HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 25, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 25, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 2:53 am

1. My Genie Lover by Mandie Lee


Nate Montoya is a handsome young man who is also greedy, worldly and vain. He gets himself under the curse of the magic lamp when he wished for power and long life. Naging genie tuloy siya na nakakulong sa loob ng lampara at hindi siya makakalaya mula roon kung walang magwi-wish para sa kanya. Hen then meets Euna Serafino, ang nakapulot sa lamparang kinaroroonan niya at ang bagong taong pagkakalooban niya ng three wishes.
Heartbroken, jobless, at shocked dahil sa pagkakatagpo niyo kay Nate, nasayang ni Euna ang unang dalawang wishes nito. She is left with only one wish na hindi ito makapag-decide kung ano talaga ang hihilingin.
Now nate is determined to seduce Euna by his sexual prowess. Aakitin niya ito at paiibigin upang gamitin para sa kanya ang huling kahilingan nito. Gaano siya kasigurado na mangyayari iyon? It's because his hot, sexy body holds so promises of wanton desires that no woman could ever resists...

2. PHR 5273 A Girl Named Li-Anne by Angel Bautista


Sa pelikula lang nakikita ni Li-anne ang pagtrato sa mayayaman ngunit naintindihan niya na ganoon din pala ang trato sa rich and powerful sa totoong buhay nang makilala niya si Antonio “Tan” Tañada III, ang batang-batang CEO ng Tañada Group Of Companies.
“Let me buy you clothes,” galanteng alok ni Antonio.
“Huling nag-work sa akin ang shopping-cum-transformation scene sa classic na movie ni Julia Roberts, iyong Pretty Woman. At kung tama ang pagkakaalala ko, prostitute ang role niya roon. Napapangiwi ako kapag napapanood ko uli ang ganoong eksena sa mga drama sa TV. And no, you are not turning me into that kind of heroine. Kung kailangan kong magbago para lang makibagay sa mundo mo, kung gaano man iyon ka-temporary, ang gusto ko lang sana ay gawin ko iyon sa sarili kong style.”
Ano ba naman ang malay niya na ang mismong uri ng mundong mayroon ito ang mismong pupuwersa sa kanya upang magbago?

3. PHR 5274 More Than A Fairy Tale: The Charmings And The Fairest Of Them All by Belle Feliz


Tulad ng kuwento ni Snow White ang naging buhay ni Jay Ann. She had an evil queen mother, a huntsman, seven giants who took good care of her and a handsome prince.
Ang ipinagkaiba nga lang nila ni Snow White ay ang kanilang balat. May-kaitiman si Jay Ann kaya pinandidirihan at tinawag siyang pangit ng kanyang ina. Everyone thinks that her mother was the fairest one of all. At upang mawala si Jay Ann, na itinuturing ng ina na isang pagkakamali ay ipinatapon siya nito sa isang huntsman—si Daddy William na may pitong anak na lalaki. At isa sa mga lalaking iyon ay si Zane, ang bunso at best friend ni Jay Ann—si Happy sa kanyang seven handsome giants. At siyempre, ang kanyang Prince Charming—si Henry, na ayon sa mga tsismis sa university nila ay isang totoong prinsipe.
Pero hindi naging “happy ever after” ang ending ng kuwento ni Jay Ann nang maging boyfriend niya si Henry dahil nagkasira naman sila ni Zane. Nagulat kasi siya nang aminin ni Zane na mahal siya nito.
Naguluhan si Jay Ann kaya pinili niya si Prince Charming kaysa kay Happy. Pero bakit tila may kulang sa kanya? Bakit tila mas hinahanap ng kanyang puso si Zane kaysa sa kanyang Prince Charming na kayang ibigay ang lahat sa kanya?

4. PHR 5275 Gusto Kitang Maging Akin by Laurice del Rio


Super choosy si Kylie pagdating sa pagpili ng lalaking gusto niyang maging boyfriend. Guwapo, mabait, at kung mayaman ay lalong mas okay sa kanya. Kaya hindi niya pinansin si Gavin nang una niyang makita dahil bagsak agad ang lalaki sa unang criteria niya. Ang kaso, parang si Gavin ang sagot sa matagal na niyang ipinagdarasal sa Baclaran dahil maya’t maya ay nagkukrus ang mga landas nila. Lagi pa nga siyang nailalayo nito sa panganib.
At dahil nag-iinarte si Kylie kaya nabubuwisit ang kaibigan niyang si Ciara. Kaysa raw masayang ang isang katulad ni Gavin na inaayawan niya ay kukunin na lang ito ni Ciara. Noong una ay walang pakialam doon si Kylie. Ngunit parang gusto siyang turuan ng leksiyon ng tadhana dahil unti-unti niyang natutuklasan na totoo pala ang kasabihan na, “Don’t judge the book by its cover.”
Iyon nga lang, huli na ang lahat. Naipamigay na niya si Gavin. Maliban na lang kung handa siyang mang-ahas ay mukhang malabo nang mapasakanya ang pagtingin ni Gavin. Dahil nasa kaibigan na niya ang buong atensiyon ng binata.

5. PHR 5276 Maggie’s Diaries 4: A Trouble With Bliss by Nikki Karenina


Dear Diary,
I just want to tell you that I’ve blurted out my daydreams and fantasies about Red—my boss—in front of him. It’s a really epic way to greet your boss. Pero hindi ko ire-recommend sa inyo na subukan n’yo dahil ngayon, hindi na ako magtataka kung bukas ay malalaman kong terminated na pala ako sa trabaho ko.
Ang ground of termination? Fantasizing about your boss.
But the unexpected happened, he told me this: “I was dreaming the same about you.”
So, should I go home or fall hard?

Yours,
Patty

6. PHR 5277 Key To My Heart by Suzette Domingo


Hindi na sana gusto pang bumalik sa dating trabaho bilang NBI agent ni Helen. Dahil iyon sa sinapit ng kanyang partner at kaibigan sa kamay ng mga hindi nakikilalang suspect isang taon na ang nakararaan. Ngunit dumating ang isang balita na nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa para malutas ang kaso.
Para maisakatuparan iyon, kinailangan niyang pumasok at magpanggap bilang isang janitress sa Vergasi Hotel, ang lugar na sinasabing matatagpuan ang utak ng sindikatong tinutugis nila na may kinalaman sa kaso. Dito ay nakilala niya si Edgardo Vergasi, ang guwapo pero may-pagkaistrikto at makapangyarihang may- ari ng hotel Sa iilang pagkakataon pa lang ng pagkikita nila ni Edgardo ay naramdaman agad ni Helen ang matinding atraksiyon sa lalaki at gayundin ito sa kanya. At sa kabila ng pag-aakalang siya ay isang simpleng janitress lang ng hotel, tinanggap siya at minahal pa rin ni Edgardo. Ngunit magagawa kaya ni Helen na ipagpatuloy ang nararamdamang pag-ibig kay Edgardo kung ang lalaking minamahal ay ang mismong pinaghihinalaang mastermind sa nilulutas niyang kaso.

7. PHR 5278 Alumni Love Coming by Gazchela Aerienne


Chinese-Filipina si Lourdylyne. Naniniwala at sumusunod ang pamilya nila sa right feng shui at mga orihinal na paniniwala ng mga Chinese, lalo pa at feng shui master ang daddy niya. Kaya naman nang malaman ni Lourdylyne na alanganin ang resulta ng compatibility test nila ni Dustin Jace—ang kauna-unahang lalaki na maski saksakan ng suplado sa unang sandali pa lamang ng paghaharap nila ay nagustuhan pa rin niya—ay kaagad na nagwelga ang kanyang puso.
“Baka naman ipapanganak na talaga siya sa year of the tiger pero hindi lang natuloy. Baka two days na-overdue ang mommy niya!” katwiran pa ni Lourdylyne.
Pero maski alam niyang alanganin ang tandem nila ay tinanggap pa rin niya si Dustin Jace nang magtapat sa kanya ng damdamin ang binata.
Bahala na. Ang mahalaga sa kanya, mahal niya ito.
Sana lamang ay sapat na ang pagmamahal ni Lourdylyne kay Dustin Jace upang labanan ang bawat pagsubok na ibinabato sa kanila ng tadhana para paghiwalayan sila. Sana ay makaya niyang magpakontrol at isuko ang nakasanayang buhay para lamang matuloy ang pag-ibig nila.

8. PHRB 002 Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat by Luna King


Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa nobyo nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito.
Pumayag si Moana na magpanggap bilang "Monina" at sumugod siya sa Luna Ville kung saan nakatira ang fiance ng kakambal niya--si Sley Enriquez. Iisa lang naman ang misyon niya: ang guluhin ang buhay ng binata upang umurong ito sa engagement "nila." Ginawa niya ang lahat para inisin ito mula sa pagiging pasaway hanggang sa pangugulo sa bahay nito.
But Sley turned out to be the nicest guy she had met in her whole life! Not to mention the most gorgeous man she had laid her eyes on, too. Pasensiyoso ito at maalaga pa. Isang ngiti lang nito, kinikilig na siya.
Hanggan sa dumating ang hindi niya inaasahan -- kabaligtaran ng plano niya ang nangyari. Instead of hating her, Sley actually fell in love with her. Paano na ang misyon niyang paurungin ang binata sa kasal nito at ng kakambal niya kung bigla-bigla ay mahal na rin niya ito?

9. PHRB 005 Kendi Crush Book 2: Potchi's Strawberry Love by Luna King


`Yong moment na binago ko ang sarili ko para magustuhan ni Prince Cedrik. From an awkward moment nerd with a strange fetish, I tried to become an average girl. Akala ko, magiging masaya na `kong nagustuhan. Pero gusto niya akong maging "perfect girl" na matatanggap ng daddy niya.
Pikit-mata kong binago ang pagkatao ko para kay Prince Cedrik. Pero nang simulan niyang baguhin ang pamilya ko para matanggap kami ng ama niya, nagbago ang lahat. He eventually found out who I really was, my past and all. Kung tatanggapin niya ba ako, hindi ko alam. Basta ang sigurado ko, gusto kong mahalin niya ako. Sa pagkakataong `to bilang ako at hindi bilang ang babaeng gusto niyang maging ako.

10. STAR 7 Stallion Revisited 7: Lem Acosta by Sonia Francesca


Arlene’s love life had been cursed. Salamat sa lukaret niyang kaklase noong high school. Ayaw sana niyang maniwalang may sumpa, pero lagi na lang palpak ang mga nagiging relasyon niya. At ang pinakamasakit, pare-pareho pa ang dahilan. Kaya ginawa niya ang lahat para mahanap ang bruhang kaklase at nang maalis na ang sumpa sa kanya.
Then fate brought her back to Lem Acosta, that baby-face cutie she had a crush on back in high school. He was also the reason for her cursed love life, by the way. Kaya naman pinilit ito ni Arlene na tulungan siyang maalis ang sumpa sa kanya. Mabait naman ang binata dahil tinulungan siya nito.
Ang problema, ang inosenteng crush niya noon kay Lem ay yumabong at namalayan na lang niyang nahulog na ang loob niya sa binata. Ang mas malala, loyal boyfriend na rin pala si Lem sa kasintahan nito. Naalog ang mundo niya, sumakit ang bangs niya, at… wala. Nagmahal pa rin siya sa kabila ng sumpa.
Back to top Go down
 
June 25, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» George Clooney Aficionados News 21 June 2014
» Madhubala - Written Update - 3 June 2014
» Kumkum Bhagya 6th June 2014 Watch Online
» RANGRASIYA:RUDRA & PARO:DEPARTING FROM MAJOR RUDRA CENTRAL... JUNE 2nd 2014
» Jodha Akbar - Written Update - 10 June 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: