HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 11, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 11, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 1:49 am

1. PHR 5259 Sophie’s Love Recipe by Zeria Villacarte  


Bata pa lang si Sophie ay pangalan na ni Jed ang lagi niyang bukambibig. Jed as her hero, her love, and her one and only. Kaya nang malamang may ibang nagugustuhang babae ang binata ay binakuran na niya ito nang todo. Kesehodang mag-aral siya ng pagluluto para lang mahuli ang kiliti nito. Pero mukhang kahit ano ang gawin ni Sophie ay hindi niya makuha ang amor ng kanyang amoré.
And so she concocted Sophie’s Love Recipe. And the three secret ingredients: a pinch of charms, a teaspoon of subtle seduction and a cup full of patience—no, actually, make that a full bowl of patience.
Ano pa kaya ang kulang sa kanyang recipe para sa wakas ay makuha na ang matamis na “oo” ng kanyang one and only Jed?

2. PHR 5260 Addis Springs 4: Ferron Addis by Camilla


Nagtungo si Yedda Nufable sa Addis Springs Resort para sa tranquility na nais para sa kanyang pagsusulat. Pero unang gabi pa lang niya sa resort ay may umistorbo na kaagad sa kanya—ang mga sigaw at halinghing na nagmumula sa kabilang cottage.
Kinabukasan ay nakita niya kung sino ang mga buwisit na iyon. Nalaman ni Yedda na ang lalaki pala ay isa sa mga may-ari ng resort—si Ferron Addis.
Turned-off siya sa binata. Akala mo kung sino ito, pero halos himatayin naman nang may matagpuang bangkay sa likod ng resort! Ginawa tuloy bida ni Yedda si Ferron sa horror book na kanyang isinusulat kung saan sa huli ay nabaliw at namatay ang lalaki.
Siyempre, hindi iyon ikinatuwa ng “inspirasyon” ng character na iyon.

3. PHR 5261 Bizarre Tale by Emily Reese


Bailey was an events coordinator. At sa isang charity event, nagkrus muli ang mga landas nila ng pinakababaero at pinakahaliparot na lalaking nakilala niya—si Irgo Ybañez.
Seven years ago, he ruthlessly broke her heart. Kaya no way na hayaan uli niya ang sarili na makipaglapit sa binata sa kabila ng pangungulit nito. Of course, she was already over him. Or at least she thought she was. Dahil sa kabila ng pagsusuplada at pagsusungit niya kay Irgo ay hindi niya mai-deny ang kilig na nararamdaman tuwing lumalapit at nilalandi siya ng binata.
For the second time, she was willing to take the risk just to be with him. Nalaman niya kung gaano siya nito kamahal at lahat ng sakripisyong ginawa nito para sa kanya noon. And she also found out the real reason why he decided to break her heart years ago. Na siya ring dahilan kung bakit hindi pa rin sila puwede magpahanggang ngayon.
And yes, the truth sucked: They were so in love with each other yet they couldn’t and they should not be together…

4. PHR 5262 Seasons Of Love Book 5: A Spring To Remember by Juris Angela


Nakiusap si Angela sa kanyang ama na magbakasyon muna siya sa South Korea, na pinagbigyan nito kapalit ng pagsunod niya sa gusto nitong mag-aral siya ng Law sa Amerika.
Sinamantala ni Angela ang pagbabakasyon at ginawa ang lahat ng gustong gawin sa South Korea—nag-aral siya ng scriptwriting at ng lengguwahe ng bansa.
Nagpakasaya si Angela sa South Korea pero hindi kasama sa plano niya ang makilala si Nick Han—isa sa mga miyembro ng boy group na One Day. Panay ang sulpot ni Nick kahit nasaan siya. Tila isang panaginip para kay Angela ang lahat nang maging malapit sila at magkahulugan ng loob.
Pero gaya ng magandang panaginip, nagising siya nang biglang dumating ang kanyang ama at natuklasan ang kanyang mga ginagawa. Sinikap niyang magmatigas, pero nagbanta ito na kung hindi niya susundin ang gusto nito na mag-aral siya ng Law ay hindi nito masisiguro ang magiging buhay ni Nick.
Upang masiguro ang kaligtasan ng nobyo, umalis si Angela nang hindi nagpapaalam kay Nick. Nangako siya sa sarili na sa pagbabalik niya ay magagawa na niyang ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. Pero hindi na natupad ang lahat ayon sa kanyang plano. Dahil nang magbalik siya ay wala na siyang Nick na nabalikan.

5. PHR 5263 Love Me, Betty by  Charice Calvin


Halos gumuho ang buong mundo ni Betty nang makipag-break sa kanya si James pagkatapos nitong sabihin na wala nang spark ang relasyon nila. Dahil lang sa walang-kuwentang “spark” na iyan ay nawasak ang kanyang puso.
She vowed never to fall and get hurt again. Pero umeksena naman si Chris, ang lalaking nakakainis sa pagiging sobrang talented at nakakainit ng ulo dahil sobrang guwapo. Paano kung kay Chris maranasan ni Betty, hindi lang ang “spark” kundi pati fireworks, short circuit at lightning shock? Would she still want to stay single?

6. PHR 5264 Addis Springs 5: Ebenezer Addis by Camilla


Dumating si Fenini Hung sa Isla Cabatan na may taong hinahanap—ang lalaking kasama sa mga picture na nasa kanyang cell phone. Hindi kilala ni Fenini ang lalaki and yet, sa mga litrato ay mukhang in love sila sa isa’t isa.
Natagpuan niya ang lalaki—si Ebenezer, ang may-ari ng nag-iisang inn sa isla.
Nagtungo si Fenini sa isla sa pag-asang may mare-recover siya sa mga naburang alaala ng anim na linggong ipinamalagi niya roon ngunit higit pa roon ang nangyari: Muling isinabuhay ni Ebenezer ang mga nangyari sa pagitan nila at sa pakiramdam ni Fenini ay nahulog siya sa isang bitag kung saan wala siyang kawala…

7. PHR 5265 So Much Love To Take by Millie Calleja


Hindi matanggap ni Martha ang nasaksihang pagtataksil ng sariling ina kaya nagpasya siyang umalis kasama ang kapatid. Nagtungo sila sa mango orchard ng kanyang lolo. Doon ay nakilala niya si George, anak ng isa sa kanilang kasambahay. Dahil sa sama ng loob ay niyaya niya si George na maglasing; at hindi sinasadyang may mangyari sa kanila. Dahil sa pagrerebelde ay pumayag agad siyang magpakasal kay George sa kabila ng pagtutol ng kanya-kanyang mga pamilya.
Pero gaya ng inaasahan, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at umalis si Martha patungo sa ibang bansa. Naiwan at labis na nasaktan si George na matagal na palang umiibig sa kanya kahit nalaman ng lalaki na ginamit lang niya ito upang pasakitan ang sariling ina.
Makalipas ang sampung taon, bumalik sa Pilipinas si Martha. At sa kanyang pagbabalik ay kailangan niyang makipagkita sa asawa upang maisaayos ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal. Kasabay nito ang isang sorpresang kanyang dala na maaaring magpabago ng desisyon nilang pareho na maghiwalay na nang tuluyan. Pero mangyari kaya iyon kung sa kanilang pagkikita ay malaman ni Martha na may iba nang babaeng gustong pakasalan si George?

8. PHR 5266 Unexpected Love Story by Keene Alicante


Nagulat si Bettina nang pagsungitan siya ng kilalang beterinaryo sa bayan ng San Antonio na nahuli niyang nagtatago nang lapitan niya. Inakusahan pa ng beterinaryo si Bettina na isa sa mga isinugo ng kapatid nito at ginagamit lang ang alaga niyang pusa para lang makalapit sa binata.
Napag-alaman niyang ito si Dr. Linus Arboleda, who apparently had a problem with women who kept on coming to tie him down to a wedding. Or so she’d heard. Salamat sa pakikialam ng kapatid nito kaya nagkaroon na yata si Linus ng phobia sa mga babae. Kaya para tigilan na ang pobreng beterinaryo ng mga babae—partikular na ang dating nobya nito—ay pumayag si Bettina sa suhestiyon ng kapatid ni Linus na magpanggap bilang fiancée nito. Wala namang problema iyon sa kanya.
Ang tanging nais niya ay makatulong sa kanyang kapwa.
The only problem was, she also became a victim and fell for the cynical yet charming Dr. Linus. Ngunit alam ni Bettina sa sariling hindi siya puwedeng ma-in love kay Linus dahil engaged to be married na siya sa boyfriend niya.

9. TRN 27 The Best Of Me by Nicholas Sparks


“Lahat ay gustong maniwala na maaaring totoong may walang-kamatayang pag-ibig. Minsan din siyang naniwala roon, noong labingwalong taong gulang siya.”
Noong 1984, panahon ng tagsibol, walang makapipigil sa labis na pagmamahalan ng mga estudyante sa high school na sina Amanda Collier at Dawson Cole. Kahit pa malayo ang agwat nila sa buhay sinuway nila ang mga paniniwala sa maliit na bayan ng Oriental, North Carolina. Ngunit bago pa man matapos ang tag-init sa huling taon nila sa high school, ilang pangyayari ang naging dahilan upang magkahiwalay sila, dahilan upang tahakin nila ang magkakalihis na landas.
Ngayon, pagkatapos ng dalawampu’t limang taon, napilitan sina Amanda at Dawson na bumalik sa Oriental para sa libing ni Tuck Hostetler, ang kumunsinti sa batang-pag-ibig nila noon. Nalaman ng dating magkasintahan na kapwa nila hindi nakamtan ang buhay na gusto nila para sa kanilang mga sarili; hindi rin nila nalimutan ang kapusukan ng kanilang unang pag-ibig na bumago sa kanilang mga buhay.
Habang sinusunod nina Amanda at Dawson ang mga iniwang tagubilin ni Tuck, natanto nila na ang lahat ng kanilang nalalaman—tungkol kay Tuck, sa kanilang mga sarili, at sa pinakamimithi nilang pangarap—ay malayo pala sa inakala nilang katotohanan. Napilitang harapin ang masasakit na alaala, matutuklasan ng dating magkasintahan ang mga hindi maitatatwang katotohanan tungkol sa mga ginawa nilang pagpapasya. At sa loob ng nagbabagang dalawang araw maiiwan ang katanungang: Talaga bang kayang baguhin ng pag-ibig ang nakaraan?
Back to top Go down
 
June 11, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar June 27, 2014 episiode caps
» George Clooney Aficionados News 21 June 2014
» Madhubala - Written Update - 3 June 2014
» Kumkum Bhagya 6th June 2014 Watch Online
» RANGRASIYA:RUDRA & PARO:DEPARTING FROM MAJOR RUDRA CENTRAL... JUNE 2nd 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: