HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 28, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 28, 2014 Book Release   Tue Jul 01, 2014 10:56 am

1. PHR 5243 Addis Springs 2: Horton Addis by Camilla


Bukod sa pagiging flower shop owner, may isa pang negosyo si Philly—ang paggawa ng “gayuma.”
Sa negosyong iyon nakilala ni Philly ang guwapong si Horton Addis.
Hiningi ng lalaki ang “serbisyo” niya para pabalikin ang ex-girlfriend nito. Ayaw sanang tulungan ni Philly si Horton ngunit napahinuhod siya ng lalaki. Their mission was a success. Bumalik ang girlfriend ni Horton.
Pero talo si Philly. Na-in love siya kay Horton sa dalawang linggong isinakatuparan nila ang misyon.
She wished she was his ex-girlfriend.

2. PHR 5244 Pinakamagandang Lalaki by Jelaine Albert


Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa.
Kaya sumugod si Micah sa Kanaway—isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya—upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar. Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng “animal” appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon.
Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may “gawin” sa kanya ay baka siya pa ang may “kakaibang” gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.

3. PHR 5245 Moises’ Miracle by Lace


Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé na si Michael. Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman niyang pinaglalaruan lang siya ni Michael. Upang makalimot ay pumunta siya sa Kuala Lumpur at Singapore para magbakasyon. Pero hindi rin siya natahimik dahil nagkita sila roon ng lalaking antipatiko na muntik nang sumagasa sa kanya noong araw na malaman niya ang kataksilan ng kanyang ex-fiancé.
Tulad ng unang beses ay pangit pa rin ang nangyari sa muli nilang pagkikita. Pero nananadya nga yata ang tadhana at lagi silang pinagsasalpok ni Moises Gabriel Carrillo. Pero tadhana rin ang gumawa ng paraan para magkabati sila at unti-unting mahulog ang kanyang loob sa binata. Ang problema, binalaan na ni Moises si Hannah na huwag ma-in love dito dahil hindi nito iyon kayang suklian. Pero makulit ang kanyang puso at sumige pa rin. Hanggang sa dumating na ang sandali ng kanilang paghihiwalay. She had to let go of him though her heart was breaking.
Dahil nangako siyang hindi mai-in love kay Moises at mananatili lang na isang kaibigan sa binata.

4. PHR 5246 You Are The One For Me by Sofia


Hindi makakalimutan ni Sandy ang huling gabi niya sa Seoul, South Korea bago umuwi sa Pilipinas para pakasalan ang lalaking pinili ng kanyang lolo para sa kanya. Nag-uwi siya ng lasing na lalaki sa kanyang apartment and the guy stripped in front of her.
Nang muli silang magkaharap ay nalaman ni Sandy na ito pala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. He was Ares Manrique, heir of Pearl of the Orient Bank. At hindi magandang impresyon ang iniwan niya sa binata. Pinalabas ni Ares na sinamantala niya ang kalasingan nito, at isa siyang babaeng walang moral dahil nag-uwi siya ng lalaki sa kanyang apartment sa Seoul.
Kung ayaw ni Ares sa kanya, lalong ayaw niya rito dahil ito na ang pinakamayabang at pinakaaroganteng lalaki sa mundo na nakilala niya. Pero nang halikan siya ni Ares ay biglang nagbago ang kanyang isip. He was such a good kisser and she was willing to spend a hellish forever with him just to taste his kisses over and over again.

5. PHR 5247 Seasons Of Love Book 3: Memories Of November Fall by Juris Angela


Nagpunta sa Korea si Soo-jin upang hanapin ang kanyang ama. Pero nagkasunod-sunod ang problema niya. Nawalan siya ng trabaho, hindi niya nakita ang kanyang ama sa address na meron siya, at ngayon ay hinahabol pa siya ng isang loan shark.
Sa kalagitnaan ng pagtakas ni Soo-jin sa taong pinagkaka- utangan, nakabangga niya ang isa sa mga miyembro ng sikat na boy group na One Day—si Tyrone Han. At pinagbintangan pa siya ng lalaki na nagnakaw ng wallet nito. Napatunayang hindi totoo ang ibinibintang ng binata sa kanya. Galit na galit si Soo-jin at pinagbantaang gagantihan ang binata. Pero labis na nagsisi si Tyrone sa ginawa at sinabing handa itong tulungan siya hanggang sa mabayaran niya ang kanyang pinagkakautangan.
Dahil kay Tyrone, nagkaroon ng trabaho si Soo-jin at nabayaran ang kanyang pinagkakautangan. Wala nang dahilan para manatili pa siya sa poder ni Tyrone, kahit sinasabi ng puso niya na umiibig siya sa binata. Wala na talagang dahilan… dahil si Tyrone ay may iniibig namang iba.

6. PHR 5248 Assassin 3: Jomi, Ego, Pride,And Love by Tyra


Camille knew Jomi all her life. Kung may matatawag siguro siyang matalik na kaibigan ay ang binata na iyon. He knew everything about her the same way she knew everything about him. But one night changed it all. Bigla-bigla ay natali sila sa isa’t isa. In a commitment that will bind them together for life.
For five years, Camille did everything she could to make their marriage work. Pero habang tumatagal, lalo lang niyang hindi nagugustuhan ang nangyayari sa kanya. She was starting to turn into this bitter and insecure woman and she hated it. Kaya nang magkalakas-loob, Camille told Jomi that she wanted to end their relationship. Ang buong akala niya ay sasang-ayon si Jomi pero kabaliktaran ang nangyari.
Gustong itulak palayo ni Camille si Jomi, pero hindi niya magawa. Dahil aminin man niya o hindi, sa kabila ng mga pinagdaanan nila ay naroon pa rin sa kanyang puso si Jomi.
May pag-asa pa ba ang relasyon nila kung gayong napakatigas niya sa pagtanggi sa kanyang nararamdaman at si Jomi ay napakalaki ng ego na halos hindi na nito namamalayan?

7. PHR 5249 Sa Sandaling Kapiling Ka by Florabelle Salenn


Umalis si Charmaine ng kanilang bahay dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama. Hindi niya inisip kung saan man siya dalhin ng sinakyang bus, matakasan lamang ang kalungkutang nadarama.
Hanggang sa mapadpad siya sa isang malayong probinsiya, sa bayan ng San Isidro. Doon niya nakilala si Renzscott, ang lalaking napagkamalan niyang snatcher na isa palang respetadong alagad ng batas.
Sa una pa lang ay inis na ang nadama nila para sa isa’t isa. Pero akalain ba naman ni Charmaine na sa bahay rin pala siya ng binata makikituloy? Lagi silang nagbabangayan kaya hindi inaasahan ni Charmaine na mahuhulog ang damdamin niya kay Renzscott. Kaya lang ay may mabigat na tungkulin ang binata na dapat unahin.
May pag-asa kaya siyang mahalin ni Renzscott gayong may mas malaking responsibilidad ang binata kaysa ang alagaan siya at mahalin?

8. PHR 5250 Love Links 2: Chasing Drei by Amethyst


Isa si Andrei Wallas sa pinakaguwapo at pinakasikat na artista sa bansa na pinagpapantasyahan ng kababaihan, kabilang na si Melody, isang disisais anyos na comic writer. Weirdo nga yata si Melody dahil bukod sa nakahanda siyang tawirin ang pitong kontinente ay nag-propose pa siya ng kasal kay Andrei. Sa binata niya natagpuan ang inspirasyong makabuo ng perpektong karakter sa isinusulat na manga.
Parang battery si Melody na nalo-low batt kapag hindi nakikita at nakakasama si Andrei. Pero pinagtatawanan lang siya nito—ang proposal niya at ka-weird-an. She was only some strange brat for him.
Pasalamat na lang si Melody dahil manager ni Andrei ang kapatid niya kaya siya nakakalapit sa binata. Pero ibang usapan na kung sobrang unreachable na ni Andrei dahil sa pagiging celebrity nito. Paano na ang love story nilang kinakatha niya sa isip? And he even saw her as an obsess stalker…

9. TRN 22 Bachelor’s Bought Bride by Jennifer Lewis (translated by Anna Gisella)


Sa unang pagkakataon ay may isang lalaking nagpakita ng interes sa heiress na si Bree—si Gavin Spinoza, isang ordinaryong account executive. Noong una ay hindi makapaniwala si Bree. Napakaguwapo at napakatalino kasi ni Gavin. At hindi rin siya makapaniwala na dalawang linggo pa lang silang lumalabas-labas ng binata ay niyaya na siya nitong magpakasal. Noong una ay nagdududa si Bree. It was too good to be true.
Pero nanaig din naman ang nararamdaman ni Bree kay Gavin kaya pumayag siyang pakasal sa binata. Nagtaka pa siya na hindi nagwala o tumutol man lang ang daddy niya. At habang tumatagal ang pagsasama nila bilang mag-asawa, natuklasan ni Bree kung bakit siya pinakasalan ni Gavin. Binayaran pala si Gavin ng ama ni Bree ng isang milyong dolyar kapalit ng pagkuha ni Gavin sa kanya sa poder ng kanyang ama na ang tingin sa kanya ay matandang dalaga na sa edad na beinte-nuwebe.

10. TRN 23 The Nanny And The Boss’s Twins by Barbara McMahon (translated by Ann Margaret)


Dalawa ang paboritong gawin ni Stacey Madrigal—ang mag-travel at mag-alaga ng mga bata. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang trabahong pag-aalaga sa kambal na anak ng guwapong si Luis Aldivista.
Ang nais lang ni Luis—na maagang nawalan ng asawa—ay ang makitang masaya ang kanyang mga anak. Pero mukhang kahit siya ay naaapektuhan na sa pagiging masayahin ni Stacey.
Alam ni Stacey na madali lang ang pag-aalaga sa mga bata, mas mahirap pa ngang mapangiti kahit kaunti ang may-pagkasupladong ama ng kambal. Kinuha siya ng lalaki para maging pansamantalang tagapag-alaga ng mga bata, pero habang lumilipas ang mga araw ay gusto na ni Luis na manatili siya roon… bilang permanenteng tagapag-alaga ng kambal… o bilang asawa nito?

11. TRN 24 The Disgraced Playboy by Caitlin Crews (translated by Ice Jimenez)


Walang nakakatanggi kay Lucas. Lahat ng ginusto ng binata ay napapasakamay nito. Isang pitik ng daliri at nagkakandarapa ang mga babae. Walang babaeng nakakalusot sa bitag ni Lucas Wolfe—the famous playboy.
At alam ni Grace na kayang sirain ng isang tulad ni Lucas Wolfe ang kanyang pinakaiingat-ingatang career. Hindi niya hahayaang mangyari iyon, kahit pa ramdam ni Grace ang atraksiyon sa pagitan nila. But working with Lucas was thrilling. Pagkatapos bihagin ng binata ang puso ni Grace, nakalimutan niya ang lahat. Kahit ang kanyang prim-and-proper shell ay nabuwag…

12. TRN 25 The Man Who Risked It All by Michelle Reid (translated by Angelica Valles)


Isang masamang balita ang bumulaga kay Lexi—naaksidente ang dati niyang asawa, si Franco, sa sinasakyang speedboat na pangarera at namatay sa nasabing aksidente ang matalik na kaibigan nitong si Marco.
Matindi ang tinamong pinsala ni Franco. Tinawagan si Lexi ng ama ni Franco at hinihingi ang kanyang tulong. Siya lang daw ang nais makita ng dating asawa.
Dating asawa.
Kaya ipinagtataka ni Lexi kung bakit nais pa siyang makita ni Franco gayong mahigit tatlong taon na silang hiwalay. Wala na dapat siyang kinalaman pa sa lalaki. Pero natagpuan na lang ni Lexi ang sarili na nasa tabi ni Franco at inaalagaan ito. Natagpuan din niya ang sarili na nahuhulog muli ang loob sa dating asawa.
Pero si Franco, wala pa ring ipinagbabago. Masamang babae pa rin ang tingin sa kanya, lalo na at ang akala pala nito ay si Marco ang ama ng ipinagbubuntis niya noon na sa kasamaang-palad ay nalaglag.
Back to top Go down
 
May 28, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» CollectA 2014: SEALIFE - Bowhead Whale (88652)
» Mojo 2014 Releases with Dates

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: