HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 6, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 6, 2014 Book Release   Mon Sep 08, 2014 12:04 am

1. PHR 5223 Valencia Broods Series 6: Roel by Aya Myers


Unang nagtagpo ang mga landas nina Raven at Roel sa isang summer youth camp sa Wyoming. There, they spent a brief but passionate encounter. Maayos naman ang naging paghihiwalay nila. Subalit naglaro ang tadhana—dahil pagkaraan ng labing-isang taon ay muling nagtagpo ang mga landas nila.
Si Roel ay agad nakilala si Raven. Habang si Raven ay hindi maalala si Roel.
A car accident made her forget him.
But just like before, hinarap nila ang atraksiyong namamagitan sa kanila.
Kung kailan akala ni Raven ay perpekto na ang lahat, saka naman nasaksihan mismo ng mga mata niya ang kataksilan ni Roel. He was naked in bed… with another woman!

2. PHR 5316 The Breakers Corazon Sociedad 5: Raffy Choi by Venice Jacobs


Arrhea Aguirre was a very famous model and actress in South Korea. Bale-wala ang pagiging tanyag kung hindi niya naman magawang makuha ang puso ng pinakamamahal niyang best friend nasi Rafael. He was in love with somebody else at hindi niya magawang ibaling ang damdamin nito sa kanya.
Then she realized there was no way he could learn to love her more than a friend. Nanatili siya sa Seoul para makalimutan si Rafael. Doon ay nakasama niya si Raffy, ang kakambal ni Rafael. Pilit niyang nilalayuan si Raffy, pero dahil agency nito ang humahawak sa kanya ay wala siyang ibang choice kundi ang pakisamahan ang lalaki.
But unconsciously, nagugustuhan na rin ni Arrhea ang presensiya ni Raffy. He was not as bad as she thought. Nalipat na ba kay Raffy ang nararamdaman niya para sa kakambal nito? That was ridiculous. She was so tired of loving so much and ending up getting hurt. Hindi niya na gustong maulit ang sakit na naranasan sa kakambal nito.
Pero makulit ang puso niya. Hinahanap-hanap niya si Raffy. She would rather risk getting hurt than not knowing she could have a chance with him.

3. PHR 5317 Love Sparks by Dawn Igloria


Misyon ni Geah na hanapin ang gitara ng kanyang Lolo Baste. Natunton niya ang gitara sa huling nakabili niyon—si Sparks Narciso, isang guwapong guitar collector na taga-Antipolo.
Natuwa si Geah dahil sa wakas ay mapapasaya na rin niya ang kanyang lolo. Pero ayaw ibenta sa kanya ni Sparks ang gitara. Papayag lang daw ito kung papayag din siyang pagbigyan ito sa request na ten dates!
Nag-twerking bigla ang puso ni Geah sa kilig.

4. PHR 5318 He May Fall For Her by Luna King


Dolphin was so in love with Connor. Hindi siya umasang mamahalin din siya ng binata. Kaya ganoon na lang ang saya niya noong birthday niya dahil niyaya siya ni Connor na mag-date. Siyempre, hindi na nagpakipot pa si Dolphin. Ginawa niya ang lahat para maging “best girlfriend” nito, umaasang magkakaroon din ng tugon ang kanyang pagmamahal. Pero napagod na ang puso niya ay bigo pa rin siyang makamit ang inaasam. Hanggang sa natuklasan niya ang dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin ni Connor. May mahal na pala itong ibang babae, isang babaeng hindi nito puwedeng ibigin. Alam ni Dolphin na wala siyang kalaban-laban sa babaeng mahal ni Connor, pero sapat na ang nalaman niyang kaugnayan ng binata sa babae para s ahuli ay mapasakanya ang pag-ibig ng binata.

5. PHR 5319 Astoria’s Place 10: Finding Love At Astoria’s Place by Mei Sanchez


Matagal nang iniibig ni Apple si Paolo pero hindi naman siya napapansin ni Paolo bilang babae dahil ang isa pa nilang kabarkada ang gusto nito. But one night, she finally had her chance with him. May nangyarisakanila. Pero may downside dahil lasing na lasing si Paolo nang maganap iyon. She thought that was it, pero nabuntis si Apple dahil sa isang gabing kalokohan.
Determinado silang panindigan ang bata kahit hindi sila magpakasal. Pero nang magsama sila sa iisang bubong, Apple thought he was finally falling for her. Kaya nang yayain siya ni Paolo namagpakasal, hindi na siya nagpakipot. But he crushed her heart on their wedding day, dahil nalaman niya ang totoong rason kung bakit ito magpapakasal sa kanya.
Napaisiptuloy si Apple kung dapat ba niyang ituloy ang pagpapakasal o runaway bride na lang ang magiging drama niya.

6. PHR 5320 Lucky In Love by Bernadette Licarte


Labag man sa loob ni Carmela ay kinailangan niyang bumalik sa Dubai para sa isang malaking assignment. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan at ayaw niyang magkrus uli ang mga landas nila ng lalaking ginusto niyang kalimutan sa loob ng anim na taon.
Ngunit maliit talaga ang mundo. Muli silang nagkita ni Ahmir Nasser—ang kanyang dating boss. Taglay pa rin ni Ahmir ang mga katangiang kinabaliwan niya noon. Kung may nagbago man dito ay ang pagiging insistent nito na mapalapit sa kanya.
Nakakatunaw ang mga titig nito. Nakakalusaw ng puso ang matatamis na salita ngunit hindi siya dapat magpadala dahil baka mawala sa kanya si Miko—ang kanyang anak na carbon copy ni Ahmir.
Pero nakatakda na nga yatang maging magulo ang buhay na pinipilit ni Carmela na maging tahimik. Gustong magpakaama ni Ahmir kay Miko—gusto nitong kuhanin ang bata pero hindi siya.
Dobleng sakit iyon para sa kanya—ang malamang hindi siya kayang tanggapin ni Ahmir kundi si Miko lamang.

7. PHR 5321 Our Own Happy Ending by Gazchela Aerienne


Buong buhay ni Jessica, wala siyang ibang ninais kundi taas-noong maipakilala ng ama sa buong mundo. Subalit kahit ano ang gawin niya, tila malaki pa rin ang kulang. Kaya naman sa halip na ipagpilitan ang sarili sa kinikilalang pamilya ay pinili na lang niyang mamuhay sa Maynila, malayo sa mga taong kayang manakit sa kanyang damdamin. Pagkalipas ng maraming taon, kinailangang bumalik ni Jessica sa Cebu dahil sa isang pangako sa pinsan—kay Jerlyn. Ang usiserong kakilala ni Jerlyn—si Tyler—ang naatasang sumundo sa kanya sa airport.
Hindi pa doon natapos ang panto-torture ng tadhana kay Jessica. Dahil pagkatapos ng mahalagang okasyon sa buhay ng pinsan, hindi na siya tinantanan ni Tyler. Saan man siya magsuot, parati itong sumusulpot, palaging nag-uusisa. Iyon pa naman ang pinakakinabubuwisitan niya sa lahat. Kahit naipagtabuyan niya palayo at tarayan nang todo-todo ang lalaki ay hindi naman umeepekto. Hanggang sa nagawana nitong makalapit sa untouchable niyang puso.
Pero kung kailan naman natutuhan na ni Jessica na buksan ang sarili kay Tyler, saka niya nalaman na nakikipaglapit lamang pala si Tyler para tuparin ang pangako nito sa batang kaklase nito noong nasa nursery pa lamang sila. Pangako na halos nakalimutan na ni Jessica.

8. PHR 5322 When I See You Smile by Baby Lou Parks


Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance ng binata ay parang ipuipong tinangay ng hangin ang malaking paghanga ni Chazel. Naka-briefs lang kasi si Race sa higanteng billboard nito na nasa harap pa mismo ng opisina ni Chazel at ang dalaga ang nahihiya sa pagbuyangyang ni Race ng katawan. She was a conservative type of woman, at mahalay para sa kanya ang makakita ng mga lalaking halos nakahubad na.
Subalit tila pinaglalaruan sila ng tadhana dahil kahit saan magpunta si Chazel ay biglang sumusulpot si Race. He portrayed himself like a knight in shining armor to rescue a damsel in distress. At siya ang tinutukoy na damsel. Tulad ng ibang mga love story and fantasy, siyempre ay may kontrabida. Starr portrayed the “kontrabida” part.
Subalit kabaligtaran ang nangyari—ang kontrabida ang minahal ng hero.
How sad!

9. PPS 16 Seasons Of Angels Trilogy 3: You Found Me by Venice Jacobs


Buo sa isip ni Zachariel na maging isang ganap na arkanghel sa sandaling magtapos ang panghuling pagsubok at magbalik na siya sa Tierra Celes. Tiwala siya sa kanyang talino at kakayahan na makaangkop sa mundo ng mga mortal. Lalo pa at may kumupkop sa kanya na mabubuting-loob.
Ang hindi inaasahan ni Zachariel ay ang unti-unting paglapit ng kanyang loob sa mga miyembro ng pamilyang kumupkop sa kanya. Lalo nasa batang babae na si Paulee.
Tuwing mapapatingin siya sa ina ng bata na si Emma ay may kung anong damdamin na tila binubuhay ang babae sa kaloob-loobang bahagi ng kanyang pagkatao. At bakit habang tumatagal ay tila siya nakararamdam ng iba’t ibang emosyon gayong hindi iyon posiblesa isang tulad niya?
At sa huli… pipiliin ba ni Zachariel na kalimutan ang hangarin kapalit ang ilang sandali na maranasan ang pagmamahal sa huling pagkakataon?
Back to top Go down
 
August 6, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Doli Armaanon Ki 1st August 2014 Episode Watch Online
» Beintehaa - SBB Updates - 4th August 2014
» KumKum Bhagya - Written Update - 7 August 2014
» Tumhari Pakhi - Written Update - 8 August 2014
» Maharana Pratap - 12 August 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: