HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 8, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 8, 2014 Book Release   Tue Oct 21, 2014 10:48 am

1. PHR 5396 Muymuy And Me by Lush Ericson


Nang minsang iligtas ni Cresia si Muymuy sa mga bading na bully, idineklara na niya ang sarili na tagapagtanggol ng batang lalaki. After many years, hindi na sila mga bata at nagkaroon na ng muscles si Muymuy pero bine-baby pa rin niya ito.
Nang minsang palayasin si Cresia ng kanyang kasera, wala siyang choice kundi ang makitira sa apartment ni Muymuy. At doon, unti-unting nagbago ang damdamin niya para sa kaibigan. Pero pilit niyang iwinaksi ang damdaming iyon at sinabi kay Muymuy na ang dream man niya ay ang pinsan nito na brusko at lalaking-lalaki. Iyong naka-boxers kapag natutulog, hindi pajamas na tulad ng suot ni Muymuy.
For some reason, mukhang napikon si Muymuy dahil bigla itong rumampa sa harap niya nang naka-boxers! Paano pa niya mare-resist ang charm nito?

2. PHR 5397 Series 5 Silk And Lace: Once And Forever by Camilla


Tila isang panaginip si Ely Ordońez para sa katulad ni Jhester Ann “Jhejhe” Pacinos—panaginip na nagkatotoo nang isang gabing may mangyari sa kanila at kinabukasan ay ikinasal siya rito. Pero nalaman ni Jhester Ann na minanipula pala iyon ng kanyang mga magulang na naghangad na makasilo siya ng isang malaking isda. Sa hiya ay nagkusa na siyang lumayo at hindi na nagpakita sa lalaki.
Ngunit nagbunga ang gabing iyon na pinagsaluhan nila. Tatlong taon ang lumipas ay kinailangan na ni Jhester Ann ang tulong ni Ely para sa kambal nilang anak. Noon niya natuklasan na mahal na mahal niya ang lalaki, ngunit hindi na ito malaya…

3. PHR 5398 A Song For Bree by Laurice del Rio


Hindi makapaniwala si Bree nang makilala si Brix. Miyembro kasi ng isang sikat na banda ang lalaki. Lalong hindi siya makapaniwala nang gawan siya ng kanta ni Brix at sinabi pang balang-araw ay pakakasalan siya.
Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal ni Bree nang malamang nasangkot sa isang malagim na aksidente si Brix. Pero mas nakagigimbal pala ang kapal ng mukha at tibay ng sikmura ng kapatid ni Brix na si Craig. Hindi pa man kasi nag-iinit sa hukay ang mga labî ni Brix ay sumulpot na ang pesteng kuya nito, pilit na hinihingi ang kopya ng kantang iniwan sa kanya. Nang hindi niya iyon ibigay ay tinawag pa siyang oportunista. Para namang hindi ito ang oportunista sa kanilang dalawa. Hayun nga at mukhang sabik na sabik itong pagkakitaan ang kantang sa kanya naman talaga ibinigay ni Brix. Handa si Bree na makipagpatayan para sa kanta. Pero hindi siya handa na magising na lang isang umaga na hindi na hinayupak na hudas ang tingin kay Craig kundi isang lalaking masarap na ngang kasama, katakam-takam pa ang hitsura at pangangatawan. Sa madaling salita, gaga na siya. At ang mga gagang kagaya niya ay nakatadhanang masaktan.

4. PHR 5399 My Ex’s Stepbrother by Andie Hizon


Pagkatapos mag-resign ni Eunice sa trabaho ay kinailangan niyang bumalik sa Alfonso dahil ikakasal na ang kanyang kapatid. Kung hindi niya lang nami-miss ang kinikilalang mga magulang ay nunca na bumalik pa siya sa Alfonso. Hindi naman kasi nakakatuwang masaksihan ang kasal ng kapatid at ng ex-boyfriend niya. Ngunit para mapatunayan sa sariling naka-move on na siya at hindi na bitter ay nagtungo pa rin siya sa Alfonso.
That place brought back her nightmares, her pain, her first heartbreak. Ngunit sa lugar na iyon ay nakatagpo si Eunice ng bagong kaibigan, sa katauhan ni Billy. Si Billy ang stepbrother ng ex-boyfriend niya. After five long years, her heart functioned again. Ngunit bago pa sila magkaroon ng “matinong usapan” ni Billy ay heto na naman ang ex-boyfriend niya, sinasabi sa kanyang mahal pa rin siya. Nagawa pa nitong ikansela ang kasal sa kapatid niya. Gumulo na naman ang mundo ni Eunice. Sa gitna ng kaguluhan ay napaisip siya: Sino ba talaga sa dalawa ang karapat-dapat na leading man sa love story niya?

5. PHR 5400 Series 2 Teenagers In Love: First Love Is The Deepest by Jelaine Albert


When Tala was a teenager, she thought she was in love with her classmate, Thad. Samantala, inis siya kay Dakila. Lahat yata ng nakaiiritang katangian ay nasa lalaki. Ngunit sa lahat naman ng pagkakataon na nalulungkot si Tala at nag-iisa ay parating si Dakila ang nasa tabi niya. And soon she found him quite tolerable.
Pagkatapos ng graduation ay bigla na lamang nawala si Dakila upang mag-aral sa ibang bansa. Labis na nalungkot si Tala. She missed him. Doon niya na-realize na mahal niya si Dakila. Kaya naman pagbalik ni Dakila at nagpahayag ito ng kagustuhang ligawan siya ay agad niyang sinagot ang lalaki. They were happy together. And they got engaged. Pero hindi nauwi sa kasalan ang relasyon nila dahil nakita ni Tala na may kasamang hubad na babae si Dakila sa apartment ng lalaki. Months passed and when she thought she was over him, heto na si Dakila at nagpaparamdam na gustong ayusin ang kanilang relasyon.
Hindi matiyak ni Tala kung pinaglalaruan siya ni Dakila dahil alam nito na mahal niya ang binata o may iba pang rason si Dakila na ito lamang ang nakakaalam.

6. PHR 5401 Jar Of Hearts And Lollipops by Estella Anderson


Seven years old lamang si Julia nang iwan siya ng kanyang mommy sa isang boarding school. Sa musmos na puso ay nakaramdam siya ng pagrerebelde. Tuloy ay palagi na lamang siyang umiiyak, at halos karamihan ng estudyante sa boarding school ay ayaw sa kanya dahil sa pagiging mataray at iyakin.
Hanggang isang araw ay may batang lalaking lumapit kay Julia at binigyan siya ng lollipop. Hindi agad tinanggap ni Julia ang lollipop at sa halip ay itinanong sa bata. “Why are you wearing eyeglasses? `Di ba, matatanda lang ang gumagamit niyan?” Tumawa ang batang lalaki. “Before I’ll answer your question, kunin mo na `tong lollipop. Sige na, bata. Masarap `yan.” Ngumiti ang batang lalaki, nakita tuloy ni Julia ang mga ngipin nitong sira-sira.
Ang batang iyon ay si Morris.
Si Morris na lumaking hindi lang guwapo at matalino kundi nakatakdang magkaroon ng malaking bahagi sa buhay ni Julia.
Ang lalaking magpapabago ng pananaw niya sa buhay… ang lalaking hanggang sa pumuti na ang kanyang buhok ay mananatili sa tabi niya. At iyon ay nagsimula lamang sa jar of hearts and lollipops.

7. PHR 5402 Villa Cattleya: Fated To Love by Belle Feliz


Mula pagkabata ay binuntot-buntutan na ni Aline si Wilt. Kumbinsido siya na sila ang nakalaan para sa isa’t isa. Alam niya na ganoon din ang paniniwala ni Wilt kahit hindi nito sabihin. Nagkaroon sila ng usapan na magiging opisyal na ang relasyon nila pagsapit niya sa edad na disiotso. Natupad ang usapan na iyon. Inakala niya na magiging masaya na sila habang-buhay. Akala niya ay wala nang makakasira sa magandang samahan nila. Hanggang sa mahuli niya si Wilt na may kahalikang ibang babae sa ilog.
Noon nagbago ang lahat sa pagitan nila. Umalis si Wilt nang walang paliwanag at pagbalik, nais nitong humingi ng isa pang pagkakataon. Paano niya gagawin iyon kung hindi na siya naniniwalang sila ang nakatadhana para sa isa’t isa?

8. PHRB 13 Armstrong Academy Series 1: The Melancholy Of A Nameless Fairy by Luna King


"I love you, Ryleigh. But I can't be with you... forever."
"Hindi ba totoo ang forever para sa'yo, Static?"
"Totoo ang forever, Ry. Hindi nga long applicable sa relasyon natin." "Bakit?"
"Because I'm cursed. At sa susunod na kabilugan ng buwan, mawawala na ako." Naudlot ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha ni Ryleigh. Kanina, pakiramdam niya ay nasa isang romantic drama movie siya, ngayon naman ay parang nasa "Wow Mali" siya. "Static, alam mo, if you just want to dump me, fine. Huwag ka nang gumawa ng kasinungalingan." Napasinghap siya sa sunod na ginawa ni Static: itinaas nito ang mga kamay habang pinapagalaw ang nababalutan ng asul na liwanag na mga durog na piraso ng estatwa ni Ocean hanggang sa muli iyong nabuo.
"Ryleigh, believe me," pakiusap ni Static. "I am Ocean—Luna Ville's mystical blue cat." Dahil sa liwanag ng lamppost gumuhit ang anino ni Static sa kalsada pero hindi iyon hugis-tao. Ang anino ay hugis-pusa!
Back to top Go down
 
October 8, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News 28 October 2014
» Ek Haseena Thi 8th October 2014 Watch Online
» Aur Pyaar Ho Gaya - 22 October 2014 - Written Update
» Cover and Feature in Newsweek October 10, 2014 Issue
» Sasural Simar Ka 13th October 2014 Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: