HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 2, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 2, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 3:15 am

1. Kendi Crush Book 3: Chocolate-Covered Lush by Lush Ericson


CHARACTERISTICS YOU LIKE IN A PERSON:
Mabait, sensitive, mature. In short, si Marco Medina. Ang kapitbahay ko na matagal ko nang bet, as in gusto. I’m secretly hoping na maging bet din niya `ko. But I got disappointed. Bago pa kasi ako makaamin sa kanya, sinabi na niya sa `kin ang itinatago niyang sekreto. Isang sekreto na alam kong magiging dahilan para hindi niya ako magustuhan kahit ano’ng gawin ko.

CHARACTERISTICS YOU HATE IN A PERSON:
Makulit, self-centered, immature. Lahat ng katangiang `yan, pag-aari ni Paco Medina, ang nakababatang kapatid ni Marco. I really hate his guts. Although I have to admit, nagbago `yon nang pilit niya akong i-distract mula sa pagkabigo ko dahil sa kapatid niya. Bumaliktad bigla ang mundo. Bigla, parang hinahanap-hanap ko na siya. Hindi rin nagtagal, nagkaroon na ako ng feelings sa kanya.
At kung kailan naman kami na ni Paco, saka ako biglang hinalikan ni Marco. `Ayun, natagpuan ko na lang tuloy ang sarili ko na nasa gitna ng isang malaking gulo.

2. PHR 5279 If I Love You by Angel Bautista


Mia and Mikey had been friends forever. Hindi masamang isipin na ipakasal sila ng kanilang mga magulang. Sabi nga ni Mikey, “I married the most beautiful woman I know. How could it possibly be so bad when I have the chance to live with the person I trust most in the world.”
Alam ni Mia kung ano ang mali. May ibang mahal si Mikey. Iba ang gusto nitong pakasalan. Si Lei. Kaya lamang ay nawawala si Lei. At siya ang may kasalanan.

3. PHR 5280 The Love They Found by Gabriev Fuentes


Bumalik sa Pilipinas si Shari dahil gusto niyang magsimula ng panibagong buhay. Kontento na siya sa ganoon—malayo sa mga kabaro ni Adan. Hanggang sa dumating ang kanyang makulit at madaldal na bagong kapitbahay, si Judd.
Hindi maikakaila ni Shari ang matinding atraksiyon na kanyang nararamdaman para sa lalaki. Pero ayaw niyang isugal ang puso, more so, ang kaligayahan ng isang taong mahalaga sa kanya. Alam ni Shari na hindi niya dapat hayaan si Judd na makapasok at maging bahagi ng kanyang buhay.
Pero mukhang imposible na iyong mangyari. Natuklasan niya kasi ang isang sekreto: the very man she had been trying to ward off was, in fact, an inevitable and irreplaceable part of her life…

4. PHR 5281 Love And Seond Chances by Maxine del Carmen


Masaya na si Leila sa kanyang payak na buhay sa Malaybalay—hanggang sa dumating ang isang araw na lahat yata ng kamalasan ay siya ang pinuntirya. Ipinagpalit siya ng kanyang nobyo sa iba, nawala ang lupang kanilang isinanla, at nakilala niya ang isang antipatikong lalaking nakakadagdag sa pagkayamot na kanyang nadarama.
Hanggang sa napagdesisyunan niyang magtungo sa Maynila upang magsimula uli at magbagong-buhay. Pero sinusundan yata siya ng malas, dahil naroon din ang antipatikong lalaking “Ivan” pala ang pangalan. She hated him not only because he didn’t give her land back, but because of his guts as well. Pero dahil sa madalas na pagbabanggaan at sa parehong sinapit ng kanya-kanyang puso ay nakakuha sila ng sandalan sa bawat isa.
Ivan was the solace she needed. Leila was the love he had waited. Sapat na ba iyon para sabihin na natagpuan na nila ang pangalawang pagkakataon sa pag-ibig sa bawat isa?

5. PHR 5282 My Guardian Lover by Camilla


Nang makita ni Paula si Cedric sa Addis Springs Resort kung saan siya nagtatrabaho, naging malakas ang kutob ni Paula na hindi iyon ang unang pagkakataong nagkrus ang mga landas nila ng binata. Masyado kasing pamilyar ang hitsura at kilos ni Cedric. Lalo na nang bigla siyang nahilo at sinalo ng pamilyar ding mga bisig nito. Pero itinanggi ng binata na nagkakilala na sila noon.
Hindi nagtagal ay nagpakita naman ng interes si Cedric sa kanya. Hindi na rin napigilan ni Paula ang mabilis na pagkahulog ng loob sa binata na laging nasa paligid lang kung may nangyayaring hindi maganda sa kanya. Idagdag pang lagi rin siyang nananabik sa tamis na dulot ng nakakaadik na halik nito.
Pero nagkakataon nga lang ba ang lahat? Paano kung tama ang kutob ni Paula na si Cedric nga ang taong may malaking kaugnayan sa kanyang nakaraan at kung ano ang kanyang kalagayan ngayon? Ano ang mabigat na dahilan ni Cedric upang itago sa kanya ang katotohanan?

6. PHR 5284 Back To You by Kandice Gonzales


Minsan nang isinantabi ni Katrina ang pangarap niyang maging isang sikat na fashion designer. Iyon ay nang hilingin ng kanyang mga magulang na ibang kurso muna ang kunin niya. Nang sa wakas ay makatapos siya ng Fashion Design at abot na niya ang pangarap, may hiniling naman ang kapatid niya na hindi niya mapahindian. Napilitan si Katrina na pumunta sa Batangas. Doon ay nakilala niya si Nickolas de Vega. Sa unang pagtatama pa lang ng mga mata nila ng binata, maliwanag pa sa sikat ng araw ang matinding atraksiyon nila sa isa’t isa. Sinubukan nilang itago iyon sa pamamagitan ng parang aso’t pusang pagtatalo. Ngunit sa huli, nangibabaw pa rin ang totoong damdamin nila para sa isa’t isa.
Everything was running smoothly. Hanggang sa isang malaking oportunidad ang dumating kay Katrina na sumubok sa pagmamahalan nila ni Nick. Ayaw niyang iwan ang binata ngunit paano naman ang kanyang pangarap?

7. Playful Fairy Trick by Luna King


Nagising na lang si Eura isang araw na walang alaala. Ang inaasahan niyang makapagsasabi sa kanya kung sino siya ay ang mga taong kumupkop sa kanya—ang kambal na sina Melou at Stein. Pero wala rin palang alam ang magkapatid tungkol sa kanya maliban sa kanyang pangalan.
Sa kabila ng mga katanungan niya tungkol sa pagkatao niya, may kumompleto pa rin sa kanya. At si Stein iyon. She was so comfortable with him she found herself falling in love with him. Minahal din siya ng binata sa kabila ng ikli ng panahong nagkakilala sila. He even proposed marriage to her during the legendary Luna Queen’s Night in their village.
Ang akala niya, magiging masaya na sila. Pero kung kailan naman maayos na ang lahat, saka naman bumalik ang isang lalaki mula sa nakaraan niya. Kasabay ng pagbabalik nito sa kanyang buhay ay ang pagbabalik din sa kanya ng mga alaala niya.
Now she had to choose which string she had to cut: the string that connected her to her past, or the string that connected her to Stein.

8. Valencia Broods Series 3: Vicente by Aya Myers


Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard! Dahil nasa ganoong linya ng trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali para sa kanya dahil hindi dapat malaman ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ni Vicente ang nagdesisyon na kailangan ng binata ng bodyguard.
Kaya nag-apply na lang si Marissa na maging personal assistant ni Vicente. Ngunit ayaw raw ng singer ng babaeng PA, simply because his past assistants ended up falling in love with him. Kaya ipinangalandakan ni Marissa sa binata na hinding-hindi siya mai-in love dito kahit isama pa iyon sa kontrata niya sa trabaho. Natanggap naman siya bilang PA ni Vicente.
Pero may problema. Sa pagsama-sama ni Marissa kay Vicente at sa lihim na pagiging bodyguard niya rito, natanto niya na hindi pala niya kayang panghawakan ang mga salitang binitawan sa binata. She fell in love with him.
Paano kapag natuklasan ni Vicente ang damdamin niya? At mapapatawad ba siya ng binata kapag natuklasan nito ang tunay niyang pagkatao?
Back to top Go down
 
July 2, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Christmas in July 2014
» April 1, 2014 - July 13, 2014 Limited & Forbidden List
» Qubool Hai 2nd July 2014 Written Episode
» SBS - Uttaran 3rd July 2014 - Mithi Ka Naya Andajh
» Do Dil Bandhe Ek Dori Se - 4th July 2014 - Written Update

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: