HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 9, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 9, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 12:37 pm

1. Kendi Crush Book 4: Maxx’s Ultimate Flavor by Leonna


There was this girl named Tori, who I met in a men’s CR. Sinigawan ba naman ako for entering the wrong CR? Nagkita uli kami sa elevator, pero dead-ma pa rin ako sa kanya. Now, the table was turned around when she needed me for an interview para sa Top Five Hottest Campus Crushes ng Valhalla University. Siya naman ang gusto akong makilala!
Could she resist my charm the moment she learns I am more of a true-blue gentleman than most men are out there? Matulungan niya kaya akong magbago from being a ladies’ man to a one-woman man? Siya na kaya ang babaeng magmamahal sa akin nang totoo?

2. Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse by Luna King


Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly—ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni Crey kahit akitin pa niya ang binata. “I ’ll make him fall for me,” deklara ni Pearl dala ng galit.
But because of her work as a bodyguard, kilos-lalaki siya. Kaya hiningi niya ang tulong ng pinakamalanding lalaking nakilala niya—ang amo niyang si Primo—para mas maging feminine.
Pagkatapos ng matinding pagtatalo ay pumayag din si Primo na maging beauty coach niya. Subalit sa halip na pagandahin ay nilalandi lang siya ng kanyang amo. Hindi akalain ni Pearl na hindi pala siya immune sa mga kindat ni Primo, for she found herself falling in love with him. But a playboy like Primo would and could never stay faithful to one woman.
Isang araw, natuklasan ni Pearl ang sumpa ng pamilya ni Primo, na naisip niyang maaaring dahilan kung bakit takot itong magmahal. Pero itinanggi iyon ng binata at binitiwan ang mga sumusunod na salitang dumurog sa kanyang pag-asa:
“Hindi ako tatablan ng sumpa dahil wala naman akong balak na magkaroon ng pamilya.”

3. PHR 5285 Assassins 5: Zander, Her Scarred Prince by Tyra


Nang unang makita ni Nyla si Zander, kakaiba na agad ang naging epekto ng binata sa kanya. His dark features, his big body, and that scar that ran along his face, she just couldn’t seem to take her eyes off him.
At nang magsimula na siyang magtrabaho bilang nutritionist ng Assassins, lalo lang tumindi ang nararamdaman niya para sa binata. Hanggang sa mapagtanto niya na hindi na lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya para kay Zander. She was falling for him.
Nang tuluyan na ngang mahulog ang loob niya kay Zander, hindi na niya nagawa pang kontrolin ang nadarama. She told him she loved him and he rejected her without even a single thought. Matatanggap naman iyon ni Nyla, kahit na masakit, kung hindi lang ipinagpipilitan ng binata na mali ang kanyang nararamdaman at hindi niya talaga ito mahal.
Nyla realized what a hopeless case it was, so she decided to move on. Pero kahit na ano ang gawin niya ay hindi talaga niya magawang kalimutan ang binata, even though she knew that Zander could never love her back because he had so many emotional baggage that he couldn’t even believe her feelings for him.

4. PHR 5286 My Bossy Assistant by Kensi


Lahat na yata ng ayaw ni Hunter sa isang assistant ay na kay Danika na.
First and foremost, he specifically didn’t want a female assistant. Doon pa lang ay sablay na. Everything about Danika, except her nickname “Dan,” exudes femininity. Naka-develop na ng allergy si Hunter sa mga tulad ng babae dahil sa naging experience niya sa ex-girlfriend na dati rin niyang assistant.
It’s not that Hunter didn’t like women. He liked women just fine. He just didn’t want a woman as an assistant. Idagdag pa na masyadong maganda at sexy si Danika. Kung distraction lang ang hinahanap ni Hunter, perfect si Danika sa role na iyon. But damn it, he just wanted to work peacefully without any distractions and complications.
But Hunter wasn’t completely a coldhearted bastard. Kaya naman binigyan niya ng chance si Danika. Then he discovered that she was probably the bossiest woman on the planet. Kulang yata ang isang legal-size paper para sulatan niya ng lahat ng dahilan kung bakit dapat niyang sesantehin si Danika. But for the life of him, he couldn’t seem to do it and he didn’t know why.

5. PHR 5287 Bound To Love You by Summer Louise


Sakit sa ulo ng pamilya niya si Dionne. At dahil nasagad na niya ang pasensiya ng kanyang Lola Criselda ay nagpasya ang matanda na isalang siya sa extensive training ni Chase Salvador—ang nerd na kababata niya.
Nabuo na sa isip ni Dionne kung ano ang hitsura ni Chase kapag nakita niya ang binata—may malalaking eyeglasses at loose na pananamit. Ngunit napatda siya nang muli niya itong makita. Kulang ang salitang “hot” para i-describe niya ang binata. At dahil inis siya rito ay alam niya sa sariling hinding-hindi siya magkakagusto kay Chase.
Ngunit mukhang nagkamali si Dionne. Nang simulan ni Chase na lumapit sa kanya ay unti-unting nagbago ang lahat. Nagpakita ito ng mga damdamin na nagpagulo sa kanyang sistema. At dahil sa mga ipinakita ng binata ay unti-unti ring nagbago ang nararamdaman niya para kay Chase hanggang sa natutuhan na niya itong mahalin.
Ngunit naglahong parang bula ang kasiyahang naramdaman ni Dionne sa pag-amin ni Chase na mahal siya nito. Nalaman kasi niya na kasabwat pala ng Lola Criselda niya si Chase sa pagpapaibig sa kanya.

6. PHR 5288 Blind Love by Ezra Lindsey


Hindi pinangarap ni Tonie na magkagusto kay John. Sa first meeting pa lang nila ay nagsungit na ang lalaki sa kanya. Isa pa, mas matanda siya nang ilang taon sa lalaki na labag sa kanyang pamantayan sa pakikipagrelasyon. Pero nang nagtagal na ang kanilang pagkakakilala, kinulit-kulit na siya ni John hanggang isang araw, bumigay rin ang kanyang puso at tuluyang minahal ang lalaki kahit na alam niyang may anak na ito.
She accepted him and his son in her life. At kung kailan masaya na sila, saka naman sila ginulo sa biglang pagdating ng babaeng unang minahal ni John. She was claiming back what was rightfully hers—ang mag-ama nito.
Ipaglalaban ni Tonie ang pag-ibig niya kay John, bakit hindi? Siya man ang masaktan sa huli.

7. PHR 5289 The Other Side Of Love by Dawn Igloria


Dalawang taon nang patay ang boyfriend ni Majoyce. Namatay si Adam sa isang sakuna sa dagat. At sa pagdaan ng mga taon ang dating romantic feelings niya para sa nobyo ay nalipat na sa guwapong ama nitong si Luis, na sa kabila ng edad ay nanatiling hunk at mukhang bata.
Luis was every woman’s dream: sweet, gorgeous, urbane, accomplished.
Hindi napigil ni Majoyce ang puso niya na ibigin ito. Kaya nang dumating ang pagkakataon na mag-propose ito ng kasal ay pumayag siya.
Napatunayan ni Majoyce na paraiso ang bawat araw sa piling ni Luis. Ngunit hindi pala lahat ng araw ay ganoon. Dahil isang araw ay bigla na lang dumating si Adam. Buhay pa pala ang dating nobyo at hindi ito ang bangkay na inilibing nila dalawang taon na ang nakararaan.
Ngayon, dalawang lalaki na ang nagke-claim sa puso ni Majoyce. At sinuman ang piliin niya sa dalawa ay pare-pareho lang silang masasaktan.

8. PHR 5290 Fireflies by Anne Charlaine


Matinding pangangailangan sa pera ang nagtulak kay Diana para tanggapin ang alok ng may-ari ng isang villa na maging tagapag-aliw ng kaibigan nito na taga-Maynila—si Rafael—habang nagbabakasyon doon. Inakala ni Diana na magiging impiyerno ang mga araw na makakasama niya ang binata ngunit kabaligtaran ang nangyari. Hindi tinanggap ni Rafael ang “serbisyo” niyang nakalaan para dito at naging napakabuti ng pakikitungo ng binata sa kanya. Kasabay niyon hindi inasahan ni Diana na ang masasaya at puno ng adventure na pagsasama nila ay hahantong sa isang pag-ibig.
Subalit nakatakda nang ikasal si Rafael sa ibang babae sa pagbabalik nito sa Maynila.

9. PPS 13 Journey To Love by Victoria Amor


Namulat ako sa hindi perpektong mundo. Sa orphanage ako nagkaisip. Mga madre at kapwa ko mga ulilang bata ang naging pamilya ko hanggang sa may nag-ampon sa akin. Nasa sulok ng puso ko ang sakit at pait. Pero hindi ko hinayaang mangibabaw sa puso ko ang negatibong emosyon. Pinili kong maging masaya.
Simple at maayos ang takbo ng buhay ko bago dumating si Steven Allejo, ang anak-anakan ng biological father ko, at ang abogado nito. Hatid nilang dalawa ang tila hanging Habagat na pagbabago sa buhay ko. Sa isang iglap ay naging heiress ako ng aking bilyonaryong ama na pumanaw na pala.
Natakot akong harapin ang pagbabago sa buhay ko kaya binigyan ko ang sarili ko nang isang buwan para mamasyal—maglakbay, mas tama siguro iyon—dahil may misyon ako: Ang humanap ng mga bagay na priceless, mga bagay na hindi mabibili ng yamang kakabit na ngayon ng pangalan ko.
Nakasama ko sa paglalakbay na iyon si Steven.
At tama ako, sa mga lugar na pinuntahan ko ay natagpuan ko ang mga bagay na hindi nabibili ng pera. Mga magandang bagay na walang katapat na halaga. Hindi ko naisip na matatagpuan ko rin sa paglalakbay na iyon ang isang espesyal na pag-ibig na babago sa buhay ko.
Ngunit hindi pala ganoon kadali ang magmahal. Ako si Angela Malabanan at ito ang aking kuwento…

10. TRN 33 Dance With The Devil by Sherrilyn Kenyon (translated by Dream Grace)


Isang nimpa ng katarungan si Astrid. At sa napakaraming taon na nagsilbi siya bilang isang hukom, wala pa siyang nahatulang inosente sa mga nasakdal. At ngayon, siya ang nautusan upang magbigay ng hatol kay Zarek.
Si Zarek ay isang dating alipin na ipinatapon sa Alaska sa loob ng 900 na taon sa salang panununog sa isang nayon na naging dahilan upang ikamatay ng lahat ng taong naninirahan doon. Sa ikalawang pagkakataong ibinigay kay Zarek ay muli siyang nagkasala. At sa kanyang pagtakas, natagpuan niya ang sariling kinakalinga ng isang napakagandang babae: si Astrid.
Unti-unting natutuklasan ni Astrid ang madilim na kahapon ni Zarek. Sa likod ng masamang pag-uugali at kagaspangang ipinamamalas nito, may nakita si Astrid na kung ano sa lalaki na hindi niya maunawaan. Nalaman ni Astrid na kailanman ay hindi nakatanggap si Zarek ng pagmamahal; pulos kalupitan, pananakit, at hindi pagtanggap ang mga tanging karanasan nito sa mga tao.
Ngunit habang nararamdaman ni Astrid na umiibig na siya kay Zarek, iniisip niya kung ito ay isang taong dapat iligtas sa kaparusahan. Ano pang hatol ang maaari niyang ibigay kay Zarek bukod sa tunay itong nagkasala sa mga krimeng ginawa raw nito?
Back to top Go down
 
July 9, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Christmas in July 2014
» April 1, 2014 - July 13, 2014 Limited & Forbidden List
» Qubool Hai 2nd July 2014 Written Episode
» SBS - Uttaran 3rd July 2014 - Mithi Ka Naya Andajh
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se - 4th July 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: