HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 27, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 7:19 pm

1. PHR 2893 The Right Man For Emily by Cassandra



Sa pagbabalik ni Emily mula sa ibang bansa, nalaman niyang may ibang babae ang kanyang fiancé. Ang pinakamasakit, buntis ang babae.
Hindi siya nagdalawang-isip na iwan ito. Tumakbo siya sa kaibigan niyang si Charles at sa bahay nito ay nagpakalango siya sa alak. Hindi naman siya pinabayaan nito. He had always provided her comfort.
Sa paggising niya nang sumunod na araw, nalaman niyang magkatabi silang natulog sa silid nito. Ganoon na lamang ang panghihilakbot nilang dalawa nang iyon ang maabutang tagpo ng kanilang mga ina.
Ora-orada at walang pali-paliwanag, nagdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Wala naman silang magawang magkaibigan kundi pumayag.
Pakiramdam niya ay lumobo ang kanyang ulo dahil sa labis na pagkabigla. Hindi puwede! Iyon ang sabi ng isip niya. Pero bakit parang natutuwa ang puso niya?

2. PHR 2894 Beautiful Liar by Amanda



Sinagot ni Leila ang sulat ng tagahanga ni Catherine at nagkunwari siyang siya ang best-selling author na hinahangaan nito. Nadala siya ng mga salita ni MJ Belarmino kaya nagkainteres siyang kilalanin ito.
Nang magpadala ng picture ang army captain ay tuluyang nahulog ang loob niya rito. Na-love at first sight siya sa litrato ni MJ. Hindi pa man sila nagkikita nang personal ay sinagot niya ito nang manligaw ito sa kanya.
Inakala niyang mababawi rin niya ang ginawang kasinungalingan, pero nang magkita sila ni MJ ay hindi niya alam kung paano sasabihin ditto ang totoo. Iniibig na niya ito at natatakot siyang mawala ito sa kanya.
Hanggang sa mangyari ang kinakatakutan niya: nabisto siya ni MJ. Huli na ba para itama niya ang isang kasinungalingan o simula pa lang iyon para magbago ang pagkatao niya?

3. PHR 2895 Kung Mahal Mo Ako Noon by Camilla



Glaiza loved her mother so much that she did everything her mother told her. Gaya ng paghahabol kay Alas, to the point na hindi agad niya na-realize na si Regan pala ang mahal niya. When she did, si Regan naman ang reluctant.
Then one night she got crazy and offered to give him what she could never give to anyone else. But Regan declined her offer. Pagkatapos ay bigla na lang itong naglaho na parang bula...

4. MLH 359 Lanz M by Dawn Igloria



Pinaniwalaan ni Lian na wala na siyang kailangan sa buhay niya. Mayroon siyang magandang trabaho, may sariling bahay at kotse. Ngunit sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa buhay niya, saka lang niya na-realize na hindi pala niya kayang mag-isa.
Noon dumating si Lanz, ang guwapong kapitbahay niya na mayroon yatang dugong bughaw ng mga Superfriends. Dahil ipinakita nitong isang hero ito sa lahat ng aspeto. Pati buhay nito ay naipuhunan nito mailigtas lang siya.
Nararamdaman na niyang crush na niya ito ngunit lalong lumalim iyon sa mga nagawa nito sa kanya.
Ang malaking problema ay ang katanungan: may gusto rin kaya ito sa kanya?

5. MLH 360 Malcolm by Vanessa



Dahil sa takot na naramdaman sa nasaksihang krimen ay tumalon si Liwayway mula sa ikalawang palapag ng gusali patungo sa swimming pool. Pagkatapos niyon ay iniharang niya ang sarili sa parating na taxi upang pasakayin siya kahit basang-basa siya, saka nagpahatid sa isang mall.
Nahabol pa rin siya ng masasamang-loob. Nakarating siya sa parking area ng mall. At dahil wala nang mapuntahan ay pumasok siya sa trunk ng isang sasakyan. Kalaunan ay natuklasan niyang ubod ng guwapo pala ang driver niyon--si Malcolm, isang kaskasero ng driver at umiinom pa habang nagmamaneho.
Matulungan kaya siya nito o lalo lamang siyang mapahamak dahil dito?
Pero bakit pinili pa mas gusto na yata niyang mapahamak basta ito ang kasama niya...

6. MLH 361 Aviel by Laurice del Rio



Hindi diyosa ng kagandahan si Ynna kaya ganoon na lang ang pagkamangha--at kilig--niya nang makilala niya ang hunk na si Gino. At mukhang nabighani ito sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang matitipuhan siya nito. Pero tila sinsero naman ito sa panliligaw sa kanya.
Kung kailan naman masaya na sana siya ay saka umentra sa eksena si Viel, kapatid ni Gino. Insulto para sa kanya ang pag-uutos nito sa kanya na layuan niya ang kapatid nito.
Antipatiko ang dating sa kanya ni Viel pero sa dakong huli ay ito pala ang tutulong sa naging problema niya. May ulteryor na motibo ito sa pagtulong sa kanya pero dumating ang punto na wala na siyang pakialam roon. Ang iniisip niyang napakalayong mangyari ay nangyari na nga. Napamahal na sa kanya si Viel.
Pero anong K niya na umasang susuklian nito ang damdamin niya? Lalo pa nga kung mayroon naman pala itong iba.

7. BLU 056 My Handsome Messenger by Cassandra



Hindi sumipot ang babaeng niyaya ni Thomas na manood ng sine. Itatapon na sana niya ang mga ticket subalit isang babae ang lumapit sa kanya at pinilit siyang huwag gawin ang balak niya.
Nang makumbinsi siya ng babae ay ito na ang naging kasama niya sa panonood ng sine. At gusto niyang pagsisihan ang pagpayag niya--dahil habang nanonood sila ay malakas na binabasa nito ang subtitle ng palabas.
Isa lamang ang tumakbo sa isip niya. May sayad sa utak ang babae at kailangan niyang iwasan ito kung ayaw niyang mapahamak.
But why did he end up watching the entire movie with her?
Dahil isip lang niya ang nagsasabing iwasan ito. Ang puso niya ay naniniwalang ang babaeng ito ang magbibigay-kulay sa boring na buhay niya...
Back to top Go down
kimi
Senior
Senior


Number of posts : 422
Age : 26
Location : somewhere down ilocos..
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 7:44 pm

i've always been a fan of cassandra.. and yep, i'm happy na dalawa novels niya ngayon.. =)

thanks for posting ate jen.. =)

-kimi
Back to top Go down
http://www.pinatbaterkaaap.blogspot.com
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 7:47 pm

waaaaa wala ako mabibili ata...!!! huhuhu so so so so SAD!!!!

Nasan na ang SRC, Calle pogi, Les hommes, Ms. sonia, ms. sofia and ms. keene huhuhu paramdam po kayo...

heheh **hehe nagdadrama lang poh!**
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 7:54 pm

wala pa din drop dead playboy att dreamteam
Back to top Go down
--kHaT_bAiT--
Special Team
Special Team


Number of posts : 5884
Location : sTa.mEsA mAniLa...
Registration date : 2008-06-12

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 8:56 pm


wlang STALLION at CALLE POGI...

but my CASSANDRA nmn eh...

and LOLA C.!!!!...


_________________



"i jUsT LoVe wOo BiN!!!...cAnT bLaMe mEh!!!...."


Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 9:28 pm

bounce bounce

me bgo na naman!!

at me ke Lola C. !!!!
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
diane
Special Team
Special Team


Number of posts : 3817
Age : 25
Location : zebuh
Registration date : 2008-05-05

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Aug 26, 2008 10:23 pm

hmmmm
bakit parang ang konti lang ng release ds week?
bkt walang src, dream team, calle pogi, les hommes at yung iba pa?
hmmm...parang may kulang...
d ko alam kung ano...basta feel ko merong kulang...
haii...sana bumawi sila next week...

Crying or Very sad Sad Crying or Very sad

_________________

no matter what, we're gonna reach that star
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

pa-promote Very Happy
horaeshou love @ tumblr.com
oh oh oooh..Paradise! @ tumblr.com




Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!

Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/gorg3ousdeity
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Wed Aug 27, 2008 8:18 am

salamat ms.JEN!!! lol!

HMMMMMMMmmmmm..parang pamilyar
ung cover ng ky ms. CAMILLA lol!
Back to top Go down
sakura
Junior
Junior


Number of posts : 69
Age : 36
Location : Taguig City
Registration date : 2008-07-03

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Wed Aug 27, 2008 10:01 am

{STOIC}_@nnette®™ wrote:
waaaaa wala ako mabibili ata...!!! huhuhu so so so so SAD!!!!

Nasan na ang SRC, Calle pogi, Les hommes, Ms. sonia, ms. sofia and ms. keene huhuhu paramdam po kayo...

heheh **hehe nagdadrama lang poh!**


hayyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!dami qoh n nman bibikhin...... Laughing Laughing Laughing

pero sad aqoh kc ala din ung series na inaabangan qoh...... Sad Sad Sad

pero ok lng pra mapag ipunan qoh kung sakaling isang bagsakan i release jejejejejeje
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Wed Aug 27, 2008 1:02 pm

naman...

wala pa ring dons boys, wa ring pepper....


buti na lang may mlh...
Back to top Go down
Liyannah
Special Team
Special Team


Number of posts : 3163
Age : 29
Location : Mabalacat, Pampanga
Registration date : 2008-08-25

PostSubject: anuhvine..??   Wed Aug 27, 2008 8:34 pm

[b]
Mad Mad affraid affraid
hrmpp.., aLang SRC at Drop Dead..' ka-sad nman pOh..?? hehehehehehe
cGuo nman nxt wik mEron nah..??? lukz like binibitin tLga nila tyu.., hehehe Cool afro
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Wed Aug 27, 2008 9:18 pm

pansin ko nga laging nambibitin phr kaasar he he
Back to top Go down
hazyl_27
Master
Master


Number of posts : 625
Age : 25
Location : Cagayan de Oro City
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Thu Aug 28, 2008 12:33 am

wer's d Calle Pogi....????? bounce bounce bounce bounce bounce


Suspect Suspect Suspect Suspect

Crying or Very sad Crying or Very sad Crying or Very sad
Back to top Go down
lawliet
Junior
Junior


Number of posts : 78
Age : 29
Location : iloilo
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Thu Aug 28, 2008 11:53 pm

honga mis jen.. alang calle pogi?? ok lng na walang stallion kasi may 2 books na kakalabas lng..pero yung cp??? waa!! antagal nang di nakakalabas ah... No
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Mon Sep 01, 2008 6:25 pm

my new kaya.. sananaman my dream team don boys pepper drop dead playboys he he demanding
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Sep 02, 2008 9:40 pm

mukha ala bago ahhh
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Wed Sep 03, 2008 8:03 am

Gosh i love amanda i miss this beautiful liar...and camilla too anybody here in US? own it! can i buy it? thanks...Buzzz me here...
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Tue Dec 30, 2008 10:41 pm

Beutiful Liar i need a copy too.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Sat Jan 17, 2009 6:14 am

hAYZZ NABASA KO NA ANG KY AMANDA SUPER GANDA SIYA YAHOOOO BEAUTIFUL LIAR
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
Sponsored content




PostSubject: Re: August 27, 2008 Book Release   Today at 6:21 am

Back to top Go down
 
August 27, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» Gerard Butler Covers 'Esquire' August 2009
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: