HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 15, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 12:45 am

1. PHR 2920 Kung Sasabihin Kong Mahal Kita... Payag Ka Ba? by Amanda



Kailangan ni Zenobia ng isang guwapo at mayamang lalaki na magpapanggap na boyfriend niya. Wala sa mga kakilala niyang lalaki ang papasa sa kategoryang hinahanap niya, kaya naghanap siya sa escort service website na itinuro sa kanya ng isang kaibigan.
Nakilala niya si Cooper at kinuha niya ang serbisyo nito. Nagkita sila ng lalaki. Pero nang makaharap niya ito ay hindi siya makapaniwalang maaaring maging disente ang isang lalaking bayaran.
Mula sa pagiging old fashioned ay binago ni Cooper ang personalidad niya. Sa tulong nito ay naging isang magandang swan ang noon ay tinawag na “ugly duckling.” Nagulat ang mga kaibigan niya nang dumating siya sa reunion: maganda, moderno, kasama ang boyfriend na guwapo at mayaman.
Kunwa-kunwarian lang iyon. Pero bakit ang kunwa-kunwariang relasyon nila ay gustong gawing totohanan ni Cooper?

2. PHR 2921 First Love Swear (Stronger Than A Promise, Deeper Than A Dare) by Rose Tan



Sagad sa butong kilabot ang naramdaman ni Agripina nang makatanggap siya ng love e-mails mula kay Melanio, her very first love, at ang lalaking pinangakuan niya ng walang-katapusang pag-ibig sa ituktok ng batuhan.
Pero noon iyon. Noong baduy pa siya. Feeling-sosyal na siya ngayon at wala na siyang panahon sa mga ka-corny-han nito. Ibinaon na niya ito sa limot. Ang kaso, mababaw lang pala ang hukay na nagawa niya dahil nang makaharap uli niya ito ay parang zombie na bumangon at nabuhay ang damdamin sa puso niya na kung tawagin ay “first love.”
Ang masaklap, itinatanggi ni Melanio ang mga e-mails at hindi na raw siya mahal nito.

3. PHR 1844 When Will You Be Mine? by Raquel Panganiban



Ang simpleng crush na naramdaman ni Shanna para kay Rae noong grade four siya ay umusbong sa isang pag-ibig. When she turned thirteen, she knew it was true love.
Ngunit tila isang nakababatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.
Until her eighteenth birthday came. Hinalikan siya nito sa mga labi… matagal at maalab.
Pero bakit?

4. PHR 1884 Because Of You: One Life, One Love by Sheila Mendoza



Namatay sa isang malagim na sea tragedy ang ama at mga kapatid ni Dave. Mabuti na lamang at nakaligtas sila ng kanyang mama. Mula noon ay nagkaroon na siya ng takot. He wouldn’t take any risks anymore.
Kabaligtaran naman niya ang nobya niyang si Julianne.
Sa sobrang takot niya sa larangan ng trabaho nito ay pinag-resign niya ito at pinapasok sa kanyang kompanya. Isang flight attentand ito at alam niyang anumang oras ay masusuong sa panganib ang buhay nito.
Pero isang araw, sinabi nito sa kanya na hindi ito nag-e-enjoy sa opisina at gusto nitong balikan ang dating trabaho.
Hindi niya alam kung papayagan niya ito. Takot siyang baka may kung anong mangyari ditto.
Pero paano kung ang pagtanggi naman niya ay ang tuluyang pagkawala nito sa buhay niya?

5. PHR 2477 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 1 by Vanessa



Dahil kailangang iwasan ni Flor ang isang makulit na DOM ay napilitan siyang lumuwas sa Maynila. Masaya naman siya nang agad siyang matanggap sa isang hotel bilang chambermaid. Doon ay nakilala niya si Zeph, ang big boss niya—mayaman, guwapo, arogante, batas ang bawat salita.
Hindi maganda ang naging unang pagkikita nila. Hindi sinasadyang napagkamalan niyang masamang tao ito kaya nahataw niya ito sa ulo at natutukan ng patalim.
Sinesante kaagad siya nito subalit nakiusap siyang bigyan siya nito ng isa pang pagkakataon. Napahinuhod naman niya ito… Subalit bakit sa pagdaan ng mga araw ay tila ibig nitong mapabilang siya sa listahan ng mga babae nito?

6. PHR 2478 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 2 by Vanessa



Hindi kaya ni Flor na iwasan si Zeph. Ayaw man niya ay nahuhulog ang loob niya rito. Alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay kaya ganoon na lamang ang paglaki ng puso niya nang pinatunayan nito kung gaano siya kamahal nito. Tinalikuran nito ang lahat para sa kanya.
Subalit dumating ang pagkakataong siya naman ang kailangang magpamalas ng pagmamahal ditto upang mapabuti ito. Ngunit labis na nagalit ito sa kanya…

7. Drop-dead Playboys Series 21: Hayden Villaruiz (The Lost Prince 1) by Heart Yngrid



As a poor provincial girl who believed in fairy tales, Lora had always been waiting for her prince to come along and take her to his palace. Hanggang sa dumating nga ang isang malaprinsipeng lalaki sa buhay niya. Ang problema ay hindi nito matandaan kung nasaan ang palasyo nito. He had no memory and he was penniless.
Suddenly, she had a princely husband. Wala man itong mga ginto at kayamanan, minahal niya ito nang tunay. She thought they could live happily ever after but she was wrong. Bumalik ang alaala nito. Natuklasan nito ang tunay na pagkatao nito at hindi na siya kinilala nito bilang asawa.
Sadyang wala yata talagang happy ending. Dahil sa halip na dalhin siya ng kanyang prinsipe sa palasyo nito upang pakasalan ay ginawa pa siyang alipin nito.
Mukhang paatras yata ang kanyang fairy tale...

8. Drop-dead Playboys Series 22: Hayden Villaruiz (The Lost Prince 2) by Heart Yngrid



Marriage. Wife. Children. Walang interes si Hayden sa mga bagay na iyon. Kaya hindi niya matanggap na nakatakda na siyang magkaroon ng isang asawa at anak. Nakatakda na siyang magpakasal sa isang babaeng ni hindi niya mahal.
Isa lamang ang solusyon sa problema niya. And that was to run away.
Ngunit hindi na niya kinailangang gawin ang bagay na iyon dahil ang tadhana na mismo ang naglayo sa kanya sa kasal na hindi niya ginusto.
Nakaligtas nga siya sa kasal na hindi niya gusto ngunit nang magising siya mula sa malalim na pagkakahimbing ay may asawa na siya...

9. Calle Pogi Series 8: Ryu by Sonia Francesca



Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama.
Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu.
Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito.
They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline.
Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya.
Uuuy, tsismis!

10. MLH 366 Avondale by Sofia



Naging disaster ang bagong trabaho ni Dayanna nang harass-in siya ng boss niya. Sa sobrang galit niya ay ginulpi niya ito nang magkaroon siya ng pagkakataon. Maagap na napigilan lang siya ng guwapong si Avondale Moresca kaya hindi niya napatay ang boss niyang manyakis.
Wala siyang tiwala rito kahit nang mag-offer ito ng tulong. “At bakit naman sasama ako sa iyo? Baka mamaya, ipa-salvage mo pa ako para walang magreklamo kay Mr. Despositio,” nakataas ang kilay na reaksiyon niya.
Hindi por que guwapo ito ay magpapauto na siya rito. Kahit pa nga guwapo ito, matipuno ang katawan, at masarap magpaakit dito, hindi niya isusuko ang dangal niya rito.
Back to top Go down
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 1:08 am

thanks ng marami ms jen!!!!!

hehe... still have to wait for one month d2 sa cebu....
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
cHeLLy
Junior
Junior


Number of posts : 84
Age : 23
Location : Quezon City
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 1:36 am

wOw ! ..
pRan6 6uz2 qOn6 bLhiN LhAt aHh ! ..
hEhEh ! .. lol!
tNx mS. jEn ! ..
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 8:21 am


wow my Reprint ng Ang Lalaking Nagmamahal skin...

Novel of The Year 2006 (tama ba??) enweyz,,

Guyz basahin nyo sya di kayo magsisisi....nag promote pa....



ui si Hayden na nga yahooooo..........
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 8:42 am

waa.. grabe si ryu nah~!!!
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 8:47 am

cHeLLy wrote:
wOw ! ..
pRan6 6uz2 qOn6 bLhiN LhAt aHh ! ..
hEhEh ! .. lol!
tNx mS. jEn ! ..
sige na bilhin mo na LAHAT. bounce bounce
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 8:58 am

salamat ms. JEN.
dami ko na namang bibilhin. lol! lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 9:39 am



ay bakit walang bago si Vanessa?


di bale may reprint ang Ang Lalaking Nagmahal sa Akin...

talagang All Time Favorite ko yan.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 26
Location : tandang sora, quezon city
Registration date : 2008-09-29

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 12:41 pm

waaaaah! wers stallion.,?!

ian jack and d twins, wer n kau.,?!

hehehe...
Very Happy

hi RYU.,!!! I love you

lol!
Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 15, 2008 1:25 pm

wow!!!!anjan n c ryu!!!!!


buti n lng my re print ng ang lalaking nagmahal sa akin!!!!

thanks ms. jen
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 3:32 pm

hiiiii............

wowwwwwwwwwwwww....

nandito na si ryuuuu...
.hehe lol! lol! lol!

sana sa susunod si drie naman.......... lol! lol! lol!

bounce bounce bounce bounce bounce

i just love themmmmmmmmmmm....,
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 3:51 pm

huhuhu... Sad Sad Sad

malapit na bang matapos ang calle pogi???? pale pale pale

baka may batch 2 pah!!!!!!!!!!!
bounce bounce bounce bounce

sige ...bigyan ang calle pogi ng batch 2 lol! lol! lol!

hehe
Back to top Go down
Liyannah
Special Team
Special Team


Number of posts : 3163
Age : 29
Location : Mabalacat, Pampanga
Registration date : 2008-08-25

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 4:46 pm

..,i got hayden nah..!!!!!!!!!!!
ang ganda.., hehehe
pero mas love ko parin si Hiro.., hehehehe
tnx Ms.Heart.. ..
condolence sa fishy muh..... ... Sad Sad Sad

_________________
#Newbie? Need Help?Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!#

Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 6:05 pm

YESSSS!!!!Very Happy
luv it, may DDP again!Laughing
go Ms Heart!!! bounce
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 7:06 pm

OMG.... Nasubrahan yata kami sa pagcareer ng defense namin sa SAD at SPL...
wow.. andming bago... sana dumeretso sila dito sa urdaneta...
wooh... magbabaguio kami as for the celebration ng Nalalapit na graduation namin sa ROTC at another baguio for the success ng defense namin...
cheers cheers cheers cheers cheers cheers Razz Razz Razz Razz
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
joanna jane
Junior
Junior


Number of posts : 42
Age : 24
Location : cavItE
Registration date : 2008-03-30

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Thu Oct 16, 2008 7:29 pm

weiiiiiiii


yyyeeesss


may ryu n! Very Happy Very Happy cheers cheers bounce bounce
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Fri Oct 17, 2008 9:34 pm

wow..


galing all time fave na si zeph...

sana next week may dons na...
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Fri Oct 17, 2008 11:27 pm

diba may zeph na na narelease dati???
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Sat Oct 18, 2008 9:48 pm

yah may zeph na dati...


ginawa nilang all time fave collection...

parang reprint na rin yong dating... Very Happy
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Tue Oct 21, 2008 12:00 am

wow ang galing nalman ... may reprint..jejeje... duzto ko yan...
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
rd_joh
Junior
Junior


Number of posts : 57
Age : 23
Location : pAcg ciTy
Registration date : 2008-07-25

PostSubject: nakakabaliw talagah!!!   Tue Oct 21, 2008 5:13 pm

Razz Razz grabe ang ganda ng story ni papa Ryu,

ibang level ah,talbog ang kasungitan niya sa beauty ni Cari,

hmhmnnnnn,,,,,susunod na daw ang isa png masungit sa calle pogi

c papa Drei!!!hayyyyyyyyy!!!i can't wait anymore,gusto koh na siyang mabasa......


shocks!!!ang ganda dn poh ng story ni Avondale!!!

grabe ah di lng sia handsome ang bait pah...

haaayyyyyy!!!!!!!


Razz Razz Razz
Back to top Go down
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 11:55 pm

nabasa ko na yung kay Hayden. pEro pinaka favorite ko pa din yung kay Hiro. Next batch ng drop dead playboys. he he he. wala bang female version para masaya. Drop Dead Playgirls.. lahat my karapatan na magbago ha ha ha.....
Back to top Go down
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 22, 2008 11:58 pm

wala pa ding stallion
ang tagal tagal miss ko na cla
gusto ko na din mabasa si reiven
sa calle pogi si drei na
si bucho na lang at ang pinakamamahal
nyang cactus na nakidnap
Back to top Go down
lawliet
Junior
Junior


Number of posts : 78
Age : 29
Location : iloilo
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 11:39 am

huhuhu... nu ba yan?? labas na din pala c ryu??? d na ko updated.. waaah..
Back to top Go down
lawliet
Junior
Junior


Number of posts : 78
Age : 29
Location : iloilo
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Wed Oct 29, 2008 11:41 am

jaerellin wrote:
wala pa ding stallion
ang tagal tagal miss ko na cla
gusto ko na din mabasa si reiven
sa calle pogi si drei na
si bucho na lang at ang pinakamamahal
nyang cactus na nakidnap


uy, tlga??!! hehehe...nkidnap yung cactus?? ayos yan! gulo gulo na yn!!wahaha!!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: October 15, 2008 Book Release   Today at 3:52 am

Back to top Go down
 
October 15, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: