HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 October 22, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 690
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 12:43 am

1. PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 books



Alicia met Rodrigo when she was sixteen. Hindi niya kaliga ang lalaki. Nagtatrabaho lamang siya bilang kawaksi sa mansiyon ng mga ito habang ito ay marami nang accomplishments sa buhay nito. Kasama na roon ang bilang ng magagandang babaeng balita niyang na-involve dito. Nangangamba siya tuwing nasa mansiyon ito sapagkat hindi niya alam kung ano ang gusto nito sa kanya.
Dinala siya ng kapalaran niya sa Amerika at muli silang nagkita. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kompanya. Rodrigo was more dashing than before. He asked her to work for him. She took his offer. Hindi niya alam na iyon ang simula ng kabaliwang huhulma sa kapalaran nilang dalawa…

2. PHR 2923 My Infamous Runaway Girl by Camilla



Kailey, a diplomat, was a tease. Aminado siya roon. At biktima ang guwapong si Vann ng ugali niyang iyon. One weekend in Palawa, she tied his hands on the bedpost at iniwan ito, tangay ang T-shirt at shorts nito. She never expected they would ever meet again, but they did. Nang iharap sa embassy na pinaglilingkuran niya ang bago nilang abogadong si Elroy Forgeit, literal na nahulog siya sa kanyang kinauupuan!
Si Vann…

3. PHR 2924 When Mr. Right Is Mr. Wrong by Kayla Caliente



Klarung-klaro sa isip ni Amber kung anong klase ng lalaki ang gusto niyang makatuwang sa buhay hanggang sa mag-ulyanin siya at mangailangan ng pustiso. Dapat ay iyong kagaya rin niya--driven, ambitious, mataas ang pangarap. At sa palagay niya ay napakalayo ni Tivs sa pagiging ganoon.
Pero dahil sa kanyang pinsang reyna ng mga lukaret, napilitan siyang hingin ang tulong nito. At naging daan iyon para mas makilala niya ito.
He seemed like a fascinating guy. Pero hindi sapat iyon para isali niya ang pangalan nito sa listahan niya ng mga lalaking pagpipilian niya para kalakdkarin papunta sa dambana.
Hanggang sa dumating ang punto na matuklasan niyang mahal na niya ito. Pero iyon din naman ang punto na nagpasya itong aalis na ito sa buhay niya.
Ang laki ng problema niya...

4. PHR 2925 Love Is The Reason by Noelle Arroyo



Kailangang pakasalan ni Bettina si Bastian upang hindi mawala sa kanyang ama ang chairmanship ng korporasyon. And she did—only after a moment’s hesitation.
Pero may malaking pinoproblema si Bettina—she and Bastian had to sleep in the same room.
Paano pa niya magagawang itagong hindi siya nakawala sa teenage infatuation niya rito noon at nag-develop na iyon into something totally grown-up kung palagi na niyang makikita ito? Makakasama pa niya ito sa loob ng isang kuwarto at iisang kama.
Maloloka talaga siya!

5. PHR 2926 Wo Ai Ni, Ti Amo, I Love You by Cora Clemente



Nakatakda nang ikasal si Sydney sa nobyo niyang si Joaqui nang magkaroon sila ng di-pagkakaunawaan na humantong sa pagkakaaksidente niya. Habang tila nag-aagaw-buhay siya ay isang tinig ng lalaking mukhang siyang nagligtas sa kanya ang pinanghawakan niya.
Nang muli siyang magising mula sa tatlong buwang pagkaka-coma, ang tinig din ng lalaking iyon ang narinig niya. Pamilyar sa kanya ang mga pagbati nito. Parang narinig na niya kahit sa mahaba at mahimbing niyang pagtulog.
Ang nagmamay-ari ng tinig na iyon ay si Dr. Jansen Munoz, ang guwapong doktor na nagligtas sa kanya at nangalaga sa kanya sa panahong comatose siya.
Ito rin ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya na maging matatag upang ipagpatuloy ang buhay niya na tila gumuho pagkatapos niyang mabatid na nagpakasal si Joaqui sa ibang babae.
Isa na lang ang kulang at inaasam-asam niya ang pagsambit nito ng pagpapahayag nito ng pag-ibig.

6. The Day After Forever Series 8: Walang Iwanan... Pangako `Yan 1 by Elizabeth McBride



Sa kabila ng pagbabawal kina Monica at Jerome ng mga taong nakapaligid sa kanila ay sinikap nilang itaguyod ang kanilang pagmamahalan. Nanindigan sila na sa kabila ng batang edad ay kaya nilang patunayan sa buong mundo na hanggang wakas ang pag-iibigan nila.
Hanggang isang gabi ay inatake sa puso si Jerome sa harap ni Monica at nalagay sa alanganin ang bunga ng kanilang pagmamahalan.
Sino ang pipiliin niyang iligtas? Ang anak niya o si Jerome, ang tanging lalaking iniibig niya pero pilit na binabawi sa kanya ng mayamang ama nito?

7. The Day After Forever Series 9: Walang Iwanan... Pangako `Yan 2 by Elizabeth McBride



Masakit man ay mas pinili ni Monica na isuko si Jerome sa papa nito alang-alang sa kaligtasan nito. Simula noon ay nabuhay siya sa lungkot. Wala siyang ibang kinakapitan at pinaghuhugutan ng lakas at saya kundi ang batang naging alaala nito sa kanya.
Hindi na siya umaasang makikita pa uli si Jerome kaya laking tuwa niya nang ibalik ito ng tadhana sa kanya.
Ngunit napalitan ng ibayong sakit at panlulumo ang tuwang iyon nang malaman niyang ikakasal na ito kay Lou, isa sa mga bisitang naging malapit sa kanya sa resort na pinagtatrabahuhan niya.

8. Calle Pogi Series 9: Drei by Keene Alicante



Naglayas si Amaya sa bahay nila upang patunayan sa kanyang mga magulang na kaya niyang tumayo sa kanyang mga sariling paa. Napadpad siya sa Calle Pogi. Doon ay nahasa niya ang pagiging children’s book illustrator.
Pero sa malas ay sinundan siya roon ng taong nagsabi sa kanya na walang direksiyon ang buhay niya--si Drei. Bakit naroroon ito?
Isang araw na hindi na siya makatiis ay tinanong na niya ito. “Ano’t bigla ka na lang sumulpot sa lugar na ito?”
“I like it here. Isa pa, bagay ako rito.”
“Bagay ka rito?”
“Yes. Because this is Barangay Calle Pogi. And a handsome person such as myself should only belong to a place like this.”
Nakakaasar mang aminin pero guwapo talaga ito. Subalit magkaganoon man, naiinis pa rin siya rito. Balak ba nitong bantayan siya para malaman kung magtatagumpay siya?
Galit siya rito. Pero bakit nang magpakita ito ng kabaitan sa kanya ay parang bulang naglaho ang galit na iyon?


Last edited by Jen on Sat Oct 25, 2008 12:59 am; edited 3 times in total
Back to top Go down
purplehaven_abi
Newbie
Newbie


Number of posts: 21
Age: 24
Registration date: 2008-10-20

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 1:57 am

awwww.....ala na namng stallion? Crying or Very sad di bale meron namang cp ^___^

ehe...asan na kaya si ian jack, reiven at ang kambal???????

hmmmmmmmmmm........

magpakita na kayo...ONEGAI!!!!!!!!!

enyweiz...tnx ms. jen.. ^_________^
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts: 46
Age: 31
Location: Angono, Rizal
Registration date: 2008-04-17

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 3:41 am

Hmmm... wala na namang SRC & Les hommes...

Anyways, si DREI na ng CALLE POGI!!! Sugod na ko mamya sa SM... heheheh



bounce
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts: 128
Registration date: 2008-01-30

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 6:22 am

no ba ibig sabihin 3 books thick book sya??? la pa din dream team.. magkakaron pa kaya ibang labas si heart yngrid
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts: 101
Location: MAKATI CITY
Registration date: 2008-03-07

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 6:45 am

Quote :
PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 books

wow makapal...sana mala ang lalaking walang pangalan at ida
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts: 167
Age: 21
Location: Somewhere over Valenzuela
Registration date: 2008-04-07

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 7:03 am

Gosh.. wala ngang stallion may calle pogi naman... waaa... grabe si bucho na lang pala.. huhuhuhu, matatapos ang mga fave series ko! Sad
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
raveneyes
Master
Master


Number of posts: 609
Location: Marikina
Registration date: 2008-01-16

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 8:15 am

Jen wrote:
Eto ang release tomorrow, ay later na pala. Teasers and covers, to follow na lang, ha?

1. PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 books


wow!! Shocked galing naman!! bounce cheers cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts: 24
Age: 23
Location: tandang sora, quezon city
Registration date: 2008-09-29

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 9:32 am

haizt., ala n nmang stallion series.,!!! errrrr!!! Mad

haaaaay! sna nxt wik meron na...ala n ko mbasa.,bored p nman hir za haws.,

lol!
Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
cHeLLy
Junior
Junior


Number of posts: 84
Age: 21
Location: Quezon City
Registration date: 2008-06-11

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 10:42 am

Lah nHa nmAn pLan6 SRC ..
Crying or Very sad
Back to top Go down
SRC Heiress
Junior
Junior


Number of posts: 150
Age: 34
Location: SRC
Registration date: 2008-06-11

PostSubject: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 12:47 pm

Ngek, ala na namang STALLION!!! Waaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!
Back to top Go down
winnie
Newbie
Newbie


Number of posts: 15
Age: 24
Location: laoag city or in quirino, luna, apayao
Registration date: 2008-10-04

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 4:32 pm

stallion series....
wala pa rin ??
nakakamiss ne mga kalokohan ng stallion boys....


lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts: 857
Age: 23
Location: negros occidental
Registration date: 2008-01-17

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 9:35 pm

raveneyes wrote:
Jen wrote:
Eto ang release tomorrow, ay later na pala. Teasers and covers, to follow na lang, ha?

1. PHR 2922 Ang Baliw Na Pag-ibig ni Alicia by Vanessa - equivalent to 3 books


wow!! Shocked galing naman!! bounce cheers cheers




wow ang aga nyo naman teh..


pero ang galing...

may thick book na naman si kagandahan.. Basketball Basketball Basketball cheers cheers

may makakasama na si ida at anita sa box lol!
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts: 35
Age: 26
Location: Bataan
Registration date: 2008-08-16

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 10:48 pm

bounce naman eh,,,
wala s nbngg8 un mga series n kino-collect q eh,,,
Sad Mad
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts: 151
Age: 26
Location: Binangonan
Registration date: 2008-01-28

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 10:49 pm

hAy nAkU WaLa nA namang stallion. miz ko na cla. buti na alng my calle pogi... wala ding lukaret. tapos na ba yun eh wala pang story yung friend ni richenda ah... san ba sya lalabas sa kapayapaan boys??
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts: 609
Location: Marikina
Registration date: 2008-01-16

PostSubject: Re: October 22, 2008 Book Release   Thu Oct 23, 2008 9:35 am

Caleb wrote:


wow ang aga nyo naman teh..


pero ang galing...

may thick book na naman si kagandahan.. Basketball Basketball Basketball cheers cheers

may makakasama na si ida at anita sa box lol!

SYEMPRE..


GANDA NG COVER, WALA PANG TEASER.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
 

October 22, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -