HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 16, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 16, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 2:32 pm

1. PHR 5290 My Brother’s Wife by Maricar Dizon


Hindi naniniwala sa pag-ibig si Enrico, kabaligtaran ng Kuya Joey niya na romantiko. Kaya napailing na lang siya nang biglang tumawag ang kapatid para sabihing ikakasal na ito. And that he wanted Enrico to go home to meet his fiancée.
So Enrico did.
Pero nang araw na umuwi siya ay may nakita siyang babae na biglang nagpabago sa kanyang paniniwala sa isang simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata. But that woman turned out to be Faisca, his brother’s future wife.
Mas pinili ni Enrico na idistansiya ang sarili sa dalawa. Lalo na at sa bawat pagkakataong nakikita niya si Faisca, nare-realize niya na sa halip na mawala ay lalo lamang tumitindi ang damdamin niya para sa dalaga.
Plano na niyang permanenteng umiwas until a tragic event made the choice for Enrico. He vowed to be always there for Faisca. Kahit pa alam niyang hinding-hindi siya nito magagawang mahalin…

2. PHR 5291 Give Love A Chance by Camilla


Bilang pagtanaw ng utang-na-loob ni Lolo Solomon sa pagliligtas ni Kyla ay inalok si Kyla ng matanda ng trabaho at pinatira pa sa mismong bahay ng pamilya nito. Agad iyong tinanggap ng dalaga dahil di-hamak na mas mataas ang magiging suweldo kaysa sa sahod niya sa pagtatrabaho sa Addis Springs Resort. Siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga magulang at kapatid. At para kay Kyla, jackpot na ang kumita ng pera sa ganoong paraan.
Pero isang kamalasan naman na makasama si Yuli Roa, ang isa sa mga apo ni Lolo Solomon at ang pinakaimposibleng lalaki na kanyang nakilala. Si Yuli lang naman kasi ang lalaking nakabungguan niya sa daan at sinisi sa pagkawala ng mamahaling gamit nang ma-snatch-an siya. Pero sa halip na humingi ng sorry ay nagalit pa at bilang parusa sa kanyang ginawa ay hinalikan pa siya sa mga labi sa harap ng maraming tao!
Sa pagsasama nilang dalawa sa iisang bubong ay mukhang hindi titigil si Yuli na gawing “word war zone” ang bahay ni Lolo Solomon. Pero hindi niya maintindihan kung bakit pagkatapos pahirapan na sungit-sungitan ng lalaki ay bigla siyang isinakay sa kotse at dinala sa sarili nitong bahay, kung saan sila inabot ng masamang panahon.
At dahil sa maiinit na yakap at mapupusok na halik ni Yuli ay nawindang nang husto ang sistema ni Kyla…

3. PHR 5292 Mapanuksong Puso by Laurice Del Rio


Minsan nang nangahas si Reine na mag-propose ng kasal ngunit bokya ang inabot ng kanyang makabagbag-damdaming “Will you marry me?” Masamang-masama ang loob niya ngunit sobrang pathetic naman yata niya kung hindi pa rin siya nakaka-move on pagkalipas ng limang taon.
Reine firmly believes she is so over that horrible experience. May boyfriend na rin naman siyang bago at naniniwala siya na mahal niya ang nobyo at ganoon din ito sa kanya. Sa halip na magmukmok ay nagawa pa nga niyang pagkakitaan ang tungkol sa kasal sa pamamagitan ng trabaho niya bilang wedding stylist. Okay na ang lahat sa buhay ni Reine hanggang sa magkaroon siya ng hindi inaasahang kliyente—si Anton, ang lalaking umayaw sa alok niyang kasal noon. Sa halip na tanggihan ang lalaki ay gustong gamitin ni Reine ang pagkakataong iyon para lalo niyang mapatunayan sa sarili na wala nang halaga sa kanya ang lalaki.
Ngunit iba ang napatunayan ni Reine. Totoo nga yata ang kasabihang “first love never dies” dahil sa muli nilang pagkikita ay napakabilis na nabuhay ang damdaming inakala niyang naibaon na sa limot. But like before; Anton seems not inclined to return her feelings. Again.

4. PHR 5293 My Sweetest Addiction by Nikki Karenina


“Ano’ng ginagawa mo?”
“Humihingi ng sign. Kapag may isang bituing nahulog mula sa langit ngayon, I’ll give you a chance,” sagot ni Keziah kay Drew.
Pero alam ni Keziah na kahit walang mahulog na bituin mula sa langit ay bibigyan pa rin niya ng tsansa si Drew. The uncertain part of her just wanted a tie-breaker from fate. Surprisingly, may mga bituing nahulog mula sa langit nang gabing iyon. Kaya napanatag siya na tama ang desisyong gagawin niya.
Ngunit dapat pala ay hindi siya naniwala sa fate dahil sasaktan lang pala siya ng pagkakataong dala niyon. May isang bagay siyang nalaman tungkol kay Drew na nagtulak sa kanya para talikuran ang binata.

5. PHR 5294 As Long As My Heart Beats by Spring Mendez


Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya upang mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett upang mapasalamatan at mabayaran ang utang-na-loob niya sa binata sa naging kabutihan nito.
And fate must be really good to Katerina. Nagkita silang muli ni Brett.
Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre façade na gusto niyang tibagin.
Kaya gumawa ng paraan si Katerina—inilapit niya ang sarili kay Brett upang maibalik sa dati ang binata. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.

6. PHR 5295 Love Links 3: From My Arranged Marriage To My Bogus Wedding by Amethyst


Alyssa Montenegro was a timid rich girl who was supposed to marry a man chosen by her parents. Ipinagkasundo siya sa lalaki upang iligtas ang ari-arian ng kanyang pamilya. Subalit sa araw mismo ng kasal, naglakas-loob siya upang magkaroon ng sariling desisyon. She escaped from her very own wedding, running desperately in her wedding dress. Si Nathan del Fiero ay isang elite businessman na nakatakdang ikasal sa pinakamamahal niyang nobyang si Bianca. But his girlfriend ditched him on their wedding day.
Two souls met on the very same time. One was wounded. The other was desperate. Isang tumakas at isang tinakasan ang nagkatagpo ng landas. Nagkasundo ang dalawang magpakasal. But the wedding itself would be bogus. Para kay Alyssa: upang matulungan ang mga magulang niya nang hindi isinasakripisyo ang kanyang sarili. And for Nathan: it was to save his family’s reputation.
Saan hahantong ang kunwa-kunwariang relasyon sa birong nilikha ng pagkakataon?

7. PHR 5296 Taming Divine by Maricar Dizon


Tinalikuran ni Divine ang lahat ng yaman at glamorosang buhay na kinalakhan dahil sa isang masakit na karanasan. She became known as an elusive painter of nudes. Nakilala lamang siya dahil sa maraming sabi-sabi tungkol sa kanya pero hindi naman siya personal na nakikita. At mas gusto niya ang ganoong lifestyle, tahimik at nagagawa ang kanyang gusto nang hindi nasasaktan.
Pero biglang nag-anunsiyo ng isang hamon ang kanyang ama na gumulo sa tahimik na niyang buhay. Her father told the press that he will give five million to the man who will tame his daughter. Mula noon, nagsimula na namang lumapit kay Divine ang mga lalaking alam niyang pera lang naman ng kanyang ama ang gusto.
Until she met Sam. And she knew he was different from all of those men. Ipinaramdam sa kanya ni Sam na maaari naman siyang magustuhan ng isang lalaki bilang siya at hindi dahil tagapagmana siya.
Hanggang malaman ni Divine ang lihim ni Sam. And she realized he was not that different from other men after all.

8. PHR 5297 For The Love Of Jowi by Amanda


Unang nakilala ni Jowi si Matthew sa St. Therese House of Angels. At imposibleng hindi mapansin ang guwapong lalaki mula sa karamihan dahil sa matikas na tindig nito. Hindi araw-araw na makakakita si Jowi ng isang lalaking tila lumabas mula sa mga pahina ng glossy magazine kaya naman hindi kataka-takang nabihag ni Matthew ang puso niya.
Pero si Jowi ang tipo ng babae na alam kung ano ang ilusyon at ano ang katotohanan. Kinalimutan niya si Matthew paglabas na paglabas ng lalaki sa bahay-ampunan. Nang muling nagkrus ang mga landas nila pagkalipas ng anim na buwan ay nakatali na si Matthew sa isang wheelchair.
Tinanggap ni Jowi ang trabaho na maging tagapag-alaga ni Matthew.
Ngunit alam din kaya ni Jowi kung paano ibubukod ang trabaho sa personal na buhay?

9. PHR 5298 Falling For A Shooting Star by Wilhelmina


Sa unang pagkakataon sa buhay ni Anne Drew ay natuto siyang umibig. Ang tanging mali sa pangyayari ay ang mismong lalaking pinag-alayan niya ng damdamin—si Orion Lawler.
Maliban sa kabilang ang lalaki sa isang mundong malayong- malayo sa kanyang mundo, may isa pang mas malaking bagay na pumipigil kay Anne Drew para mangarap na magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig niya kay Orion: He was in love with her dead sister.
Madali lamang sana ang sumuko kung hindi niya araw-araw na nakikita at nagpapakita ng kabutihan sa kanya si Orion. Hanggang sa tuluyan na niyang hindi napigilan ang sarili at ipinagtapat sa binata ang damdamin niya. But the circumstances weren’t right. And the walls between them remained.
Handa na sanang sumuko si Anne Drew. Gusto na niyang kalimutan si Orion. Subalit hindi pa rin niya napigilan ang sariling tanungin ang binata: “Noong sabihin ko sa `yong gusto kita, kahit kaunti ba natuwa ka?”
“Yes.”
Muling nabuhayan ang aandap-andap niyang puso. Subalit kung kailan akala niya ay may pag-asa na siya, saka naman nagpasya si Orion na iwan siya…

10. PHR 5299 The Breakers Corazon Sociedad Book 4: Michael De Angelo by Venice Jacobs


Stacey’s life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa kanya. Pinapabayaan na lang niya ang mga ito na mag-isip ng ganoon. Rumors were a part of everyone’s life.
As long as she was happy, wala na siyang pakialam sa ibang tao at sa sasabihin ng mga ito.
Then one day, nakaharap ni Stacey si Michael de Angelo, a very famous actor in Hollywood and in the country. Walang kapantay ang
kayabangang dala ng lalaki. Ang kapal ng mukha ng lalaking ipamukha sa kanya ang playgirl reputation niya, mas malala naman ang pagiging babaero nito!
Pero bakit gustong itama ni Stacey ang maling akala ni Michael sa pagkatao niya? What was wrong with her?

11. PHR 5304 Valencia Series 4: Cedrick by Aya Myers


Sina Katrina at Cedrick ay parehong nakatakdang ikasal sa iba. Si Katrina ay nakatali sa isang arranged marriage habang si Cedrick ay magpapakasal bilang pagtupad sa pangako.
Subalit naglaro ang tadhana at ilang beses na pinagtagpo ang mga landas nila, tila ba sadyang pinaglalapit sila. At doon sa isang isla, umusbong ang pag-ibig sa pagitan nina Katrina at Cedrick. Pilit nila iyong sinikil at pinaglabanan. Subalit nanaig ang kapangyarihan ng pag-ibig—nag-uumapaw iyon, nagnanais na makawala. Hanggang sa hilingin ni Katrina ang isang bagay: ang angkinin siya ni Cedrick bago sila tuluyang matali sa iba.

12. PPS 14 Angel Dust Trilogy Book 1 Divri by Vanessa


Inakala ni Maricruz na nasa kanya na ang lahat nang ligawan siya ng guwapo niyang boss na si Elior. Ngunit sa kanilang date ay may sumulpot na lumilipad na nilalang—isang anghel na gusto siyang patayin. Sa
kabutihang-palad ay may mga kalaban ang anghel na dumating din, pero tinangay naman ang kanyang boyfriend! Iniwan ng mga iyon kay Maricruz ang naghihingalong anghel na nagtangkang pumaslang sa kanya.
Ang anghel ay si Divri, isang napakaguwapong nilalang na magkahalong pangamba at kilig ang hatid kay Maricruz. Ang sabi ng anghel, isa siyang kaaway. Gayunman ay iniligtas siya n Divrio mula sa mga kasamahan. Maricruz fell for him. But how can an angel and its enemy create a love story that would not end in tragedy?

13. PPS 15 Angel Dust Trilogy Book 2 Zuri by Vanessa


Maituturing na modern day princess si Sophie Gottlieb. Hawak ng kanyang ama ang isang malaking emperyo na walang ibang
magmamana kundi siya. She was beautiful, rich, a daddy's girl.
Perpekto ang buhay ni Sophie hanggang sa dumating si Benjamin, isang bodyguard. She thought he was cute. She had a crush on him.
Pero dinukot si Sophie ni Benjamin at tinangay sa isang isla.
Hanggang sa sumapit ang apocalypse at nabunyag na si Benjamin ay hindi pala talaga isang tao kundi isang anghel na nagngangalang Zuri—at may itim na mga pakpak. Iniligtas ni Zuri si Sophie mula sa
kapahamakan.
Ngunit umalis si Zuri at hindi na inasahan ni Sophie na muli pa silang magkikita sa pagwawakas ng mundo. Hanggang isang araw ay muling nagtagpo ang kanilang landas…
Back to top Go down
 
July 16, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Christmas in July 2014
» April 1, 2014 - July 13, 2014 Limited & Forbidden List
» Qubool Hai 2nd July 2014 Written Episode
» SBS - Uttaran 3rd July 2014 - Mithi Ka Naya Andajh
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se - 4th July 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: