HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 18, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 18, 2014 Book Release   Wed Oct 08, 2014 5:01 am

1. PHR 5368 Gael Belmonte’s Runaway Bride by Vanessa


Buong buhay ni Audrey ay nais niyang paluguran ang ama kaya nang sabihin nitong ipakakasal siya kay Gael Belmonte na isang business associate ay agad siyang pumayag.
Gael was arrogant and domineering. Audrey hated the man. Sa isang mapangahas na desisyon, nagpasya siyang iwan ang lalaki sa araw ng kanilang kasal.
Ngunit agad siyang nahanap ni Gael. At ipinakita ni Gael na iba na ito sa lalaking una niyang nakilala. Soon, Audrey found herself wanting to come back to him… But she doubted his intentions. Did he really love her?

2. PHR 5369 Can’t Live Without You by Gazchela Aerienne


Mula pagkabata ay itinatangi na ni Gio sa puso si Ayessa. At naghihintay lang siya ng tamang panahon para magtapat. Hanggang isang araw ay ginulat siya ng dalaga sa balitang “finally” raw ay nagka-boyfriend din ito. Iginalang niya iyon. At gustuhin man ni Gio ay hindi niya nagawang tuluyang putulin ang komunikasyon kay Ayessa kahit ang kapalit niyon ay malalakas na dagok sa kanyang damdamin.
Pero ngayon ay nagpasya na siyang gawin ang lahat mapasakanya lang ang pag-ibig ni Ayessa. Hindi niya hahayaang sirain ng dalaga ang buhay nito dahil lang sa isang kasintahang manloloko.
Subalit paano ba magagawang paibigin ni Gio ang babaeng ni minsan ay hindi siya tiningnan nang lampas sa pagiging kaibigan?

3. PHR 5370 As Long As I Have You by Camilla


Pambayad-utang. Iyon ang inakala ni Lexi na ginawa sa kanya ng kanyang ina. Pero sa lahat naman ng may pautang, si Zane Kimionis pa ang super-galanteng magpa-“suweldo” sa serbisyo ni Lexi.
Nagsimula sa isang hamon ang pagiging magnobyo nila, hanggang sa lumobo at maging full-blown ang atraksiyon nila sa ISA’t isa. Natanto ni Lexi, kay Zane lang yata siya lalagpas sa limitasyong itinakda niya sa sarili. Kaunti pa ay baka mahirapan na siyang magpigil…

4. PHR 5371 Hidden Identity by Laurice del Rio


Naintriga si Mira sa lalaking nakita niya sa bar. Nag-uumapaw ito sa kaguwapuhan ngunit halatang may mabigat na pinagdaraanan. At nang makita ni Mira na mukhang may mga nagbabalak ng masama sa lasing na lalaki ay iniligtas niya ito.
Napag-alaman ni Mira na Aaron ang pangalan ng lalaki at hinahanap nito ang half brother na Steven daw ang pangalan. At suwerte namang kilala niya si Steven dahil best friend niya ang hinahanap na lalaki at sigurado siyang hindi ito makikipag-usap kay Aaron. Alam niyang nasusuklam si Steven sa half brother nito dahil sa pang-iiwan ni Aaron noong mga bata ang dalawa. Dahil doon ay gusto ni Mira na pagbatiin ang magkapatid kaya umisip siya ng paraan—palalabasin niyang manliligaw niya si Aaron.
Ililihim din niya kay Steven ang tunay na pagkatao ni Aaron.
Hanggang sa nahiling ni Mira na sana ay totoong nanliligaw si Aaron sa kanya.
Mukhang dininig naman ang kanyang panalangin—dahil bukod sa naging sweet sa kanya si Aaron ay sinabi nitong gusto rin siya ng lalaki. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang ay umasta ito na para siyang may ketong at basta na lang iniwan.

5. PHR 5372 Lucky Charm by Celestine


Perfect. Iyan ang deskripsiyon ni Charm sa relasyon nila ng nobyong si Evan. Kaya naman ikinabigla niya nang labis nang isang araw ay tinangkang makipaghiwalay sa kanya ng nobyo. At nang mga panahong “on the rocks” ang relasyon nila ni Evan, isang Lucky de Guzman ang bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Labis ang pagkainis na kanyang naramdaman sa lalaki. Bukod kasi sa napakakulit, hindi nagustuhan ni Charm ang pagsunod-sunod nito sa kanya saan man siya magpunta. Subalit nang sunod-sunod na kamalasan ang dumating sa dalaga, si Lucky ang tanging taong dumamay at tumulong sa kanya.
Doon unti-unting nagbago ang pagtingin ni Charm kay Lucky. Hanggang sa namalayan niya na unti-unti na ring napapalitan ni Lucky ang puwang ni Evan sa kanyang puso. At kung kailan handa na siyang aminin kay Lucky ang tunay na nararamdaman, saka naman niya natuklasan na ang lahat ng ipinakita ni Lucky ay pulos pagpapanggap lang.

6. PHR 5373 With All My Mind by C.L. Marie


Tatlong bagay ang tatatak sa sino man kapag nakilala si Cassandra de Guia. Maamong mukha, mahahabang legs, at isandaan at animnapung IQ.
Napag-aralan na niya ang mga lalaki at kayang makipaglaro sa kanila. Sa paghahanap ng perpektong lalaki para sa kanya, hindi kailanman pinairal ni Cassandra ang puso bago ang utak. She always picked her men for shrewdly logical, cerebral reasons.
Hanggang sa magkrus ang mga landas nila ni Alejandro, ang lalaking tumugma sa lahat ng hinahanap niya. May isang problema lang—ayaw ni Alejandro sa kanya. Pero tulad ng palaging nangyayari kay Cassandra, ISA iyong paligsahan na balak niyang pagtagumpayan na parang isang trivia test. Kung hindi nga lang nakialam ang tanga niyang puso.

7. PHR 5374 Felt So Right by Misty Ice


Ang tanging pinangarap ni Abby ay ang makapagtrabaho sa F magazine, ang sikat na fashion and lifestyle magazine sa bansa. Subalit hindi niya inakalang makikilala niya si Luke, ang sikat din at guwapong basketball player na ubod ng suplado. She instantly liked him, kahit na sablay ang ugali ng binata. Naisip niyang si Luke na ang lalaking kokompleto sa mga pangarap niya.
Kaya lang ay dead-ma ang beauty ni Abby kay Luke. Palagi rin siyang sinusungitan at iniinsulto ng binata kapag nagkikita sila. But she was Abbygale Torres. At hindi siya ang tipong basta-basta na lang sumusuko. Luckily, fate intervened dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makalapit kay Luke dahil sa trabaho niya.
It was shooting two birds with one stone. And it looked like her effort paid off dahil unti-unting umamo sa kanya ang binata at naging mas malapit sila sa ISA’t isa. She saw the different side of him that made her fall for him completely. And when she thought they were already sharing something special, bigla na lang nagbago ang magiliw na pakikitungo ni Luke sa kanya…

8. PHR 5375 Like A Shooting Star by Camilla


Dumating si Sokratis Kimionis at ginulo ang tahimik na buhay ni Drusilla. Mula sa pagiging masungit ay unti-unting bumait kay Dru ang binata hanggang sa maramdaman ni Dru na may pagtingin ito sa kanya. Nagpatangay siya at nagpatupok sa apoy ng atraksiyon nila sa ISA’t isa.
Pero ano nga ba ang dapat panghawakan ni Dru? Siya at si Sok, ang tunay na intensiyon sa kanya ng lalaki, at ang mga alaala ng nakaraan...
Saan sila hahantong?

9. PHR 5376 For Real by Hazyl del Carmen


“You would need to marry me.” Iyon ang kondisyong hinihingi ni Francis, ang boss ni Riwa, kapalit ng pagbabayad nito sa mga utang ng kanilang pamilya. Malaki raw ang utang-na-loob ng lolo ni Francis sa namayapa niyang lola. Unrequitted love din daw ng lolo nito ang kanyang Lola Felisa at siguradong matutuwa raw ang matandang lalaki kapag sila ang nagkatuluyan. Isang bagay raw iyon na matagal nang pangarap ng lolo nito, at kapag natupad daw iyon ni Francis, he would inherit his grandfather’s fortune.
Nakita ni Riwa ang alok bilang sagot sa kanyang mga problema kaya walang pagdadalawang-isip siyang pumayag. Besides, it wouldn’t be a bad marriage. Pakakasal lang naman siya sa pinakaguwapong lalaking nakilala niya. Sisikapin na lang niyang huwag seryosuhin ang kasal na iyon na nabuo lang dahil sa isang kasunduan.
Pero hindi pala ganoon kadali iyon tulad ng inaasahan ni Riwa. She couldn’t resist Francis’ charm and everyday she was falling helplessly in love with her husband.
She wished everything would be for real. Pero paano mangyayari iyon gayong may ibang babae sa puso ni Francis?

10. PHR 5377 About A Girl by Rose Tan


Naniniwala si Tootsie sa pag-ibig na wagas at iyon ang ike-claim niya ngayong nagbalik na siya from the Land of the Rising Sun.
Kaso, may girlfriend na pala si Arkin—ang pag-ibig na ike-claim niya. At kung hindi ba naman may malisya pa sa kanya si Arkin, bakit nito iisiping anak nila si Impang, ang kapatid niya sa labas?
Na-encourage ang puso ni Tootsie at tuluyang pinaniwala si Arkin na, oo, nagbunga ang wagas nilang pagmamahalan noon.
Pero, ang hirap magsinungaling. Ang unang hiling ni Arkin, ipagamit kay Impang ang pangalan nito. Nasaan daw ang BIRTH CERTIFICATE?
Hala, hindi ba puwedeng magmahalan muna uli sila?

11. PHRGR 31 The Maestro by Victoria Amor


Simple ang pamumuhay ni Crissa sa isang malayong barangay sa Legaspi City kasama ang ama niya at mababait nilang kapitbahay. Kontento at masaya siya sa buhay na malayo sa siyudad. Ang lugar nila ang itinuturing niyang tahanan kung saan malaya siyang nakakagala at sumusubok ng kung ano-anong mga bagong laro na madalas ay nagdadala sa kanya sa kapahamakan noong bata pa siya—na hindi naman natutuloy dahil may laging nagliligtas sa kanya.
Hindi niya akalain na pagtuntong niya ng disiotso ay unti-unting guguluhin ng mga weird na panaginip at kakaibang kakayahan ang tahimik niyang mundo. Sa mga panahong naguguluhan siya ay iisang tao lang ang tinatakbuhan niya—si Zefro, ang magsasakang itinuturing niyang Maestro na nakatira sa gitna ng gubat. Naiintindihan siya nito at hindi itinuturing na weirdo. Sa lahat ng pagkakataon ay bukas sa kanya ang kubo nitong inilalayo nito sa lahat. Napalapit siya nang husto kay Zefro at ang lalaki ang sinandalan niya sa mga pagkakataong natatakot siya at hindi na maintindihan ang mga nangyayari sa kanya.
Buong-buo ang tiwala ni Crissa kay Zefro na hindi man lang sumagi sa isip niya na ito mismo ang susi para malaman ang malaking lihim tungkol sa kanyang pagkatao.
Paano niya tatanggapin na ang lalaking pinagkatiwalaan niya, ang lalaking napamahal nang husto sa kanya ay hindi pala totoong tapat at mapagkakatiwalaan?

12. PPS 18 Ang Diary Ng Chubby by Vanessa


Ako si Yuli. Mataba ako. Malaki ang tiyan pero hindi ako buntis. Kapag yumuko, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng mga tao base sa aking timbang. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng bilbil at baba ko.
Ito ang aking kuwento: ang pakikipagsapalaran ng isang babaeng maraming CELLULITE sa mundo kung saan galit ang mga tao sa fats, kung saan ang mga chakang boylet ay feeling utang-na-loob namin sa kanilang pansinin kami—excuse me po, kahit mataba ay may taste din—kung saan mas pinipili ng mga boylet ang mga chaka kaysa sa matataba—takot sigurong madaganan.
Paano kung sa paghahanap ko ng boylet ay isang bampira ang matagpuan ko? Puwes, buong puso kong ipapasipsip sa kanya ang mga fats ko. Puwede kaya?
Ito ang heavy-gat na kuwento ng buhay at pag-ibig ng babaeng nagtampisaw sa labas ng bahay noong araw na magsabog ng fats ang langit. Ito ang diary ng mataba, na pasosyalin natin ang tunog at gawing Diary ng Chubby.

13. RR 4 Fieriest One Of All: Skin by Vanessa


ONCE UPON A TIME, in a kingdom filled with magic and mystery, there lived a beautiful farmer's daughter named Roswitha. Nakatakda para sa isang simpleng buhay si Roswitha kung hindi lamang nagyabang ang kanyang ama sa hari, at sinabing kaya niyang humabi ng ginto mula sa dayami. Agad ipinatawag si Roswitha sa palasyo at doon, mga dayaming pumupuno sa isang silid ang kailangang gawing ginto ng dalaga.
Ang kapalit kapag hindi niya nagawa ay kamatayan.

Ngunit walang taglay na anumang mahika si Roswitha upang lumikha ng ginto. Sa gitna ng kanyang pag-iyak ay dumating ang isang matipunong lalaking may mga matang kulay-karagatan, at mga tainga na patusok ang hugis. ISA itong nilalang ng hiwaga, batid ni Roswitha, at ang tanging makakapagsalba sa kanya...

HIS NAME WAS RUMPELSTILTSKIN, elven prince, whose sister was driven to madness by the cruel human king. Isinumpa ni Rumpelstiltskin ang paghihiganti sa hari ano man ang mangyari. Naghintay siya ng tamang tiyempo, at narito na iyon sa harap niya. He was certain that the greedy king will marry the girl who can spin straw into gold. But the king will not have a virgin bride. He will make sure of that. He was going to bed this future queen very, very soon... SKIN is an erotic retelling of the classic fairy tale Rumpelstiltskin.

14. TLB 2 The House Of The Spirits by Isabel Allende (translated by Rosario L. Torres-Yu)


Ang marubdob na pag-ibig, pakikibaka, at mga sekreto ng pamilyang Trueba ay nagpatuloy sa tatlong henerasyon at sa isang siglo ng mararahas na pagbabago na nagtapos scf isang krisis na naglagay sa hambog at mapang-aping patron at sa kanyang minamahai na apo sa magkabilang panig. Sa gitna ng rebolusyon at kontra-rebolusyon, binigyang buhay nl Allende ang isang pamilyang ang mga pribadong ugnayari ng pag-ibig at pagkasuklam ay higit na masalimuot at nagpapatuloy kaysa sa mga politikal na paninindigan nq naghihiwalay sa kanila sa isa't isa.

15. TRN 35 My Sister The Vampire 7: Lucky Break by Sienna Mercer (translated by Rhealeen Valenzuela)


Super excited sina Ivy at Olivia. Inimbitahan sila ng kanilang tiyahin sa mother’s side na magbakasyon sa rancho nito. Pero walang alam ang kanilang tiyahin tungkol sa pagiging bampira ni Ivy. At nang matakot ni Ivy ang paboritong kabayo ng tiyahin nila—si Lucky—at tumakbo papasok sa gubat ang kabayo ay kailangang mahanap ito ng kambal. Dahil kung hindi ay mabubuksan ang isang kabaong ng mga sekreto.
Samantala, magtatanghal ng Romeo and Juliet ang kanilang eskuwelahan—pero hindi gusto ni Olivia ang cast, kahit siya pa ang nakuhang gumanap bilang Juliet.
Paano ay hindi ang kanyang boyfriend na si Jackson ang magiging Romeo kundi ang pinakanakakainis na “beast” sa buong Franklin Grove. Asang-asa pa naman si Olivia na dahil sa dula ay magaganap na ang inaasam-asam niyang first kiss nila ni Jackson.
Back to top Go down
 
September 18, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hum Hain Na 4th September 2014 Written Episode
» Jodha Akbar 15th September 2014 Watch Online
» Qubool Hai 30th September 2014 Watch Online
» Holy Sheet! Enty Lawyer Blind Item Revealed September 19 2014
» [Panel] Over the Rainbow [September 8th 2014 - September 11th 2014]

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: