HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 February 6, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: February 6, 2008 Book Release   Tue Feb 05, 2008 6:47 pm

1. PHR 2784 Your Love Is Better Than Sinful Brownies by Claudia Santiago



Ganoon na lamang ang gulat ni Ellice nang sadyain siya ni Cameron sa unit niya. Ito ang kanyang kababata na labis na kinaiinisan niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakain nito at naligaw ito roon. Naiinis siya dahil sa dinami-rami ng pagkakataong maayos ang hitsura niya ay natiyempuhan pa nitong bagong gising siya.
“Hindi mo man lang ba ako papapasukin, Ellice?” kunot ang noong tanong nito sa kanya.
“I’m not even decent yet!” asik niya rito.
“You don’t have to worry about me. I think I’ve seen worse. Nakita na kitang puno ng putik pagkatapos mong makipagsabunutan noong high school,” wika nito.
That was Cameron, ang best friend ng kakambal niyang si Allice—ang lalaking nang unang maintindihan niya kung ano ang crush at kung ano ang pagmamahal ay siyang nanahan sa kanyang puso’t isipan.
But wait, she was over him.
Wasn’t she?

2. PHR 2785 My Imperfect Lover by Dream Grace



Nang mamatay ang kuya at ang hipag ni Sasa ay naiwan sa kanya ang tatlong anak ng mga ito. Mahal na mahal niya ang kanyang mga pamangkin kaya dalawang kamay na tinanggap niya ang mga ito.
Maayos na sana ang lahat nang biglang pumasok sa eksena si Trevor, ang guwapong kapatid ng hipag niya. Pilit na inaagaw nito sa kanya ang tatlong bata dahil mas mapapabuti raw sa piling nito ang mga pamangkin nila.
Tumutol siya.
Ang buong akala niya ay doon na natatapos ang lahat. Pero isang araw ay biglang sumulpot sa bahay niya si Trevor at buong pagpapakumbabang humingi ng dispensa sa panggugulo nito. Nalito siya. Alin ang mas dapat niyang pakinggan? Ang isip niya na nagsasabing may masamang pinaplano ito o ang puso niya na naghihikayat sa kanya na subukan niyang magtiwala rito?

3. PHR 2786 Desire Of My Heart by Jacqueline Miranda



Hindi madaling magkagusto sa lalaki si Queenie. Pero nang makilala niya ang simpatikong si Kreigh at magpakita ito ng kabaitan ay hindi nahirapan ang puso niya na mahulog dito. Ang problema, naging gawain naman nitong asarin at kontrahin siya. Ganunpaman ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para dito. Sa katunayan ay nagawa pa niyang magpaubaya.
Ang buong akala niya ay magbabago ang pagtrato nito sa kanya pagkatapos ng isang gabing pagsasalo nila sa kaligayahan. Hindi pala.
Paano na ang puso niyang patuloy na nagmamahal dito?

4. PHR 2787 Last Chance by Dawn Igloria



Minsan ay tinanong si Shasta ng isang kaibigan niya. Ano raw ba ang pinakagusto niyang gawin sa buhay? Simple at mabilis ang naging sagot niya: “Mapangasawa ng lalaking mahal ko.”
Ang kaso ay malabo pa sa mudflow na mahalin siya ng lalaking tinutukoy niya—si Renz, ang secret love niya mula pa noong college freshman siya.
Close friends sila pero di-sinasadyang may namagitan sa kanila. Sa wakas ay may dahilan na para mahalin din siya nito. Pero nag-nose dive ang pag-asa niya nang kausapin siya nito.
“Kung magpapakasal tayo, sapat na siguro ang pagmamahal mo para sa ating dalawa.”
Nahati ang kalooban niya. Tatakasan na lang ba niya ito o susugal siya kahit tinapat na siya nito na wala itong pag-ibig sa kanya?

5. PHR 2788 The List by Rose Tan



Hindi matanggap ni Sylvia na mag-aasawa na ang kaisa-isang kaibigan niya habang siya ay walang naaaninag ni kalyo ni Mr. Right. Kaya para luminaw nang kaunti sa kanyang imahinasyon ang ideal man niya, gumawa siya ng listahan ng mga katangian nito.
Listahan na hindi niya alam na napunta sa mga kamay ni Gordon. Nang mabasa nito iyon, nabuo ang isang ideya sa isip nito: Aangkinin nito ang mga katangiang nakatala sa listahan.
Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sylvia. Akalain ba naman niyang God-fearing, resourceful , romantiko, funny at iba pa ang temporary housemate niya? Puwede na itong mahalin kung ganoon...

6. Troubleshooters, Inc. Series 6: Ranger 1 by Danielle



Walong taon na ang lumipas nang lisanin ni Ranger ang flower farm nila sa Busay upang takasan ang pait ng mga alaala ng kanyang yumaong ina. Iniwan niya ang kanyang lola at si Kim, ang kababata at dating kasintahan niya.
Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang lola. Pinauuwi siya nito. Hindi niya magawang bale-walain ang hiling nito. Upang maibsan ang nadaramang tensiyon, inisip niyang gawing misyon ang lahat. He would get in, do what was needed to be done, and get out fast.
Ngunit nang makauwi na siya, hindi pala ang mga alaala ng nakaraan ang dapat niyang katakutan kundi si Kim mismo. Mahal pa rin niya ito. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang umuwi sa probinsiya. Sa klase kasi ng trabaho at pamumuhay niya ay walang papel ang pag-ibig...

7. Troubleshooters, Inc. Series 7: Ranger 2 by Danielle



Sanay na si Ranger na nakikipagpatintero kay Kamatayan. Iyon ang ipinagpasalamat niya sa scout rangers at sa Troubleshooters, Inc. Mula kasi nang dumating siya sa Busay ay ilang beses nang pinagtangkaan ang kanyang buhay. Kung hindi dahil sa training niya, pinaglamayan na sana siya noong unang linggo pa lamang niya roon. Ang masaklap, hindi lamang siya ang target—kasama sina Lola Maria at Kim.
Pero hindi naman puro kamalasan lamang ang iniabot niya. Mukhang may pag-asang maibalik niya ang tiwala ni Kim sa kanya. Kaya ngayon ay may panibagong misyon siya: Una, tuklasin kung sino ang gustong mag-send off sa kanya sa langit. Pauunahin niya ito sa impiyerno; at pangalawa, hanapin ang kahinaan ni Kim para naman maka-score siya rito kahit round one lang...

8. Troubleshooters, Inc. Series 8: JD 1 by Danielle



It never paid to be a hero. Heroes were selfless. Handang tumulong ang mga ito sa mga nangangailangan nang walang hinihinging kapalit.
Kaya ayaw ni JD na maging hero.
Hanggang sa malagay sa panganib ang buhay ni Toni, ang kanyang matalik na kaibigan na walang kahina-hinalang may itinatago siyang damdamin para dito.
Sana lang, kagaya sa mga action heroes sa pelikula ay makaligtas siya para masabi niya sa kanyang leading lady na minamahal niya ito...

9. Troubleshooters, Inc. Series 9: JD 2 by Danielle



Malapit nang masiraan ng bait si JD. Sa loob lamang ng maikling panahon ay nagkagulu-gulo ang buhay niya. Umakto siyang bayani kahit ayaw niyang magpakabayani. All for the love of one woman—si Toni na nalaman niyang ikakasal na pala sa ibang lalaki.
Kay saklap naman na kung kailan niya naamin sa kanyang sarili na mahal niya ito, saka naman nito iwinagayway sa harap niya ang engagement ring nito.
Hindi maaari! Siya ang hero kaya dapat sa kanya mapunta ang leading lady. Gagawin niya ang lahat para maipa-realize kay Toni na siya ang nakatakda para maging partner for life nito...

10. Grande Passion Series 6: Susana's Tears by Sheena Rose



Nagmamaneho si Susana nang isang lalaki ang nawalan ng malay sa harap ng kanyang pickup truck. Dinala niya ito sa tirahan niya at inalagaan hanggang sa magkamalay ito.
Nalaman niyang “Preston Aragones” ang pangalan nito. Nagmula ito sa isa sa mayamang angkan ngunit itinakwil ito ng ama. Na-bankrupt ang business na itinayo nito at nang gabing makita niya ito ay na-holdup ito.
In simpler words, he was a poor prince.
Walang matitirhan ito kaya pinatira niya ito sa kanyang maliit na bahay.
Dati na siyang nangakong hindi na muling iibig at magtitiwala. But she still fell for Preston—only to realize later on that she made another big mistake. Dahil nang bumalik sa dati ang buhay nito ay na-realize nitong hindi siya nababagay sa isang prinsipeng tulad nito.
And so he left her...

11. Fruitcakes Series 8: Ang Sumpa by Rose Tan



Isinumpa ng isang brokenhearted na old maid si Carmi. Mula noon, kapansin-pansin na lahat ng makaugnayan niya ay napapahamak. Ayaw man niyang maniwala sa kababalaghan, napilitan siyang lumapit sa isang espiritista.
Ayon dito, mawawala raw ang bisa ng sumpa kung hahanapin niya ang isang lalaking nagngangalang “Juancho de Torres.”
No choice siya kundi hanapin ang lalaki.
Wagi! Hindi lamang niya nahanap, nahalikan pa niya ito. Ubod pala ng kisig ang binata. Kaya lang, wanted pala ito. Kung gaano niya kabilis nahanap ito, ganoon din kabilis na nawala ito.
Paano na?

12. Pepper Series 19: Julio by Vanessa



Never in her wildest dreams did Olivia think she would get involved with the underworld. But her father put her in that position. Wala siyang ibang magawa. Bilang kapalit ng buhay niya at ng kanyang ama ay kailangan niyang panatilihin sa laboratoryo ng leader ng gang ang isang chemist na gusto nang mag-resign, si Julio Buan. She was told she needed to do everything to make the man stay. If she needed to sleep with him, she had to.
She loved her father and her life as well, and so she would do whatever she was told to do. Ang problema lamang ay si Julio. Mukhang ni halik ay hindi niya mabibigyan ito. He was far from being good-looking, to put it mildly.
Ano na ang magagawa niya ngayon? Paano niya aakitin ang isang lalaking bukod sa “hindi kaguwapuhan” ay mukhang takot pa sa tao?
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: thanks!   Tue Feb 05, 2008 8:15 pm

hi jen, for the nth time, salamat ng marami sa pag uupdate, hehehe..

wow! daming release for tom ah, mukhang mamumulubi ako nito ng husto, hehehe Laughing
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Tue Feb 05, 2008 9:42 pm

my god! ang dami.. nagkasabay-sabay..

di ko pa nga tapos basahin yun iba.. Laughing Laughing

anyway, Thanks for posting, Jen.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
j_j
Junior
Junior


Number of posts : 43
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Feb 06, 2008 11:22 am

hi jen...thanks po sa update...alam mo ba na dito na ako tumitingin at ito na lagi nag inaabangan ko...para malaman ko kung ano ang bibilhin ko...maraming salamat po ...

Very Happy
Back to top Go down
Femmia Pink
Master
Master


Number of posts : 543
Age : 33
Location : iloilo/guimaras
Registration date : 2008-02-05

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Feb 06, 2008 11:44 am

hello po.. ask lang po.. wala po bang irerelease na kay SONIA FRANCESCA?????hehe..o kaya latest ni MARTHA CECILIA po...???? tanong lang po.... Smile
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/langgingfemz
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Feb 06, 2008 12:58 pm

raveneyes wrote:
my god! ang dami.. nagkasabay-sabay..

di ko pa nga tapos basahin yun iba.. Laughing Laughing

anyway, Thanks for posting, Jen.


ate, walng pagudpud!!!! lol!

it means, na medyo mattagalan ang mga lalaki ng don lol!
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Feb 06, 2008 1:06 pm

hi me nakakaalam po ba friendster o ebbsite or blog ni miss claudia santiago thanks... buti na lang me bago s pepper
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Feb 06, 2008 8:33 pm

tank u..
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Fri Feb 08, 2008 4:16 pm

@Caleb... oo nga, baka next week.

kay Jourge na lang naman ang natitira!

yung nga inaabangan ko. yung SA KABILANG PANIG NG PARAISO!!!! Smile
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
princesscharrie
Newbie
Newbie


Number of posts : 28
Age : 26
Location : Pasig
Registration date : 2008-01-18

PostSubject: ang gaganda...   Tue Mar 04, 2008 7:21 pm

grabe lahat nagustuhan ko yung kwento hahanapin ko 'to meron na kaya nito sa sm taytay? Question lol!
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed Mar 05, 2008 2:23 pm

princesscharrie, may ganyan na talaga sa taytay kasi don bumibili ng books friend ko pag may bago ng labas...
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 1:11 pm

may apat ako d2 hehehehe
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Wed May 20, 2009 9:50 pm

nabili nyu ba ang mga PBs na ito????

sana nabili ninyo! hehehe

RJAN hir!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: February 6, 2008 Book Release   Today at 7:53 am

Back to top Go down
 
February 6, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Tarak mehta ka ooltah chashmah 24 February 2014 Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: