HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 October 1, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: October 1, 2014 Book Release   Wed Oct 08, 2014 6:11 am

1. PHR 5386 Thirty Last Days by Spring Mendez


“Truth or dare?” Nangingislap ang mga matang tanong ni Cassandra kay Jethro nang tumapat ang nguso ng boteng ipinaikot niya sa dating nobyo. “Dare.”
Ngumiti siya. “Sige, inuutusan kita. Mahalin mo `ko uli.” Nang matahimik ang mga kasamahan ay sinikap ni Cassandra na tumawa. “Puwede bang ‘truth’ na lang? Wala na kasi akong ibang maisip na ipagawa sa `yo… maliban sa ang mahalin ako.”
“Fine,” animo nagpapahinuhod na lamang na sagot ni Jethro. “Truth.”
“Okay. If there’s one thing you want to tell me, what will it be?”
Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. “Bakit bumalik ka pa?”
Napamaang si Cassandra. Paubos na ang tatlumpung araw na palugit sa kanya upang makasama ang binata.
Pero mababawi pa kaya niya si Jethro bago tuluyang angkinin ito ng iba, kung sagad hanggang langit ang galit nito sa kanya?

2. PHR 5387 Love Potion Number What by Jelaine Albert


Dian and Ethan had been friends for a long time. So it would be too cliché for them to fall in love with each other. And they were not likely to become lovers until that one fateful night. Their lives changed. Literally. Nagising na lang kasi sila na nagkapalit na ang mga katauhan nila. Dahil pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na normal ang takbo ng buhay nila.
They needed to stay close to each other because of that. Ang inaakala nina Dian at Ethan na kilalang-kilala na nila ang ISA’t isa ay unti-unting nagbago. They didn’t really know each other too well. At habang lalo nilang nakikilala ang bawat isa ay unti-unti ring nabubuo ang damdamin na hindi nila inakalang mararamdaman nila.
Will their feelings flourish into a full-bloom love or will they remain just like the way they used to be sakaling bumalik sa normal ang lahat?

3. PHR 5388 Siguro, Medyo, Baka, Oo, Umiibig Sa`Yo by  Jelaine Albert


Pangarap ni Olivia Sinagtala ang maikasal. Ngunit sa mismong araw ng kasal ay may isang babaeng buntis na dumating at nagdeklara ng giyera. At kung inaakala niya na kulang pa ang bangungot na iyon ay nagkakamali siya. Pinili ng kanyang groom ang babaeng buntis na nanggulo sa kasal nila.
Sa kagustuhang makapaghiganti sa kahihiyang sinapit ay bumuo siya ng plano upang sirain ang nalalapit na kasal ng ex-groom niya. Kinaray pa niya ang best friend na si Julian upang tulungan siya sa paghihiganti. Subalit lahat ng plano nila ay nauuwi sa kapalpakan.
Subalit kahit ganoon ay nanatili pa rin si Julian sa kanyang tabi. Unti-unti ay nabaling kay Julian ang pagtingin ni Olivia hanggang sa naramdaman na lamang na mahal na niya ang binata. Ngunit kung kailan nagkakaigihan na sila ay bigla namang nanlamig sa kanya si Julian.
Wala na nga yatang pag-asa na matupad ang pangarap ni Olivia na mag-walk down the aisle.

4. PHR 5389 The Breakers Corazon Sociedad 9: Thaddeus Arzadon by Venice Jacobs


Buong buhay ni Elij ay ginugol niya sa pag-iintindi ng ikabubuhay ng kanyang pamilya. Siya na ang tumayong breadwinner mula nang mamatay ang kanyang ama at maparalisa naman ang kanyang ina. Lahat ng trabaho ay pinasok niya para lamang maibigay sa pamilya ang kaginhawahang nais niyang maranasan ng mga ito.
Hanggang sa makakuha si Elij ng trabaho na sagot sa lahat ng pangangailangan nila.
Pero makakasama niya sa trabahong iyon ang pinakamakulit at pinakamadaldal na abogadong nakilala niya—si Thaddeus Arzadon. Walang ibang ginawa ang lalaki kundi ang pahirapan siya sa trabaho.
Sa loob ng mahabang panahon na nakasama ni Elij si Thaddeus ay lalo niya itong nakilala. Nalaman niya ang mga bagay na itinatago ng binata sa likod ng mga ngiti nito. Nalaman niya ang kuwento ng buhay nito. At nakumpirma rin niya na sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Hindi na niya magawa pang lumayo, gusto na rin niyang protektahan at pasayahin ang binata sa abot ng kanyang makakaya.
Subalit isang sekreto ang hindi magagawang sabihin ni Elij kay Thaddeus. Isang sekreto ng buhay niya na hindi niya magawang takasan. Isang sekreto na dahilan kung bakit naroon siya at kasama si Thaddeus. Isang sekreto na siguradong ikapapahamak nilang dalawa.

5. PHR 5390 Evita And The Beast by Kaye Ysabelle


Pangarap ni Evita at ng namayapa niyang ama ang maging ganap siyang guro. Kaya naman para na rin siyang nakaapak sa langit at nakikipagkamay sa tatay niya nang matanggap siya sa Puerto Real Academy bilang Science teacher. Masaya na sana si Evita hanggang sa dumating ang sugo ng kadiliman na si Angelo—matangkad, mabalahibo, at walang-modo—na sa una pa lang na pagkikita nila ay pinagkamalan na siya na masamang-tao.
Hindi niya feel si Angelo kahit pa ISA itong respetadong guro at may sandamakmak na international awards. Plano niyang iwasan at dead-mahin ang presensiya nito. Pero may weird na nangyari—napanaginipan niya bigla si Angelo! At hindi lang iyon isang simpleng dream, kundi isang wild, passionate, and erotic dream!
Ipinagkanulo pa yata si Evita ng pagkakataon dahil siya ang inatasang maging assistant coach sa research team kung saan head coach ang supladong monster. Madalas tuloy silang nagkakasama hanggang mamalayan na lang ni Evita na nag-e-enjoy na kasama ang lalaki, pati ang hindi inaasahang mga hot and wild kisses na kanilang pinagsasaluhan. Naging makatotohanan din ang kanyang “erotic dream” at wala man label ang naging ugnayan nila ni Angelo ay tinanggap iyon ng dalaga.
Minahal agad ni Evita si Angelo sa kabila ng pagiging mailap at kakaibang pag-uugali nito. Pero nang malaman niya ang isang matagal nang lihim ng binata mula sa nakaraan, labis siyang nasaktan at pinili ang lumayo…

6. PHR 5391 Stay by Cady Lorenzana


High school pa lang ay may lihim nang damdamin si Callie sa best friend niyang si Arjun. Kaya nga ganoon na lang ang sayang naramdaman niya nang ligawan siya ng binata. May katugon ang kanyang damdamin.
Arjun was the perfect boyfriend. Kahit busy sa trabaho ay talagang naglalaan ng oras ang binata para kay Callie. At wala nang mahihiling pa si Callie.
Hanggang sa matuklasan ni Callie ang dahilan kung bakit siya niligawan ni Arjun…

7. PHR 5392 MK’s Kiss Thief by Xyann Alexandria


Napagdesisyunan ni MK na magretiro na sa pagiging modelo sa Paris. Minabuti niya na mag-stay na lang sa Pilipinas for good para makasama ang kanyang pamilya lalo na ang best friend niyang si Haru. Ngunit pagbalik niya, iba na ang pakikitungo sa kanya ng kaibigan na labis niyang ipinagtataka.
Ang alam ni MK, no girlfriend since birth si Haru. Kaya naman laking gulat niya nang malaman na dine-date nito si Yasmin—isang modelong tulad niya. Ang mas ikinaiinis pa ni MK, nakita niya na naghahalikan ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang inis niya, pero inisip na lang niya na dahil iyon sa pagiging malihim ng binata sa kanya. Dahil sa mga pangyayari, unti-unting naging complicated ang pagkakaibigan nilang dalawa. Mas gumulo pa lalo dahil sa isang hindi inaasahang insidente—Haru kissed her.
Hindi malaman ni MK ang gagawin sa pagtatapat ni Haru dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nilang iningatan sa paglipas ng panahon. Everything got messed up and the next thing she knew, Haru was already saying good-bye to her. Ano’ng gagawin niya?

8. PHR 5393 Kung Para Sa`Yo by Andie Hizon


Si Novie ay ultimate fan ni Fitzgerald Sasil, ISA sa mga pinakasikat na local actors sa bansa. Mas kinarir niyang i-stalk si Fitz sa SOCIAL NETWORKING SITES kaysa maghanap ng trabaho. Ganoon siya ka-die-hard na fan.
Until she decided to meet Fitz in person. At ang paraan? Ang pagsali sa The Lesbian Pageant. Ang TLP ay isang segment ng noontime show kung saan isa sa hosts si Fitz. Kahit hindi siya lesbian ay sumali si Novie sa contest. Bahala na si Batman pero gusto talaga niyang makita si Fitz sa personal.
At nagtagumpay naman si Novie. Nanalo pa nga siya sa daily round ng contest. Iyon na rin ang naging daan para mas makilala niya si Fitz. Naging magkaibigan sila ng lalaki.
Sobra-sobra na iyon sa gusto niya kaya hindi niya mapigilang makonsiyensiya lalo pa at alam niyang hindi na lang paghanga bilang fan ang nadarama niya para kay Fitz.
Alam ni Novie na wala namang lihim na maitatago habang-buhay kaya inamin niya kay Fitz ang lahat. Nagkalamat ang pagkakaibigan nila. At tila huli na para isalba pa ang kung anumang relasyong mayroon sila.

9. PHR 5394 Dreams Of Passion 4: Duncan And Melina by Mandie Lee


Laking tuwa ni Melina nang nakilala na niya sa personal ang lalaking ayon sa kanyang panaginip ay nakatadhanang mapapangasawa raw niya. At bakit naman siya hindi matutuwa? Guwapo, edukado at mabait si Dixon. What more could she ask? Napakasuwerte niya!
Kasalukuyang nagkakamabutihan na sila ni Dixon nang umeksena si Duncan, ang identical twin nito na unang kita pa lamang ni Melina ay imbiyerna na agad siya. Kasi ba naman, nakasuot ang binata ng T-shirt na hapit sa katawan at may nakasulat pang FREE TASTE.
Oh, how she hated his guts! Lagi pang nagpapapansin si Duncan at ginawa na yatang hobby ang pag-display ng abs sa kanya.
`Kaso, pinaglaruan yata ng tadhana si Melina dahil nagtagpong muli si Dixon at ang first love nito. Saka niya naisip: hindi kaya si Duncan ang nakita niya sa kanyang panaginip at hindi si Dixon?
Ang mayabang, palikero, balahura at malanding lalaking iyon ang mapapangasawa niya? Oh, no! Anong kamalasan ito?!

10. PHR 5395 Celestine’s Imaginary Boyfriend by Maria Flora Celine


Career-driven si Celestine at ang tanging goal ay maging youngest partner sa pinapasukang LAW FIRM. And being a lawyer, she doesn’t want to cheat—sa kahit anong paraan.
Pero mukhang sa unang pagkakataon ay kailangang manloko ni Celestine. Kailangang papaniwalain niya ang boss at ang mga colleague na may boyfriend na siya.
Nakasalalay sa kanyang imaginary boyfriend ang pag-angat ng career. Ngunit dumating ang pagkakataon na Celestine’s imaginary boyfriend should come to life!
Enter Lucas Andres, ang master barista sa coffee shop ng pinsan ni Celestine.

Pinakiusapan si Lucas na maging date ni Celestine at pumayag naman ang binata. The deal was made—get to know each other for a week, attend the party, then part ways. Ang hindi inasahan ay ang mahulog sila sa ISA’t isa. But both of them were hurting from past betrayals and they were not really looking for a real relationship.
Could their pretend relationship turn to something real o may expiration date ang kanilang “so-called love affair”?
Back to top Go down
 
October 1, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News 28 October 2014
» Ek Haseena Thi 8th October 2014 Watch Online
» Aur Pyaar Ho Gaya - 22 October 2014 - Written Update
» Cover and Feature in Newsweek October 10, 2014 Issue
» Sasural Simar Ka 13th October 2014 Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: