HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 30, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 30, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 3:28 pm

1. PHR 5309 Falling For An Unexpected Hero by Lexi Levina


Matagal nang kaibigan ng kakambal ni Sage ang binatang si Noah. Pero kung malapit si Noah sa kakambal ni Sage, kabaliktaran naman sila ng binata. Dahil ang tingin niya kay Noah ay isang tao na ginagamit ang charm at gandang-lalaki para makuha ang gusto. At para sa kanya ay masamang impluwensiya ang binata sa kakambal niya.
Isang araw ay nabigyan si Sage ng pagkakataon na makasama si Noah at maalagaan ang binata habang nagpapagaling mula sa tinamong sugat sanhi ng tama ng ligaw na bala. At natuklasan ni Sage ang
magagandang katangian ni Noah na taliwas sa pinaniniwalaan niya noon tungkol dito. Isa palang dakilang tao si Noah. Kaya dahil doon, nahulog ang loob niya sa binata.
Ang problema ay parang hindi sila bagay. Parang mas bagay si Noah kay Fiel na isa ring dakila. Simpleng tao lang kasi si Sage. Kailangan ba ay mag-iba siya ng pagkatao para lang bumagay siya kay Noah?

2. PHR 5310 The Accidental Husband by Joan Jean


Para tantanan na siya ng makukulit na tiyahin, nagpasya si Jinky na maghanap ng lalaking magpapanggap na boyfriend niya. Nakakita naman siya sa tulong ng kaibigang si Nikita—sa katauhan ni Enzo. May utang kasi si Enzo sa kaibigan niya at ang magpanggap si Enzo na boyfriend niya ang hiniling ni Nikita na kabayaran.
Sa malas, makakalimutin yata ang nagpapanggap niyang boyfriend dahil sa halip na “boyfriend” ay “asawa” ang nabanggit nito. Kaya ngayon, nagkaroon siya ng instant na asawa sa katauhan ni Enzo. At dahil nga mag-asawa sila, kailangan nilang magsama sa iisang bubong at umarteng parang tunay na mag-asawa.
Kahit pala makakalimutin ay mahusay namang aktor si Enzo kaya hindi nagtagal ay nadadala na siya sa pagro-role play nila bilang mag-asawa.
At ayaw man ni Jinky, gusto na niyang maging legal at panghabang-buhay ang pagiging Mrs. Enzo Mercado…

3. PHR 5311 Your Body Is A Weapon by Sheena Rose


At first glance, Jet seemed like a typical rocker. Ngunit sa likod ng kanyang tough exterior ay mayroon siyang malambot na puso para sa mga taong malalapit sa kanya. Matalas din ang kanyang pakiramdam dulot ng hirap na pinagdaanan noong kabataan niya.
Nang may magbukas na accounting firm sa itaas ng kanyang recording studio ay naantig ang kuryosidad ni Jet. Nagkahinala siyang may lihim na itinatago ang mga empleyado ng accounting firm at ang big boss ng mga ito na si Indira Gomez. He found her darkly mysterious and extremely desirable.
Kahit hindi alam ni Jet kung anong panganib ang sinusuong ay hinangad pa rin niyang mapalapit sa dalaga. Isusugal niya ang lahat ng mayroon siya, maski buhay niya, mapasok lang ang mundo… at puso ni Indira.

4. PHR 5312 My Dear Stranger by Camilla


Dahil sa pagbagsak ng kalusugan at sa pressure mula sa mga kaibigan, tumulak mag-isa si Kaishie para magmukmok sa kanyang rest house sa Boracay. Sa barko, isang guwapong estranghero ang kanyang nakilala—at dala ng panandaliang kahibangan, they had a one-night stand.
Tinakasan ni Kaishie ang estranghero nang mahimasmasan, ngunit ganoon na lang ang shock niya nang sa pagdaong nila sa paroroonan ay mabaril at mapatay ang lalaki.
Hindi alam ni Kaishie kung bakit, ngunit nagluluksa siya sa pagkamatay ng estranghero. Mas nawindang siya nang magsimula itong “magpakita” sa kanya sa mga hindi niya inaasahang pagkakataon…

5. PHR 5313 Astoria’s Place 9: Corporate Lawyer, Trent Labao by Mei Sanchez


Mula nang makita ni Gloriette si Trent sa first day nila sa law school ay naging ultimate crush na niya ang binata. He embodies his ideal man:
mas matangkad sa kanya, saksakan ng guwapo at lakas ng sex appeal, matalino, at bukod sa mabait ay perfect hero pa. Wala na siyang mahihiling pa, kasi lahat ng gusto niya ay na kay Trent na.
Hindi naman siya nabigong mapalapit kay Trent dahil naging magkaibigan sila at magkabarkada. At habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay lumalalim din ang damdamin niya sa binata.
Until one day, Gloriette finally admitted to herself na mahal na niya si Trent. May isa nga lang problema—may girlfriend na si Trent na mahal na mahal nito. At alam niyang kahit ano ang gawin niya ay hindi siya magkakapuwang sa puso ni Trent.

6. PHR 5314 Reaching For The Star by Lush Ericson


Gagawin ni Star ang lahat para matupad ang kanyang ambisyon na maging vice president ng student council. Para mangyari iyon, kailangan niya ang impluwensiya ng school sweetheart na si Cara. Kaya pilit siyang nagmakaawa kay Cara na maging bahagi ng barkada at partido nito para sa darating na eleksiyon.
Pero may kondisyon si Cara: Kailangan niyang makakumbinsi ng isang campus heartthrob na i-date siya sa isang school dance. Dahil hindi naman siya ubod ng ganda, umisip siya ng isang plano para may mapapayag na lalaki. She blackmailed a campus heartthrob named Casper Contreras. Nahuli kasi niya minsan ang binata na may ginagawang kalokohan at tinakot niya itong ibubulgar niya iyon kung hindi siya ide-date ni Casper sa school dance. Pumayag si Casper.
In fact, dumikit ito nang dumikit sa kanya, ipinipilit na kailangan nilang mag-practice sa pagde-date para hindi sila magkailangan sa school dance. And somehow, between those “practice dates” they fell in love with each other. Nang malaman nga lang ni Casper na ginamit niya ang binata kaya iniwan siya nito. Her heart and dreams were shattered.
If only he was that easy to convince that his love was far more important to her than the student council position.
Back to top Go down
 
July 30, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Christmas in July 2014
» April 1, 2014 - July 13, 2014 Limited & Forbidden List
» Qubool Hai 2nd July 2014 Written Episode
» SBS - Uttaran 3rd July 2014 - Mithi Ka Naya Andajh
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se - 4th July 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: