HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 24, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 24, 2014 Book Release   Wed Oct 08, 2014 5:34 am

1. PHR 5378 Walang Hindi Magmamahal by Amanda


Pinaglayo ng malagim na pangyayari sa nakaraan sina Kirsten at Benjamin, kaya kahit sino ay magsasabing imposibleng mahalin ng binata si Kirsten. Pero hindi mapipigilan ang puso kapag tumibok. At ang isang guwapo at makisig na sundalong kagaya ni Benjamin ay mahirap tanggihan.
Kirsten fell in love with Benjamin. Kahit pa nga noong una ay nilinaw ni Benjamin na hindi nawawala sa puso nito ang galit sa pamilya ni Kirsten.
Pinili ni Kirsten na magbulag-bulagan kapalit ng pag-asang sapat na ang pag-ibig para kalimutan ni Benjamin ang nakaraan.
Pero paano kung nagkamali siya?

2. PHR 5379 Reckless Driver, Wreckful Lover by Celestine


Sa araw-araw na pagtatrabaho ni Carmela bilang isang traffic enforcer, normal na sa kanya ang makisalamuha sa mga pasaway na motorista. Kaya nang isang Nissan Skyline ang walang habas na humarurot sa kalsada itinatak niya sa utak ang plate number ng sasakyan. Ipinangako ni Carmela na kapag muli niyang nakita ang naturang sasakyan, tuturuan niya ng leksiyon ang driver.
At sinuwerteng muling nagtagpo ang mga landas nila ni Benjamin Laxamana—ang pinakamayabang at pinakapasaway na driver na nakilala niya. Ang lakas ng loob ng lalaking magpa-cute sa kanya pagkatapos sabihing wala itong dalang lisensiya. Si Benjamin ang tanging driver na labis na nakapagpainit ng ulo ni Carmela… at nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.

3. PHR 5380 Silk And Lace Series 3: In My Dreams  by Camilla


Halos sabay na lumaki sina Rhonwyn at Doroy dahil na rin sa kanilang mga ama na matalik na magkaibigan. Kaya naging malapit din sila sa ISA’t isa. Tulad ng kanilang mga ama, dedikado sila sa trabaho bilang mga alagad ng batas. Kaya wala silang panahon na pagtuunan ang love life.
Kaya nang malaman nilang pareho pala silang kinukulit ng kani-kanilang ina na mag-asawa na, bigla na lang sinabi ni Doroy na silang dalawa na lang daw ang magpakasal. Tutal matagal na rin silang magkakilala at tiyak daw na ikatutuwa iyon ng namayapa na nilang mga ama.
May hatid na tuwa ang bagay na iyon kay Rhonwyn, lalo at noon pa man ay inaalagaan na niya sa kanyang puso ang lihim na damdamin para kay Doroy. Kung sana ay may ganoon ding damdamin para sa kanya ang binata...

4. PHR 5381 Silk And Lace Series 4: Lost Without You by Camilla


Ganoon na lang ang pagka-shock ng reporter na si Enid nang makita ang bangkay ng isang babae. It was like staring at her own corpse. Dahil sa pagiging magkamukhang-magkamukha nila ng biktima, naging espesyal sa kanya ang kasong iyon. Sa pag-iimbestiga ay lumapit si Enid kay Agathon Aguirre, ang huling lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa biktimang napag-alaman niyang “Grace” ang pangalan.
Siguro nga ay estranged twins sila ni Grace. Dahil tila pareho din sila ng taste sa lalaki.
Umibig si Enid kay Agaton at pikit-matang isinuko ang sarili sa binata kahit alam niyang wala iyong patutunguhan…

5. PHR 5382 Ukay-Ukay Girl And The Hard Court Heartthrob by  Maria Flora Celine


Nakakatanggap ng love letters si Drew sa isang admirer na nagtatago sa pangalang “Shy Girl.” He became curious about the sender who was breaking and invading his locker so he began to investigate. Hanggang isang araw ay nakita niyang binubuksan ng isang babae ang kanyang locker. He took a video of her putting the letter inside his locker and confronted her. But Andie denied everything.
Napag-utusan lang daw itong gumawa ng sulat at ilagay ang mga iyon sa kanyang locker. May kutob si Drew na hindi ito nagsasabi ng totoo. Kaya ginamit niya ang video para i-blackmail ang babae. Ang tanging plano niya ay pakiligin nang husto si Andie hanggang sa umaming ito si Shy girl. Pero nag-backfire ang kanyang plano dahil unti-unti ay nahulog ang loob niya sa dalaga. Naniwala siyang hindi si Andie si Shy Girl dahil hindi ito ang tipong magtatago sa kanya ng tunay na saloobin. Suddenly, he’s no longer interested to unveil the mystery of his secret admirer. Mas gusto na niyang tuklasin kung may pagtingin si Andie sa kanya.

6. PHR 5383 The Bridesmaid, The Willing Groom, And The Unexpected by Keene Alicante


Kahit ilang beses nang nakakasalo ng wedding bouquet ay hindi pa rin nagiging bride si Aura. Well, not that it mattered to her. Abala pa naman kasi siya sa kanyang career at palagay niya ay magiging sagabal lang doon ang pagkakaroon ng love life. Wala rin siyang pakialam kung ang mga nakapaligid sa kanya ay nai-stress na dahil single pa rin siya.
Ngunit nagbiro ang tadhana.Sa isang hindi inaasahang pangyayaring hindi maipaliwanag ng siyensiya, nangailangan si Aura ng asawang ihaharap sa high school reunion niya. At wala siyang maisip na puwedeng pumatol sa kalokohang naiisip kundi ang iisang tao lang: si Rion Avendaño, ang lalaking walang ginawa kundi sirain ang araw niya tuwing minamalas na nagsasanga ang kanilang mga landas. Pero dahil walang choice, ayaw man niya, ay pikit-matang inalok ni Aura ng proposal si Rion.
“Sinabi mo kanina na ‘no feelings involved’ sa gagawin nating ito. Pero hindi rin kita masisisi kung pagkatapos ng performance ko, totoong pakasalan mo na ako. Well, I wouldn’t blame you if you eventually fall for my charms.”
Tumaas lang ang isang kilay ni Aura. Imposible kasing ma-in love siya kay Rion dahil dinaig pa nila ang aso’t pusa tuwing mag-aasaran. Kahit na nga ba sabihing once upon a time ay totoong nahulog siya sa so-called charms na ipinagyayabang ng binata sa kanya.

7. PHR 5384 Ang Stalker Kong Pag-Ibig by Julianna Ran


Matagal nang may gusto si Monet kay Ezra. Ang kanyang dating simpleng crush sa lalaki noong bata pa sila ay nauwi na nang tuluyan sa pag-ibig habang lumalaki sila. Pero ang Hcrodes.napakasuplado at tila balc-wala lang ang pagpapakita niya ng damdamin. Pero hindi siya basta-basta sumusuko. Kaya kabaliwan man.umabot pa sa punto si Monet na naging "stalker" na siya ng binata para lang hindi ito malayo sa kanya.
Hanggang sa isang araw, bigla na lang nagising si Monet sa sinasabing "kagagahan" niya. Paano'y, nakita niya na may kahalikang ibang babae si Ezra! Noon na-realize ni Monet na mali pala na minahal niya ang lalaki at pinag-alayan ng lahat ng kanyang panahon. Kaya naman matigas na ipinangako niya sa sarili na kakalimutan na si Ezra at ibabaon na sa kailaliman ng lupa ang kanyang nararamdaman.
Ngunit para namang nakakaloko kung magbiro ang tadhana. Dahil kung kailan iniiwasan na niya si Ezra, ang lalaki naman ang parang baliw na dikit nang dikit sa kanya at basta na lang sumusulpot kung nasaan siya. Kaya ang tanong ng sambayanan: Sino ngayon ang "stalker" nino?

8. PHR 5385 His Beautiful Surrender by Marione Ashley


May sakit sa puso si Coffee. Tuwing inaatake ng sakit ay nawawalan siya ng pag-asang gumaling, nawawalan ng ganang mabuhay. Dahil din sa sakit niya kaya ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na iibig uli. Ayaw niyang masaktan ang lalaking mamahalin kapag nawala na siya.
Hanggang sa nakilala ni Coffee ang binatang doktor na si Ares. Tinulungan siya ng binata na makita kung gaano kasarap ang mabuhay. Tuwing nalulungkot siya ay nasa tabi niya ang binata, inaaliw at pinapalakas ang kanyang loob. Hanggang sa inamin ni Ares na mahal nito si Coffee. Subalit kung kailan handa na si Coffee na isantabi ang pangakong hindi na iibig ay saka naman niya natuklasan ang totoong dahilan kung bakit siya tinulungan ng binata.

9. TRN 29 One Dance With You by Tessa Radley (translated by Jade Alleje)


Para kay Laurel Kintanar, ang pagsasaya sa Las Vegas kasama ang isang guwapong lalaki ay isang bagong karanasan. Bilang isang matinong babae, walang ginawa si Laurel sa buong buhay niya kundi kumilos sa paraang alam niyang maganda at mabuti para sa mga mata ng ibang tao—kahit pa sa bandang huli ay problema at pagkaligalig lang ang idinudulot sa kanya.
Ang magpakasawa sa pamamasyal kasama ang kaakit-akit na si Rakin Abellana ay isang masarap na pag-iilusyon. Napakasarap kaya humantong si Laurel sa pagpayag sa isang marriage of convenience para makuha ni Rakin ang mamanahin nito. Ngunit ang pagiging mag-asawa lang sa papel ay mas nakatutukso kaysa sa kanilang inaasahan.
At agad-agad naramdaman ni Laurel na ang mga patakaran sa kanilang pansamantalang pagsasama bilang mag-asawa’y nagdudulot na ng pagpapahirap sa kanya…

10. TRN 30 Pure Heiress, Bartered Wife by Caitlyn Crews (translated by Janis delos Reyes)


Buong buhay ni Gabrielle ay naging sunod-sunuran siya sa gusto ng kanyang ama.
Umaasa siyang sa pamamagitan niyon ay mamahalin siya nito kahit kaunti. Ngunit sa halip na pagmamahal ang matanggap, ipinakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kay Luke Garnet.
Sa umpisa pa lang ay malinaw na kay Gabrielle na katulad ng kanyang ama si Luke—na tuluyan niyang maiwawala ang katauhan kapag nagsama na sila bilang mag-asawa. Kaya nagdesisyon siyang takasan si Luke. Magsisimula siya ng bagong buhay nang malaya.
Ngunit nasundan siya ni Luke at pinarusahan sa kanyang pagtakas—sa pamamagitan ng halik na bumago sa lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Natagpuan na lang ni Gabrielle ang sariling umiibig sa asawa. Pero bukod sa walang tiwala sa kanya si Luke, hindi niya rin makukuha ang puso nito…
Back to top Go down
 
September 24, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hum Hain Na 4th September 2014 Written Episode
» Jodha Akbar 15th September 2014 Watch Online
» Qubool Hai 30th September 2014 Watch Online
» Holy Sheet! Enty Lawyer Blind Item Revealed September 19 2014
» [Panel] Over the Rainbow [September 8th 2014 - September 11th 2014]

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: