HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 3, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:26 pm

1. PHR 2896 Her Name Is Karina by Camilla



Kailangan ng boss ni Karina--ni Riggs Buenaventura-- ng isang maganda at disenteng babae na ihaharap nito sa ama na may sakit. Magpapanggap ang babae bilang nobya nito. At sino pa ba ang tutulong para makapaghanap ito kundi siya ang very efficient na secretary?
Ang hindi alam ni Riggs, lihim na nasasaktan siya habang naghahanap ng babaeng qualified para dito. Dahil madly in love na siya noon pa rito!
Kung sana ay siya na lang ang babaeng magiging nobya nito.
Kaya naman halos hindi niya mapaniwalaan na sa araw na pagkikita na sana nina Riggs at ng babaeng napili nito para maging pansamantalang nobya ay nagkaroon pa ng malaking aberya.
At dahil gahol na sa oras, siya ang hinila ni Riggs.

2. PHR 2897 Ang Kasunduan by Rose Tan



Isang kasunduan ang nagtakda sa kapalaran ni Eloisa--ikakasal siya sa kababata niyang si Julio pagdating ng takdang-panahon.
Sumapit na ang takdang-panahon kaya napilitan siyang umuwi sa kanilang munting bayan para tuparin ang pesteng kasunduan.
But she was saved by the bell--sa katauhan ni Onofre Batardi, developer extraordinaire ayon sa kanyang ama. Sa kagustuhan nitong baguhin ang landscape ng kanilang bayan, nakipagsabwatan ito sa kanyang ama na may mataas na katungkulan sa kanilang bayan.
Ipina-kidnap siya nito sa mga yuppies upang mahadlangan ang kasal niya. Hindi lang iyon, inalok din siya ng kasal.
Guwapo, mayaman, pero nuknukan naman ng yabang, tatanggapin niya ba ito? Ayaw niya kasi kay Julio!

3. Grande Passion Series 8: Naked by Sheena Rose



Mula nang gabing makilala ni Faith si Reed sa Las Vegas ay hindi na nito hinayaang mawala siya sa paningin nito. Dinala siya nito sa apartment nito at sa kabila ng pagtutol ng taong kumupkop sa kanya ay naikasal sila. Ngunit pagkatapos nitong matuklasan na ampon lamang siya ay hiniwalayan siya nito.
Umuwi siya sa Pilipinas at namasukan bilang chambermaid sa Grande Passion Hotel. Nayanig ang mundo niya nang matuklasan niyang si Reed ang CEO ng GPC.
Paano niya maiiwasan ito kung ipinagpipilitan nitong may karapatan pa rin ito sa kanya bilang asawa nito?

4. Grande Passion Series 9: Shiver by Sheena Rose



Jenna was living her dream life as a resort manager in La Union. Ngunit dahil sa utos ng kanyang ama, natagpuan niya ang kanyang sarili bilang secretary ng multimillionaire bachelor na si Jack Aragon.
Kaibigan ng mga magulang niya si Jack at aware siya sa playboy image nito. If truth be told, she was attracted to him. Ngunit tumanggi siyang mapasama sa collection of women nito.
Alam marahil nito na kinokontrol lamang niya ang atraksiyon niya rito kaya tuwing makakakita ito ng pagkakataon, pakiramdam niya ay inaakit siya nito.
“Liar, liar, panty on fire,” ang sabi nito sa kanya minsan.
I will never fall for your bait, Jack. Never! Pangako niya sa kanyang sarili.
Dahil sa takot siyang masaktan at alam niyang lahat ng mga babaeng dumaan sa mga palad nito ay lumuluha na ngayon.
Pero paano kung hindi ito tumigil hangga’t hindi siya napapaamin nitong gusto rin niya ito?

5. 18 Roses Series 31: Peaches: The Tamed Dove 1 by Cora Clemente



Pasaway, mahilig sa gimik at sa gulo, at matigas ang ulo--ang mga iyon ang ugaling unang napansin ni Gabriel kay Peaches, ang anak ng business associate niyang si Enrico Berdader. Kaya kahit napakaganda ng mukha nito ay mistulang “demonyita” ito sa paningin niya. At hindi niya kailangan ang tulad nito sa buhay niya.
Subalit gumawa yata ng paraan ang tadhana kaya ayaw man niya ay na-involve ang buhay niya sa magulong buhay ni Peaches. Hanggang sa matuklasan niyang may malalim na pinag-ugatan kung bakit ganoon ang dalaga. Sapat na atensiyon at pagmamahal ang hinahangad nito.
Handa ba siyang ibigay iyon kay Peaches?

6. 18 Roses Series 32: Peaches: The Tamed Dove 2 by Cora Clemente



Nang dahil kay Gabriel ay muling nagkaroon ng direksiyon ang liku-likong daan ni Peaches. Ito rin ang nagbigay ng kulay sa kanyang buhay, ang tumulong sa kanya kung paano makakabangon sa pagkadapa niya sa pagkabigo sa pag-ibig.
Ang inakala niyang pagsapit ng kanyang ikalabinwalong kaarawan na walang anumang kasiyahan siyang maramdaman ay hindi nangyari. Dahil sa presensiya ni Gabriel sa kanyang debut ay napuno ng kulay ang espesyal na araw niyang iyon.
Akala niya ay tuluy-tuloy na ang kasiyahan sa kanyang buhay. Hindi niya inakala na si Gabriel din pala ang magdudulot ng panibagong sakit na kanyang kahaharapin. Nalaman niyang may hidden agenda pala ito sa pakikipaglapit nito sa kanilang mag-ama…

7. Stallion Series 42: Danrick Tezzoro by Sofia



Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.
Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya--si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.
Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

8. Stallion Series 43: Ricos Caderao by Sonia Francesca



Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa't isa.
Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan...
Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.

9. Fruitcakes Series 12: Sing No Sad Songs by Rose Tan



Sa takot na ma-salvage siya ng kanyang disgruntled ex, namasukan si Filomena bilang maid ng pintor na si Liberio para magtago. Pero hindi pa siya nagtatagal sa mansiyon ng lalaki ay may natuklasan siya: nakatakdang magpakatiwakal ang kanyang amo!
Isa siyang outstanding citizen at hindi niya mapapayagan ang plano nito. Hindi siya papayag na mamatay ito at masayang ang... kaguwapuhan nito. Guwapo naman talaga ito, mahirap lang tingnan dahil parang Sudoku na mapapaisip ang sinuman nang katakut-takot.
“February? Walang nagpapatiwakal ng February dahil buwan ng mga puso, anniversary ng EDSA one, at birthday ni Kris!” pagtatalak niya nang malaman niya kung kailan kikitilin ni Liberio ang buhay nito.
Ah, kahit ano ang mangyari ay hahadlangan niya ang madilim na plano nito kesehodang matulog siya sa tabi nito!
Ahem.

10. Pepper Series 24: Lara by Vanessa



For a change, Lara accepted an offer from a TV network. Isang reality show iyon kung saan magiging tauhan siya sa isang rancho. And in the ranch, she met Señor Marco, a gorgeous cowboy on a black, shiny steed. But he was a jerk.
How could she stop getting attracted to him when he was sex appeal personified?

11. MLH 362 Zev by Camilla



Hindi alam ni Ynid kung bakit tuwing malalagay siya sa peligro ay palaging naroon si Zev para sagipin siya. Pero naisip niya na hindi naman na tama na lagi niyang iasa rito ang pagliligtas sa buhay niya kaya gumawa siya ng paraan. Nagbagong-buhay siya sa malayong lugar. Ngunit nagtagpo pa rin ang mga landas nila. Tadhana ba iyon o may mga bagay palang inilihim ito sa kanya?
Back to top Go down
-ghe_cRaE11-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1409
Age : 24
Location : nEgros occidental,kabankalan city
Registration date : 2008-07-22

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:29 pm

wow!

my grande passion na!

at last..

macocomplete ko na xa!

ahahahah..

thanx ms jen!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:30 pm

wahahahah...dalawang stallion!!! sana dumating n d2 si MARK ASHELY SA DAVAO!
Back to top Go down
-ghe_cRaE11-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1409
Age : 24
Location : nEgros occidental,kabankalan city
Registration date : 2008-07-22

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:30 pm

and of course..

my SRC NA!

hahahahaha..

yahoooooooo!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:31 pm

whoa.. ganda.


gtg!


thanks Jen! What a Face
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:37 pm

Para sa lahat ng magpapasalamat, you're all welcome, guys. he-he, unahan ba? Laughing
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 2:58 pm

Jen wrote:
Para sa lahat ng magpapasalamat, you're all welcome, guys. he-he, unahan ba? Laughing

hehehe


bakit nga pala wala ng mga may RC?
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
babylych
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1269
Age : 35
Location : durian republic
Registration date : 2008-04-28

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 3:41 pm

wooohooo!!!!

may 2 RT na!!!!

may Lola C. pa!!!
Back to top Go down
http://www.facebook.com/lych.arpilleda
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 4:28 pm

may RT din sa wakas!!!! 2 pa! Very Happy
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
yuan_charm
Senior
Senior


Number of posts : 418
Age : 23
Location : pasig city
Registration date : 2008-06-03

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 8:56 pm

may release na src dalawa pa

wla pa akong mark ashley!!!!!!!!! Sad
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 9:24 pm

sa wakas najan na ang pinaka hihintay ang GRANDE PASSION!!!
sana dugtungan pa ni ms. SHEENA ROSE.wizz ko lang sana.
dami ko na namang bibilhin.
SALAMAT MS. JEN!!
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 9:39 pm

YEHEY!

may SRC naaaaahhh... ang tagal naman ng CP!!!

yezz, si Ricos at Genil naaahhh~~~
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 9:55 pm

WOW MAY PAMINTA!!!!!
bounce bounce bounce bounce bounce lol!
Back to top Go down
turtoink
Newbie
Newbie


Number of posts : 2
Age : 27
Registration date : 2008-08-30

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 10:57 pm

may available kaya kaagad ng SRC dito sa Cebu??

adik na adik na kami dito................

sana meron nah... nalibot na ata namin lahat ng bookstores sa mga malls dito, wala pa rin silang stock ng mga bagong na release ninyo......

excited pa man din kaming ubusin ang stock ng SRC... hehehehhehe...




bounce bounce bounce lol! lol! bounce bounce Razz
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 12:27 am

waaaaaaaaaaaaaaaa!!!!

2 ang SRC!!!!

Susugod na ko sa PHR outlet BUKAS!!!! Yahoooooo!!

bounce
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 1:51 am

CONGRATSSSS

ate shee!!!
lumabas na nad karugtong ng GPS...

me labas din c lola c...at src!!!!
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 1:52 am

^_^khiads_lych^_^ wrote:
wooohooo!!!!

may 2 RT na!!!!

may Lola C. pa!!!


lol! lol! lol!
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 7:17 am

wish ko lang di ako maubusan wahhhsa suki ko
Back to top Go down
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Yehey!!!!!!!!   Thu Sep 04, 2008 11:00 am

yehey!!!!!!!!!


my 2 SRC!!!!!!!!!!!

wahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!

ang lau ng SM Manila d2 smin.... Sad Sad Sad Sad Sad Sad


nxt wik pqoh mkbili....

thanks ms jen

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

lol! lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
Liyannah
Special Team
Special Team


Number of posts : 3163
Age : 29
Location : Mabalacat, Pampanga
Registration date : 2008-08-25

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 12:41 pm

wapak..!!! kbi2Li ko lang nG kay Mark Ashley.., meron na agad bgong SRC..!!! ha3 ang saya.., and sa wakas malalaman ko nrin kung bkit hate na hate ng isa't-isa sina Rico at Genil.., haha gonna buy it na later.!!!! ha3

tnx din poh Ms.Jen


flower flower flower
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 12:48 pm

hayzzzz...


sa wakas may pepper na rin...

thanks ate jen...
Back to top Go down
EirolEnelej
Senior
Senior


Number of posts : 245
Age : 27
Location : Urdaneta City Pangasinan
Registration date : 2008-08-12

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Thu Sep 04, 2008 10:38 pm

Happy Birth Day sa akin. Hai 19yrs old na ako... wala na ako sa kasibulan.jejeje (ayon kay Zoilo)...

Ansaya naman may bagong gawa sina miss sofia at miss sonia..
Razz Razz Razz Razz Razz queen lol! lol!
Back to top Go down
http://pantherwalkseirolenelej.blogspot.com/
hazyl_27
Master
Master


Number of posts : 625
Age : 25
Location : Cagayan de Oro City
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Fri Sep 05, 2008 8:24 am

EirolEnelej wrote:
Happy Birth Day sa akin. Hai 19yrs old na ako... wala na ako sa kasibulan.jejeje (ayon kay Zoilo)...

Ansaya naman may bagong gawa sina miss sofia at miss sonia..
Razz Razz Razz Razz Razz queen lol! lol!

hapi bday rin!!! hehe...or s it belated..? Razz Razz
Back to top Go down
hazyl_27
Master
Master


Number of posts : 625
Age : 25
Location : Cagayan de Oro City
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Fri Sep 05, 2008 8:25 am

yey....!!!


may SRC...!!!!!!


kaya lang lah pa rin calle pogi..hahaiz... Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
SRC Heiress
Junior
Junior


Number of posts : 150
Age : 36
Location : SRC
Registration date : 2008-06-11

PostSubject: September 3, 2008 Book Release   Sat Sep 06, 2008 12:42 am

Yehey, buhay na buhay na uli dugo ko! 2 release ng SRC!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: September 3, 2008 Book Release   Today at 10:36 pm

Back to top Go down
 
September 3, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: