HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 September 3, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: September 3, 2014 Book Release   Mon Sep 08, 2014 1:23 am

1. PHR 5348 A Sweet Dal by Nikki Karenina


Nakitaan ni Jazz ng potensiyal ang ideyang gawing girlfriend si Heart na maging epektibong paraan upang lubayan siya ng mga babaeng nakarelasyon niya noon na hindi pa rin siya nilulubayan hanggang ngayon. Pero hindi si Heart ang tipo ng taong papayag nang ganoon na lang kaya pinaghandaang mabuti ni Jazz ang gagawing proposal. Ang kapalit ng pagpapanggap ng dalaga na girlfriend niya ay ang pagpapatayo ng sariling health and wellness shop na matagal na nitong pangarap.
Pero bawat kasunduan ay may kaukulang batas na dapat sundin.
“Kapag may lumabag sa rules na ibinigay, that means forfeiture of the deal from his or her side.”
At nalabag ni Heart ang rule no. 4: bawal ang ma-in love.

2. PHR 5349 Love And Despair by Mellicent Martinez


Kamukhang-kamukha ni Elly si Ysabella Merantez, ang kapatid ni Yan Merantez na pumanaw dalawang taon na ang lumipas. Hindi sila kambal, hindi sila magkaano-ano at magkaiba sila sa maraming bagay. The only thing they had in common was their facial features. At ang mukhang iyon ang nag-ugnay kay Elly sa mga Merantez, lalo na kay Loraine, ang ina nina Yan at Ysa na may malalang sakit.
Loraine was dying and she was living in an illusory world where Ysa was still alive. Naniniwala ito na nasa bakasyon lang si Ysa, na babalik pa ito. Yan made Loraine’s illusion happen by hiring Elly as Ysa’s proxy, to make his mother happy and make life easier for her until her last day.
Pumayag si Elly kahit alam niya kung gaano kakomplikado ang sitwasyon. Sa bagong buhay niya ay nakilala niya ang nobyo ni Ysa na si Jacob at ang best friend nitong si Mirah. Jacob was against their idea and Mirah loathed her. Hindi kasama si Jacob sa “script” nila ni Yan but Jacob always played the role of a hero, saving her as the damsel in distress from a witch named Mirah. As days passed, Elly found herself falling in love with Jacob despite his not-so-good treatment of her. And as the clock ticked by, Loraine was getting weaker and weaker.
Hanggang sa dumating ang araw na kailangan nang magpaalam ni Elly—kay Jacob at kay Loraine. Nahiling niya na sana, siya na lamang si Ysabella at hindi ang proxy nito.

3. PHR 5350 To Get Back At Love by Dawn Igloria


Hindi balanse ang equation sa war ni Rose May kay Jonathan.
Nasagasaan ni Jonathan ang pinakamamahal niyang Pomeranian puppy na ikinamatay niyon. Pinaliguan siya ng putik ng pickup truck na minamaneho ng binata, pinagbintangan siyang magnanakaw at pipi, pinalayas sa sarili niyang bahay at sinira pa nito ang diskarte niya sa pagiging self-appointed detective.
At sa napakaraming atraso ni Jonathan sa kanya, kung hindi man aksidente lang ay lagi nang justified ang mga iyon.
Unfair talaga ang buhay, himutok ni Rose May. At wala siyang naiganti kay Jonathan kundi ang subuan ito ng sabon, pagtarayan ito at pintahan ng graffiti ang sasakyan nito—na pawang intentional at self-incriminating. Ang masakit, lumalabas na siya pa ang may utang kay Jonathan. “In time, I’ll collect my due,” sabi nitong nang-aakit.
Hindi dapat maakit si Rose May dito. Hindi pa siya nakakaganti. But before she could find ways to get even, Jonathan was already out of the picture.
Limang taon pagkaraan, muli silang nagkita. Lalong gumuwapo si Jonathan, mas nagkaroon ng character ang hitsura, mas lumakas ang animal appeal, mas naging sexy.
Hindi pa rin ito naniningil, at nakalimutan na niyang gumanti. Ang gusto na lang ni Rose May ay magbayad kay Jonathan—one hundred million kisses—kahit mapudpod pa ang mga labi niya.

4. PHR 5351 The Start Of Something Beautiful by Kayla Caliente


Ewan kung epekto ng biological clock niya na pumapaspas na ang andar, nagising na lang si Ruby isang umaga na gusto na niyang magka-fafa. At ang napili niyang pagdiskitahan, ang longtime friend na si Donny. At bakit nga ba hindi? Taglay ni Donny ang lahat ng kuwalipikasyon ng isang lalaki na papasa sa panlasa ng kahit yata pinakapihikang binibini.
Maganda ang posisyon ni Ruby. Sa palagay niya, mula sa pagiging close friends, kaunting kembot lang ay mapapadpad na sila ni Donny sa pagiging lovers. At kekembot na nga dapat siya.
Pero may panira ng diskarte—ang nagbabalik-bayan sa buhay ni Donny na si Chelie. Mula noon—at mukhang hanggang ngayon—ay kinababaliwan ni Donny si Chelie. Mabuti na lang at may nahanap na resbak si Ruby para tumulong na pigilang magkaigihan ang dalawa. Si Gian.
But Gian turned out to be more fascinating than she thought. So fascinating that she started liking him. More and more with each passing day.
Ang kaso, si Chelie ang gusto ni Gian. Iiyak na lang ba siya sa isang tabi o si Donny na lang uli ang pipiliin?

5. PHR 5352 Right This Time by Camilla


Wala sa hinagap ni Camia na mapapansin siya ni Reddick, ang suplado at playboy na kuya ng kaibigan niya, but he did. At hindi lang iyon, pinagpanggap pa siya ng binata na girlfriend nito. Iyon ay para mapatunayan sa pamilya ni Reddick na naka-recover na ito sa pagiging brokenhearted nang iwan ng girlfriend.
Alam ni Camia na kailangan niyang magpigil ng damdamin hanggang kaya niya, pero hindi niya magawa. Wala namang dapat ipag-alala roon dahil sa katagalan, ang kanilang “pagpapanggap” ay tila nauuwi na sa totohanan. Mukhang sineseryoso na ni Reddick ang mga pag-aasikaso at paglalambing sa kanya. May plano pa nga ang binata na yayain siyang magpakasal.
Pero biglang sumulpot ang ex-girlfriend ng binata at sinabing babawiin nito si Reddick mula sa kanya.
Gusto sanang ipaglaban ni Camia ang pag-ibig sa lalaki. Pero paano niya gagawin iyon kung ni minsan, sa kabila ng mga nangyayari sa kanila, ay wala siyang narinig na sinabi ni Reddick na mahal na siya nito…

6. PHR 5353 Nar’yan Palagi by May Ramos


Sa una pa lamang ay malaki na ang disgusto ni Naya Millan kay Dillon Devantes. Manloloko raw kasi ang binata, tulad ng dating kasintahan niya. Kaya nang mag-offer ito ng friendship ay tinanggihan niya. Sa kabila niyon ay bigla na lamang itong sumusulpot sa paligid niya.
Pero kung gaano kabilis na nabuo ang pagkayamot ni Naya sa binata, ganoon din iyon kabilis na natunaw nang makita na niya ang totoong pagkatao nito.
Pero may isang sekreto pala si Dillon Devantes na siyang susubok sa lumalalim na samahan nila. Isang sekreto na magiging daan para malaman niya kung gaano na kahalaga sa kanya ang binata.
Naghihintay na lamang si Naya ng tamang tiyempo kung kailan masasabi na niya ang lihim ng kanyang kaibuturan, nang out of the blue, ay makita niya ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya.
Ano ang kinalaman ng babae sa kanila ni Dillon?

7. PHR 5354 Dreams Of Passion Book 1: Melchiorre And Mira by Vanessa


Natagpuan ni Mira ang sariling pumapasok sa isang komplikadong sitwasyon dala ng mahigpit na pangangailangan. Magpapanggap siya bilang asawa ni Melchiorre Sandejas, CEO ng isang kompanya at isa ring pintor. Binago niya ang kanyang mukha upang gampanan ang papel. Sa pagkakaalam ni Melchiorre, siya si Casilda, ang asawang kinamumuhian.
Isa lamang iyong trabaho, sinabi ni Mira sa sarili. Ngunit natagpuan niyang nahuhulog ang loob niya kay Melchiorre at tila ganoon din ang lalaki sa kanya.
Paano kung matuklasan nito kung sino talaga siya? Magagawa pa ba nitong patawarin siya? At paano kung magbalik na ang totoong Casilda?

8. PHR 5355 Dreams Of Passion Book 2: Kenobi And Amber by Mandie Lee


Malaga! nang kinalimutan ni Amber ang childhood crush na si Kenobi Celeste na nag-reject sa kanya noon. Kaya nagulat siya nang ito ang nakita sa panaginip na siyang mapapangasawa raw niya. Ang supladong mukhang palakang bukid na iyon? No way!
Hindi sineryoso ni Amber ang panaginip, kahit pa mala-erotica ang mga eksena nila roon ni Ken. Ngunit muling nagkrus ang mga landas nila ng binata. Paanong ang mukhang malnourished na palakang bukid noon ay isa nang napakaguwapo at machong lalaki ngayon? Did a princess kiss him to transform him into a gorgeous, hottie prince?
All of a sudden, Amber found herself falling for Ken again. And this time, she was falling harder. Kung ito ba naman ang nakatakda raw na mapapangasawa niya, then fine!
Ngunit may problema: suplado pa rin si Ken sa kanya at patuloy siyang iniiwasan. Nanganganib yatang hindi matupad ang sinasabi ng panaginip!
But what Amber wants. Amber gets. Gagawin niya ang lahat upang magkalapit sila ni Ken, kesehodang magsinungaling siya sa lalaki...

9. PHR 5356 The Four-Day Love Story by Gazchela Aerienne


Tinanggap ni Ryemielyn ang alok na kasal ng kasintahan niyang si Zero. Subalit sa mismong araw ng kasal ay noon pa siya tinopak—tinakasan niya ang lalaki. The next thing she knew, nasa Quezon Province na siya, tangay ang sasakyang palihim niyang sinakyan. At sa kamalas-malasan, hindi akalain ni Ryemielyn na ang lalaking nagmamay-ari ng kotse ay si Torque, ang lalaking hindi na niya inasahang makikita pang muli. Dahil maski si Torque na ang pinakaguwapong lalaki na nakilala niya ay ang may pinakamagaspang na pag-uugali sa lahat ng magaspang ang ugali.
Mabuti na lang at may natitira pang kabutihan sa puso ni Torque dahil pumayag ang lalaking manatili siya sa lungga nito for a week.
Ilang araw pa lamang ang lumipas ay natagpuan ni Ryemielyn ang sarili na nahuhulog sa lalaki.
Subalit naisip niyang hindi tamang isugal niya ang puso sa isang lalaking wala namang pakialam sa kanya. Napatunayan niya iyon nang matapos ang ilang araw ay ipinagtabuyan na siya nito. And there was nothing she could do but accept the fact that she was nothing but just one of the lead characters in an unhappy ever-after four-day love story.
Back to top Go down
 
September 3, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Hum Hain Na 4th September 2014 Written Episode
» Jodha Akbar 15th September 2014 Watch Online
» Qubool Hai 30th September 2014 Watch Online
» Holy Sheet! Enty Lawyer Blind Item Revealed September 19 2014
» [Panel] Over the Rainbow [September 8th 2014 - September 11th 2014]

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: