HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 10, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:25 pm

1. PHR 2898 You're Eighteen, You're Beautiful, And You're Mine by Amanda



Nakisakay si Ana sa kotse ni Jake sa kagustuhan niyang takasan ang abuela pagkatapos niyang marinig na ipagbibili siya nito kay Don Simeon. Ang problema, sumakay siya nang hindi nagpapaalam.
Kasalukuyan silang bumibiyahe nang ipagkanulo siya ng mga hilik niya. Nabisto ni Jake na nagtatago siya sa likuran ng sasakyan. Pinababa siya nito at iniwan sa tabi ng highway dahil walang tiwala ito sa kanya.
Pero bumalik ito, marahil ay nakonsiyensiya. Muli siyang pinasakay kapalit ng pangako niyang pagdating nila sa Maynila ay bababa siya at hindi niya bibigyan ito ng problema.
Akala rin niya ay magtatapos ang lahat doon. Besides, hindi niya gustong makisama sa isang guwapo nga ay suplado namang kagaya ni Jake. Pero wala siyang matatakbuhan sa pagtakas niyang iyon. Tulungan kaya siya ni Jake gayong tila unang tingin pa lang nito sa kanya ay malinaw nang hindi siya gusto nito?

2. PHR 2899 Like Chasing Bubbles In The Air by Camilla



Kahit napasubo lamang sa isa't isa ay maayos naman ang pagsasama nina Kaytee at Fillan. Subalit may lihim sa pagkatao ni Kaytee na siyang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa kanya ng ina ni Fillan. When the old woman died, sa kanya ibinunton ng asawa niya ang sama ng loob nito. They had to part ways, until he met an accident at nabura ang ilang bahagi ng recent memories nito--kabilang na ang paninisisi nito sa kanya sa pagkamatay ng ina nito.
Her husband was back to his old self--sweet and loving. Pero paano kapag bumalik na ang alaala nito?

3. PHR 2900 The Way To A Man's Heart by Camilla



Umalis si Grady sa kanila dahil umatras ang groom niya sa kanilang kasal. Kasabay niyon ay ang pagkatuklas niya sa totoong pinagmulan ng yaman ng pamilya nila.
Nagsimula siya ng bagong buhay nang mag-isa sa ibang lugar, making a living from her culinary skills. Doon niya nakilala si Jolo Zapanta--and she fell for him. Sabi ng karamihan, “The way to a man's heart is through his stomach.” Effective kaya iyon sa kaso niya gayong may mahal na itong iba?

4. PHR 2901 Harangan Man Ng Sibat (Ang Pagmumurang-kamatis Ni Miss Elise) by Kayla Caliente



Inisip ni Denise na posibleng kalungkutan ang nagtulak sa Tita Elise niya kaya umaasta itong kamatis na nagbalik sa pagiging mura. Ang kaso lang, ang umaaligid dito ay ang pinakasimpatikong lalaking nakilala niya--si Rodney.
He was the typical muscle-man. “Matipuno” at “matikas” ang mga eksaktong kataga na panlarawan dito. In fact, kinikilig pati ang gilagid ng tita niya kapag nakakasama nito ang lalaki. Pero gigolo ang tingin niya kay Rodney kaya hindi siya makapapayag na ito pa ang makapitas sa tita niyang desperadong magka-fafa.
Sa kakaharang niya sa dalawa ay mukhang siya ang namemeligrong masagasaan ng pison ni Kupido. Paano kung siya ang ma-in love kay Rodney? Maghahalo ang balat sa tinalupan pero hindi niya hahayaang mangyari iyon. Sana lang ay kaya ng powers niya na pigilan ang intrimitidang puso niya.

5. PHR 2902 Yves' Romance by Vanessa



Dahil sa isang misyon ay nagtungo si Yves sa mansiyon ni Gustavo upang magpanggap na isang kawaksi. Isa siyang pulis na naghahanap ng isang kriminal. Si Gustavo ang suspect niya.
Ngunit ang hinala niya ay nagbago kaagad nang makilala niya ito nang husto. Imposibleng ang kriminal at ang lalaking mahal niya ay iisang tao lamang... Imposible.

6. PHR 2903 Dayana by Camilla



Dahil ayaw ni Dayana sa lalaking inirereto ng mga magulang niya ay nagpasya siyang lumayas. Nakialam ang mga ito sa buhay niya dahil nais nang magkaapo ng mga ito.
Napadpad siya sa Sacramento. Sa tulong ng kaibigan niya, nagpa-advertise sila sa isang radio para bulabugin ang mga kalalakihan sa lugar para mag-apply bilang asawa niya.
Pero paano kung ang lalaking nakaharap niya—na pumukaw sa kanyang damdamin—ay hindi pala nag-a-apply bilang asawa niya?

7. Blue 57 Mekaniko Ng Puso by Cassandra



Istrikto ang ama ni Maria at hindi siya basta pinapayagang gawin ang mga bagay na gusto niya. Kaya palihim siyang tumatakas upang makasama ang mga kaibigan niya. Nang minsang gawin niya iyon, ay muntik na siyang mapahamak.
Doon niya nakilala si Elliot, ang guwapong mekaniko na nagligtas sa kanya mula sa mga lalaking nambastos sa kanya. Agad na nagustuhan niya ito. Inilapit niya nang husto ang sarili niya rito hanggang sa mahalin na rin siya nito.
Subalit tumutol ang kanyang ama na magkaroon siya ng relasyon sa isang mekaniko lang.
Lumipas ang mahabang panahon at muli niyang nakita si Elliot. Malaki pa rin ang agwat nila sa buhay. Ngunit sa pagkakataong ito, siya ay nasa miserableng kalagayan at ito na ang nasa itaas.
Tuparin pa kaya nito ang pangako nito roon na hindi siya nito pababayaan? Paano kung nawala na ang pagmamahal nito sa kanya?

8. PHC 14 Scars 1: Lies Of An Angel by Antoinette



Pagkalipas ng anim na taon na paninirahan sa Amerika, ipinasya ni Astrid na muling bawiin ang buhay at pangarap na iniwan niya sa Pilipinas. Buong tapang na haharapin niya ang kahapong pinagdaanan at tinakasan.
Ngunit ang hindi niya napaghandaan sa pag-uwi ay ang umibig. Umibig siya sa isang lalaking ang iniuukol sa kanya ay pagkasuklam. At walang ibang hangad ito kundi ang muling paantakin ang sugat na nag-iwan sa kanya ng pilat.
Si Kiel...

9. PHC 15 Scars 2: Devil In Paradise by Antoinette



Iniwan ni Devlin ang magulong buhay niya at pinili ang magbakasyon sa hacienda ng kaibigang si Marshall. Subalit ang katahimikang inaasam ay hindi niya natagpuan nang makilala ang mataray at malatigreng kapatid ng kanyang kaibigan, si Bianca Fontanilla--ang tanging babaeng hindi naakit sa pisikal niyang kaanyuan.
Hindi papayag si Bianca na may lalaking muling magdikta sa pamamalakad niya sa hacienda. Kahit pa ang lalaking iyon ay ang pinakaguwapong diablo na pumasok sa kanyang paraiso. Subalit kaya ba niyang pigilin ang matinding atraksiyong nararamdaman niya tuwing nagkakalapit sila ni Devlin?

10. PHC 16 Scars 3: A Night Of Flame 1 by Antoinette



Pareho silang kulang sa pagmamahal, pareho ring takot magmahal. Ngunit paano kung sa isang gabing hindi nila sinasadyang magkatagpo ay kumawala ang mga damdaming kay tagal nilang pinigil at itinago sa buong mundo?
Kailangan ni Marshall na pakasalan ang babaeng itinakda ng kanyang ama na mapangasawa niya kung ayaw niyang mawala sa kanya ang kontrol sa kompanyang pag-aari nila.
Kailangan naman ni Cassandra ang lalaki upang mabawi ang isang bagay na bubuo sa kanyang pagkatao.
Ang kasunduang iyon ay napapalibutan ng mga sekreto at panganib na sisira sa kanilang dalawa. Kailangan nilang aminin at tanggapin ang pag-ibig, kahit pilit nilang itinatanggi iyon.
At kung hindi nila magagawa iyon, baka mahuli ang lahat bago nila matuklasan na hindi pala nila kayang mabuhay kung wala ang isa’t isa--na baka ang balikan na lamang nila ay ang gabing pinagsaluhan nila na puno ng nagliliyab na damdamin.

11. PHC 17 Scars 4: A Night Of Flame 2 by Antoinette



Hindi ang katulad ni Marshall ang dapat pag-ukulan ng atensiyon at pagmamahal. Dahil walang ibang mahalaga rito kundi ang kompanya na pinamamahalaan nito. Malamig ito, walang emosyon.
Subalit kahit anong pigil ni Cassandra sa sarili ay natutuhan pa rin niyang tanggapin at mahalin ang lalaki. Muli siyang lalaban at muling aasa—na balang-araw ay makakaya niyang tunawin ang yelong nakabalot sa pagkatao nito.
Pero paano kung hindi pa siya nakagagawa ng hakbang ay nakatakda na silang maghiwalay? Hindi pa man niya naipadadama ang pagmamahal dito ay kailangan na niyang sumuko. Kung hindi ay lalo lamang niyang sasaktan ang sarili...
Dahil para dito, isa pa rin siyang masamang babae.
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:30 pm

reprint yung kay Ms. Antoinette Ms jen??


walang DDP,DTS,saka les hommes pate dons boys...

naman...

may isa ako mabibili kay ms. van..

amanda,,,
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
~brynette~
Junior
Junior


Number of posts : 115
Age : 28
Location : q.c.
Registration date : 2008-03-08

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:33 pm

here goes kaytee's story Cool cheers

ui may reprint si antoinette Cool

meron ding bagong writer Cool



andaming bagong aabangan... at nasa traffic pa rin ang calle pogi Evil or Very Mad
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:36 pm

VANADIK & MC FANATIC wrote:
reprint yung kay Ms. Antoinette Ms jen??


walang DDP,DTS,saka les hommes pate dons boys...

naman...

may isa ako mabibili kay ms. van..

amanda,,,

Parang ganun. Pero hindi siya basta ni-reprint. Nire-edit siya ni Miss Edith. Rhyme no? Nabasa ko na yan dati, nung orange pa lang ang cover. Ang ganda-ganda niyan, worth i-collect talaga. Anyway, wala yung iba. Baka next week pa ang labas.
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:39 pm

Jen wrote:
VANADIK & MC FANATIC wrote:
reprint yung kay Ms. Antoinette Ms jen??


walang DDP,DTS,saka les hommes pate dons boys...

naman...

may isa ako mabibili kay ms. van..

amanda,,,

Parang ganun. Pero hindi siya basta ni-reprint. Nire-edit siya ni Miss Edith. Rhyme no? Nabasa ko na yan dati, nung orange pa lang ang cover. Ang ganda-ganda niyan, worth i-collect talaga.

wahihhi nagrhyme nga Laughing Laughing Laughing Laughing

nabasa ko na xa ung luma ,pero makabili pa nga din

tnx ms. jen...

last question..

huhuh

kaylan kay magkaka DDP ni Ms Heart.

Dons boys din pla???batch 2 na ba??wala na kcng kasunod sa 10..

dream team po tapos na dn po ba??

pate les hommes??

dameng tanong...

tnx agen ms jen
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:48 pm

Jen wrote:


Parang ganun. Pero hindi siya basta ni-reprint. Nire-edit siya ni Miss Edith. Rhyme no? Nabasa ko na yan dati, nung orange pa lang ang cover. Ang ganda-ganda niyan, worth i-collect talaga. Anyway, wala yung iba. Baka next week pa ang labas.

so reprint na may kasamang revised edition.... ala lorenzo empire? Very Happy kala ko talaga nagbalik na si ms. antoinette sa phr Suspect

hi chie, yep, pareho tayo nabasa ko na yung ke antoinette a very long time ago, maganda din talaga at meron pa akong nung 2 parts ( night of flame) buti na lang nag release sila ng ganito uli, wala na kasi yung copy kung nung unang dalawa, bad trip nga eh, hehehe... well, mabili ko nga and see the difference ( maliban sa book cover) Rolling Eyes
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 7:57 pm

hmmmmmmmmmmmmm........

Parang ung kay Ms. Amanda lang ata ung mabibili ko and ung SCARS 1 to 4 hindi ko pa yan nababasa pero nakita ko na sila dati... Cge dahil sabi nyo maganda yan bibili na rin ako... heheheh

*** ingitera***

hahaha... Tanx MS. Jen cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 8:33 pm

meron si ms. AMANDA.
meron si ms. VANESSA.
meron si ms. CASSANDRA.
humahataw na naman si ms. CAMILLA.
meron na ko nung SCARS eh pero bilhin ko parin sya.
bilhin ko silang lahat para masaya. hehehehehehe!!!!
SALAMAT ms. JEN!
bounce bounce bounce bounce bounce lol!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 8:38 pm

nasa PHR na si ms. KAYLA CALIENTE! lol!
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Tue Sep 09, 2008 9:07 pm

masyado ba madrama yun story ni Ms. Antoinette god bless
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: tanong lang   Wed Sep 10, 2008 12:31 am

BAKIT HINDI NAKA-POST ung "WHEN RICKY ACCIDENTALLY FELL IN LOVE"...BOOK 11 UN NG LUKARET SERIES by Camilla... actually nakabili na ako non last September 5 pa...hmm Surprised Mad Exclamation bounce Sad
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
kimi
Senior
Senior


Number of posts : 422
Age : 26
Location : somewhere down ilocos..
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 7:13 am

Karlene wrote:
BAKIT HINDI NAKA-POST ung "WHEN RICKY ACCIDENTALLY FELL IN LOVE"...BOOK 11 UN NG LUKARET SERIES by Camilla... actually nakabili na ako non last September 5 pa...hmm Surprised Mad Exclamation bounce Sad

hi there.. tually nakapost na siya.. nasa august 13 book release poh siya.. tignan mo na lang.. =) shing! shing! hinanap ko siya eh.. ahehe..

-kimi
Back to top Go down
http://www.pinatbaterkaaap.blogspot.com
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 10:42 am

may bagong writer pala.. in fairness, okay ung teaser...

thnks ms jen!! sana di kay magsawa palagi... Very Happy
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 4:25 pm

-kiZe- wrote:
Karlene wrote:
BAKIT HINDI NAKA-POST ung "WHEN RICKY ACCIDENTALLY FELL IN LOVE"...BOOK 11 UN NG LUKARET SERIES by Camilla... actually nakabili na ako non last September 5 pa...hmm Surprised Mad Exclamation bounce Sad

hi there.. tually nakapost na siya.. nasa august 13 book release poh siya.. tignan mo na lang.. =) shing! shing! hinanap ko siya eh.. ahehe..

-kimi

wow! thanks ah...ahehe...kulang tlaga ako s hanap noh...haha... Razz pale lol!
see you!
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: thanks!!!!   Wed Sep 10, 2008 4:55 pm

VANADIK & MC FANATIC wrote:
reprint yung kay Ms. Antoinette Ms jen??


walang DDP,DTS,saka les hommes pate dons boys...

naman...

may isa ako mabibili kay ms. van..

amanda,,,

re-print pla????

pero ala pa qoh n2.... Embarassed Embarassed Embarassed Embarassed Embarassed

punta n qoh ng SM Mnl.... lol! lol! lol! lol! lol! lol!

thanks Ms. Jen
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 9:05 pm

wahhhh my gosh! yung story na name ko ang ginamit na release na din sa wakas!!!



tnx lola c.!love yah!



gotta buy na!


bili din kau!hahah ngpromote pa! lol!
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 9:14 pm

~brynette~ wrote:
here goes kaytee's story Cool cheers

ui may reprint si antoinette Cool

meron ding bagong writer Cool



andaming bagong aabangan... at nasa traffic pa rin ang calle pogi Evil or Very Mad


wahhahahah yeah here's goes my chorva name in the story... lol!


BILI KA!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 9:21 pm

kaytee wrote:
wahhhh my gosh! yung story na name ko ang ginamit na release na din sa wakas!!!



tnx lola c.!love yah!



gotta buy na!


bili din kau!hahah ngpromote pa! lol!
aba wagi ka ineng. lol!
Back to top Go down
~brynette~
Junior
Junior


Number of posts : 115
Age : 28
Location : q.c.
Registration date : 2008-03-08

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 10:01 pm

kaytee wrote:
~brynette~ wrote:
here goes kaytee's story Cool cheers

ui may reprint si antoinette Cool

meron ding bagong writer Cool



andaming bagong aabangan... at nasa traffic pa rin ang calle pogi Evil or Very Mad


wahhahahah yeah here's goes my chorva name in the story... lol!


BILI KA!

hay kahit di mo sabihin bibili ako noh.. ganyan tlaga ang mga apo,masunurin sa lola..alam na rin namang maganda story.

gusto ko ngang angkinin na lang si oca pero meron na siyang mama lol! kaya makontento na lang ako kay quintin
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 10:04 pm

liezel wrote:
kaytee wrote:
wahhhh my gosh! yung story na name ko ang ginamit na release na din sa wakas!!!



tnx lola c.!love yah!



gotta buy na!


bili din kau!hahah ngpromote pa! lol!
aba wagi ka ineng. lol!

HEHEH WAGI TLGA! lol!
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Wed Sep 10, 2008 10:14 pm

~brynette~ wrote:
kaytee wrote:
~brynette~ wrote:
here goes kaytee's story Cool cheers

ui may reprint si antoinette Cool

meron ding bagong writer Cool



andaming bagong aabangan... at nasa traffic pa rin ang calle pogi Evil or Very Mad


wahhahahah yeah here's goes my chorva name in the story... lol!


BILI KA!

hay kahit di mo sabihin bibili ako noh.. ganyan tlaga ang mga apo,masunurin sa lola..alam na rin namang maganda story.

gusto ko ngang angkinin na lang si oca pero meron na siyang mama lol! kaya makontento na lang ako kay quintin


HEHEHE...GANYAN TLGA AG MGA APO NOH..HEHEH
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Thu Sep 11, 2008 7:29 pm

VANADIK & MC FANATIC wrote:
reprint yung kay Ms. Antoinette Ms jen??


walang DDP,DTS,saka les hommes pate dons boys...

naman...

may isa ako mabibili kay ms. van..

amanda,,,

Question 1: Yes
Question 2: DDP - malamang next week meron. DTS - next month yata. Yung 2 na natitira, hindi ko sure.
Back to top Go down
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Thu Sep 11, 2008 10:40 pm

wahhhhhhhhhhhhh andaming labsa c lola c!!!


Embarassed Embarassed Embarassed
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Fri Sep 12, 2008 3:41 pm

parang sinasadya na talaga.....
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Mon Sep 15, 2008 8:49 pm

sana my dps stallion na story ni richard don at pepper. at dream tea wish ko lang na di din me maubusan he he
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: September 10, 2008 Book Release   Today at 7:55 pm

Back to top Go down
 
September 10, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: