HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 10, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 10, 2014 Book Release   Thu Sep 18, 2014 10:44 am

1. PHR 5357 Maggie Diaries 5: Rend And Sew by Nikki Karenina


I was once a victim of hope, dreams and love. They’re all farce and ugly. Kaya ngayon, nangako ako sa sarili kong hinding-hindi na ako maniniwala sa mga iyon. Until my first love—actually, the only man I loved—came back to my life. My stepbrother Dwight Hontiveros—every girl’s dream guy.
Kung dati’y may simpleng “shield” ang puso ko para hindi na ako masaktang muli, ngayon ay gumawa na ako ng wall na kasintibay ng Great Wall of China sa palibot ng puso ko. Unfortunately, planong gawin ni Dwight ang lahat para tibagin ang “great wall” na iyon. Kaya nagkaroon tuloy ng pagtatalo ang puso’t isipan ko.
Mind: Ignore him. You’re over him.
Heart: Oh, really? Paano kung ayaw ko?
Mind: Ako ang masusunod. That’s why I’m placed above you.
Heart: But I’m stronger.
Now, why does my heart talk that way?

Yours,
Nicole

2. PHR 5358 A Destiny’s Game by Celestine


Dalawang linggo bago ang engagement ni Cassandra, naisip niyang magbakasyon—sulitin ang mga natitirang araw ng pagiging malaya at gawin ang mga bagay na hindi pa nagagawa sa buhay bago siya ikasal. Nagpunta siya sa Cagayan de Oro at doon ay nakilala ang isang misteryosong lalaki sa katauhan ni William. Hindi maipaliwanag ni Cassandra kung bakit sa isang iglap ay nakaramdam siya ng matinding atraksiyon na nauwi sa pagbibigay ng sarili sa lalaki.
Wala sa plano niya ang makipag-one-night stand! Pero lalo pang naging komplikado ang lahat dahil ang one-night stand na nangyari sa kanila ay nasundan pa ng isang gabi.
At ng isang gabi pa. At ng isa pa…

3. PHR 5359 Taking Chances by Keene Alicante


Raina became passive because her heart was broken by Livius, the very first man she fell in love with. After that, she never had any successful relationships. Kaya hindi na siya gaanong interesadong makipag-meet-and-greet sa mga lalaki.
Enter a friend of her who was very eager to introduce her to whoever men there was, para lang hindi magkatotoo ang pangamba ng kanyang mga magulang na magiging single siya forever. Kailangan daw mag-relax ni Raina para luminaw ang inaagiw niyang utak. So her friend proposed a weekend getaway.
Napadpad sila sa isang beach and nature club. Maganda ang lugar at talaga namang nakaka-relax. Subalit nasira ang pagre-relax ni Raina nang malamang ang makakasama sa cottage ay walang iba kundi ang lalaking ayaw na niyang makita—si Livius. Ang ikinaiinit ng ulo niya, panay ang pa-cute ng lalaki na para bang hindi alam ni Raina na matagal na itong cute, panay ang buntot sa kanya saan man siya magpunta, at wala nang ginawa kundi itaboy ang lahat ng lalaking nagpapapansin sa kanya. At naiinis siya sa sarili dahil imbes na mainis kay Livius ay nagugustuhan pa niya ang ginagawa nito.

4. PHR 5360 Dream Of Passion: Nunzio And Isabela by Vanessa


Mga bata pa lang sila ay isang kaibigan na ang turing ni Isabela kay Nunzio. Si Nunzio ang tinaguriang “buntot” niya ng kanyang mga kaibigan dahil sunod nang sunod sa kanya saan man siya magtungo. He became her best friend. Through the years, Nunzio saw her struggles and was always there for her.
Hanggang sa sumapit ang sandaling kailangang pakawalan ni Isabela ang mga pangarap na binuo noon pa man, kasama ang lalaking inakala niyang magiging kabiyak. Ngunit nanatili lang sa tabi niya si Nunzio at natanto niyang ito ang lalaking nais niyang makasama sa habang-panahon.
Ngunit sa tagal ng panahong nagdaan, paano pa niya magagawang paniwalain si Nunzio na ito ang mahal niya… lalo na at mayroon na rin itong nobya ngayon?

5. PHR 5361 Ipagpatawad Mo by Aya Myers


Para kay Nikka, kailangan niyang iwasan ang campus heartthrob at mayaman pero playboy na si Nicolo. Na-love at first sight daw kasi ang lalaki at gusto siyang gawing girlfriend. Pero bukod sa hindi naman niya priority ang pakikipagrelasyon ay alam ni Nikka kung gaano ka-notorious si Nicolo pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga babae.
Kaya ayaw niyang maniwala kahit sinasabing sincere daw ito sa panliligaw sa kanya.
Pero nang matuklasan ni Nicolo ang kanyang pinakatatagong lihim, si Nikka na mismo ang nag-alok sa sarili na maging girlfriend ng binata kahit hanggang sa maka-graduate lang sila ng college. Pumayag din siya on one condition in which both of them agreed upon while “in a relationship”—ang magkunwaring ipakita na in love sila sa isa’t isa.
Sa paglipas ng mga araw na itinakda sa kanilang “relasyon,” alam ni Nikka na hindi siya nagkukunwari sa pagpapakita ng pag-ibig sa binata. Kaya ginawa niya ang lahat upang maiparamdam iyon kay Nicolo. At kahit na bigla na lang umalis para mag-aral sa abroad si Nicolo nang walang paalam, naiwang umaasa si Nikka na sa pagbabalik nito ay maging totohanan na ang kanilang relasyon.
Lumipas ang ilang taon at muli nga silang nagkita ni Nicolo. Pero mukhang nakalimutan na siya ng binata at hindi na nito naaalala ang kanilang nakaraan…

6. PHR 5362 Charming The Evil Queen by Maricar Dizon


Dahil sa utang-na-loob, nagpakasal si Katrina sa isang lalaking lampas-doble sa kanyang edad. Nang pumanaw ang kanyang asawa isinakatuparan niya ang huling habilin nito. Ginawa ni Katrina ang lahat kahit pa lumabas na siya ang masama at kontrabida sa lahat ng mga tao, kahit sa stepdaughter niyang si Sydney. Pinamunuan niya ang billion-peso company na naiwan ng asawa dahilan kaya lalong maraming nagalit at nangutya sa kanya. They all regarded her as the social climber, gold digger villain.
Hanggang dumating sa buhay niya si Neil, ang kanyang bagong executive assistant. Iba si Neil sa lahat ng lalaking nakilala ni Katrina. Bukod sa ubod ito ng guwapo, ang binata lang ang taong hindi siya itinuturing na kontrabida. Nang magsimulang may magbanta sa buhay niya ay palaging nasa tabi si Neil para protektahan siya. Neil slowly melted the wall she created around herself. Unti-unti, natagpuan ni Katrina ang sariling nahuhulog sa binata.
But she knew Neil was not for her. He was a prince and a knight in shining armor. Habang siya ay may papel na dapat gampanan at isang pangakong kailangang tuparin. After all, sa mga fairy tale, wala namang happy ending ang isang tulad niya.

7. PHR 5363 Teenagers In Love 1 We Simply Fit Together by Jelaine Albert


Sa dinami-rami ng babae sa mundo ay sa isang Antonette Araujo pa na-in love si Evan noong sixteen years old siya. Isang boyish na dalagita si Tonet at tila parating siya ang target na pag-practice-an ng mga technique sa judo at karate. Gayunman ay hindi natigatig si Evan. Ginawa pa rin niya ang lahat upang magkalapit silang dalawa.
Ngunit tinanggihan si Evan ni Tonet dahil daw sa kanyang hitsura. Dahil doon ay nagsikap siyang baguhin ang sarili. Makalipas ang sampung taon ay nagtagumpay siya. Pero kahit wala na ang makapal na salamin at hindi na rin siya payat ay tila wala pa ring pag-asang magustuhan din siya ni Tonet. And not even a kiss could bend her.
At kahit gustuhin man ni Evan na tumigil na at lumayo na sa dalaga ay hindi naman niya kaya. His heart seemed to be exclusively hers.

8. PHR 5364 The Breakers Corazon Sociedad 8: Vincent Fabella by  Venice Jacobs


Isang pangyayari sa buhay ni Sophia ang naging dahilan kaya naisip niyang ilapit ang sarili sa kilalang businessman na si Vincent Fabella. Hindi man niya gustong makasama ang lalaki, kailangan niya namang gumawa ng paraan para mahulog ang loob nito sa kanya. Napakalaki ng kasalanang nagawa ni Vincent Fabella sa kanya. Ito ang dahilan ng kanyang pagdurusa. Ito ang dahilan ng kanyang kalungkutan. At sisiguruhin niyang ibabalik niya sa lalaki ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Sophia would definitely shatter Vincent’s life and his heart, iyon ang ipinangako niya sa sarili. Wala na siyang pakialam sa sarili o sa kung anupaman.
Subalit ang hindi maunawaan ni Sophia ay kung bakit nagpapadala siya sa kabaitang ipinapakita ni Vincent tuwing magkasama sila.
No! Hindi maaaring ma-involve ang puso niya sa planong paghihiganti! Hindi maaari!

9. PHR 5365 Once Upon A Summer In Baler by Nicka Gracia


Pinakiusapan si Rachel ng kanyang tiyahin para pamahalaan ang resort nito sa Baler, Aurora. Agad na pumayag si Rachel. Ang buong akala niya ay resort lang ang kanyang pamamahalaan. Hindi niya inaasahang gugustuhin na rin niyang maging caretaker ng guwapong kapitbahay nilang si Miguel.
Handang-handa pa naman sana si Rachel na yakapin ang kanyang solitude at soul-searching kung hindi lang nabulabog ni Miguel na taglay yata ang lahat ng “ubod”—ubod ng guwapo, ubod ng macho, ubod ng tangkad, at higit sa lahat, ubod ng sungit at suplado. Pero dahil kinarir ni Rachel ang pagiging caretaker ng resort at ni Miguel, pakiramdam niya ay na-extend ang kanyang summer fling papunta sa “rainy days with love.”
Ngunit sadya yatang hindi pa season ng puso ni Rachel para umibig. Natuklasan niya na ang ama ni Miguel na hindi nito mapatawad ay walang iba kundi si Uncle Ben na stepbrother ng kanyang daddy.
Paano pa niya ika-career ang “rainy days with love” kung pabalik na sa “summer draught” ang pakikitungo ni Miguel sa kanya?

10. PHR 5366 Isang Rosas, Isang Pag-Ibig, Isang Ikaw by Victoria Amor


Buong pusong tinanggap ni Gabrielle ang isang napakahirap na role—ang maging ina ni Avi na anak ng kanyang adopted sister. Sa pagtanggap niya sa role na maging ina ay kinalimutan niya ang sarili. Si Avi na ang naging sentro ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Hindi niya gustong maranasan ni Avi ang kanyang dinanas bilang ulilang nagkaisip sa ampunan.
Dumating ang panahong dumarami na ang tanong ni Avi tungkol sa tunay na ama—na sa litrato lang nila nakilala.
Pagsapit ng sixth year birthday ni Avi ay hiniling ng bata na makasama ang ama. Inimbitahan ni Gabrielle si Liam De Nava ngunit hindi siya umasang darating ang lalaki.
Ngunit dumating si Liam. At ang pagbabalik ng lalaki sa Pilipinas ang magpapabago ng buhay ni Gabrielle at maglalantad din sa isang lihim na ipinagkait sa kanila ng yumaong ina ni Avi…

11. STI 17 Stallion Island Andreev Montinola by Sofia


Si Andreev Montinola ang first love ni Jazzmire. Sa kasamaang-palad ay binasted siya ng lalaki.
Sa muli nilang pagkikita sa Stallion Island, siya ang nanalo sa isang dating game na kasali si Andreev. Sa kasamaang-palad uli, pinagbintangan nito si Jazzmire na tina-trap para makasal sila.
She just hated him. Give up na talaga si Jazzmire. Pero hindi inaasahan ay natikman niya ang halik ni Andreev—at nangalog ang mga tuhod niya. Isusugal ba uli ni Jazzmire ang kanyang puso sa dragon lord ng Stallion Island?
Back to top Go down
 
September 10, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hum Hain Na 4th September 2014 Written Episode
» Jodha Akbar 15th September 2014 Watch Online
» Qubool Hai 30th September 2014 Watch Online
» Holy Sheet! Enty Lawyer Blind Item Revealed September 19 2014
» [Panel] Over the Rainbow [September 8th 2014 - September 11th 2014]

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: