HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 18, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 18, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 2:21 am

1. PHR 5267 Valencia Broods Series 1: Dylan by Aya Myers


Binigyan lamang si Lorraine ng isang buwang palugit ng kanyang ama para maghanap ng boyfriend, kung hindi ay ipagkakasundo diumano siya sa isang lalaki na ni hindi niya kilala. Stress is a killer. Pero saan siya hahanap ng nobyo sa loob ng isang buwan?
Until one day, may lalaking kumuha ng atensiyon ni Lorraine. He was tall, dark, and very much handsome! And, oh, boy, he was hot! For the first time, gumana nang matindi ang imahinasyon niya patungkol sa mga anak ni Adan. She pictured him topless in her mind. Ikinompara agad niya ang lalaki sa mga Greek god statue.
Marahil ay gusto rin siyang paglaruan ni Kupido dahil muling nagsalubong ang mga landas nila ng lalaki na ang pangalan pala ay Dylan Valencia. Ito na kaya ang sagot sa problema niya?
Puwede… anang puso niya.

2. PHR 5268 Valencia Broods Series 2: Brandon by Aya Myers


Pinakawalan ni Febe ang isang dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtanggi kay Brandon. Huli na nang ma-realize niya na mali ang naging desisyon niya. It changed her life. At sa loob ng siyam na taon ay iningatan niya sa kanyang puso si Brandon.
Umaasa na lang siya na kung talagang sila ang para sa isa’t isa ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana. At marahil may plano nga ang tadhana para sa kanya dahil muli silang nagkita ni Brandon. Subalit iba na ang sitwasyon ngayon dahil hindi lang pala ang damdamin niya ang nag-iba kundi maging ang kay Brandon din. Hindi na siya mahal ng binata.

3. PHR 5269 Seasons Of Love Book 6: My Beautiful Summer by Juris Angela


Die-hard fan si Julie ng grupong One Day, lalo na ng pinakapaborito niyang miyembro na si Jason Jang. Pero kahit gaano pa niya kagustong makasama si Jason, nagkasya na lamang siya sa pagtanaw sa malayo—hindi pinaliligtas na pakinggan ang boses ng binata mula sa CDs at panoorin ito sa TV shows, concerts, at kahit sa commercials pa nga—dahil sa kanyang kinatatakutan.
Pero kahit ano ang iwas ni Julie, gumawa ng paraan ang tadhana upang magkrus ang mga landas nila ni Jason. Pansamantala siyang naging make-up artist ng One Day, isang pangyayaring naging dahilan para magkalapit sila nang husto sa isa’t isa. At nagising na lamang siyang tumitibok na ang kanyang puso para sa binata.
Subalit kahit aminado siyang mahal na mahal na niya si Jason, kailangan niya itong iwasan bago pa matuklasan ng binata ang isang bagay na tiyak na babago sa pagtingin ni Jason sa kanya.

4. PHR 5270 Boris Javier (Forever And Always) by Doreen Gabriel


A strange turn of fate brought them together…
Nailigtas ni Ayesha ang buhay ng casino owner na si Boris Javier. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob, tutulungan siya ni Boris na maipaopera ang kanyang mga mata na nagkaroon ng diperensiya sa isang aksidente. Ang kaso, medyo may-kasungitan ang lalaki, mailap at parang galit sa mundo. Kaipala ay brokenhearted si Boris. Isang gabi ay ito naman ang nagligtas sa kanya sa isang tiyak na kapahamakan. Mabait naman pala si Boris. At nagsimulang mahulog ang damdamin ni Ayesha sa lalaki.
…but the odds were against them.
Hindi miminsang nahiling ni Boris na sana ay kayang hugasan ng ulan ang batik sa kanyang pagkatao upang maging karapat-dapat siya para sa babaeng minamahal. Ngunit nang makilala niya si Ayesha ay na-realize ni Boris na hindi niya kailangan ng ulan. Ang kailangan lang niya ay isang taong tatanggap sa kanya sa kabila ng kanyang pangit na nakaraan. Subalit kung kailan handa na siyang magsimula ng bagong kabanata sa kanyang buhay ay saka niya natuklasan ang isang malaking balakid sa kanilang relasyon.

5. PHR 5271 The French Knight’s Kiss by Venus Franz


Isang probinsiyana si Francey na pinalad makakilala ng isang green-eyed na malaprinsipe at mala-Adonis na tulad ni Rock Chevalier. Unang pagkikita pa lamang nila ay mabait na ang binata sa kanya. Naging malapit sila sa isa’t isa hanggang sa isang araw ay magtapat ang binata na may nararamdaman itong espesyal sa kanya.
Dahil kay Rock, naranasan ni Francey ang tamis ng unang pag-ibig. Ngunit dahil din kay Rock at sa taong batid ni Francey na kailanman ay hindi kayang talikuran ng binata para lamang sa kanya, naranasan niya ang pait na dulot ng pag-ibig.
Maraming taon ang lumipas bago muling nagkita sina Francey at Rock. Upang mapagtakpan ni Francey ang pait na dulot ng kahapong nagpahiwalay sa kanilang dalawa ay nagpanggap siyang ibang tao sa paningin ng binata.
Subalit hindi ganoon kadaling papaniwalain si Rock. Upang makasiguro ang binata na siya o hindi nga siya ang babaeng matagal na raw nitong hinahanap ay ipinadukot siya ng binata at dinala sa isang isla kung saan isang linggo silang mananatili. Mapaninindigan kaya ni Francey ang pagpapanggap gayong lihim na nalulusaw ang nagmamatigas niyang puso sa isang tingin at ngiti lamang ng binata?

6. PHR 5272 Addis Springs 6: Tazio Addis by Camilla


Noong una ay gusto lang ni Ioana na makakuha ng mga ideya kung paano magpaunlad ng resort kaya lumapit siya kay Tazio Addis ng Addis Springs Resort. Pero nakikipaglapit din lang si Tazio sa kanya upang bantayan siya at malaman kung magiging isang threat sa Addis Springs ang resort na minana niya mula sa yumaong lolo’t lola.
Nang imbitahan si Ioana ng lalaki sa isang convention para sa mga resort owner na tulad nila, doon tuluyang nahulog ang loob niya sa binata. Pero doon din nagwakas ang ilusyon na puwede siyang sumubok na makipagrelasyon kay Tazio.
Dahil hindi pa man, nag-umpisa nang magsulputan ang mga kontrabida sa hilaw pa ngang “love story” nila…

7. PHRB 001 Lovely Magic Fountain by Luna King


Desperada si Umi na makahanap ng prinsipe na tulad ng mga nababasa niya sa fairy-tale books. Pero sa kakamadali niyang magka-love life, muntik na siyang mapahamak.
Doon naman umentra si Alaude—ang mortal enemy niya na naging first heartache niya. Dahil sa malaking kasalanang nagawa nito sa kanya, nag-a la “fairy godmother” niya ito sa paghahanap niya sa kanyang Prince Charming.
Kasama niya ito sa lahat ng kilig at pagkabigong naranasan niya sa mga palpak na lalaking dumaan sa buhay niya. Kaya nang dumating si Zagg, nag-alinlangan na sila. Hanggang sa mag-suggest ang mga kaibigan nila na gumawa sila ng “signs” na magsasabi kung si Zagg na nga ba ang lalaking nakalaan para sa kanya. Sumagot naman ang tadhana—nangyari ang lahat ng signs!
Pero kung kailan naman natagpuan na niya ang kanyang prinsipe, saka naman niya hinanap-hanap si Alaude. Kaya ba niyang kalabanin ang tadhana na nagsasabing si Zagg ang nakalaan para sa kanya para ipaglaban si Alaude na bigla na lang lumayo sa kanya?

8. PHRB 004 Candy Crush Book 1: Peach-Flavored Mentos by Bridgette Marie


Ayoko sa babaeng maingay, makulit, and does crazy things para lang makuha ang gusto. Pero hindi ko akalaing makakakilala ako ng ganitong babae.
When I met Peachie Laine Arguelles, siya na yata ang babaeng naglalakad na dislikes ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nasa kanya rin ang bagay na gusto ko? My walking like and dislikes. Hindi ko akalaing puwede pala `yon.
Hindi ko rin akalain na sa mga ugaling iyon ni Peachie ay mabubuwag ang depensa ko. I don’t want to fall in love again. Masakit `pag nawala sa `yo ang taong mahal mo. At ayoko nang maulit `yon. Pero nasabi ko ngang binuwag ni Peachie ang depensa ko, `di ba? But I never thought na siya rin pala ang magbabalik n’on. I never thought that I’d get another heartbreak from the first person who taught me how to love again.

9. PPS 011 Seasons Of Angel Trilogy Book 1: If Happy Ever After Didn’t Exist by Jelaine Albert


Sa Tierra Celes nakatira si Emmanuel at ang ibang anghel na tulad niya.
At ang bawat isa sa kanila ay naglalayong maging ganap na arkanghel.
Bilang panghuling pagsubok ay kailangan nilang manirahan sa mundo ng mga mortal sa loob ng tatlumpung araw.
Sa mundo ng mga tao ay nakilala ni Emmanuel si Allison. Naging madali ang huling pagsubok para sa kanya dahil nakumbinsi niya itong kupkupin siya. Ngunit tuwing nakikita niya ang walang buhay na mga mata ng dalaga ay may sumisibol na kakaibang emosyon sa puso niya, na tila nagsasabi sa kanyang alagaan at pasayahin niya ito. Kasabay rin niyon ang pagkatuklas niya sa isang bahagi ng kanyang nakaraan na may kaugnayan dito.
Sa pagbabalik ni Emmanuel sa Tierra Celes pagkatapos ng tatlumpung araw ay kailangan niyang mamili. Sa mundo niya kung saan siya nabibilang o sa mundo ni Allison na bahagi ng kanyang nakaraan? Pero may lugar pa ba ang isang tulad niya sa mundo ng mga mortal?

10. PPS 012 Seasons Of Angel Trilogy Book 2: In The Arms Of An Angel by Jelaine Albert


Upang maging isang ganap na arkanghel, kinailangn ni Ezekiel ang tulong ni Milena sa kanyang huling misyon. Alam niyang mas mapapadali ang lahat kung mananatili siya sa piling ni Milena sa mundong hindi niya kinabibilangan.
Ang hindi napaghandaan ni Ezekiel ay ang unti-unting pagpapakilala ni Milena sa kanya ng mga damdaming hindi pa niya naramdaman kailanman—at hindi maaari iyon.
Pero hindi siya naging masaya nang iwan na niya ito. At handa siyang ipagpalit ang lahat makasama lang si Milena.
Back to top Go down
 
June 18, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar June 27, 2014 episiode caps
» George Clooney Aficionados News 21 June 2014
» Madhubala - Written Update - 3 June 2014
» Kumkum Bhagya 6th June 2014 Watch Online
» RANGRASIYA:RUDRA & PARO:DEPARTING FROM MAJOR RUDRA CENTRAL... JUNE 2nd 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: