HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 20, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 20, 2014 Book Release   Mon Sep 08, 2014 12:43 am

1. PHR 5332 I’m Just A Girl by Camilla


Sumugod si Klia sa Negros upang sorpresahin ang dating kaibigan na sumulat sa kanya at nag-imbitang magbakasyon siya sa probinsiya nito.
Kaya ganoon na lang ang kanyang panlulumo na bukod sa nabiktima siya ng snatcher, walang nakakakilala sa taong pakay sa bayang pinuntahan niya.
Mabuti na lang at pinatuloy si Klia ng guwapong si Rupert Cariazo sa bahay nito. Nagka-crush siya sa binata kaya pinili niyang manatili na muna roon.
Ngunit ang pagkaka-crush na iyon ay nauwi sa pag-ibig—damdamin na sa simula pa lamang pala ay wala nang kinabukasan na dapat asahan. Dahil si Rupert ay pag-aari na ng babae sa portrait na nakasabit sa dingding ng bahay nito…

2. PHR 5333 Seven Days To Forever by Anne Charlaine


Nakilala ni Lira si Gabriel nang pansamantalang tumuloy ang binata sa bahay nila habang nilalakad nito ang mga papeles papunta sa abroad para doon magtrabaho. Sa maikling panahong magkasama sila ay nabuo ang isang pag-iibigan. Ngunit dumating ang araw na kailangan nang umalis ni Gabriel. Sa pag-alis nito ay walang araw na hindi umiyak si Lira; labis siyang nangulila sa binata. Hindi niya alam kung muli pa silang magkikita, dahil wala naman itong iniwang pangako na babalik pa.
Gayunman ay matiyaga siyang naghintay. Hanggang sa napagod na ang kanyang puso. Pagkatapos ng ilang taong paghihintay ay nakatagpo si Lira ng bagong lalaking mamahalin.
Ngunit nagbalik si Gabriel. Nakatakda namang ikasal si Lira sa iba. Sa pagkakataong iyon ay nangako si Gabriel na gagawin ang lahat para bawiin siya.

3. PHR 5334 Cloak And Dagger 7: That’s The Beat Of A Heart by Dream Grace


Optimist si Jackielou, kaya sa kabila ng masamang karanasan sa dating nobyo—na kalaunan ay naging stalker niya—ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating balang-araw ang lalaking itinakda para sa kanya.
Sa pagdating sa buhay ni Jackielou ng estrangherong sinagip niya ay muli siyang nabuhayan ng pag-asang baka sa pagkakataong iyon ay ang lalaki na ang kanyang pinakahihintay. Mabilis na nahulog ang kanyang loob sa estranghero.
Subalit paano kung ang estrangherong nagpakilala bilang Travis Peters ay malaki pala ang koneksiyon sa dating nobyo ni Jackielou? Paano kung si Travis ay hindi pala talaga Travis ang totoong pangalan?
At ang mas malaking problema, si Travis mismo ay hindi alam kung sino talaga ito!

4. PHR 5335 Caught In Love by Maxine del Carmen


Hannica was a tough woman. Iyon ang nais niyang patunayan sa kanyang ama kaya nagpulis siya. At dahil sa katapangang iyon, hindi na niya kailangan ng isang lalaking mag-aalaga sa kanya. Hanggang dumating ang kamalasan sa buhay niya hatid ng isang lalaking napagkamalan niyang kidnapper: si Sid. Mula nang nakilala niya si Sid ay nagsunod-sunod na ang kamalasan niya sa buhay—mula sa sapilitang pagpapakasal niya sa lalaki at sa pag-alis niya sa serbisyo bilang pulis.
Pero habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila, nadidiskubre ni Hannica ang damdamin para kay Sid. At mukhang tama nga ang hinala niya na kidnapper ito—dahil kinidnap nito ang kanyang puso…

5. PHR 5336 The Woman He Loves by Rose Tan


Hindi pa nakontento ang mga mahal nila sa buhay na pagpanggapin sina Libby at Adam na may relasyon. Humirit pa na ipakasal sila, alang-alang daw sa bayan. Ang masaklap pa para kay Libby, inakusahan siya ni Adam na kasabwat sa pamimikot.
Ang sabi ni Adam, “I won’t marry you, Libby. I don’t love you.”
Kaya sumumpa si Libby, “Hahadlangan ko ang kasal ko!”
Pagkalipas ng isang linggo, ang huwes naman ang nagsabi, “You are now husband and wife.”
Paano magsasama ang dalawang taong hindi daw nagmamahalan?

6. PHR 5337 Say You’ll Stay by Saab de Andrade


Walang nagawa si Jolli nang sapilitan siyang ipadala ng kanyang mga magulang sa Pilipinas. Ang matindi pa, titira siya sa bahay ng pinakakinaiinisan niyang lalaki—si Romeo. Tiniis niya ang pang-iinis, pamimintas, at walang-pakundangang pang-aalipin sa kanya ng lalaki alang-alang sa kanyang mga magulang. Pero gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi niya kayang salubungin ang itim na itim na mga mata ng binata.
Ngunit sa kabila ng lahat, he taught her how to be an independent woman and how to love. Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay natuto si Jolli na magmahal nang tunay. Pero sa gitna ng masasayang sandali ay naroon ang isang katotohanang lahat ng ipinakita sa kanya ni Romeo ay dahil lamang sa isang malaking pabor.

7. PHR 5338 Forget Me Not by Gazchela Aerienne


Aeriella “Eilla” Eisenhauer is a brat-multibillionaire daughter. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Ngunit sa kabila ng karangyaan ay naghahanap ng seryosong relasyon. Hanggang sa nakilala niya si Akito, ang lalaking hindi yata aware kung sino si Eilla sa East Hampton.
Nakipaglapit si Eilla sa lalaki; pinatulan din naman ni Akito ang pakikipaglapit ng dalaga. She thought she already found the one. Pero isang araw ay biglang nawala ang kanyang the one.Umalis si Akito at nangakong babalik. Pero naka-graduate na’t lahat si Eilla ay hindi pa rin niya nakita kahit ang anino ng lalaki. Nagkrus lamang muli ang kanilang mga landas nang magbakasyon si Eilla sa Pilipinas.
She was sure he was that same guy. Pero paano tatanggapin ni Eilla na ang lalaking nakilala niya noon ay isa lamang kathang-isip? Na ang lalaking minahal niya ay wala nang natatandaang kahit ano tungkol sa kanya. Akito wasn’t Akito anymore. He was using a different name—Thaddeus Montreal.

8. PHR 5339 Love Like This by Charlene Granada


Pinalipat ka ng inn na dapat sana ay pagbabakasyunan mo. May dumating na kotse na heavy tinted ang salamin. Napataas ang kilay mo sa inis dahil siguradong ito ang dahilan ng pagkakalipat mo. At nang bumaba na ang may-ari ng kotse, ang boy band member at crush mo pala na si James ang taong iyon. Kung ikaw si Polly, ano ang gagawin mo?
a. Magtititili habang isinisigaw ang pangalan ni James?
b. Magpapa-autograph sa panyolitong dala-dala?
c. Iinom ng Sprite habang inaakit si James?
Sorry na lang si James dahil may saltik si Polly at sa halip na pumili sa mga nabanggit ay sinipa niya ang binata. Sino ba naman kasi ang hindi maaasar sa lalaking noon ay nanakit sa kanya at ngayon ay gumawa na naman ng kasalanan sa kanya? Pero bakit hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ang mas guwapo nitong mukha sa malapitan? At bakit madali niyang napatawad ang binata sa isang tingin pa lang nito?
Senyales ba iyon na dapat na niyang kantahin ang “Can’t I Love You” para sa binata?

9. PHRB 11 Luna Ville Series 6: Banished Memory Keeper by Luna King


Mula nang isa-isang ma-engage ang mga kaibigan at ang kakambal ni Melou, nahiling niya na sana ay dumating na rin ang lalaki para sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay nag-iisa na siya, lalo na at halos nakakulong lang siya sa Luna Ville.
Natupad naman ang kahilingan niya nang bumalik ang kaibigan nila mula sa London. He was known as Luna Ville’s best fighter. Guwapo at mayaman din ito ngunit arogante. Pero napakabait nito sa kanya. Noong panahong nalulungkot siya ay ito ang kasa-kasama niya. Hindi na kataka-takang mabilis nahulog ang loob niya sa lalaki.
But he was mysterious. Halos wala siyang ibang maalala rito maliban sa dalawang bagay: ang pangalan nito at ang dating ugnayan nito sa kaibigan niya. Naguluhan siya sa nararamdaman niya para sa lalaking hindi niya maalala—hanggang sa may nagdala sa kanya sa nilalang na nagtatago ng alaala sa Luna Ville. The memory keeper gave back her missing memories...
Na sana ay hindi na lang bumalik.

10. PPS 17 Angel Dust Trilogy 3: Rave by Vanessa


Isinumpa ni Aurora ang anghel na si Rav sapagkat nais nitong kunin siya tulad ng mga babaeng namamasukan sa eksklusibong bahay-aliwan ng kanyang ama. Gayunman, pinatunayan ni Rav na hindi ito katulad ng ibang mga anghel na sumira sa buhay ng kanyang pamilya. He showed her there were angels who were good. But then Aurora found out he only pretended to be good the whole time. He was, after all, the darkest angel’s bastard who had ever lived.
Kinuha ni Rav ang pinakamahalagang bagay sa buhay ni Aurora. At ipinangako ni Aurora sa sarili ang paghihiganti sa anghel…
Back to top Go down
 
August 20, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Doli Armaanon Ki 1st August 2014 Episode Watch Online
» Beintehaa - SBB Updates - 4th August 2014
» KumKum Bhagya - Written Update - 7 August 2014
» Tumhari Pakhi - Written Update - 8 August 2014
» Maharana Pratap - 12 August 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: