HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 23, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 23, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 3:07 pm

1. CNS Series 10 A Woman In Love by Carissa Nobleza


Mahigpit ang pagtutol ng ama niyang si Señor Grant Forrester sa namumuong pag-ibig niya kay Jade Adam Zobel kaya sapilitang ipinadala siya sa London upang malayo siya sa guwapong binata. Ngayon, sa kanyang pagbabalik, ay nasumpungan ni Phoebe na ang paglayo niya sa binata ay hindi nagdulot ng paglimot kundi mas higit na pag-igting ng pag-ibig para dito.
Ngunit nakatakda yatang masaktan si Phoebe—dahil nakatakda na ring pakasalan ni Jade Adam ang nobya. At ewan niya kung nagiging martir o masokista siya—dahil tinanggap ni Phoebe ang alok ni Angelika na maging bridesmaid siya nito.
Tanggap na niya ang kasawian—hanggang isang gabing matuklasan niya ang lihim sa pakikipagkita ni Angelika sa kanyang Kuya Mitchell…

2. PHR 5300 Fan Girls Series 1: Jessica’s Real Love by Maricar Dizon


Marketing officer ng isang clothing line si Jessica Andrade. Perpekto at matured siya sa tingin ng lahat. Pero ang totoo, may itinatagong “kabaliwan” ang dalaga—closet fangirl siya ni Kai Benjamin, ang number one male celebrity sa Pilipinas.
Kaya nang malamang kakilala ang idolo ng katrabaho at drinking buddy na si Paolo, hindi iyon pinalampas ni Jessica. Nakiusap siya sa binata na mag-set kahit isang date lang para sa kanya at kay Kai. At nang gabi ng kanilang date ng idolo, sa labis na tensiyon, naparami naman ng inom ang dalaga kaya nang dumating si Kai, lasing na siya at nawalan pa siya ng malay.
Nagising siya kinabukasan sa loob ng isang hotel room. She realized she just had a one-night stand with her idol! Lalo tuloy niyang pinagbuti ang paghabol kay Kai sa tulong pa rin ni Paolo.
Pero habang tumatagal, bakit parang kay Paolo naman nagsisimulang bumilis ang tibok ng puso ni Jessica? And there was something intimate with the way he looked at her that made her stomach flutter. Pero hindi ba si Kai ang mahal niya? Kung ganoon, ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Paolo?

3. PHR 5301 Fan Girls Series 1: Bridget’s Perfect Love by Bridgette Marie


Isa sa mga pinakasikat na celebrity si Kai Benjamin at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa lalaki. Hindi nakaligtas doon si Bridget na sa sobrang kabaliwan kay Kai, pinangarap na maging nobya ng lalaki.
Ngunit may boyfriend si Bridget—si Richard—na sa sobrang pagmamahal sa nobya ay nakahandang baguhin ang sarili at maging “Kai” sa nobya. And from there, they thought that what they had was a perfect relationship.
Ngunit may katapusan din pala kahit ang pinakaperpektong pagmamahal.
Pero mas pinahalagahan ni Bridget ang pagiging fangirl sa kinahuhumalingang si Kai. Richard realized that Bridget did not really love him, but the Kai that he was portraying. He realized that he was losing himself. And then he left Bridget.
Sa kanilang muling pagtatagpo, nais patunayan ni Bridget na totoong minahal niya si Richard noon.
Ngunit nag-iba na si Richard.

4. PHR 5302 My Ex-Timid Knight by Bridgette Marie


Dahil sa kasungitan at pagiging malamig, iniwan si Miah ng kanyang fiancé dalawang buwan bago ang kasal nila. Hindi niya nakayanan ang nangyari kaya lumayo siya. Noon naman niya nakilala si JP.
Ang akala ni Miah ay isang sakit lang sa ulo si JP. Pero nagkamali siya dahil ito ang tumulong sa kanya na maibalik ang sarili sa dati at higit pa.
Hindi rin niya akalain na ang lalaki rin ang magpapatibok muli ng kanyang puso sa maikling panahon na kanilang pinagsaluhan.
Okay na si Miah. Pero hindi pa pala siya dapat magdiwang. Dahil pulos kasinungalingan ang ipinakita sa kanya ni JP. Hindi siya mahal ng lalaki.
Pinaibig siyang muli ni JP dahil sa isang pakiusap.

5. PHR 5303 Miss Ultimate Believer Of True Love by Jinky Jamolin


Nakilala at nakapalagayan ng loob ni Portia si Nic, ang lalaking kagaya niya ay mahilig din sa mga animated at fairy-tale movies. Sa ilang beses na pag-imbita ni Nic na manood sila ng sine ay tila may mahikang taglay ang binata na hindi matanggihan ni Portia. At sa isang iglap ay namalayan na lang niyang hinalikan siya ni Nic.
Para kay Portia, itinuring niyang isang hangin lang na dumaan sa buhay niya ang namagitan sa kanila ni Nic. Nagpalit siya ng cell phone number upang maiwasan at para hindi na siya magambala muli ng binata. After all, wala siyang kaide-ideya kung sino talaga si Nic at ganoon din ito sa kanya.
Subalit hindi inakala ni Portia na muli niyang makikita si Nic. Isang masamang biro na si Nic o Gannicus pala ang kaisa-isang anak na lalaki ng kanilang boss at ang binata na ang nakatakdang mamahala sa kompanyang pinapasukan niya…
Makakaya pa kayang pangatawanan ni Portia ang pag-iwas kay Gannicus gayong ang binata na mismo ang lumalapit sa kanya?

6. PHR 5306 The Cursed Bride by Celestine


Naaksidente ang nobyo ni Cyan at namatay sa araw mismo ng kanilang kasal. Halos ganoon din ang nangyari sa dalawang ate niya. Ang Ate Francine niya, iniwan ng groom nito sa araw mismo ng kasal ng dalawa. Gayon din ang nangyari sa Ate Darlene niya, na binaril naman ang groom. Mula noon ay takot nang magmahal si Cyan. May phobia na rin siyang dumalo sa mga kasal. Pero napaka-ironic na sa isang kasal niya nakilala si Blue, ang lalaking kahit ano’ng taboy niya ay hindi lumayo sa kanya. Nagawang ipalimot sa kanya ng binata ang masaklap niyang karanasan.
Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang matuklasan niya ang isang bagay na magpapatunay na mayroon ngang sumpa sa kanilang magkakapatid. At natatakot siyang maulit kay Blue ang nangyari sa dati niyang nobyo.
Tila hindi naman apektado si Blue. Ang sabi pa nga nito: “Let’s say you’re the princess. You were cursed. At ako ang prinsipe na puputol sa sinasabi mong sumpa.”
Kaya?
Back to top Go down
 
July 23, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Christmas in July 2014
» April 1, 2014 - July 13, 2014 Limited & Forbidden List
» Qubool Hai 2nd July 2014 Written Episode
» SBS - Uttaran 3rd July 2014 - Mithi Ka Naya Andajh
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se - 4th July 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: