HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 13, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 13, 2014 Book Release   Mon Sep 08, 2014 12:18 am

1. PHR 5225 The Answer To My Prayer by Camilla


Hiniling ni Syrie sa Diyos na sana ay matagpuan niya ang isang lalaking iibigin at maaaring makasama sa buhay. Nakilala niya si Kurt—ang lalaking ilang beses ding nakasabay ni Syrie sa simbahan kung saan siya madalas magpunta.
Hindi maitatanggi na guwapo si Kurt, mahirap na hindi ito magustuhan.
At isa ring mabuting tao ang binata, iyon ang nadiskubre ni Syrie. Lalo pang lumalim ang pagkakakilala nila nang maging magkapitbahay sila. Siguro ay si Kurt na nga ang sagot sa hiling ni Syrie.
Pero may bahagi ng nakaraan ng binata na maaaring maging hadlang sa namumuo na sanang damdamin sa pagitan nilang dalawa.
Nagkamali pala si Syrie sa pag-aakala na si Kurt na ang sagot sa panalangin niya…

2. PHR 5324 Gamblers’ Ace by Wendy Shaw


Masaya na si Jeanie kahit sumulyap-sulyap lang kay Ace. Alam ni Jeanie na hindi na maibabalik pa sa dati ang pagkakaibigan nila lalo na’t may girlfriend na ang binata. Kasalanan din naman niya. Iniwasan niya si Ace matapos magtapat ng pag-ibig sa kanya noong high school. Huli na nang ma-realize niyang gusto rin niya ang binata.
Pero dahil sa di-inaasahang pangyayari, naging madalas ang pagsasama nila nang maging bassist si Ace ng pinakasikat na banda sa campus nila—ang Gamblers’ Band. Best friend kasi ni Jeanie ang drummer at kaibigan ang lahat ng miyembro ng banda.
Hanggang sa naramdaman ni Jeanie na wala na ang pader sa pagitan nila ni Ace. May nagbago sa pakikitungo ni Ace. Naramdaman ni Jeanie na espesyal siya sa binata.
Hindi nagtagal ay inanunsiyo ni Ace na liligawan si Jeanie.
Iyon ang matagal niyang hinihintay: kaya sinagot niya si Ace. Ang buong akala ni Jeanie ay perpekto ang relasyon nila. Ngunit paano pala kung panakip-butas lang siya at ginamit ni Ace para pasakitan ang ex-girlfriend nito?

3. PHR 5326 A Maty Go Mystery: Baby Blues by Rose Tan


Hindi na tumutol si Maty nang magpasyang mag-OFW muna sa Singapore ang kanyang esposo. Ang siste, naniniwala si Fernando na kapag na-miss nila nang husto ang isa’t isa, siguradong makakabuo sila ng baby pag-uwi nito.
At habang OFW ang asawa niya, ano ang gagawin ni Maty? Eh, di lumutas ng mga misteryo sa hapis. Kaya naisipan niyang sumama kay BFF Anette sa Baguio.
Ang kaso, wala palang misteryong naghihintay sa kanya roon. Ang mayroon lang, kapitbahay na naglalakad kapag tulog, tila may hinahanap.
Boring.
But when the neighbor sleepwalked to their house with a knife, it wasn’t boring anymore.
Something was fishy…

4. PHR 5327 Unwritten by Claudette Serene


Kung may sumalo ng lahat ng kababaan ng self-confidence at self-esteem sa mundo, si Shamara iyon. Gayumpaman, hindi iyon naging hadlang para makamit ang kanyang mga pangarap. She was a successful surgeon. But then again, it was still not enough.
Andrew was one big-shot architect and also the owner of a successful house construction and developing firm. Dahil sa status, plus kaguwapuhang taglay, maraming babae ang naghahabol sa kanya.
Ngunit hindi tulad ng ibang mga lalaki, hindi gusto ni Andrew na ang babae ang unang lalapit sa kanya. Mas gusto niyang siya ang unang lalapit.
When Shamara and Andrew’s paths crossed, Shamara found him so conceited and annoying, though she admitted to him that she found him handsome. Habang si Andrew naman ay halatang naintriga kay Shamara.
Paano magkakasundo ang isang babaeng kulang ng tiwala sa sarili at isang lalaking ubod ng yabang? Sapat na ba ang obvious na attraction nila sa isa’t isa para may patunguhan ang kanilang pagtatagpo?

5. PHR 5328 Nate, The Playful Kisser by Ella Raye Venice


A surprise blind date. Iyon ang inianunsiyo ng kaibigan ni Vanessa na si Aila pagdating nila sa isang cosplay party. Surprise din ang ka-date ni Vanessa kaya laking gulat niya nang si Nate pala ang lalaking sinasabi ni Aila. Si Nate ay ang playboy na anak ng kaibigan ng kanyang ama. Sinubukan ni Vanessa na lumayo kay Nate subalit parang glue na dikit nang dikit ang lalaki. Hindi man siya nakilala ay ipinangako ng lalaki na hahanapin siya.
Biniro pa siya ng tadhana dahil si Nate ang makakasama niya sa kanyang trabaho. Her feelings for him began to change as days passed by. Unti-unting nahulog ang loob niya kahit anong pigil niya. Lalo pa siyang nalito sa kanyang damdamin nang ligawan siya ng binata. Hindi pala siya immuned sa charm ni Nate tulad ng inakala niya.
Subalit kung kailan handa na siyang harapin ang damdamin at aminin kay Nate na mahal na niya ito ay saka niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya nito…

6. PHR 5329 Running After Yuan by Maxine del Carmen


Buhay-prinsesa ang buhay na kinagisnan ni Natalie kaya sanay siyang laging pinagtutuunan ng pansin. Despite the attention she was getting from her schoolmates, she felt alone. Then she met Angeles.
Magkaibang-magkaiba sila kaya hindi niya inaasahan na si Angeles ang taong dadamay sa kanya tuwing kailangan niya ng isang kaibigan. Habang lumilipas ang mga araw ay nagiging espesyal ang pagtingin nila sa isa’t isa. Ngunit nagkahiwalay rin sila dahil hindi tanggap ng mga tao sa paligid nila na ang isang mayaman na gaya niya ay espesyal ang pagtingin sa isang mahirap na kagaya ni Angeles.
Muling nagtagpo ang mga landas nila pagkalipas ng sampung taon. Hindi na naaalala ni Angeles si Natalie.
“Hindi kita kilala. And my name is Yuan. So, will you please excuse me?” Na-dead-ma ang beauty ni Natalie ngunit hindi siya makakapayag sa gustong mangyari ni Angeles kaya sinundan- sundan pa rin niya si Angeles para palambutin ang puso nitong tila naging bato.

7. PHR 5330 A Modern Girl’s Guide In Love by Lush Ericson


Sharry was a spoiled rich brat na itinuturing nang bahay ang mall. Isang shopaholic na may kumportableng lifestyle. But she would be put on a test for two weeks.
Ipinadala siya ng kanyang papa sa probinsiya at sapilitang pinatira sa bahay ng kaibigan para matutuhan daw niya ang simpleng pamumuhay. Doon ay nakilala niya si Arthur—ang masungit, kuripot, pero napakaguwapong anak ng kaibigan ng kanyang papa.
At habang tinuturuan ni Arthur na mamuhay nang simple, natagpuan na lang ni Sharry ang sariling nahuhulog sa binata. At mukhang na-in love din naman ito sa kanya.
O baka inisip lang niya iyon? Dahil mukhang hindi pa rin nakakapag-move on si Arthur sa ex-girlfriend nito na simple, walang luho, at responsable. In short, ibang-iba kaysa sa kanya. Pero mahal nga kaya siya ni Arthur? O isa lang siyang malaking rebound?

8. PHR 5331 The Breakers Corazon Sociedad 8: Justin Aguirre by Venice Jacobs


Alyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family.
Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga kaibigan. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend.
Pero isang aksidente ang nangyari sa kaibigan niyang si Liezl na naging dahilan ng pagkawala ng alaala nito. Napilitan siyang ayusin ang mga naiwang trabaho ni Liezl bilang isang sekretarya ng isang malaking kompanya. At hindi niya inaasahang makakasama sa trabahong iyon si Justin Aguirre, ang boyfriend ng kaibigan niya na hindi yata marunong ngumiti kahit minsan. Walang alam gawin si Justin kundi ang magtrabaho. Simula pa lang ay ayaw niya na sa lalaki dahil sa ugali nitong pang-ibang mundo yata.
Habang nasa ibang bansa at kasama si Justin ay unti-unting nahuhulog ang loob niya sa guwapong alien na ito. Bakit niya iyon nararamdaman? Hindi naman ito pumasa sa mga standards niya sa pagpili ng lalaking mamahalin, ah. At isa pa, hindi niya magagawang sulutin ito sa kaibigang may amnesia. She was a loyal friend, remember?
Back to top Go down
 
August 13, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Doli Armaanon Ki 1st August 2014 Episode Watch Online
» Beintehaa - SBB Updates - 4th August 2014
» KumKum Bhagya - Written Update - 7 August 2014
» Tumhari Pakhi - Written Update - 8 August 2014
» Maharana Pratap - 12 August 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: