HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 14, 2014 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 14, 2014 Book Release   Fri Jun 20, 2014 6:21 am

1. PHR 5226 Seasons Of Love 1: Blame It On The Rain by Juris Angela


Lai has set her eyes only on John Lee. Maging ang puso niya ay inilaan niya nang buo para sa binata. Naniniwala siyang ito ang lalaking nakalaan sa kanya.
Dahil sa propesyon ni John Lee bilang singer at miyembro ng grupong One Day ay madalas itong nasa labas ng bansa. Sinusundan pa rin ni Lai ang binata, dahilan para mainis ito sa kanya.
Pero kahit sinasabi ni John Lee na makulit si Lai at ayaw siyang kasama, taliwas naman doon ang ikinikilos nito na labis na ikinatutuwa ng dalaga.
Ipinaramdam nito kung gaano siya kaespesyal.
Hanggang sa natupad ang inaasam-asam niyang romantic date kasama si John Lee, at hindi niya inaasahan na sa date na iyon magaganap ang kanyang first kiss. But after that, things were never the same again.
Lumayo si John Lee at tuluyan na siyang iniwasan. At ang malala, ipinamukha ni John Lee sa kanya na hindi siya ang gusto nito at may iba nang mahal ang binata.

2. PHR 5227 Seasons Of Love 2: A Winter’s Love by Juris Angela


Nagmula sa mayamang pamilya si Jami. Her dad even sent her to Seoul, South Korea to study Fashion Design. Ngunit nag-three hundred sixty degrees turn ang buhay niya nang isang araw ay makatanggap siya ng balitang namatay ang daddy niya dahil sa atake sa puso at iniwan sa kanya ang sangkaterbang utang ng kompanya.
Nagdesisyon si Jami na bumalik sa Seoul para ipagpatuloy ang pag-aaral. Pero sa pagkakataong iyon ay naging mahirap na para sa kanya ang lahat. Para matustusan ang pag-aaral ay nagtrabaho siya bilang PA ni Perry Hwang, ang isa sa mga miyembro ng grupong One Day.
Pero hindi lang trabaho ang nakuha ni Jami kundi pati ang puso ni Perry. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa at nagkaroon sila ng relasyon.
Ngunit kailangan nilang pansamantalang maghiwalay nang makatanggap si Jami ng scholarship sa Paris. Pagkakataon na niya iyon upang tuparin ang kanyang pangarap kaya walang pagdadalawang-isip na umalis siya sa kabila ng pagtutol ni Perry. Nangako siya sa binata na magkikita sila sa dati nilang tagpuan pagkalipas ng isang taon.
Pagkalipas ng isang taon, dumating siya sa kanilang tagpuan.
Pero hindi si Perry ang sumalubong sa kanya kundi ang balitang mayroon na itong iba.

3. PHR 5228 Trapped In A Vengeful Heart by Spring Mendez


Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay dinukot at binihag niya ang pinakamamahal nitong fiancée na si Gianna at dinala sa kanyang pribadong isla.
Ngunit sa araw-araw na nakakasama niya ang dalaga ay siya rin ang nahuhulog sa sariling bitag. He fell in love along the way with Gianna. Sa panibagong laban nilang iyon ng kanyang kakambal, masiguro pa kaya ni Caleb ang kanyang pagkapanalo?

4. PHR 5229 Addis Spring 1: Nathan Addis by Camilla


Si Nathan ang tagapagtanggol ni Maria Teresita Concha, o mas kilala sa palayaw na “Chiching,” sa pangangalakal ng basura noong mga bata pa sila. Ramdam ni Chiching na may gusto si Nathan sa kanya hanggang sa lumaki sila, subalit hindi naman nagtatapat ang lalaki. Hanggang sa bigla na lang itong nawala, tila napagod na sa pagpaparamdam sa kanya.
Nang magtrabaho si Chiching sa Addis Springs Resort, doon niya natuklasan na isa pala si Nathan sa kanyang mga bagong amo. Kung kailan tinanggap ni Chiching sa sarili na nangulila siya kay Nathan dahil mahal niya ito, saka niya nalaman na may nobya na ito—at siya naman ay may nobyo na rin.
Pero para saan ang masidhing halik na bigla na lang nilang pinagsaluhan sa unang paghaharap pa lamang nila sa tila paraisong lugar na iyon?

5. PHR 5230 Bistro Guwapo 6: Steve Cortez by Maxine del Carmen


Mahigpit ang tatay ni Harriet sa kanya dahil ayaw nitong tumulad siya sa kanyang ina. It was okay with her. Wala siyang love life at wala rin siyang social life. She thought she was okay with having no boyfriend but she realized that her life was boring when she met Steve.
Si Steve ang nakapagpa-activate ng puso ni Harriet na akala niya ay walang pakiramdam. Laging kumakabog ang kanyang dibdib kapag nakikita niya ang binata. Lalo nang hindi natahimik ang puso niya nang magsimula siyang sundan ng binata.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Na-miss kita agad, eh.”
“Paano mo nalamang dito ako pupunta?”
“Binulong sa akin ng tadhana.”
Kahit pa lagi itong binabara ni Harriet, si Steve ang nakapagparamdam sa kanya ng iba’t ibang emosyon na hindi niya alam na kaya niyang maramdaman. He made her angry, he made her smile, and he made her fall for him. Pero nalaman ni Harriet na dahil lang pala sa pustahan kaya siya nilapitan ni Steve.

6. PHR 5231 SCU: Campus Girls: Faye, The Feminist Leader by Heart Yngrid


In a world conventionally dominated by men, Faye’s mission was to seek and fight for an equal place for women. Bilang lider ng isang feminist sorority sa Saint Catherine University, taglay ni Faye ang mga katangiang pantapat sa kakayahan at lakas ng mga lalaki. Lihim na pinarurusahan ng kinabibilangan niyang sorority ang mga lalaking may mababang pagtingin at pagturing sa mga babae—o ang mga sexist.
Until one man stood up for his fellow sexists—si Nico. Natuklasan kasi ni Nico ang vengeful scheme ng sorority ni Faye. Nico, who was so full of himself, told her that the earth was a man’s world. At ang mga babae ay nilikha lamang para sa mga lalaki. Kaya wala raw saysay ang paghahanap ni Faye ng gender equality dahil hindi raw talaga iyon nag-e-exist. Doon nagsimula ang kanilang series of battles of genders.
Kapwa nila nais patunayan ang supremacy at equality ng kasarian ng isa’t isa.
Ngunit habang nakikipagtunggali si Faye kay Nico ay hindi niya inaasahang ipagkakanulo ng sariling puso—dahil sa tingin ni Faye ay in love na siya kay Nico. Hindi iyon dapat malaman ng binata dahil kapag nangyari iyon ay malalaman ni Nico na talo siya sa kanilang laban.

7. PHR 5232 Hiling Na Himala by Laurice del Rio


Super close si Alanis sa kanyang kapatid kaya nang mamatay ito ay hindi niya alam kung paano tatanggapin. Mabuti na lang at may naiwang alaala sa kanya ang kapatid, ang anak nitong si Benjo.
Mahal na mahal ni Alanis ang kanyang pamangkin kaya ganoon na lang ang pagkahindik niya nang muntik itong ma-kidnap. Kung hindi pa sa tulong ng isang macho guwapitong lalaki ay baka natangay na ng kidnapper ang bata.
Masarap sanang pag-ilusyunan ang lalaki na nagngangalang “Keith,” pero mulat si Alanis sa realidad na ang isang chaka doll na katulad niya ay imposibleng magustuhan ng isang katulad ng lalaki.
But to her surprise, Keith seemed to want to get to know her better.
Napakapursigido pa nga ng lalaki sa bagay na iyon. What made him more endearing to her was the tenderness and love he showed to her nephew. Nilalabanan man ng matinong isip ni Alanis ang hinalang baka nga naghimala ang langit ay natagpuan niya ang sarili na nagsisimula nang maniwala na tinablan nga ng sex appeal niya ang lalaki.
Hanggang sa matuklasan ni Alanis ang tunay na rason kung bakit ang isang mala-Greek god na katulad ni Keith ay handang mag-alok ng kasal sa isang chaka face na kagaya niya, na halos dumurog sa kanyang puso.

8. PHR 5233 Posh Girls 3: Scarlet by Sapphire Morales


Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at mayabang. Lahat na yata ng negatibong ugali ay na kay Scarlet na. Hindi iyon nakapagtataka dahil lumaki siyang sunod sa layaw kaya hindi siya makapaniwala nang sabihin ng kanyang papa na ipapakasal siya nito sa isang kaibigan. Sino nga ba ang matutuwa kung kasing-edad ng kanyang papa ang lalaking pakakasalan niya?
Pero mukhang buo na ang pasya ng ama ni Scarlet na ituloy ang plano kaya tinakasan ito ng dalaga. Kaya lang ay mukhang hinahabol siya ng malas! Mantakin mo ba namang maholdap siya at muntikan pang ma-rape? Mabuti na lamang at dumating ang kanyang knight in shining armor­—si Francis, ang dati niyang driver at bodyguard. Hindi niya makasundo ang binata pero wala siyang ibang choice kundi lunukin ang kanyang pride at magmakaawang tulungan ni Francis.
At mukhang planong ibalik ng lalaki ang lahat ng mga ginawa niya rito noon. Ngayon ay ito naman ang nasa posisyon para pahirapan siya.

9. PHR 5234 Beautiful Dream by Belle Feliz


Batang-bata pa si Khloe nang umibig kay Zantiago. Kumbinsido ang dalaga na si Zantiago ang lalaking para sa kanya at mahal din siya ng binata. Hindi alintana ni Khloe kahit na buo ang paniniwala ng lahat na isang “binabae” si Zantiago. Alam ng kanyang puso na isa itong tunay na lalaki. Napatunayan na niya iyon nang minsang hagkan niya si Zantiago at tumugon ang katawan nito.
Alam ni Khloe na kailangan lang ni Zantiago na magpanggap na binabae upang makasali sa isang beauty pageant na may malaking premyo.
Kailangan ng pera ni Zantiago kaya sinuportahan ni Khloe sa abot ng kanyang makakaya. Minahal niya ang binata at niyakap ang buong pagkatao nito.
Pagkakuha ni Zantiago ng korona, umalis ito at iniwan si Khloe. Labis na nasaktan si Khloe ngunit wala nang nagawa kundi pakawalan ang binata kahit na nasaktan nang labis ang kanyang batang puso.
Pagkalipas ng maraming taon, nagbalik sa buhay ni Khloe si Zantiago. Madurugtungan ba nila ang kahapon sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang buhay? Sila pa rin ba ang dalawang batang wagas na nagmahalan noon?
Back to top Go down
 
May 14, 2014 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» CollectA 2014: SEALIFE - Bowhead Whale (88652)
» Mojo 2014 Releases with Dates

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: