HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 21, Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 21, Book Release   Tue Jul 01, 2014 10:32 am

1. PHR 5235 Caught Between Good-bye And I Love You by Spring Mendez


Nang muling makita ni Christmas si Throne sa isang hindi sinasadyang pagkakataon ay labis-labis ang saya ni Christmas dahil napukaw niya ang atensiyon ng binata. Si Throne ang tanging lalaking pinangarap niya kaya nang yayain siya nitong magpakasal ay agad siyang pumayag.
Pero sa isa ring hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaman ni Christmas na palabas lang pala ni Throne ang lahat, na hindi talaga siya mahal ng binata. Dahil ang pakay nito ay ang pasakitan siya upang makabawi sa atrasong hindi naman siya ang gumawa.
“I just wanted to feel his love for the meantime. Because everything was real for me from the very beginning… no matter how fake they were for him.”
Martir na kung martir pero hihintayin ni Christmas si Throne kahit alam niyang walang plano ang lalaki na siputin siya sa araw ng kanilang kasal.

2. PHR 5236 When A Heart Makes A Promise by Avi Cabrera


Bata pa lang sila ay minahal na ni Angela si Hansi. Pero hindi nasuklian ng binata ang pagtingin ni Angela kaya naibaling ng dalaga ang atensiyon sa best friend ni Hansi na si Warren, na totoong nagmamahal sa kanya.
Lumipas ang ilang taon at inakala ni Angela na simpleng infatuation lang ang naramdaman niya noon para sa kababatang si Hansi. But a tragedy struck, at ibinalik niyon si Hansi sa sentro ng buhay ni Angela.
Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti nilang natagpuan ang mga sariling binabalikan ang nakaraan. Kahit sa kanilang mga sarili ay hindi sila sigurado kung nararapat pa nilang tuparin ang mga pangakong binitawan noon.

3. PHR 5237 Maggie’s Diaries Series 1: Love Took Over by Nikki Karenina


Dear Diary,

Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina DJ Penn Fonacier at Will Borja… Will as the man of my dreams and the target; and DJ Penn as the helper and Cupid.
Kay Will, kinikilig ako. Kay DJ Penn, nao-awkward-an ako. Si Will ang target ko at si DJ Penn ang tumutulong sa akin para magkagusto rin sa akin si Will. He’s an efficient teacher. Dahil nagustuhan din ako ni Will.
Until I learned about his secret and my heart found its real match. Pero iyong taong hinahangad ng puso ko ay nakatali na pala sa iba. Paano na ako ngayon?

Yours,
Cyrene

4. PHR 5238 My Smiling Assassin by Aya Myers


Die-hard fan si Riza ni Marc Marquez, ang MotoGP champion at tinaguriang “The Smiling Assasin” ng motorcycling world. He was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every woman’s heart.
Naniniwala si Riza na may magandang plano si Kupido sa love life niya dahil nang muntikan siyang malunod, sa dinami-rami ng mga lalaki ay si Marc pa ang nagligtas sa kanya. Inalagaan siya nito at hindi iniwan. Dahil doon kaya lalong lumalim ang paghanga niya sa binata. Nangarap siya ng happy-ever-after sa piling ni Marc kahit batid niyang imposibleng mahalin siya ng lalaki.
Pero isang araw ay biglang nagpahiwatig ng pag-ibig kay Riza ang binata.
At halos magtatalon siya sa tuwa.
Kontento at masaya na sana si Riza sa piling ni Marc pero biglang napalitan ng pait at sakit dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay ng dalaga. Nadamay pati ang relasyon nila ni Marc. Lalo siyang nasaktan nang lumayo ang binata.
Paano na ang happy-ever-after nila?

5. PHR 5239 Hello Again, My One And Only by Lace


February was the golden girl, the princess. Wala siyang ginusto na hindi nakukuha. Kaya naman nag-init ang kanyang ulo nang parang may sakit siyang iniiwasan ng probinsiyanong transferee na si Raymond Angeles. He was one gorgeous hunk that caught February’s attention. Sunod siya nang sunod sa binata na hindi pa nangyari kahit kailan. Nasaktan siya nang sabihan na parang asong bubuntot-buntot kay Raymond kaya nagalit siya at binalak na gantihan ang binata.
But he became her unexpected hero in a school dance. At himala ng mga himala ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging close. Pero hindi iyon tumagal, umalis si Raymond na galit dahil sa maling akala na pinaglaruan niya ito.
Limang taon ang lumipas at muling nagbalik si Raymond. He was now a famous swimmer. Baliktad na ang kanilang mundo, mahirap na si February. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakikipaglapit sa kanya si Raymond na para bang hindi siya iniwan noon.
And how can she stop herself from falling in love with him all over again?

6. PHR 5240 My Crazy Ex-Girlfriend by Sunny Diamond


Masayahin, makulit, at mapagmahal. Ganyan si Mai ten years ago. Dala ng misteryosong psychological disorder na “X Syndrome” na sanhi ng aksidenteng kinasangkutan ay nag-one-hundred-eighty-degree turn ang ugali ng dalaga. She became an unsociable introvert, a rigid perfectionist, and an obsessive-compulsive monster that was devoid of all emotion. Sa madaling-salita, she was crazy.
Kaya naman nang magbalik ang kanyang ex-boyfriend—si Lao—na nang-iwan sa kanya sampung taon na ang nakararaan, hindi nakapagtatakang bale-wala na lang para kay Mai ang sakit na naramdaman niya noon. Kahit malinaw na malinaw sa alaala niya ang nakaraan nila ni Lao, naniniwala siyang ang nakalipas ay nakalipas na. Or so she thought…

7. PHR 5241 The Maggie’s Diaries 2: Wonderstruck by Nikki Karenina


Dear Diary,

Once upon a time, I became a stupid bitch for almost ruining my sister’s happy ever after. At ngayon, kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanang nagawa ko. Butthen again, mabait pa rin sa akin si Fate dahil binigyan niya ako ng Knight in Shining Armor—si Jace. I have always dreamed of a Prince Charming who would sweep me off my feet and run away with me. Pero bakit pa ako maghahanap niyon kung nandiyan naman si Jace? He’s much more of a Prince Charming. Ang pagkainis ko sa kanya ay unti-unting nauwi sa pag-ibig. Pero kung kailan malapit na sa “happy ever after” ang istorya namin ay saka naman may umeksenang kontrabida—na dalawa pa.

And before I knew it, everything went topsy-turvy, then I turned out to be the villain in my very own love story again. Ang masakit pa doon, pati si Jace ay naniwala sa isang kasinungalingang hindi ko naman talaga sinadyang sabihin. Will I still have a third chance for a happy ever after? O sadyang nakatakda talaga akong maging forever alone at palaging maging kontrabida?

Yours,
Selena

8. PHR 5242 The Breakers Corazon Sociedad Book 3: Matthew Azcarra by Venice Jacobs


Liezl was very much contented with her life—having a stable job, a happy family, and a perfect love life with her longtime boyfriend Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, isang lisensiyadong doktor. Wala na siyang mahihiling pa.
Pero isang aksidente ang nagpabago ng lahat. She couldn’t remember anyone from the past except her best friend. At si Matthew lamang ang karamay niya nang mga panahong iyon. Kasabay ng pagkalimot niya sa ilang mahahalagang alaala sa kanyang buhay, may isang damdaming tila nagpupumilit at naghuhumiyaw, at lahat iyon ay dahil kay Matthew. “You really can’t remember anyone else?” he asked.
“I can’t…” Kahit anong pilit ni Liezl ay wala talaga siyang maalala.
“How about Justin?”
She looked at him, puzzled. “Who’s he?”
Tinitigan lang siya ni Matthew pero hindi sinagot ang kanyang tanong.
Bakit parang nag-aalangan ang binatang sagutin siya?

9. TRN 20 The Ruthless Caleb Wilde by Sandra Marton/(translated by Jade Alleje)


Kahanga-hanga na ang mapagmalaki at magaling na babaeng ito ay kanya. Kanya para alagaan. Para protektahan. Para pangalagaan. Para makasalo niya sa buhay. Si Salvia ay para sa kanya. At siya ay para dito.
Guwapo, matalino at walang kinatatakutan si Caleb Wilde. Pero sa mga nakalipas na buwan ay ginugulo siya ng isang alaala ng isang babaeng nakilala at nakasama niya—si Salvia. Galit siya rito dahil sa panloloko ng babae sa kanya. Kaya laking gulat ni Caleb na si Salvia ang tinutukoy ng kliyente niya na babaeng dinadala ang apo nito. At gusto ng kliyente niya na makuha ang bata mula kay Salvia.
Magaling na abogado si Caleb kaya sigurado siyang mapapapayag niya si Salvia sa kasunduan. Pero ang hindi niya inaasahan ay nang sabihin ni Salvia na anak niya ang dinadala nito. At ang mas nakakagulat ay naniniwala siya sa babae kahit pa niloko siya nito. Handa si Caleb na gawin ang lahat para sa anak niya, ang hindi lang siya handa ay ang harapin ang nararamdaman niya para kay Salvia.
Back to top Go down
 
May 21, Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: