1.
PHR 2882 Written In The Stars by Sheena RoseNag-proxy si Abigail sa isang blind date. Nagulat siya nang malaman niyang ang makaka-date pala niya ay walang iba kundi ang guwapong kliyente nila na crush niya—si Ron Ronquilo. Mabuti na lang, hindi siya nakilala nito. Kailangan kasi niyang panindigan na siya ang kaibigan niya na isang matagumpay na entrepreneur at hindi isang carpet cleaner lamang.
Natuwa siya nang sabihin ni Ron na gusto uli nitong mag-date sila. Ipinakilala pa siya nito sa mga magulang nito at nalaman niya na mula sa mommy nito na matagal na itong hindi nagkaka-girlfriend. Nawalan daw kasi ito ng tiwala sa mga babae dahil minsan nang niloko ito ng ex-girlfriend nitong social climber pala.
Patay siya kapag nalaman ni Ron ang sekreto niya…
2.
PHR 2883 Heart For Sale by CamillaBumaba ang tingin ni Brenan kay Ola dahil sa ibinigay nitong presyo bilang kabayaran sa “namagitan” sa kanila. Noon pa man ay nais na niyang maangkin ito—lalo na sa puso nito.
Nang mga panahong ay lito ang kanyang puso’t isip dala ng mga alaala ng kanyang dating kasintahan. Kaya ang hagupit niyon ay lumatay sa kanyang puso.
Pero nang maglaon, natuklasan na lang niyang wala na pala sa sistema niya ang kanyang ex-girlfriend. Si Ola na ang minamahal niya at ngayon ay nagsisisi siya kung bakit tinrato niya ito bilang isang mababang uri ng babae.
3.
PHR 2884 My Beloved Temptress by Laurice del RioAminado si Chloe na may nagawa siyang malaking kasalanan sa nakaraan. Pero hindi niya inakala na si Brix ang maniningil sa kanya ng kabayaran. Dahil kung kailan nahulog na ang loob niya rito, saka niya nadiskubre kung ano ang pakay nito sa pagpasok nito sa kanyang buhay.
Pag-ibig at paghihiganti ang dalawang bagay na mahirap pagsamahin. Ngunit may imposible ba sa hiwaga ng pag-ibig?
4.
PHR 2885 Let Me In Your Heart by Sonia FrancescaXycie was turning twenty-eight pero magulo pa rin ang utak niya. Tila walang patutunguhan ang kanyang buhay. Ayaw na rin niyang pamahalaan ang furniture business ng pamilya nila. Hanggang sa magpasya ang kanyang mga magulang na isara na lamang iyon.
Matutuwa na sana siya pero biglang umentra sa eksena si Jethro, her brother-in-law’s estranged brother. Nag-request ito na sa kompanya nila mag-training. Ang dating magulo na niyang utak ay lalong nagulo, lalo na sa tuwing makikita niya ang guwapong mukha nito.
Bigla ay ayaw na niyang magsara ang kompanya nila. Sa pamamagitan lamang niyon niya makakasama palagi si Jethro. Ang kaso, ayaw pumayag ng kanyang mga magulang.
Ngayon ay may dalawang bagay siyang dapat patunayan: una, na karapat-dapat siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng kanyang mga magulang na pamahalaan ang kompanya nila; pangalawa, ang patunayan kay Jethro na siya ang babaeng itinakda para dito.
Mapagtagumpayan kaya niya ang mga iyon?
5.
PHR 2886 Sweet Love by Raquel PanganibanLuli never thought she would betray Meme, one of her best friends. But she did, all because of Jiggs.
Dati ay wala siyang kaamor-amor kay Jiggs. Presko at mukhang mayabang kasi ito por que guwapo at habulin ng mga babae. In love dito si Meme kaya ni sulyap ay hindi niya ginagawaran ito.
But he was persistent in flirting with her. Iwas na nga siya nang iwas dito ay lapit naman ito nang lapit.
Pero minsan isang gabing nakainom siya at mukhang lasing na rin si Jiggs ay bumigay siya sa panghaharot nito. Maybe she was bound to have a broken heart dahil mukhang hindi naman seseryosuhin ni Jiggs ang naging relasyon nila. Ang problema ay mukhang mahal na mahal na niya ito.
6.
Men Of Action Series 6: Shadows Of The Mind by Laurice del Rio Madz and Gena had to play the roles of a couple. Kunwa ay isang abused woman si Gena. Iyon ay dahil may pinagsususpetsahan silang isang psychiatrist na pumapatay ng mga naging kliyente nito.
In playing their roles, the two started feeling some things they strongly believed they were not supposed to feel. Nilabanan nila iyon sa dahilang dapat ay sa pagtupad ng misyon ni Madz nila ituon ang kanilang atensiyon.
They were doing fine until Madz discovered something he wasn’t expecting. Iniba niyon ang pananaw niya. Kasunod niyon ay ang pagdating ng panganib sa kanilang buhay.
7.
Lukaret Series 11: When Ricky Accidentally Fell In Love by CamillaDahil sa mga disgrasyang dulot niya kay Bruce, napahinuhod si Ricky nang humiling ang binata na gawan niya ng paraan na mai-date nito ang kaibigan niya. Bilang ganti, niyakag nito ang object of drool niya, ang macho guwapitong si Tondo.
Pero kung kailan nagkakaroon na ng development ang romance nila ni Tondo, saka siya nabahala sa mga isiping may kinalaman kay Bruce. Isang araw ay hinalikan siya nito. Ang akala niya ay simula na iyon ng something romantic sa pagitan nila, pero bigla na lang itong nawala sa eksena.
Ah, kailangang magkaliwanagan sila. Kahit akyatin niya ang bahay nito at magpakamalan siyang magnanakaw ay gagawin niya para lang makausap niya ito.
8.
Pepper Series 23: Popo by VanessaMay plano si Popo na maging filmmaker. She wanted to make a documentary. Gusto niyang pumasok sa isang sindikato, gawan ng dokumentaryo iyon, at ipalabas ang kanyang expos‚. That would shock the world. And so she did just that. At nang makapasok na siya sa sindikato ay nakilala niya si Caloy, isang napakaguwapong goon. Miyembro ito ng sindikato pero pakiramdam niya ay hindi ganoon kasama ito?
Paano niya magagawang agapan ang damdaming umuusbong sa kanya para dito?