HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 23, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 7:07 pm

1. PHR 2867 Eladia, Come Home by Camilla - equivalent to 3 books



Napuno ng pighati ang buhay ni Eladia ay puno ng pighati mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.. Si Fidel ang unang taong nagbigay sa kanya ng sense of belongingness. Ngunit sa pagnanais niyang mabago ang kanyang buhay, napilitan siyang iwan ito at ang kanilang supling.
Hanggang sa mabalitaan niyang namatay ang mga ito sa isang aksidente. Nang makabangon siya mula sa pagkakasadlak, isa-isa niyang binalikan ang mga taong may kasalanan sa kanya. Ngunit sa kabila niyon ay hungkag pa rin ang kanyang pusong sabik sa tunay na kaligayahan.
Nang sa wakes ay abot na sana niya ang kaligayahan dahil sa pagkakadiskubre niyang buhay pala ang kanyang mag-ama, hindi pa rin pala siya maaaring maging maligaya.
Dahil napopoot si Fidel sa kanya.

2. PHR 2868 Arie's Will Trilogy 1: A Touch Of Fate by Arielle



Nasa kolehiyo pa lamang ay best enemy na ni Narra si Cade--ang schoolmate niyang guwapo sana pero super-antipatiko at super-yabang. Ang masama pa, gusto yata silang paglaruan ng tadhana nang magkasama sila sa student council ng kanilang eskuwelahan. At dahil ito ang presidente at siya naman ang secretary ay hindi maiiwasang palagi silang magkasama.
Palagi silang nagbabanggaan at nag-aargumento.
Pero mukhang muling makikialam ang tadhana nang hulaan siya na sa dinami-rami ng lalaki ay ito raw ang makakakuha ng pagkababae niya!

3. PHR 2869 Arie's Will Trilogy 2: A Touch Of Magic by Arielle



Matagal nang lihim na may pag-ibig si Ahren sa pintor na si Radcliff Saragoza. Ngunit ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Ang isa pang dahilan ay kahit minsan hindi ito nagpakita ng anumang romantic interest sa kanya.
Marami nang nakarelasyon si Radcliffe, ngunit palagi na lang na hindi ito nakontento. He was always looking for his one true love. Hanggang sa dalawin ito ng isang babae sa panaginip. Agad nitong ipininta ang babae. Ngunit anumang pilit nito ay nananatiling malabo ang mukha ng babae sa painting.
Ipinasya niyang tulungan itong hanapin ang babae. Sa pagtulong niya rito ay naaksidente at nasugatan siya.
At ang mga makuha niyang sugat ay nagbigay sa kanya ng pilat—pilat na katulad na katulad ng mga marka sa katawan ng babaeng ipininta ni Radcliff!

4. PHR 2870 Arie's Will Trilogy 3: A Touch Of Love by Arielle



Chef si Blaine ng isang kilalang hotel sa New York. Mula pagkabata ay nakaplano na ang mga layunin niya sa buhay. Pero hindi kasama roon ang pagkakaroon ng asawa at anak.
Pinakabatang automotive designer naman ng Haritzu Motors si Jaden. Masasabing taglay nito ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Ngunit palaging minamalas ito sa pag-ibig.
Sa pagkukrus ng mga landas nila, natuklasan ni Jaden na si Blaine ang dahilan kaya nakikipag-break dito ang mga girlfriends nito. Sa parte naman ni Blaine, natuklasan niya na si Jaden ang lalaking kumuha sa pagkababae niya nang hindi niya nalalaman!

5. PHR 2871 Kapag Natutong Magmahal by Cassandra



Natutuhan ni Mai na mabuhay nang hindi umaasa kanino man mula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Walang ibang mahalaga kundi ang sarili niya. Itinanim niya sa kanyang isip na hindi niya kailangan ng emotional involvement sa kahit sino.
Subalit nakilala niya si Kevin Narcisso Cortez, ang aroganteng head engineer sa opisina ng kanyang ama at ang lalaking walang ibang alam kundi ang utusan siyang ipagtimpla ito ng kape. Kung umasta pa ito ay animo hari at hindi maaaring hindi siya sumunod sa gusto nito.
Napansin na lamang niyang unti-unti nang sinisira nito ang depensang matagal na ibinalot niya sa kanyang sarili. Hanggang sa dumating sa puntong natanggap na niya sa sariling may pagtingin na siya rito.
Ang problema, hindi nito alam na anak siya ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan nito...

6. PHR 2872 Si Oman Villasanta 1 by Camilla


Na-challenge at na-attract agad si Claui kay Oman Villasanta sa una pa lang na pagkikita nila. Tall, dark, and brooding type, he was definitely someone worthy of her admiration. Pero in love pa rin ito sa yumaong nobya nito.
Still, she did not give up.
But just as she was starting to see some light in Oman's eyes, saka niya natuklasan ang isang malaking lihim sa kanyang pagkatao na makakaapekto nang husto sa relasyon nila hindi pa man nagsisimula iyon...

7. PHR 2873 Si Oman Villasanta 2 by Camilla



Now the secret was out. Lahat ay nagpapatunay sa pagiging magkadugo raw nina Claui at Oman. Mahal man niya ang binata ay kailangang supilin niya ang kanyang damdamin dahil hindi tama iyon.
Pero iba ang isinisigaw ng kanyang puso. Pinagtutulung-tulungan man siya ng lahat ay iginigiit niyon na ipaglaban niya ang pagmamahal para kay Oman. Lalong lumakas ang loob niya nang ganoon na lang din ang paghahangad ni Oman na maipa-DNA test siya at mapatunayang hindi siya anak ng tiyuhin nito. At nang ilang beses na malagay sa panganib ang kanyang buhay ay naroon ito para iligtas siya...

8. Drop-dead Playboys Series 14: Giovanno Villegas: The Man-hater And The Lady-killer 1 by Heart Yngrid



Nang bumalik si Alexa sa Pilipinas mula sa ibang bansa, inakala ng lahat na ang pakay niya ay upang kunin ang kanyang mana mula sa yumaong lolo niya. Ngunit may iba pa siyang dahilan sa pagbabalik niya sa bansang tinirhan din niya ng maraming taon noon.
Bumalik din siya upang magtago mula sa isang kasalanang hindi niya pinagsisisihang ginawa niya. Ngunit sinundan siya ng panganib. Suddenly, she was being chased by armed men. Alam niyang kayang-kaya niyang lusutan ang mga iyon. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit kailangang umeksena si Gio, ang lalaking naging upang magkaroon siya ng grudge sa mga tulad nitong mapaglaro sa damdamin ng mga babae.
At ngayon ay pumapapel pa itong tagapagligtas niya.

9. Drop-dead Playboys Series 15: Giovanno Villegas: The Man-hater And The Lady-killer 2 by Heart Yngrid



Desidido si Gio na hanapin si Alexa upang kunin ang premyo niya mula sa dalagang tinakbuhan ang kasunduan nila. Hindi lamang ang premyo ang pakay niya. He also wanted to tame her and make her realize men's power over women.
Fortunately, he found her. Pero may problema. Nalaman niyang hindi lamang siya ang naghahabol dito. Nasa panganib ang buhay nito.
Suddenly, he felt the need to protect her.

10. The Dream Team Series 10: Zeke Montecielo by Almira Jose



Nakaaway ni Charm ang ate niya. Mas pinili nitong paniwalaan ang swanget na boyfriend nito kaysa sa kanya kaya nag-alsa-balutan siya. Eksakto namang nasa honeymoon ang kaibigan niyang si Naomi at iniwan nito ang susi ng bahay nito sa kanya. Nag-e-mail siya rito na makikitira siya habang hindi humihingi ng pasensiya ang ate niya.
Nagulat siya nang pagdating niya sa bahay ay madatnan niya roon si Zeke, ang kaibigan ng asawa ni Naomi. Ayon dito, doon daw muna nakikituloy ito dahil naiingayan ito sa kapitbahay nitong nagpapagawa ng bahay.
From then on, naging housemates na sila. Komportable siya rito dahil ang alam niya ay bakla ito—ayon na rin dito. Pero nagsimula siyang magduda nang halikan siya nito. Malayong maging bakla ito kung pagbabasehan niya ang halik nito.
Isang pasya ang nabuo niya: Aakitin niya ito. Sayang naman kasi ang lahi nito...

11. Señorito Series 15: Caleb by Rose Tan



Hindi tiyanak ang umiiyak na paslit sa ibabaw ng mesa ni Dalisay. Tunay na sanggol na lalaki iyon na iniwan sa kanya ng kapus-palad na ina nito. Napuno ng ligaya ang buhay niya na tigib ng lungkot at pag-iisa.
Pero may umeksenang asungot. Si Caleb. Ito raw ang ama ng bata at binabawi nito iyon sa kanya.
Ah, kailangang patunayan muna nito ang sinasabi.
Willing naman itong iprisinta sa kanya ang mga katibayan na hinihingi niya. Pero habang inaasikaso iyon, sa bahay na rin daw muna niya titira ito para matiyak nitong hindi mawawala sa paningin nito ang anak.
Pumayag siya dahil wala siyang choice. Ang kaso, hindi pala mainam kapag guwapo ang housemate. Delikado.

12. Man Of My Dream Series 67: Emilio, The Man With Unconditional Love by Cora Clemente



Lahat na yata ng mga katangiang hahanapin ng isang lalaki sa isang babae ay taglay ni Leah—maganda, matalino, at higit sa lahat, napakayaman. Sa pagkamatay ng kanyang lolo ay naiwan sa kanya ang mga negosyong biglang nagbigay sa kanya sa estadong “young millionaire.”
Pero ang kayamanang iyon din ang nagdulot sa kanya ng kabiguan pagkatapos niyang malaman na dahil doon kaya lamang siya pinaibig ng dating nobyong si Alex. Tuloy, parang ayaw na niyang muling magtiwala sa lalaki.
Ngunit nakilala niya si Emilio—isang lalaking kahit salat sa kayamanan ay napakasipag at mataas ang prinsipyo sa buhay. Malakas na agad ang dating nito sa kanyang puso.
Ito na ba ang lalaking makapagbibigay sa kanya ng tunay na pag-ibig? Iyong walang hinihinging anumang kapalit?
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 7:19 pm

walang labas si kagandahan hayz...

dina-diet tau mga vanadikz hehehhe

bute n lng my dream team...

hanap pa ako ng bibilhin ko sayang nman kung ito lng...
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
Faye Andrew
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1516
Age : 31
Location : Sydney, Austrilia
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 7:30 pm

Oi.. tamang tama naabutan ko pa... Walang src at calle pogi..
jejeje...

Zairo pa lang ang nabibili kong src.. wala pa dito yung kay hans at baxter...
Back to top Go down
{STOIC}_@nnette®™
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 33
Location : Angono, Rizal
Registration date : 2008-04-17

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 7:53 pm

Oh ms. jhen welcome back!!! heheh na miss ka namin last week eh. jejeje

Ay walang SRC... Ang tagal naman ng kasunod ng les hommes and calle pogi.. huhu Sad
(miss na miss ko na mga fafanez™ sa mga series na yan! Haist!)®

Hmm.... Mukhang maganda ung trilogy ni Arielle... Bilhin ko kaya? Question

****isip-isip****
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.blogspot.com
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 7:56 pm

at least di na atrasado Laughing

marami rami din akong bibilhin huh? mukhang maganda yung makapal ni camilla, intriguing ang teaser & i even like the cover. RC, quo vadis? ma try ko nga for tom. Smile

sa wakas may DTS na ulit at senorito.

at siempre pa DDP2 Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 8:08 pm

thanks ms jen wow dami labas ngayon pansin ko lang mga series hndi dirediretcho nilalabas binibitin tyo he he.. wish ko lang d ako maubusan hehe
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 9:05 pm

Walang Vanessa?? Crying or Very sad


hayyyz.


naglilista na ko bibilhin ko bukas.
natambakan na ko.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 9:24 pm

heheheheh...ok lng yan girlz! hehehe merong arielle!!!!
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 10:20 pm

ay kabayo... walang src at cp...

ang tagal ng walang release ng cp ah!!!!!
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
maan_beltran
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 184
Age : 30
Location : Cebu City
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 22, 2008 10:44 pm

wwooohooooo!!!!!!! narelease na rin sa wakas ang aries will!!!!!

at long last!!!

woooohooooo!!!!
Back to top Go down
http://craevyll.multiply.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Wed Jul 23, 2008 10:28 am

ate rave, ate mtf,


tingnan nyo yong señorito..


caleb rin yong name lol! lol! lol!


pero bat wala pa si mugsie...????
Back to top Go down
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Wed Jul 23, 2008 3:31 pm

Rey_Ryder wrote:
ate rave, ate mtf,


tingnan nyo yong señorito..


caleb rin yong name lol! lol! lol!


pero bat wala pa si mugsie...????

honga eh! ikaw unang pumasok sa isip ko nung nakita ko to kahapon drunken

next decade pa si mugsie Laughing
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Wed Jul 23, 2008 5:54 pm

Rey_Ryder wrote:
ate rave, ate mtf,


tingnan nyo yong señorito..


caleb rin yong name lol! lol! lol!


pero bat wala pa si mugsie...????



oo nga, kaw nga una ko ding naisip.. hehehe.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
kimi
Senior
Senior


Number of posts : 422
Age : 26
Location : somewhere down ilocos..
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Wed Jul 23, 2008 8:16 pm

ay ako din, si rey ryder ang una kong naalala kanina nung mabasa ko yung caleb.. ahehe.. nyaks.. =)

-kimi
Back to top Go down
http://www.pinatbaterkaaap.blogspot.com
midnyt_chelle
Newbie
Newbie


Number of posts : 3
Location : Las Pinas
Registration date : 2008-04-14

PostSubject: my aries will na   Wed Jul 23, 2008 9:50 pm

yahooo!!!

thank god my aries will na.. for sure maganda to..
cant wait to read it na..
kaya lang tomorrow pa ang dating nito sa phr southmall..
Back to top Go down
shai
Senior
Senior


Number of posts : 231
Age : 26
Location : CDO city
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Wed Jul 23, 2008 10:12 pm

cheers cheers

Lola C... me eladia na!!! yepiiii

at me ddp2 na...whooo dme bgo....

meron na din bgo c ms arielle....


lol! lol! sooooo hapieeee

^^antay lng kme d2 mga tga cdo^^
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/shaii23
Faye Andrew
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1516
Age : 31
Location : Sydney, Austrilia
Registration date : 2008-05-09

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Thu Jul 24, 2008 12:28 pm

yung kay hans pa lang ang nabibili ko...
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Thu Jul 24, 2008 6:14 pm

kainis di ako tinirhan ng dream team ng suki ko buti na lang my drop dead gorgeous
Back to top Go down
^_^\m/ ­­­­Dra†eR~­­LaeH
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1616
Age : 23
Location : under your bed
Registration date : 2008-06-15

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Fri Jul 25, 2008 4:56 pm

woooooo!!!

ganda nung kay lola c..

gwabe!!!!!!!!!!!

ganda din nung kay ariele...

mea ko pa babasahin yung kay kas, ddp2 at dtm
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/57324345
joanna jane
Junior
Junior


Number of posts : 42
Age : 24
Location : cavItE
Registration date : 2008-03-30

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Sun Jul 27, 2008 8:29 pm

ahaizt!

triLogy nnmAn frOm aRieLLE!

uala p s budgEt qoh........

nu b Yan!

mabiLi q sna xa nXt wiK.......


hmmmmmmmmm

Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Tue Jul 29, 2008 7:18 pm

my new kaaya
Back to top Go down
kirsten_2909
Junior
Junior


Number of posts : 68
Age : 33
Location : sta. rosa laguna
Registration date : 2008-07-29

PostSubject: aries will   Tue Jul 29, 2008 11:05 pm

cutejan dito ka pala nagtatago? ahahhaha....
lagueng ol ah.....
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: hello pwede po bang sa phr nlang mag-order ng mga books?   Mon Aug 04, 2008 12:49 am

hello po bka pwede po sa phr corp. nlang mag-order ng mga books para updated ako always sa mga bagong labas na novels... kc dito sa davao palaging nahuhuli kainis masyado... pwede po ba yon?
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
_tintin_
Junior
Junior


Number of posts : 46
Registration date : 2008-07-25

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Thu Aug 07, 2008 2:07 pm

{STOIC}_@nnette®™ wrote:


Hmm.... Mukhang maganda ung trilogy ni Arielle... Bilhin ko kaya? Question

****isip-isip****

waahh.. maganda talga ung trilogy ni Ms.Arielle..
everyone must read it!!!!!
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Thu Aug 07, 2008 9:06 pm

bilhin mo na.. maganda tlga.. hehehe adik din ung ibang writer diyan.. alam kong kilala mo ang sinasabi ko... hehehe ung fave natin.. hehehe

kaya bili kana... ng arie's will.. ehehe
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: July 23, 2008 Book Release   Today at 2:47 pm

Back to top Go down
 
July 23, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: