HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 27, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 27, 2014 Book Release   Mon Sep 08, 2014 1:00 am

1. Luna Ville Series 7 Precious Grandfather Clock ( I Will Save You) by Luna King


Lumantad na ang organisasyong nais wasakin ang Luna Ville. At bilang isa sa mga pangunahing tagapangalaga ng Luna Ville, si Charly ang naging utak ng mga estratehiya ng grupo para masigurong ligtas ang kanilang village.
Si Charly na rin ang nagtalaga sa sarili na bantayan ang pinakamapanganib nilang kalaban—ang “scheming beast.” Sa kabila ng pagiging kaduda-duda ng binata, naniniwala pa rin si Charly na hindi totoong ito ang mastermind ng lahat ng mga pag-atake sa Luna Ville.
Because whenever she looked at him, all she could see was not a dangerous man, but a lonely, wounded child. Hindi alam ni Charly kung bakit ang lakas ng koneksiyon niya sa lalaking may mapait na nakaraan.
Hanggang isang araw, nagpakita na lang si Luna Queen sa kanya at idineklarang ang scheming beast ang soul mate niya. Gusto sana niyang matawa, pero nahulog na ang loob niya sa binata, kahit hindi dapat.
Ngayon tuloy, naiipit si Charly sa pagitan ng katapatan niya sa Luna Ville, at sa damdamin niya para sa scheming beast na isang kaaway…

2. PHR 5340 Worth The Wait by Fatima O’ Hara


Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment.
Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo.
Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan.
Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya—mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya…

3. PHR 5341 It Started With A Trip by Serafina  


Walang nagawa si Tessa nang isama siya ni Clayton sa paghahanap sa mga nawawala nilang kapatid. Pinagbibintangan kasi ng antipatikong si Clayton ang kapatid niya na dinukot ang bunso nitong kapatid. Bukod doon ay ipinagpipilitan ng lalaki na alam ni Tessa kung saan dinala ng kuya niya ang kapatid nito.
Nagbanta pa si Clayton na sasampahan ng kaso ang kuya niya nang malamang nagpakasal sa probinsiya ang kuya niya at ang kapatid nito. Desidido si Clayton na paghiwalayin ang dalawa na mariin niyang tinutulan. Nagbanta si Tessa na lalabanan si Clayton nang ngipin sa ngipin kung pakikialaman nito ang pagsasama ng dalawa.
Ngunit bago pa magawa ni Tessa ang banta ay hinalikan siya ng binata.
Diyata’t mas nakalimutan pa niya ang banta kaysa sa halik ni Clayton.

4. PHR 5342 The Complicated Escape by Amy Loryn


Sinisi ni Rainheart ang sarili nang hindi niya nailigtas ang mga mahal niya sa buhay sa kamatayan. Kaya lumayo siya, nagpunta sa probinsiya ng dati niyang yaya at itinago ang tunay na pagkatao. Nagtrabaho siya bilang isang cook sa mansiyon ng mga Cuevas.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napagkamalan ni Rainheart na magnanakaw si Gene Cuevas, ang isa sa mga apo ng may-ari kaya nahampas niya ang lalaki ng vase sa ulo. Upang hindi mapaalis dahil sa kanyang pagkakamali at tila pamba-blackmail na rin sa kanya ng binata, pumayag si Rainheart na sumama sa bahay ni Gene upang magsilbing cook. Hindi naman niya naisip ang posibilidad na maaaring mahulog ang kanyang loob sa guwapo, ngunit manipulative na lalaki dahil alam niyang they were both in a relationship, idagdag pang hindi naman sila magkasundo. Iyon ang isa pang pagkakamali ni Rainheart. Dahil sa iilang araw pa lang na nakasama at nakilala si Gene, unti-unti siyang napalapit sa binata lalo na at hindi naman siya nito tinrato na isang kasambahay.
Naging masaya si Rainheart kasama si Gene. Ngunit alam niyang magiging napakakomplikado ng lahat—dahil may mga tao silang masasaktan—kung ipagpapatuloy nila ang atraksiyong nararamdaman sa isa’t isa. At kapag nalaman ni Gene na nagsisinungaling siya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, tiyak na magagalit ito. Kaya ang tanging paraan na naisip niya ay lumayo nang tuluyan at tumakas kagaya ng dati, kahit ang kapalit niyon ay ang mawala ang lalaking tunay na minahal.

5. PHR 5343 When Caleb Falls In Love by Lianne Gonzales


Caleb enjoyed women a lot. Para sa kanya, ang mga babae ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo. Hindi nagustuhan ng mga kuya niya ang pagiging mapaglaro niya sa mga kalahi ni Eba kaya hinamon siya na iwasan ang mga babae. Kapag nanalo siya, ibibigay ng dalawang kapatid ang tiglimang porsiyento ng shares ng mga ito sa kompanya ng pamilya. Kapag natalo naman siya, kailangan niyang ibigay ang sampung porsiyento ng shares niya sa dalawa. Dalawang buwan ang itatagal ng hamon. Torture iyon para kay Caleb, lalo na at lapitin siya ng mga babae. Para siyang baliw na umiiwas kapag lalapitan siya ng mga babae. Kaya upang manalo sa hamon ng mga kapatid ay umuwi siya sa San Luis. There he was reunited with his longtime mechanic best friend, Troian. Alam ni Caleb na kapag si Troian ang makakasama niya ay siguradong mananalo siya sa hamon. Why, Troian was not a temptation for any man. Lesbian ang tingin niya sa kaibigan. She preferred T-shirts, jeans, and rubber shoes over blouses, skirts, and stilettos. Safe na safe siya kay Troian. Until she showed up in a body-hugging dress that showed her long legs and sexy back…

6. PHR 5344 Ang Torpe Kong Pag-Ibig by Julianna Ran


Nalaman ni Ten-ten mula sa best friend niya na may gusto raw sa kanya ang best friend ng kakambal niya na si Newton. Hindi siya makapaniwala sa balitang iyon dahil sa totoo lang, sa tinagal-tagal na panahon na nakilala niya si Newton, walang ibang ginawa ang lalaki kundi supladuhan siya. Pagkatapos, malalaman niya na may gusto pala ito sa kanya?
Pero hindi rin maitatago ni Ten-ten na nakaramdam siya ng kilig. Paano ba naman, noon pa man ay may gusto na rin siya kay Newton. Kaya hayun, hindi na siya makapaghintay na ligawan ng lalaki.
Iyon nga lang, mukhang malabo na magkaroon ng katuparan ang pinapangarap niya. Paano nga ba naman siya liligawan ni Newton kung noon ay sinusupladuhan siya nito at ngayon naman ay halos hindi na ito makapagsalita kapag nakikita siya? Bigla na lang itong natorpe sa kanya!
Saan nga ba papunta ang love story nila?

7. PHR 5345 Camp Speed 14: Why Are We Still Friends by Nikki del Rosario


Kathryn and Dennis had been best of friends like forever. Bata pa lang sila ay kasangga na nila ang isa’t isa. Si Dennis lang ang masasabi ni Kathryn na kaibigan niya. Ngunit nagbago ang lahat nang magtapat si Dennis ng pag-ibig sa kanya sa harap ng mga kaibigan ng lalaki. Ang ginawa niya? Tinakbuhan ni Kathryn si Dennis at iniwasan. Oo nga at pareho sila ng nararamdaman ngunit ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kapag hindi naging matagumpay ang relasyong bubuuin nila.
Pagkalipas ng maraming taon, ang akala ni Kathryn ay nagbago na ang lahat sa pagitan nila ni Dennis. Ngunit laking gulat niya nang muli ay magtapat na naman ng pag-ibig sa kanya ang kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon ay tinanggihan niya si Dennis. Ngunit bakit ganoon na lang ang pagrerebelde ng kanyang kalooban nang dumating ang pinsan niyang unang pag-ibig ni Dennis at nabale-wala siya?
Kakainin na ba ni Kathryn ang sinabing hindi niya sisirain ang pagkakaibigan nila o hahayaan na lang na maging masaya si Dennis sa piling ng pinsan niya?

8. PHR 5346 Truly, Madly, Crazy, Deeply In Love With You by Bethany Sy


May misyon si Cristina: ang mabawi ang nawawalang paborito niyang pocketbook na akda ng kanyang ina. Isang sikat na manunulat ang ina ni Cristina at ang librong iyon ang tanging alaalang naiwan nito sa kanya.
Ang salarin: ang campus heartthrob ngunit pasaway na si Brice Edward Harrison.
Pero nang susugurin na niya ang lalaki ay bigla siyang tinakasan ng tapang. Halos manginig siya nang mapagmasdan ang kaguwapuhan nito habang naglalaro ng football sa field. Pero guwapo na kung guwapo, kailangan pa rin niyang mabawi ang pocketbook.
Kinompronta niya si Brice. Hindi naman nito itinanggi ang kasalanan. Pero may ibinigay itong kondisyon para isauli sa kanya ang libro. Napilitan si Cristina na pumayag na lang kahit mangangahulugan niyon ang madalas nilang pagkikita. Hanggang unti-unting nahulog ang kanyang loob sa binata. Namalayan na lang niyang in love na siya kay Brice.
Diyata’t mas handa pa siyang makuha ang puso ng binata kaysa makuha ang pocketbook.

9. PHR 5347 The Breakers Corazon Sociedad 7:Daniel Fabella by Venice Jacobs


Stefany must be friends with Daniel Fabella, an international car racer, ang pinakamadaling lapitan sa lahat ng mga kabarkada nito. Iyon lang ang paraan para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa “society” ng magkakaibigan: ang The Breakers Corazon Sociedad. Alam niyang si Daniel lang ang makakatulong para sa career niya. Magandang topic sa magazines ang samahang iyon, kaya kailangan niyang malaman ang lahat tungkol sa “society” na iyon.
Pero mukhang nagkamali si Stefany ng nilapitan. He never talked about their society, iniinis lang siya ng lalaki tuwing magkikita sila. Bakit ba siya nagtitiyagang lapitan ito gayong wala naman pala siyang mapapala? But there was something in this handsome car racer’s smile that makes her heart stop beating for a while.
Back to top Go down
 
August 27, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Doli Armaanon Ki 1st August 2014 Episode Watch Online
» Beintehaa - SBB Updates - 4th August 2014
» KumKum Bhagya - Written Update - 7 August 2014
» Tumhari Pakhi - Written Update - 8 August 2014
» Maharana Pratap - 12 August 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: