HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 4, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 4, 2014 Book Release   Mon Aug 04, 2014 1:16 am

1. PHR 5251 Bistro Guwapo 7: Terrence Abueva by Maxine del Carmen


Isinara na ni Yvonne ang puso niya sa mga lalaki. Ilang beses din kasi siyang nasaktan at natakot na siyang magtiwala pa. Isa pa, kaya niya namang mag-isa. Isa siyang malakas na babae at hindi niya kailangan ang tulong ng kahit na sino lalo na kung lalaki ang tutulong sa kanya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Terrence. Gamit ang sandamakmak na karisma, nais ipabatid ng binata sa kanya na okay lang namang muling magmahal at magtiwala.
At kasabay niyon ay nagtagumpay si Terrence na buwagin ang matatag na paniniwala ni Yvonne na kaya niyang mag-isa dahil sa araw-araw na kasama niya ang binata ay ayaw na niyang mawala ito sa kanyang buhay.

2. PHR 5252 Addis Springs 3: Mitchell Addis by Camilla


Ayaw pa sanang mag-asawa ni Haley, pero masyadong nag-aapura si Mitchell. Kasasagot pa lang niya sa binata, nagpo-propose na kaagad ng kasal!
Pero dahil mahal naman niya si Mitchell, napapayag na rin siya. Langit pala ang ibigin ng isang Mitchell Ruiz-Addis, hanggang sa umeksena ang ex-girlfriend from hell… making Haley forget about Mitchell—literally.

3. PHR 5253 Runaway Lenna by Charisma Contreras


Lenna is living a simple and quiet life in Corazon. The kind of life she has always wanted. Masaya at kontento na siya sa buhay, ngunit nabulabog ang kanyang mundo nang magkitang muli ni Cliff, ang lalaking naging dahilan kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon.
Sa nakalipas na siyam na taon, inalagaan ni Lenna ang pag-ibig kay Cliff at tahimik na umaasa na muli silang magkita. Pero katulad ng walang nagbago sa pag-ibig niya kay Cliff, wala ring nagbago sa sitwasyon nila. Iba pa rin ang laman ng puso nito. She had to do it again. Run away.

4. PHR 5254 Maggie’s Diaries 3: Nobody Compares To You by  Nikki Karenina


Dear Diary
We shouldn’t expect love. It always, always comes to us unexpectedly, just like conflicts and complications. Hindi naman kasi consistent ang takbo ng buhay ng isang tao, `di ba? Sa una, akala mo hindi mo mahal, iyon pala mahal mo. Sa una, akala mo siya iyong gusto mo, hindi naman pala. Iyon ang nangyari sa `kin. I thought I hated Kye, and chose to go with Kaizen, only to realize that it was Kye I really loved. The worst thing about it is—they’re brothers.

Yours,
Czarina

5. PHR 5255 We Can Learn To Love Again by Saab de Andrade


Kahit mahirap para kay Michelle ay kinakaya niyang gampanan ang tungkulin sa trabaho. Even if she knows that behind her back, there is one person who is always looking at her—si Josh, isa sa kanyang mga modelo sa Twin’s Modeling Agency at tinaguriang “Papa Dimple” ng TMA.
Naging maganda ang pakikitungo nila sa isa’t isa. She’s the boss and he’s one of her assets. Pero kahit strictly professional ang pinapairal ni Michelle sa pakikipag-ugnayan sa binata ay tila iba naman ang agenda nito sa pagpapapansin at pang-aasar tuwing nagkikita sila. Things changed when Josh started to show her again all his feelings she had willed herself to forget. Nalaman ni Michelle sa sarili na kailan man ay hindi nagbago ang damdamin niya para dito at ganoon din ang lalaki sa kanya.
They started anew. Kinalimutan nila ang anumang sakit na dulot ng kahapon. Napakasaya niya sa bawat sandaling kasama si Josh. And when Michelle thought she was already the happiest woman on earth, she was proven absolutely wrong because just like before, he hurt her again for the same reason.

6. PHR 5256 Seasons Of Love 4: Moonlight In Autumn by Juris Angela


Noon pa man ay umiibig na si Micah kay John Kim. Pero hindi siya nakikita ng binata dahil inilihim siya ng kakambal niyang si Clarize na nobya ng binata. Ngunit may mga pagkakataong nakakasama ni Micah si John Kim nang lingid sa kaalaman ng binata—iyon ay kapag si Micah ang nagpapanggap na Clarize kapag hindi sinisipot ng kapatid ang nobyo.
Sampung taon ang lumipas ay muling nagkrus ang mga landas nina Micah at John Kim. Pero gaya ng dati, alam ng binata na si Micah si Clarize. Nang sabihin ni Micah ang totoo na kakambal siya ni Clarize ay ayaw maniwala ni John Kim hanggang sa dinala niya ang binata sa puntod ng kapatid na namatay sa brain tumor.
Inakala ni Micah na doon na magtatapos ang pagkikita nila ni John Kim pero nagulat siya nang patuloy na mangulit ang binata. Hindi na niya natanggihan si John Kim nang sabihin nitong nais nitong maging magkaibigan sila. Naging malapit sila at nahulog ang loob sa isa’t isa.
Inakala ni Micah na kaya nakipaglapit si John Kim sa kanya ay dahil sa wakas nakikita na siya nito bilang siya. Pero nagkamali siya.
Ginagawa lang pala iyon ni John Kim dahil nami-miss nito si Clarize. At mukhang mahal pa rin ng binata ang kakambal niya.

7. PHR 5257 A Memory Of Yesterday by Avi Cabrera


Noon pa man ay pangarap na ni Andeng na maging isang sikat na fashion designer. Pero maraming balakid sa pangarap niya. Naroon ang tiyahin niyang sugapa sa pera at ang pinsan niyang tila alalay ang tingin sa kanya.
Pero sumidhi ang kagustuhan ni Andeng na matupad ang pangarap nang makilala niya si Adam, ang Manileño na nagbabakasyon sa kanilang probinsiya. Unang pagkikita pa lang ay nakaramdam na agad si Andeng ng atraksiyon para sa binata. Atraksiyong hindi nagtagal ay lumalim nang lubusan niyang makilala si Adam.
Mula noon, nadagdagan ang pangarap ni Andeng: ang mahalin din siya ni Adam.
Iyon nga lang hanggang sa pagmamahal ni Andeng ay may mga humahadlang pa rin: ang pinsan niya, ang kapatid ni Adam na nagnakaw sa mga disenyo niya, at ang mga tao sa mundong ginagalawan niya. Pero desidido si Andeng. Hindi na siya ang dating inosenteng probinsiyana na kinakayan-kayanan ng lahat. Makikipagsabayan siya at lalaban upang makamit hindi lang ang kanyang mga pangarap kundi maging ang pagmamahal ni Adam.
Kahit na nga ba walang kasiguruhan kung may katugon ang damdamin niya.

8. PHR 5258 Assassins 4: Gift, Lost And Found by Jelaine Albert


The last thing Pura wanted in her almost thirty-three years of existence was to have a fiancé younger than her. Higit na kinaaayawan niya ang mga katangian ng fiancé daw niya na ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap. His name alone—Gift—was beyond comprehension.
Madali lamang sana ang lahat dahil kung titingnan ang mga taglay na katangian ni Gift––violet-eyed, distractingly handsome, too masculine to be ignored, athletic and rich––ay malabong pumatol ang binata sa tulad niyang matanda, may makapal na salamin sa mga mata, at makapal na buhok. An old maid, to be exact. Subalit kabaliktaran ang nangyari. Gift admitted that he liked her.
Nagdeklara si Gift na liligawan si Pura hanggang sa magustuhan din niya ito. There was nothing to dislike about him, really. Kaya naman kahit hindi ito ang tipong magugustuhan ni Pura ay kusa pa ring bumigay ang kanyang puso. Ngunit kung kailan naman handa na siyang tanggapin ang binata sa kanyang puso ay saka naman ito nagpakita ng kalamigan.

9. TRN 28 An Indecent Proposition by Carol Marinelli (translated by Charme Lawrence)


Madalas na inaabangan ni Charlotte ang tawag ni Zander Buenaventura.
Si Zander ay isang businessman na nagmamay-ari ng lupang gustong bilhin ng amo ni Charlotte na si Nico. Sa dalas ng pakikipag-usap ni Charlotte sa telepono kay Zander ay napalapit nang husto ang loob niya sa binata. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang malamang maaari na niyang makilala nang personal si Zander.
Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ni Charlotte nang matuklasang kakambal pala ni Zander si Nico. Nagkaroon sila ng relasyon ni Zander bago pa man niya malaman ang lihim ng binata. Paghihiganti pala ang pakay ni Zander sa kanyang amo. At si Charlotte ay isa lang palang masarap na pampalipas-oras na magiging kasangkapan sa giyera ng magkapatid…
Back to top Go down
 
June 4, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Jodha Akbar June 27, 2014 episiode caps
» George Clooney Aficionados News 21 June 2014
» Madhubala - Written Update - 3 June 2014
» Kumkum Bhagya 6th June 2014 Watch Online
» RANGRASIYA:RUDRA & PARO:DEPARTING FROM MAJOR RUDRA CENTRAL... JUNE 2nd 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: