1.
PHR 2781 The Complete You by AleiaKung magkakaroon ng samahang galit sa mga lalaki, malamang na presidente niyon si Chinggay. Nag-ugat ang ganoong pananaw niya sa hindi magandang karanasan sa ex-boyfriend niya.
Hanggang sa makilala niya si Vince. Likas na lapitin ito ng mga babae, at mukhang nama-magnet din siya ng charisma nito.
Handa na kaya siyang ipabuwag dito ang matigas pa sa pader na puso niya—kahit alam naman niyang marami siyang makakatunggali sa puso nito...?
2.
PHR 2782 Your Love Is Better Than Hot Pandesal by Claudia SantiagoNagulat si Allice nang umuwi siya isang gabi na may lalaking naghihintay sa kanya. Nagpakilala ito bilang si Stan, at fiancé raw niya ito! Imposibleng totoo ang sinasabi nito dahil sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya nakita ito. At sigurado siya roon dahil imposibleng makalimutan niya ang ganito kaguwapong lalaki.
Si Allice Martinez daw ang hinahanap nito. At siya nga naman iyon. Pero hindi nga niya kilala ito.
Naisip niya, mukhang may kinalaman doon ang kakambal niyang si Ellice.
3.
PGS 3 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 1 by VanessaUnang kita pa lamang ni Maria kay Ross ay naisip na niya agad na ito ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay. Ang kaso, inis ito sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat upang matuwa ito sa kanya at pansinin siya nito.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong napasakanya ito.
Bahala na kung ano ang kahinatnan niyon...
4.
PGS 4 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 2 by VanessaAng akala ni Maria ay magtutuluy-tuloy na ang kanyang happy ending—ngunit nagkamali siya. Chapter one lang pala ang masaya sa kuwento niya. Sapagkat ang kanyang Prince Charming ay nakahanap ng iba. Paano na siya, eh, siya ang bida?
5.
TSI 4 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 1 by DanielleElf was looking for a trouble-free vacation in a posh resort owned by a friend. Everything was peaceful until his path crossed with Ina Roselli’s. Ang totoo, hindi naman magugulo ang buhay niya kung napigilan lamang niya ang kanyang sarili sa tila asong pagbuntot dito. But then, hindi rin naman siguro niya kasalanan na magkaganoon siya dahil lubhang napakaganda nito.
Iyon nga lang, may panganib na dala ang pagsunud-sunod niya kay Ina. At huli na para iwasan niya ito. Na-involve na siya sa kung anong gusot na kinasangkutan nito...
6.
TSI 2 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 2 by DanielleNatuklasan ni Elf na nasa panganib hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang kay Ina. Kailangan niyang makaisip ng solusyon para makaligtas sila sa tiyak na kapahamakan. Kailangang mahuli nila ang taong humahabol kay Ina at ma-solve ang puzzle na iniwan ng yumaong asawa nito. Only then would they be able to live peacefully.
Only then would he be able to love and cherish the beauty that was Ina.
7.
FRS 5 Fruitcakes Series: Cuckoodoodleduo by Rose Tan Miriam and Elmo grew up together. Hers was the first “tambok” he had ever seen and it was flat, actually.
He was the first naked male she had ever seen and that black, scary thing between his thighs brought her an anxiety attack. She was two then.
Three presidents later, she got kidnapped... by Elmo. Dinala siya nito sa isang malayong isla para ilayo sa DOM na pinagpapa-cute-an niya. Hindi niya inakalang sa islang iyon ay mabubunyag ang isang lihim...
Clue: It’s a many splendored thing.
8.
SLS 14 Skylander Series: Dashielle, Wolf's Rain by SofiaDashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with.
Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya.
“Go ahead and kiss me,” hamon niya rito minsan.
Maybe with that kiss, she might be able to prove a few things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman.
Magtagumpay kaya siya?
9.
PES 17 Pepper Series: Miles Encarnacion by VanessaParang kidlat si Miles Encarnacion sa buhay ni Pining. Dumating ito, nawalan ng trabaho ang tatay niya. Sa isang iglap, nawalan siya ng sampung libong piso dahil dito. Sa isang iglap, nobya-nobyahan na siya nito. Sa isang iglap, “break” na sila. Sa isang iglap, pogi na ito sa paningin niya. Sa isang iglap, hinahagkan na siya nito...
Anong kaguluhan iyon?
10. MOG 30 How To Keep Your Man by Maria Flora Celine
Nagdamdam si Libby nang malaman niyang wala pala sa mga plano ng nobyo niyang si Vince ang pag-aasawa. Sumabay pa ang pagbabalik sa eksena ng ex-girlfriend nito na si Stephanie. Halata sa mga kilos nito na gulo ang hatid nito sa kanilang relasyon. Nadagdagan pa ang problema niya nang sorpresahin siya ng ex-boyfriend niyang si Ralph at nag-propose ito ng kasal sa kanya.
Would she go back to her ex who was giving her the security of a marriage proposal or would she fight it out with Stephanie even without the promise of marriage from Vince? Would she be able to keep the man she really loved and change his mind about marriage?