siyang mailigtas ang dalaga sa tiyak na kasawian sa pag-ibig.
Pero handa si Perla na ipaglaban ang kanyang boyfriend. You and me against the world ang drama nila dahil ayaw rito ng kanyang pamilya. Matibay ang paniniwala niyang walang puwedeng sumira sa pagmamahalan nila.
Pero sumulpot sa eksena si Pablito.
Susmaryosep na guwapo ito!
Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang puso. Baka manakaw iyon ni Pablito...

6. Jewel 14: Emerald: Cat's Eye by Maureen Apilado



Nasubaybayan ni Capt. Orville Camacho ang kaso ng emerald na Cat’s Eye na pinag-aagawan ng half siblings na sina Kelsy Cabreras at Jordan Portez. Nang mapasakamay ng lalaki ang emerald ay saka naman pinatay ito—at isa siya sa mga pulis na unang nagresponde sa kaso.
Pagkatapos ng initial investigation ay bumalik siya sa scene of the crime at nasakote niya ang isang babaeng patakas.
It was Kelsy Cabreras!
She was the most beautiful girl he had ever seen. He could not decide whether he should haul her off to jail—or just take her in his arms and kiss her senselessly…

7. MLB 167 Mirian & Francis by Dawn Igloria



“What is the use of earning the next million kung wala ka namang pag-aalayan nito?”
Iyon ang mga salitang ayaw magpatahimik kay Mirian bago mamatay ang pinakamamahal na tiyuhin niyang si Benedicto. Huwag daw siyang tumulad dito na tumanda nang hindi nagkaasawa. Bumuo raw siya ng sarili niyang pamilya.
Kung mag-aasawa siya, siyempre, doon na sa mahal niya. Ang kaso, mailap ang pag-ibig sa kanya. May lahi pa naman sila na pagtuntong ng late twenties ay hindi na nagkakaanak pa.
Naisip tuloy niya na maaari naman siyang magkaanak nang walang asawa, kung ang habol niya ay huwag lang siyang abutan ng expiration ng kanyang biological clock. Kailangan lang niyang pumili ng grade A na sperm donor. And the most likely candidate—ang makulit na manliligaw niyang si Dr. Francis Lepanto.
Pero nang sabihin niya rito ang kanyang plano, tinanggihan siya nito. Naintriga tuloy siya. May lalaki bang tatanggi sa “no strings attached” na magdamag na lovemaking?

8. MLH 287 Adventure by Claudia Santiago



Nagkakilala at naging magkaibigan sina Adventure at Abril sa bahay-ampunan. They learned to depend on each other sa kanilang murang edad. Nang may dumating na mag-asawang gustong mag-ampon, pumayag ang mga ito na dalawa sila ni Adventure na aampunin.
Ngunit may nangyaring aberya sa kabuhayan ng mag-asawa, dahilan upang magpasya ang mga ito na isa na lamng sa kanila ang aampunin. Napili ng mga ito si Adventure.
Ngunit isang gabi, umalis ng bahay-ampunan si Adventure upang si Abril ang maampon ng mag-asawa. Maraming taon ang lumipas na hindi sila nagkita, ngunit parehong nanatili sa puso nila ang pagkakaibigan at mga araw na pinagsaluhan nila sa bahay-ampunan.
Nang lumipas ang labinsiyam na taon, hindi nila inaasahan na sa isang maling pagkakataon sila pagtatagpuin ng tadhana.
At katulad noon, ito pa rin ang tanging naging tagapagligtas niya ngayon…

9. Lukaret Series 12: Lovingly Yours, Ysobel 1 by Camilla



Dala ng kamalditahan ni Ysobel, napag-trip-an siya at nalathala sa Text Pal column ng isang tabloid ang kanyang cell phone number. Dinagsa tuloy ng mga losers na naghahanap ng textmates ang Inbox niya.
At si Tondo ang pinakamakulit sa mga iyon.
Nang mabuking niya na foreman pala ito sa construction site ng resort kung saan part-owner siya, pinarusahan niya ito at ginawang “yaya.” Isang pagkakamali pala iyon, dahil mabilis siyang nahulog dito.
At hindi puwede iyon dahil hindi sila nababagay sa isa’t isa...

10. Lukaret Series 13: Lovingly Yours, Ysobel 2 by Camilla



Ysobel’s rule was, “When in doubt, magtaray.” Kaya iyon ang madalas na ginagawa niya kay Tondo. Nagdududa na kasi siya sa kanyang sarili. Lalabagin yata niya ang lahat ng batas na ginawa niya pagdating sa usaping-pampuso nang dahil sa lalaking ito. Pero umubra naman kaya ang pagtataray niya gayong hulog na hulog na siya sa alindog nito? Paano kapag tapos na ang “paglalaro” nila at bigla na lang mawindang ang puso niya?

11. Dream Team Series 11: Harly Abuel by Almira Jose



No freakin' way! Not in this life! mariing naisaloob ni Harly.
Labag sa kalooban niya ang ipinagagawa sa kanya ng lola niya. Gusto nitong makasal sila ng apo ng matalik na kaibigan ng lolo niya.
Sa paghahanap niya ng paraan para makaiwas sa bagong “assignment” niya ay kinasapakat niya si Katie, ang babaeng bumangga sa pinakamamahal niyang motorsiklo. Nagpanggap ito bilang nobya niya sa pag-asang titigilan na ng lola niya ang binabalak nito sa kanya.
Kamukat-mukat niya, ang pagpapanggap nila ay unti-unting nagkatotoo—at least, on his part. He fell for Katie. It was imposible not to. Napakadali kasing mahalin ito.
Pero may problema. Kung kailan tuluyan na siyang nabighani at nalulong dito ay saka niya natuklasan na hindi lang pala siya ang nag-iisang lalaki sa buhay nito.
Paano na iyan? Ayaw niyang may ka-share...


Last edited by Jen on Wed Oct 29, 2008 1:45 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
Femmia Pink
Master
Master


Number of posts : 543
Age : 33
Location : iloilo/guimaras
Registration date : 2008-02-05

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 12:43 am

*thank you miss jen...
*pansin ko, marami reprint na hindi naman kalumaan, hmm. my love my hero, ginawang all time fave, tas, my lovely bride, ginawang all time fave.
* ansaya! me lukaret na! may maloloka na naman nito. ako naman eh... pag buo na ang lukaret, tsaka na magpapakaloka!
*hmmmm. binibitin amg stallion, pati na rin ang calle pogi.
*katapusan na ba nung pepper si hershey?(halatang hindi nakapagbasa anu?heee)
weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee.
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/langgingfemz
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 7:11 am

walang Ms. V hayz....

Tapos na ba ang DDP batch 2??? hayden na kc...ang ganda ganda.....



Inpernez.....may DTS....un lng???hayz...
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
snowitty
Junior
Junior


Number of posts : 61
Location : sta rosa, laguna
Registration date : 2008-08-30

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 8:24 am

Razz cat

thank u ms jen,.... hay salamat my lukaret n ulet,.tnc ms. c..punta na ako mamaya sa sm to check kung available n (after ng work ) bounce bounce
Back to top Go down
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 8:30 am

whooo.... marami-rami ngayon!!!!

thanx ms jen!!
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 9:21 am

Noooo... bakit walang Vanessa???


Sobrang nakakaiyak naman itooo.. Sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cHeLLy
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 23
Location : Quezon City
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 9:54 am

bq8 wLa n nmAn6 stALLioN ?! ..
hUhU .. Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
yAm
Junior
Junior


Number of posts : 52
Age : 27
Location : paniqui,tarlac
Registration date : 2008-07-11

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 10:17 am

sa wakas lumabas na rin si ysobel sa lukaret series...


bibilhin ko agad iyon pag may nakita ako sa ma stalls or bookstores..
Back to top Go down
carrel0729
Junior
Junior


Number of posts : 152
Location : Makati
Registration date : 2008-09-24

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 10:47 am

wala pa ring stallion hayyyzzzz.... wait ulit ng 1 week Sad
Back to top Go down
http://www.friendster.com/photos/4998845/1/177803797
purplephoenix
Junior
Junior


Number of posts : 55
Registration date : 2008-06-05

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 11:37 am

yay! super kewl. nandito na ang story nila Ysobel and Tondo!
Back to top Go down
http://www.supahnova.wordpress.com
Faye Andrew
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1516
Age : 31
Location : Sydney, Austrilia
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 1:40 pm

Oi.. mayrun Dream Team... Mukhang maganda yan ah..
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 1:43 pm

VANADIK & MC FANATIC wrote:
walang Ms. V hayz....

Tapos na ba ang DDP batch 2??? hayden na kc...ang ganda ganda.....



Inpernez.....may DTS....un lng???hayz...

Oo. Tapos na ang DDP batch 2.
Back to top Go down
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 26
Location : tandang sora, quezon city
Registration date : 2008-09-29

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 3:25 pm

haizt.,!!

h0w sad..aLa n nmang staLLi0n..

Sleep

kb0red 2Loi n0w..

hehehe..

lol!
Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
yuan_charm
Senior
Senior


Number of posts : 418
Age : 23
Location : pasig city
Registration date : 2008-06-03

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 5:06 pm

walang stallion at calle pogi

intay na nmn ng susunod na release

ung my lovely bride parang nbsa ko na yun

reprint po b sya?
Back to top Go down
caymicah
Junior
Junior


Number of posts : 98
Age : 23
Location : Parañaque
Registration date : 2008-06-24

PostSubject: Stallion   Wed Oct 29, 2008 7:04 pm

aw! wala nanamang STALLION at CALLE POGI??? Question Exclamation
anu ba yan mga ate... Mad
excited pa naman ako...
kala ko pa naman ngaung free time may mababasa ako...
huhuhuhu....
Sad
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 10:03 pm

YEHEY!!!
mabuti may Lukaret n,
kso sureness n nxt month p i2 mkkrting d2 smin,"
woohoo, last n b i2 s Lukaret Series?
Rolling Eyes Very Happy bounce Razz
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
SRC Heiress
Junior
Junior


Number of posts : 150
Age : 36
Location : SRC
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Thu Oct 30, 2008 12:37 pm

wHy aLa Na NaMaNg STALLION!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Thu Oct 30, 2008 9:37 pm

si ysobel??? sya ba yung patay na patay kay jao??? hmmm .. interesting... anywayz... si tondo?? yung nikiss ni ricky??? hehehe... sowe medyo nangungulit poh... Cool Cool Cool Cool bounce bounce bounce bounce
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Thu Oct 30, 2008 11:28 pm

hay stallion
stallion, stallion
nasan ka na ba stallion
bait ang tagal tagal moh
Back to top Go down
snowitty
Junior
Junior


Number of posts : 61
Location : sta rosa, laguna
Registration date : 2008-08-30

PostSubject: lukaret series   Fri Oct 31, 2008 8:49 am

Very Happy Very Happy


oh my god! ang ganda ng kwento nina ysobel and tondo rendeer rendeer



kakakilig cla! santa
Back to top Go down
snowitty
Junior
Junior


Number of posts : 61
Location : sta rosa, laguna
Registration date : 2008-08-30

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Fri Oct 31, 2008 8:53 am

EirolEnelej wrote:
si ysobel??? sya ba yung patay na patay kay jao??? hmmm .. interesting... anywayz... si tondo?? yung nikiss ni ricky??? hehehe... sowe medyo nangungulit poh... Cool Cool Cool Cool bounce bounce bounce bounce



Razz Razz

yup cla nga un ive just finished reading them last night (part 1 & 2) ang ganda,.... lukaret tlga!!! Laughing


tnx lola c!!!!!!!!!!!!!! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
new_horizon012
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 23
Registration date : 2008-08-31

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Fri Oct 31, 2008 11:04 am

haiizzzzzzzzzzzzzzzz................

bk!t wLang sTaLL!on........??????????

hAp! hALLow!n na Lng p0h...!!!!!!!!

i h0p3 pAgbLik k0h mAy SRC na............


Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
drahnex
Newbie
Newbie


Number of posts : 8
Age : 31
Registration date : 2008-10-09

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Fri Oct 31, 2008 3:52 pm

Sleep Sleep wla pa rin new publish na src....hayz... Sleep Sleep Sleep
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Fri Oct 31, 2008 7:54 pm

yay!


sa wakas lumabas n rin ang last ng lukaret!


last n b toh tlga?wahahah
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Sat Nov 01, 2008 9:19 pm

According to the editor of Lukaret, hindi daw iyan ang last, si Albertita yata.
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: October 29, 2008 Book Release   Today at 10:25 pm

Back to top Go down
 
October 29, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: