HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 January 30, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 695
Age: 27
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: January 30, 2008 Book Release   Tue Jan 29, 2008 5:38 pm

As promised, eto ang mga pocketbooks na lalabas bukas. Titles muna, bukas na lang ang book covers at teasers. Mangungulit muna ako.

1. PHR 2783 Second Best by Amanda

2. Fruitcakes Series 6: The Stalker by Rose Tan

3. Fruitcakes Series 7: The Love That Never Was by Rose Tan

4. Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1 by Sofia

5. Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow 2 by Sofia

6. Amantes Fantasticos 16: Manuel, Ang Unang-silang 1 by Camilla

7. Amantes Fantasticos 17: Manuel, Ang Unang-silang 2 by Camilla

8. Pagudpud Series 5: Lovers In Paradise by Vanessa

9. Pepper Series 18: Pipay by Vanessa

10. Braveheart Series 22: Viper Iñigo (Sinner Saint) by Dawn Igloria

11. PHClassics 44: Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts: 188
Registration date: 2008-01-22

PostSubject: nice one!   Tue Jan 29, 2008 8:50 pm

hi Jen! wala bang cover and teaser? hehehe....

newei, thanks for posting! at least may idea na ako kung ilan ang ilalagay ko sa shopping cart Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts: 128
Registration date: 2008-01-30

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Wed Jan 30, 2008 6:03 am

thanks sa update sana me teaser din he he demanding. sana lagi sya updated by the way yun phr classic malakapl ba yun ilalabas yun pagibig ng maldita kay ms vanessa thanks
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts: 128
Registration date: 2008-01-30

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Wed Jan 30, 2008 6:05 am

thanks sa update sana me teaser din he he demanding. sana lagi sya updated by the way yun phr classic makapal ba yun Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 695
Age: 27
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: January 30, 2008 Book Release with teasers and book covers   Wed Jan 30, 2008 10:34 am

1. PHR 2783 Second Best by Amanda



Sa una pa lang ay batid na ni Nadia kung saan siya nakalugar sa puso ni Kit. At bagaman masakit ay pinili niyang makihati sa girlfriend nito kahit magmukha siyang kerida sa lalaking kung tutuusin ay single pa naman at available. Pumayag siya sa ganoong setup dahil mahal niya ito.
Nang pakasalan ni Kit si Patricia ay gumuho ang mundo niya. Kinailangan niyang lumayo upang kalimutan ang pagkamatay ng pag-ibig niya. Pero kung kailan nakakalimutan na niya si Kit ay saka nagbalik ito. At sa pagkakataong iyon ay kailangan nito ang tulong niya upang makalimutan nito si Patricia.
Pagbibigyan ba niya ang puso niya kahit alam niyang masasaktan uli siya? At hahayaan ba niyang muling maging second best ngayong binubuhay ni Kit ang alaala ni Patricia sa pagkatao niya?

2. Fruitcakes Series 6: The Stalker by Rose Tan




Obsessed.
Iyon si Rufina kay Linus Cordero. Walang nakapigil sa kanya nang pikutin niya ito.
Ang kaso, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do them part, de-dead-mahin siya ng kabiyak.
Promise.

3. Fruitcakes Series 7: The Love That Never Was by Rose Tan



Umuwing luhaan si Freda sa probinsiya nila pagkatapos niyang mahuling nagtataksil ang kanyang pinakamamahal na boyfriend.
Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Paano?
Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nasasagot ang mga tanong. Kaya pinakiusapan niya si Anciano na tulungan siya. He was gorgeous, he was nice, and he had a girlfriend. He was perfect for her plan.
Nagkasundo silang magkaroon ng relasyon na tatagal nang isang linggo para malaman niya kung ano ang nasa isip ng isang lalaking nagtataksil at ng other woman.
“Can we extend this thing for another three weeks?” tanong ni Anciano pagkalipas ng isang linggo.
Lagot!

4. Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1 by Sofia



Zygryd was her father’s headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life.
Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig.
Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya. Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya.
Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?

5. Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow 2 by Sofia



Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo.
Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging “bunga” ng kanilang pagmamahalan noon.
She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila...

6. Amantes Fantasticos 16: Manuel, Ang Unang-silang 1 by Camilla




May nagbabadyang panganib sa kaharian ng Ruwania. At ang dugo ni Manuel ang tanging makakasugpo roon. But he was not one to heed his brother the king’s order. Hari ito ng Ruwania, and thank God, siya ay nasa Unang Lupa kaya hindi siya nasasakupan nito.
Ngunit ano nga ba ang pumipigil sa kanya para tulungan ang kaharian ng kapatid? Was it cowardice... or the memories of Agilis that haunted his heart?

7. Amantes Fantasticos 17: Manuel, Ang Unang-silang 2 by Camilla



Nasa bingit ng kapahamakan si Manuel. Batid iyon ni Agilis ngunit walang gustong maniwala sa kanya, kahit ito mismo. Gagawin niya ang lahat upang mailigtas ang kanyang pinakamamahal, kahit ang kahulugan pa niyon ay isuong niya ang sariling buhay sa tiyak na kapahamakan. Ngunit nauubos na ang panahon. Unti-unti na siyang nagiging abo...

8. Pagudpud Series 5: Lovers In Paradise by Vanessa



Pumunta sa Pagudpud si Yna dahil ibig niyang mapag-isa at mapalayo sa mga alaala ng lalaking minahal niya at upang matapos na rin ang sinusulat niyang libro.
Ngunit ang tahimik na mundo niya ay nagulo sa pagdating ng isang maingay na kapitbahay, si Ismael. Walang ginawa ito kundi magpatugtog nang malakas, sumayaw-sayaw, at magtatakbo sa beach nang nakahubo!
One day she had enough of him. Pinagsabihan niya ito. Ang akala niya ay mababara niya ito subalit nagkamali siya. Hindi ito naapektuhan sa sinabi niya, bagkus ay nag-flirt ito. The nerve!
But why would she find herself always watching him while he wasn’t looking?

9. Pepper Series 18: Pipay by Vanessa



Parang isang telenovela ang buhay ni Pipay. Lumaki siyang api-apihan hanggang sa dumating ang isang doña na nagpakilala bilang tunay na lola niya.
Masuwerte na sana siya kung hindi lamang sa isang ampon nitong minsan ay nagtangkang ipakulong siya kahit wala siyang kasalanan! Pero bakit sa loob ng maikling panahon, ang buwisit na ampon ay hindi na nakakainis? Bakit parang papogi na nang papogi ito sa kanyang paningin.

10. Braveheart Series 22: Viper Iñigo (Sinner Saint) by Dawn Igloria



Tipong artista si Eldric kaya madaling nahulog dito si Rovinia. Ang akala niya ay isa itong knight in shining armor, iyon pala ay isang demonyo na nakakubli sa malaanghel na mukha.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang kasamaang ginawa nito sa kanya. Dahil ito ang naging dahilan para masira ang tiwala niya sa lahat ng lalaki.
Ngunit dumating sa buhay niya si Viper. Mas guwapo pa ito kaysa kay Eldric. Mabait ito kahit pa minsan ay may taglay na kakulitan. Pero sa kabuuan, lahat na yata ng magagandang adjectives ay maibibigay niya rito. Kaya natuto siyang magtiwala uli sa mga kalahi ni Adan.
Kumbinsido siya na nahanap na niya ang perpektong lalaki. Ngunit nakatakda palang daigin nito ang kasamaang ginawa sa kanya ni Eldric. Mabibigo na naman ba siya?

11. PHClassics 44: Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa



Maraming plano si Glydel sa buhay na hindi niya naituloy dahil sa kanyang ama at sa asawa nito. Gusto sana niyang makasabay sa mga kababata niyang malayo na ang narating, katulad ni Restituto, na isa nang abogado at bise-alkalde ng kanilang bayan.
Ang kakulangan niya sa edukasyon ay binawi niya sa pagporma at pagpapakita ng kagandahan niya. Hiling niyang sana ay mapansin siya nito. At dumating naman ang araw na iyon. Kaya lamang ay may malaking kapalit pala ang hiling na iyon, isang kapalit na makakapagpabago nang ganap sa buhay niya.
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 695
Age: 27
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: re: PHClassics   Wed Jan 30, 2008 11:13 am

144 pages siya.
Back to top Go down
rhodz
Newbie
Newbie


Number of posts: 15
Age: 32
Registration date: 2008-01-16

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Wed Jan 30, 2008 12:02 pm

Thanks for the update, Jen. At least nagyon, madali sa amin na mga fans ang bumili. Kaya lang wala pa rin ang new release si MC at Arielle.
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts: 857
Age: 23
Location: negros occidental
Registration date: 2008-01-17

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Wed Jan 30, 2008 3:13 pm

thanks for posting jen....

nakaktulong talaga to para mapost namin ang new release sa mga forums namin...
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts: 134
Age: 36
Location: japan
Registration date: 2008-01-15

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Thu Jan 31, 2008 7:57 pm

salamat salamat..
nkapili na ako ng oorderin ko sa pinsan ko!

i love you na!
Back to top Go down
devil_akira11
Junior
Junior


Number of posts: 168
Age: 23
Location: Aklan and Iloilo
Registration date: 2008-01-29

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Sun Feb 03, 2008 3:00 am

rhodz wrote:
Thanks for the update, Jen. At least nagyon, madali sa amin na mga fans ang bumili. Kaya lang wala pa rin ang new release si MC at Arielle.

hello, rhodz...si rainaki11 pala 'to...hehe nkachat kita nun sa forum ni miss Sofia...
malaki talaga ang naitutulong ni Miss Jen sa lahat.....
btw, are you refering to Miss Martha Cecilia as MC???...wow!!..di ko alm na fan ka rin pala nya....
hay nku, magaling talaga syang writer....grabe!!...saludo ako sa mga writers ng PHR....puro silang lahat magagaling...hmm.. lol!

ako rin nga eh..naghihintay rin ng mga bagong release na gawa ni Miss Martha...lalung-lalo na yung KS nya... Very Happy
Back to top Go down
devil_akira11
Junior
Junior


Number of posts: 168
Age: 23
Location: Aklan and Iloilo
Registration date: 2008-01-29

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Sun Feb 03, 2008 3:10 am

eeeehhhhh!!!!..gosh!!!..di na ko mkapaghintay na mkabili ng kwento ni fafa Raphael sa skylander....hehe...sana dumating na yan dito sa amin... lol!
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts: 128
Registration date: 2008-01-30

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Tue Feb 05, 2008 12:20 pm

me bago po kayang lalabas na pepper si ms vanessa exited me he he
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts: 609
Location: Marikina
Registration date: 2008-01-16

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Tue Feb 05, 2008 12:40 pm

natalia wrote:
me bago po kayang lalabas na pepper si ms vanessa exited me he he

yung Pepper 18 Pipay ang latest last week.
baka this week lumabas na ang Pepper19 Julio. sana. Very Happy
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts: 104
Age: 36
Location: Davao City
Registration date: 2008-09-03

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 1:07 pm

thanks for posting here.... ky akoa na gipangsulat akoa gusto hehehehe....
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
bevssky
Special Team
Special Team


Number of posts: 1962
Age: 20
Location: the kingdom of the kawaii PRincess
Registration date: 2008-09-12

PostSubject: Re: January 30, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 1:51 pm

yehey!!!

may love and magic............................



reprint ba ung love and magic??


kailan ang ibang reprint?

lol! lol! lol! lol!

_________________
Newbie? Need Help? Just Read & Understand the FORUM RULES to avoid getting edited, deleted, moderated, kicked or banned!
Back to top Go down
http://4everchris.multiply.com
 

January 30, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next

 Similar topics

-
» [completed]Tournament at Yishun Ring Road 21st January 2011
» TCP/IP E-Book
» Book 11 has a title!
» Pathfinder In Korean. Student Book II.pdf.zip
» Turneja (2008)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -