HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 8, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 5:29 pm

1. PHR 2915 Fake Lovers by Dawn Igloria



Dumating si Vera sa puntong kinainisan na niya ang kanyang sarili dahil wala nang lalaking makatagal sa kanya. Naisip niyang may mali siguro sa kanya at walang nagturo sa kanya kung paano maitatama iyon.
Kaya lumapit siya kay Lumiel at humingi rito ng tulong. Kinausap niya itong magpanggap bilang boyfriend niya at turuan siya kung paano magmahal nang tama at mag-handle ng isang relasyon. Plano kasi niyang balikan ang ex-boyfriend niyang si Morris.
She didn’t think Lumiel would take it to heart to teach her. Dahil tinuruan nga siyang magmahal nito sa tunay na kahulugan ng salita. Kaya nang magtapos na ang “tutorial sessions” nila, kapit-tuko na siya rito.
“Kung nag-aambisyon kang maging boyfriend si Lumiel, kalimutan mo na. Dahil kumbaga sa kurso sa college, kahit first sem lang sa puso ni Lumiel ay hindi mo mararating. Hindi ko papayagan,” banta niya sa babaeng hahabul-habol dito.

2. PHR 2916 Ivy's Gamble by Camilla



Halata sa anyo ni Ivy ang dahilan kung bakit napag-iiwanan na siya ng panahon: ang kanyang weight. Bago pa siya tuluyang mahuli sa biyahe ay nagdesisyon na siyang magpapayat. Sa gym niya nakilala si Dag Agbulos, na sa isang aksidente ay nadaganan niya.
Nang maulit ang ganoong aksidente, napalitan na ng pagkapahiya rito ang inis niya. Hanggang sa magpakita ito ng interes sa kanya. Magpapabola ba siya rito? Sampu-sampera ang mga babaeng handang makipagsabunutan sa isa't isa for a piece of him. Ano ang laban ng isang tabatsoy na tulad niya?

3. PHR 2917 Just The Way You Are by Sheena Rose



Dumating mula sa States ang kinakapatid ni Lhynda na si Marcus at walang pakundangang inianunsiyo nito na titira ito sa bahay nila nang dalawang linggo. Malaki ang naging kasalanan nito sa kanya noon kaya desidido siya na paghanapin ito ng malilipatan nito.
Panibagong problema ang kinaharap niya nang may mag-iwan ng sanggol sa tapat ng bahay nila. Napilitan tuloy siyang tanggapin si Marcus sa kondisyong ito ang mag-aalaga sa kanyang bagong “ampon.”
Habang lumilipas ang mga araw ay naiisip niya na perfect husband material si Marcus. That was weird, considering the fact that she had no plans of settling down anytime. Pero ayon dito ay makapag-aasawa raw siya.
Bakit nito nasabi iyon?

4. PHR 2918 Borrowed Boyfriend by Kayla Caliente



Isinumpa ni Gwen sa nakakalbong peluka ng lolo niya na hindi siya haharap kay Robby nang walang bitbit na bagong nobyo. Si Robby ang dumurog sa puso niya kaya bilang pagbabangong-puri ay gusto niyang may kaakbay siyang lalaki kapag nagharap sila nito.
Pero wala namang nabibilhan ng boyfriend kaya nang mabalitaan niyang parating sa bansa si Robby ay taranta to the max siya. Nagmagandang-loob ang matalik na kaibigan niyang si Lea. Ipinagpilitan nito na hiramin niya ang nobyo nitong si Justin. Tumanggi siya pero may kasabihan na “beggars can’t be choosers” kaya sa dakong huli ay pumayag na rin siya.
Matagumpay ang love team nila ni Justin. Kung mga artista lang sila ay tiyak na hahakot sila ng acting awards sa iba’t ibang award-giving bodies. Maayos na sana ang lahat nang ma-realize niyang may malaking problema. Gusto na niyang totohanin ang pagganap sa papel na nobya ni Justin. Paano kapag binawi na ito ni Lea?

5. PHR 2919 Head Over Heels With Marcia by Claudia Santiago



Halos madurog ang puso ni Marcia nang ianunsiyo ng best friend niyang si Dennis na magpapakasal na ito sa nobya nitong kinaiinisan niya. Lihim kasing iniibig niya ito. She was on the brink of breaking down in front of their friends when Gavin provided her a way out.
Upang matulungang lumimot at maka-recover siya, inalok niya ito na maging steady date at constant companion niya. Agad namang tinanggap nito iyon.
Ngunit dumating sa puntong kung umakto sila ni Gavin ay tila totoong may relasyon sila. Namalayan na lamang niya ang sariling unti-unti nang nahuhulog ang loob dito. Ngunit noon naman sinabi ni Dennis sa kanya na handa na itong mahalin siya.
Sino ang pipiliin niya kina Dennis at Gavin?

6. Stallion Series 45: Lee Shin Yang by Sonia Francesca



“Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo mamatay man ang lahat ng kuko sa paa ko! Never! As in never mong mahahawakan ni dulo ng daliri ko!”
Iyon ang mga salitang binitwan ni Army kay Shin, ang masugid niyang manliligaw na half Korean at half Filipino. Sa sobrang sugid nito, ni hindi na nito alintana kung ilang beses niya itong binasted. Kahit nasa Korea ito ay tumatawag pa talaga ito para lang manligaw. Na siyang kinabubuwisitan niya, lalo pa nga at katatapos lang niyang mabigo sa pag-ibig. Tuloy ay nabuhos dito ang lahat ng galit niya sa mga kalahi ni Adan.
Pero nagbago iyon nang dumating sa bansa ang binata. She still hated his guts. But there was just something in his gentle voice and chinky Korean eyes that made the coldness in her heart slowly melt away...

7. Stallion Series 46: Myco Gosiaco 1 by Sofia



Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

8. Stallion Series 47: Myco Gosiaco 2 by Sofia



Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

9. CIN 20 Hiyasmin, The Shell Seeker by Dawn Igloria



Umiikot lang ang buhay ni Hiyasmin sa beach house ni Tita Francia, ang taong nagpalaki sa kanya. Nagkaisip na siya sa beach house, nagsibli rito at sa anak nitong si Colette. Ang pinakamalayong narating niya ay ang baybayin sa labas ng bahay na nagagawa lang niya tuwing lumuluwas ang mga ito sa Maynila.
Marahil ay ganoon na lang talaga ang buhay niya, hindi malaya, habang-buhay na magbabayad ng utang-na-loob sa kanyang tita.
Ngunit nakilala niya si Guillermo nang minsang mamulot siya ng mga sigay sa aplaya. Napatanga siya nang matitigan niya ito. Maging ito ay titig na titig sa kanya. Natagpuan niya ang sariling minememorya ang bawat anggulo ng guwapong mukha nito.
Nakikipagkaibigan ito. Pero mabilis niya itong tinalikuran. Ayaw niyang suwayin ang isa sa mga bilin ni Tita Francia.
Ngunit nasilip niyang nakatanaw ito sa bahay.
Pangako, sa susunod na magkita kaming muli, susuwayin ko na si Tita Francia…

10. Pepper Series 29: Hershey by Vanessa



Matagal na minahal ni Hershey si Miguel ngunit dumating ang panahong kailangan na niyang isuko ang pagmamahal na iyon. Noon niya nakilala si Ozz. Sa tulong ng alak ay nalimutan niya ang lahat ng problema at sumama siya rito. Something happened between them.
But then Miguel came back…
Back to top Go down
yuan_charm
Senior
Senior


Number of posts : 418
Age : 23
Location : pasig city
Registration date : 2008-06-03

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 5:34 pm

hala may shin na may myco pa grabe na toh!!!!

tnx ms.jen
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 5:37 pm

salamat po sa pag-post. Smile

sana lumabas na lahat ng DONS BOYS @ yung kay Mugsie ngayong October.


edited----

Lumabas na pala lahat ng Pepper hehhe kompleto na.. Mugsie na lang hihintayin ko.


Last edited by raveneyes on Fri Oct 10, 2008 12:14 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: october 8,2008 book release   Tue Oct 07, 2008 6:01 pm

wahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!! Shocked Shocked Shocked Shocked

3 ang SRC!!!!!!!!!!! my Pepper pa!!!!!!!!! bounce bounce bounce bounce bounce

yeheyyyyyyyyyyy!!!!! thanks ms jen.
Back to top Go down
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 26
Location : tandang sora, quezon city
Registration date : 2008-09-29

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 6:46 pm

waaah.,!!

how nice naman.,!!

3 stallion agad ang out..

well, dpat lng nman dhil,

alang stallion release

last week...

oh, well...Love you shin and myco..

kso, kelan kaya lalabas ung IAN JACK ko,

and the SAMANIEGO TWINS...hahahaha.,!!!


lol!
Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 6:51 pm

what happen kay ian jack? na reject po ba??? wag nmn... sayang..

ILABAS NA NINYO ANG LAHAT NG STALLION.. hehehehe
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 6:54 pm

ay bakit ala pa yun kay heart isa na lang yun baka matulad din cya sa don boys at sa iba pang pb series tagal lumabas gosh hayyyyyyy
Back to top Go down
trianexzenricven
Newbie
Newbie


Number of posts : 24
Age : 26
Location : tandang sora, quezon city
Registration date : 2008-09-29

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 6:58 pm

haizt.,

i'm waiting for ian jack...

sana malapit n din xang iLabas..

Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad


Back to top Go down
http://trianexzenricven.multiply.com
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 9:11 pm

waa... im so happy... may tatlong src... count down na ba...? ian jack asan ka? lol!
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 9:23 pm

raveneyes wrote:
oy, salamat po sa pag-post. Smile

sana lumabas na lahat ng pepper batch 4 @ yung kay Mugsie ngayong October @ bago ako umalis kompleto ko na.

dadalin ko sa sis ko.. Smile



edited----

Lumabas na yata lahat ng Pepper hehhe kompleto na.. Mugsie na lang hihintayin ko.
HAPI TRIP!!!! lol!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 9:31 pm

WOW!
SALAMALAIKUM!!!!!
ms. JEN
may mga new release ung ibang mga writer na kasama sa BUK signing.
bounce bounce bounce bounce bounce bounce bounce
maganda yan. bounce bounce bounce bounce
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 10:57 pm

yessssssssss....malapit na ang kambal....teka bakit hindi pa na release si ian jack???
lol! lol! lol!

ang cute ni myco.......

Embarassed

were is naville's story??? kala ko after siya ni richard don...di pala...siya siguro ang susunod sa story ni MYCOtapos kay trigger at kay reiven at the end si jigger....

di ako xur... lol! lol! lol!

hintayin na lang natin excited na ako.........
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Tue Oct 07, 2008 11:01 pm

ang dami palang stallion series batch 4 ....ang akala ko 26 lang ang lahat ng books sa batch 4...... lol! lol! lol!

pero okey lang...the more they are the better.......... lol! flower

kahit na mabubutas na naman ang bulsa ko.....

magtitipid uli ako..,,!!!!! lol! lol! lol!
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Wed Oct 08, 2008 12:27 am

cant believe it 2 week lang ata akong nawala andami ko ng namiss.. huhuhu...
lintik kasing documentation yun...
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
sofiajade
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 1096
Age : 34
Location : Rodriguez, Rizal
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Wed Oct 08, 2008 12:41 pm

Igigisa ako ng petto ko nito. Parang tumanda ang pic niya.

Hehehe!
Back to top Go down
http://www.sofiashaven.proboards107.com, www.myprecioustreasures
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Wed Oct 08, 2008 4:07 pm



nice..

2 stallions...

_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Wed Oct 08, 2008 8:15 pm

bakit paramg tumanda si shinn.....

kala ko cute sha..... lol! lol! lol!

pero nfairness....cute si Mycoooo!!!!!!!!!!

hi dude........papasukin mo naman ako sa SRC.... Smile Smile Smile

bounce bounce bounce bounce bounce
Back to top Go down
winnie
Newbie
Newbie


Number of posts : 15
Age : 26
Location : laoag city or in quirino, luna, apayao
Registration date : 2008-10-04

PostSubject: stallion   Thu Oct 09, 2008 5:09 pm

yahoo yahoo!!!
may stallion na naman...
magandang pabaon na naman 2 para sa sembreak...
kaso la pa here sa laoag... pano na yan...
huhuhuhuhu
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: wushu   Thu Oct 09, 2008 10:17 pm

well, turn nmn nyo now, haha,
un lukaret kylan kya ilalabas?
lola camilla, w8 q n c tondo & ysobel, pls,,,
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
SRC Heiress
Junior
Junior


Number of posts : 150
Age : 36
Location : SRC
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: October 8, 2008 Book Release   Fri Oct 10, 2008 9:42 pm

Hala, may SRC na!!! Yahoo!!! Lapit na story ng mga kababata kong sina Jigger at Trigger! bounce bounce bounce
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Fri Oct 10, 2008 10:43 pm

raveneyes wrote:
salamat po sa pag-post. Smile

sana lumabas na lahat ng DONS BOYS @ yung kay Mugsie ngayong October.


edited----

Lumabas na pala lahat ng Pepper hehhe kompleto na.. Mugsie na lang hihintayin ko.


agree.... agreee..
Back to top Go down
caymicah
Junior
Junior


Number of posts : 98
Age : 23
Location : Parañaque
Registration date : 2008-06-24

PostSubject: Stallion   Sat Oct 11, 2008 9:54 am

wow! may stallion nanaman.... Shocked
kaso wala pa d2 samin
tinignan ko
kainis talga Mad
mga ate help naman san ba makakabili ngm ga updated na pocketbook??? Crying or Very sad
ang hirap kasi ehh
excited pa naman ako... study
lol!
Back to top Go down
clever
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Age : 27
Location : meycauayan bulacan
Registration date : 2008-10-08

PostSubject: StAlLiOn...   Sat Oct 11, 2008 7:33 pm

lol!

gNdA FoR sUre nG nExT tWo StAlLiOn SeRiEs....
Back to top Go down
joanna jane
Junior
Junior


Number of posts : 42
Age : 24
Location : cavItE
Registration date : 2008-03-30

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Sat Oct 11, 2008 9:02 pm

yey yey yey cheers cheers cheers




src! wuuuu


nlalapit n cna trigger at jigger!
bom
Back to top Go down
kheng
Newbie
Newbie


Number of posts : 1
Age : 29
Location : Cavite
Registration date : 2008-10-11

PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Sat Oct 11, 2008 10:20 pm

lol!
i really love the pepper series!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: October 8, 2008 Book Release   Today at 10:23 pm

Back to top Go down
 
October 8, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Hagens Berman investigates missing e-book royalties

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: